Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

May Pakialam Ka Ba O Wala? (Part 2)

$
0
0
NANAIG ANG MGA MASASAMA DAHIL MAY MGA TAONG WALANG GINAGAWA

HOW CAN WE BREAK THE HABIT OF APATHY?

May mga kakilala ba kayo na mga taong walang pakialam?
May mga iba naman na masyadong pakialamero.

In other words, we cannot go to the extreme of both worlds.
We need to be discerning, kung kailan tayo makikialam at kung kailan hindi.

How can we do that?

BE SENSITIVE

Before we respond or do something, tingnan muna natin kung may masasaktan o maapektuhan. Palagi nating obserbahan ang ating paligid at tingnan kung ano ang maaari nating gawin para makatulong at mapabuti ang kalagayan ng ibang tao.

DON’T GROW WEARY

Huwag tayong mapagod sa paggawa ng tama at ng mabuti. Maaaring hindi ito mapapansin ng iba, ngunit sigurado naman akong nakikita ito ng ating Diyos sa langit. He will surely reward us as we continue to do the things that pleases Him.

SET YOUR PRIORITIES

Alamin mo kung ano ang mga bagay na higit at dapat mong pinagtutuunan ng pansin. Isipin mo kung ano ba ang mahalaga sayo. Halimbawa, mahalaga sayo ang pamilya mo. Kung sila ang top priority mo, dapat may pakialam ka sa happenings sa buhay ng mga anak at asawa mo. You should spend quality time with them and nurture your relationship with them.

WEAR THEIR SHOES

Bago ka mag-decide, isipin mo muna kung yun din ang gusto mong gawin sayo. Subukan mong lumagay sa kanilang kalagayan. Magugustuhan mo ba kung walang tutulong o papansin sayo? May kasabihan nga tayo, “Do not do unto others what you do not want others to do unto you.”

THINK OF GOD

Palagi nating isipin na may Diyos na laging may pakialam sa atin. He knows our every need, every tear that fall from our eyes. He knows our desires and He is not apathetic. May pakialam siya. Kung sakaling may mga taong pinapabayaan ka at walang pakialam sa iyo…ang Diyos, never kang pababayaan.

THINK. REFLECT. APPLY.

Do you wanna break the habit of being apathetic?
Are you sensitive sa feelings ng ibang tao?
Do you know your priorities?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post May Pakialam Ka Ba O Wala? (Part 2) appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles