Narinig mo na ba ang kasabihan, “When it rains, it pours!”
Isama mo pa ang kulog na nakakagimbal, kidlat na nakakatakot, baha na nakakaperwisyo at tsunami na nakakalunod.
Have you experienced a really bad day? Yan siguro ang nangyari sa akin noong isang araw na may two speaking engagements in a day.
Una sa Sofitel sa may Pasay na kasunod ang sa Sta. Maria Bulacan.
Noong papunta kami sa Sofitel, napansin namin na tila parang bumabagal ang takbo ng aming sasakyan at nawawalan siya ng power.
Bigla na lang may lumabas na engine sign sa dashboard ng sasakyan na sinasabi na may engine problem. Hindi lang yan, mistulang naging parking lot ang C5 at hindi na siya gumagalaw. But wait, there’s more!
Umuulan siya at late na ako sa aking speaking engagement.
Imbis na magpadala ako sa inis at stress. Ako ay nanalangin at humingi ng wisdom sa Diyos. Imbis na mag focus ako sa problema ako ay binigyan ng solusyun ng Diyos.
Bigla na lang niyang pinaalala sa akin na pwede akong tumawag ng Grab Bike para makalusot sa matinding traffic. This is what I did. From C5 dumaan kami ng Edsa na para kaming mga daredevils at bulate na pa sikot-sikot at paiwas-iwas sa mga trak at sasakyan. Man, what a feeling. Complete adrenaline rush habang bumabaybay kami sa Edsa at humahampas ang malakas na hangin at ulan sa mukha.
Sa tulong ng Diyos, umabot ako sa Sofitel na buo at mapayapa – 30 minutes ahead of my call time.
I was able to also go to Sta. Maria Bulacan via Uber. I was able to give my talk to over 600 participants and everyone was so happy that I arrived on time. But wait there’s more, since wala naman Uber sa Bulacan, may nag magandang loob at naghatid pa sa amin pabalik ng Manila. Grabe si Lord diba!?
Sa pamamagitan ng karanasan na ito, dito lalong lumalim ang aking pang-unawa.
Kahit anong mangyari sa ating buhay, kahit ito ay hindi kanais-nais, meron tayong CHOICE.
Sa lahat ng problema ay may solusyon.
Ang tanong saan ka titingin, sa problem o solusyon?
Sa lahat ng hindi magandang pangyayari.
Ano ang iyong magiging reaksyon?
Ikaw ba ay maiinis at magrereklamo o ikaw ba ay magiging mahinahon at matutong malangin.
Mabuti na lang meron Grab Bike.
Mabuti na lang meron Uber.
Mabuti na lang meron mabuting tao ang naghatid amin pauwi.
Mabuti na lang na may buhay na Diyos na hindi tayo iiwanan at pababayaan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamusta ang araw mo o ang nakaraang Linggo, kapatid?
Magaganda ba ang nangyari o hindi?
Ano ang napulot mong aral sa blog na ito?
The post Hindi ko araw ito appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.