Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

How To Deal With Self-Centered People

$
0
0
Be gentle neutral and don’t assume that you know the story

“Kung AKO yan, kayang-kaya KO yan!”
“Alam mo ba, may bago AKONG gadget!”
“Mamaya ka na, AKO muna mauuna.”

AKO!
AKO!
AKO!

May kilala ka bang makasarili? Yun bang walang iniisip kung hindi ang kanilang sarili, sila lang ang importante, magaling, at nakaka higit sa lahat?

In other words, sila ay self-centered or selfish.

Gustuhin man natin silang baguhin, this may not be the best idea, dahil baka lumala lang ang sitwasyon.

Ano ang dapat gawin?

ACCEPT THE TRUTH

Kailangan mo tanggapin sa sarili mo na mahihirapan kang baguhin sila. Na kahit anong pilit mo, they will never put other’s needs and concerns before their own.

By accepting this, you won’t focus on the problem but instead, ikaw na mismo ang mag a-adjust dahil alam mo naman na ang kahihinatnan mo.

DON’T STOOP DOWN TO THEIR LEVEL

“Ang yabang naman ng taong ito, akala mo kung sino!”

Yun bang gagantihan mo sila by doing the same thing, as if you don’t care at all. This strategy is reckless and unwise. Do not give them the pleasure of seeing you angry and annoyed. Do not get even with these type of people, but learn how to rise above their level and above the situation. Hindi dapat isuko ang iyong tunay na pagkatao, you should still be the same caring and considerate person that you are.

Kung hindi mo na makayanan, ano na ang dapat mong gawin?

TALK TO THE PERSON PRIVATELY

Sa sobrang tutok niya kasi sa sarili niya, maaring hindi na niya namamalayan na nakakasakit na siya ng damdamin or na nakaka-offend na siya.

Ayain mo siya to a place where you can talk in private, like a coffee shop or tea house, ng sa gayon masabi mo yung nararamdaman mo and at the same time, hindi din siya nahihiyang mag open up sayo. Baka kasi may dahilan naman kung bakit ganun ang ugali niya.

Start with:
“Is it okay to be honest with you?”
“May gusto sana akong sabihin sayo, may time ka ba?”
“Okay lang kayang makausap kita saglit?”

Be gentle, neutral, and don’t assume that you know the story.

THINK. REFLECT. APPLY.

May kilala ka bang makasarili o ikaw ba minsan ay ganito?
Anong tingin mong dahilan ng ganitong ugali nila?
How can you help the person control his/her attitude?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post How To Deal With Self-Centered People appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles