Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

People Want Change

$
0
0
ANG TUNAY NA PAGBABAGO AY DAPAT MAGSIMULA SA ATING SARILI

Pagod na ang tao sa status quo.
Gusto na ng mga tao yung tunay na pagbabago.
Ayaw na ng mga tao yung panay pangako, pero napapako.
Kaya nga siguro, pinili ng karamihan ang isang kandidato na walang written speeches o gumagamit ng salitang kanto.

Bakit? Kasi, people want real and honest change.

Pagod na ang mga tao sa criminality, riding in tandem, lack of justice, or selective justice. Kaya nga, lumabas sa resulta ng eleksyon ang tunay na damdamin ng mga tao.

Now, everything’s been said and the election process is almost done.

Para sa lahat ng mga taong naniwala at nangampanya kay Mayor Digong; para sa mga taong kinampanya din ang mga ibang kandidato at naniniwala din sa pagbabago…
Ito ang tanong na dapat nating sagutin: “ARE YOU READY FOR CHANGE?”

I believe the greatest challenge does not lie in the hands of the winning presidential candidate, Mayor Digong, but in our hands.

Are we willing to be part of the change?

We have so much EXPECTATIONS, but we need to PARTICIPATE and COOPERATE.

Paano kung sabihin ni Mayor Digong na bawal ang vendors sa kalsada, papayag ba kayo na lumipat?
Paano kung sabihin ni Mayor Digong na sumunod tayo sa batas trapiko at huwag magbaba ng mga pasahero kahit saan, papayag ka ba?
Paano kung sabihin ni Mayor Digong na magbayad tayo ng tamang buwis, papayag ka ba?
Paano kung sabihin ni Mayor Digong sa mga taong nagtatrabaho sa gobyerno na tanggalin ang korupsyon, papayag ka ba?

Ultimately, lahat ng bawat mamamayanang Pilipino want change for the better. We want less traffic, less corruption, less criminality, and peace and order.

Hindi lang nakasalalay kay Mayor Digong ang pagbabago, kung hindi sa bawat mamamayanang Pilipino.

So habang maaga pa, mag-isip-isip na tayo kung ano ang magiging kontribusyon natin para sa TUNAY NA PAGBABAGO?

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw, are you really ready for change?
Handa ka na ba magbago?
Ano ang masasabi mo?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post People Want Change appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles