
Nakakatamad pumasok…
Nakakatamad bumangon…
Nakakatamad magsimula uli…
Naranasan mo na bang tamaan ng matinding katamaran? ‘Yung bukod sa wala kang ganang kumilos at gawin ang mga dapat mong gawin,
tamad na tamad ka na rin maging tamad?
May mga taong seasonal ang pagiging tamad. Ito ‘yung mga taong sobrang sipag at sobrang daming nagawa kaya after ng malaki o maraming accomplishments, napagod at nagpakatamad. Parang na-drain lang ang energy nila temporarily. Pero once they are able to get their rest, sipag-mode na sila ulit.
Pero may mga taong simula’t sapul, talagang tamad na. Laging nakaasa sa iba. Utos dito, utos doon. Nauubos ang oras sa paghilata, paglalaro, pagtulog, panonood ng TV at sa YouTube, pakikipagchikahan sa kapitbahay, at sa kung anu-ano pang gawain na walang productivity.
Ang pagiging tamad ay hindi namamana o inborn. Ito ay isang CHOICE. There are people who are lazy because they choose to be that way. Kahit pa sabihin natin na nahawa lang sila sa iba na tamad din, sila pa rin naman ang may final say kung magpapakatamad sila o hindi.
Ang katamaran ay struggle ng kahit sino. Walang exempted dito. Minsan sa buhay natin, nakakaramdam tayo ng feeling na parang tinatamad. But, I know you would agree with me if I say that TIME IS GOLD. Why? Kasi ang oras ay hindi naibabalik. Hindi mo rin ito pwedeng kitain. Once na lumipas na ito, hindi mo na ito pwedeng balikan pa. Kaya, nakakahinayang kung mauubos lang ang oras natin sa katamaran.
Minsan lang tayo mabubuhay at sayang naman kung tatamarin pa tayo. Para hindi tayo tamarin, tanungin mo ang sarili mo: “Kung last day na natin sa mundo bukas, tatamarin pa rin ba tayo?”
Hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo mabubuhay. Kaya, we should always maximize our time here on earth. Hindi totoo ang forever. May katapusan ang lahat ng bagay, pati ang ating buhay sa lupa. So, we should make sure that we live to the fullest.
We should also make sure that we live out our purpose, that we’ve done our mission, and that we’ve reached our goals and dreams. Walang ibang pwedeng gumawa nito for us kundi tayo lang. Kaya, wala dapat tayong time para tamarin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Tinatamad ka ba?
Saan ka tinatamad?
Anong maaari mong gawin para sipagin ka?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Usapang Tamad appeared first on Chinkee Tan.