
Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas gusto mo: ang taong magaling o ang taong mapagkakatiwalaan?
Sabi nga nila kahit gaano ka-talentado o kaganda ang isang tao, pero kung hindi mapagkakatiwalaan…parang hindi pa rin sya masarap kasama, hindi pa rin sya kahanga-hanga, mahirap pa rin siyang mahalin. Bakit? Because character matters.
Wala namang perpektong tao.
Lahat tayo ay may kahinaan at may kailangang i-improve sa ating mga sarili.
Nagkakamali tayo at kung minsan, ay sumasablay. But at the end of the day, we have a choice.
May choice ka na…
Magpapakatamad ba ako o magpapakasipag?
Magsasalita ba ako ng hindi maganda sa aking kapwa o mananahimik nalang?
Magmamataas ba ako o magpapakumbaba?
Mambabastos ba ako o gagalang ng aking kapwa?
Magtatanim ba ako ng sama ng loob o magpapatawad?
Mandaraya ba ako o magiging patas?
Mangungupit ba ako o magpapaalam?
Magsisinungaling ba ako o magiging tapat?
Maninisi ba ako o aakuin ang responsibilidad ko?
Magiging sakim ba ako o magiging mapagbigay?
My point here is that we always have a choice.
Huwag nating sabihin o kumbinsihin ang ating mga sarili na, “Chinkee, wala akong choice! Napilitan lang ako. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, maiintindihan mo rin ako.”
I may not be going through what you’re going through right now. But…
We all have a choice to do what is right or wrong.
We all have a choice to do what is good or bad.
We all have a choice to do what is convenient or characteristic.
We can choose our character.
Sasabihin ko sa iyo, hindi aksidente na nabasa mo itong blog na ito.
May mensaheng pinadadala sa iyo ang Diyos through this blog.
Kaya pag-isipan mo muna ng mabuti.
Baka lang pagsisihan mo ito later.
So bago ka pa tuluyang mag-decide at umoo…
THINK. REFLECT. APPLY.
May masasaktan ba sa desisyon mong ito?
Makikinabang ka nga, pero na-compromise mo na ba ang values mo?
Ano kaya ang mangyayari kung malaman ng iba itong gagawin mo?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Our Character Matters appeared first on Chinkee Tan.