Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

How To Show Love On Mother’s Day

$
0
0
13180907 10153617075328034 1237124830

Isang araw na lang ay mag ce-celebrate nanaman tayo ng…oops hindi lang eleksyon, kundi Mother’s day.

May plano ka na ba para sa iyong nanay?

Nakapag isip ka na ba kung paano mo mapaparamdam na sila ang bida sa araw na iyon?

Sa ating asawa, Lola, Nanay, Mama, Mommy, Nanang, Inay, o kahit ano pa ang tawag natin sa kanila, they all deserve something extra special on this day.

How can we show our love and appreciation for them?

TREAT THEM OUT

Do you remember how they always bring you to places just to bond with you when you were younger? Gumagawa sila ng paraan at naglalaan ng oras para maipasyal lang tayo. Walang pagod na ginagawa nila para mapasaya lang tayo.

Alam ko na may sari-sarili din tayong mga pamilya.
Ano naman ang masama kung mag effort lang tayo kahit isang araw sa isang taon ng ipagkaloob natin ito sa ating ina.

Make them feel na itong araw na ito, ikaw naman ang bahala sa lahat.
Plan a day out and take them to places na magugustuhan nila or where they’d feel relaxed like sa spa, salon, or park.

COOK FOR THEM

In my case, I love to cook. Pwede mo rin gawin ito, personal na, mas matipid pa. The joy of knowing na ikaw ung umeffort na naghanda at hindi pa kasama doon yung masasayang kwentuhan at magandang alaala.

HIndi lang sila mabubusog sa pagkain kundi pati sa pagmamahal.

SHOWER THEM WITH HUGS AND KISSES

Ngayong malalaki na tayo, karamihan ng iba sa atin ay nahihiya ng maging affectionate o ‘cheesy’ sa ating mga nanay—but they miss that!

When you see them on this day, why not turn the table upside down and just do it. Alam niyo, there’s nothing that a kiss and hug can’t do to show how much we love them and how thankful we are for having them in our lives.

Sabayan niyo na din ng:
“Ma, thank you po sa lahat!”
“Nay, hindi man ako expressive pero gusto kong sabihin na mahal ko kayo”

MAKE TIME & GIVE UNDIVIDED ATTENTION

Usually, we are preoccupied with work, studies, and other distractions kaya kadalasan eh nahihirapan tayong ibigay ng buong buo ang oras natin sa kanila.

Halimbawa, pagkabati ng Happy Mother’s day, biglang:

  • Tingin sa cellphone at magche-check ng facebook
  • Text ng text
  • Nuod ng TV
  • Haharap na sa laptop at magtatrabaho

Give your full attention to them this time. Bitawan mo muna lahat ng wala namang kinalaman o yung mga bagay na nagdudulot ng gap sa inyo.

Let us make an effort to honor our mother today. Because this is the only time of the year that we get to actually give them a break and thank them for everything—sa lahat ng pagod nila, pag aaruga, at pagmamahal mula noon hanggang ngayon na minsan ay nakakaligtaan na nating gawin.

THINK. REFLECT. APPLY.

Do you have plans today?
Have you given your attention to your mother lately?
How can you show your love to her this mother’s day?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post How To Show Love On Mother’s Day appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles