Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

May Pakialam Ka Ba O Wala? (Part 1)

$
0
0
MAKIALAM AT HINDI DAPAT WALANG PAKIALAM

Lubog na ang pamilya mo sa utang, may pakialam ka ba o wala?
Unti-unti ng nanlalamig ang asawa mo sayo, may pakialam ka ba o wala?
Hindi na nakikinig ang mga anak mo sa iyo, may pakialam ka ba o wala?

May mga bagay na dapat wala tayong pakialam katulad ng buhay ng iba, mga small or petty things/issues. Pero may mga bagay din naman na dapat pakialaman natin. Kapag nanatili tayong walang pakialam, siguradong may negative effects ito sa ating buhay, pati narin sa buhay ng mga taong nakapaligid sa atin.

Ang tanong, bakit ba umabot sa point na ayaw mo nang makialam?

NAKAKAPAGOD

Aminin natin, minsan nakakapagod na talaga gumawa ng mabuti. Minsan ikaw na ang nagmalasakit, ikaw pa ang agrabyado. Ikaw na nga ang gumagawa ng paraan, ikaw pa ang masama. Nakakapagod na magsalita dahil hindi ka rin naman pinakikinggan. Kaya naman next time, instead of doing helping out, deadma na lang o wala ka na lang pakialam.

SANAY KA NA

Tinanggap mo na at nakasanayan mo na. You take the attitude, away lang naman ito kung ako ay makikialam pa. Mananahimik na lang ako, at least walang away. Hindi naman sila magbabago. Bakit pa!?

TAKOT KA

Kaya may mga taong walang pakialam dahil noong minsan silang nakialam, nasaktan, napahamak at napahiya. Kaya naman di nakakapagtaka na takot na silang sumubok at makialam ulit. They’re thinking na baka maulit lang ang mga kinatatakutan nila kapag sinubukan ulit nila ang magkaroon ng concern sa kapwa.

Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit may mga taong walang pakialam. Ano man ang dahilan natin, lagi nating isipin na merong consequences ang bawat action natin. Nasa sa atin na yun if we want the consequences or the rewards.

On my next blog, I will share with you some practical tips on how to break the habit of being apathetic.

THINK. REFLECT. APPLY.

May pakialam ka ba o wala?
Ano-ano ang mga bagay na may pakialam ka?
Do you think that being apathetic is good or bad?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post May Pakialam Ka Ba O Wala? (Part 1) appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles