Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Pera O Pagkakaibigan?

$
0
0
ANG PERA PWEDENG KITAIN PERO ANG PAGKAKAIBIGAN MAHIRAP BUUIN

Pera, pera, pera…

Marami na talagang napapahamak at nasisirang pagkakaibigan.

Pwedeng…

  • Nangutang, pero hindi nabayaran.
  • Nagtampo, dahil hindi pinautang.
  • Nagtatago, noong nagkakasingilan.
  • Nagtaksil sa pagkakaibigan, dahil pinagpalit ang kaibigan sa pera.

…at marami pang iba.

Ano ba ang dapat nating tandaan kung pera at pagkakaibigan na ang pinag-uusapan?

NEVER BURN YOUR BRIDGE

Huwag mong sunugin ang tulay na nag-uugnay sa pagkakaibigan.
Taon ang binilang ng iyong pinagsamahan. Maraming magagandang alaala ang nababalewala dahil lang sa pera. It is not worth it.

Maniwala ka, darating ang araw na sila pa rin ang pwede nating malapitan at maasahan. Huwag mong hayaang umabot sa pagkakataong lumiit ng lumiit pa ang iyong mundo at kung ikaw ay mangangailangan, wala ka nang pwedeng malapitan.

FRIENDS ARE HARD TO REPLACE

Ang pera, madaling palitan. Pero ang kaibigan at tiwala, pwedeng mawala with just one decision, thought, or action, so always be careful.

Kung ikaw ang mas nakakaintindi sa sitwasyon, just let go of the issue at pag-usapan nalang ng mabuti kung ano ang dapat ninyong gawin para hindi na maulit ang nangyari.

This is probably the most noble and mature way to handle a conflict. Hindi naman sa palalagpasin mo o hahayaang umabuso ang kaibigan mo, pero mas maganda kung lulunukin mo na lang ang pride to keep your friendship intact.

In closing, bakit ko sinasabi na kailangan nating bigyan ng halaga ang pagkakaibigan kaysa sa pera?

Isipin niyo na lang ito…

Kung meron kang isang milyong kaibigan, pwede mo silang hingan lang ng tag-pipiso. At kung lahat sila ay nagbigay, aba…milyonaryo ka na! Pwede ka pang mag-round two, kasi piso lang naman ‘yun.

That’s a joke. But kidding aside, ang punto ko rito ay: ang pagkakaibigan, hindi dapat natutumbasan ng pera. Mas matimbang dapat ang samahan dahil ang pera, pwede namang ulit kitain ‘yan, pero ang relationship at tiwala, mahirap na ayusin, buuin, at pagsamahin ulit once it’s broken.

THINK. REFLECT. APPLY.

Have you ever had a disagreement with a friend dahil sa pera?
Saan ka, sa tingin mo, nagkulang?
How can you restore your friendship?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Pera O Pagkakaibigan? appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles