Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

FINDING MR. RIGHT

$
0
0

Blessing sa buhay ng isang Happy Wife  ang pagkakaroon ng Mr Right sa kanyang life.

Feb-ibig na mga KaChink, ikaw ba ay naghahanap ng love life ngayon? Matagal mo na bang ipinagdarasal na sana mahanap mo na si Mr. Right ng buhay mo?

Pag-usapan natin ang iyong paghahanap. Baka naman nasa ibang lugar ka kaya hindi mo s’ya makita o kaya naman baka masyadong malayo ang iyong tingin kaya hindi mo s’ya mapansin, lol!

SI MR. RIGHT AY WALANG BISYO

Kung ang iyong jowa ay may bisyo at iniisip mo na magbabago s’ya kapag kayo ay kinasal… naku KaChink, think again! Haha!

Ang pagbabago ng isang tao ay kusa at dapat sariling kagustuhan niya. Hindi ito teleserye na bad guy meets the nice girl then sa ending magbabago si guy para kay girl.

Again, nasa tao ito. Kaya kung ayaw mong ma-stress sa bandang huli, ang walang bisyo ay walang bisyo. Period. Wala nang exception at paliwanagan pa.

SI MR. RIGHT AY GOOD PROVIDER

Oo naman. Dapat masipag at marunong panindigan ang kanyang desisyon sa buhay. Kapag nag-asawa na kayo, priority na kayo bilang pamilya n’ya.

Hindi ko naman sinasabi na balewala na ang mga magulang at kapatid, pero top priority na ang asawa at mga anak dahil pagsasama ninyong dalawa ito.

SI MR. RIGHT AY LOYAL

Yes na yes ito!

Ang isang tunay na lalaki ay stick to one.

Hindi na kailangan pang bantayan ni misis dahil panatag ang loob dapat ni misis na hindi ito magpapadala sa tukso kahit sinuman. No exception din dapat. No excuses din.

Hindi dapat natin bibigyan ng sama ng loob ang ating asawa. Tandaan ninyo:

“Blessing sa buhay ng isang Happy Wife ang pagkakaroon ng Mr. Right sa kanyang life.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-anong katangian ang pinaka-ayaw mo sa isang lalaki?
  2. Ano ang ideal guy mo?
  3. Ano ang paghahanda ang ginagawa mo para makita mo si Mr. Right?

Please watch my YouTube Video:

Paano Mo Malalaman Kung Nahanap Mo Na Si Mr. Right?

https://youtu.be/gd0qvI2cmEs

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here: https://lddy.no/8vdb 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post FINDING MR. RIGHT appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles