
Nakapag-sinungaling ka na ba?
Allergic ka ba sa mga taong sinungaling?
Ayaw na ayaw natin sa mga taong nagsisinungaling.
Lalo na kung yung tao ay compulsive liar na, na tipong huling huli mo na pero di pa rin aamin.
Ang masama pa ay pagtatakpan pa iyon ng isa pang kasinungalingan hanggang sa baon na baon na siya at di na makabangon.
Kung ikaw ay galit sa mga taong sinungaling, ang tanong ko sa iyo ay, “Galit ka ba sa sarili mo?”
“Huh, ano ang ibig mong sabihin?”
Alam mo ba na pwede kang magsinungaling sa iyong sarili?
“Oh, yes na yes. Di ba alam mo naman na hindi ka naman talagang mahal, pero pinipilit mo kumbinsihin ang iyong sarili na love ka pa niya.”
“Ouch, Chinkee. Ang sakit naman nun.”
I don’t mean to offend you, pero ang katotohanan ay at some point in our lives ay nagsinungaling na tayo sa ating mga sarili. We are not aware but some of us are living in denial.
And here are some signs you can look at para ma-identify mo when you’re lying to yourself:
IBA ANG SINASABI MO SA TUNAY MONG NARARAMDAMAN
Kung parati mong sinasabi na, “Okay lang ako,” pero deep down alam na alam mong hindi ka okay, na galit na galit ka, na punong puno ka na, na stressed na stressed ka na . . . you are lying to yourself.
Be honest with yourself because that’s the first step para maging okay ka talaga.
HINDI MAGKA-AYON ANG KINIKILOS MO SA MGA SINASABI MO
Sabi mo magfu-full time writer ka na, pero bakit di ka daily nagsusulat? Sabi mo magda-diet ka na, pero bakit di ka pa rin nagbabawas ng pagkain? Sabi mo mag iipon ka na, pero bakit panay pa rin ang swipe mo ng credit card?
Baka naman kasi nagse-set ka ng goal na hindi mo pala kayang ma-acheive, kaya di mo nagagawa yung mga sinasabi mo. Be realistic when making goals. Don’t be hard on yourself.
MASYADO KANG EXTREME SA MGA STATEMENTS NA BINIBITAWAN MO
Kung sabihin mo na pare-pareho lang ang mga lalaki kaya ayaw mo na magmahal, you’re lying to yourself. Extreme statements such as generalizing men or that you don’t want to love again are not healthy, lalo na para sayo kasi you’ll miss out on the best this life has to offer you.
Try to look at the other side at huwag mong hayaan nakawin ng sarili mo ang kaligayahan na dapat mong nararamdaman.
AYAW MONG MAKINIG SA SINASABI NG IBANG TAO
Kapag may mga nag a-advice sayo ay di mo pinapakinggan dahil pakiramdam mo ay you know everything, that your idea is the only idea that is important.
Pero once in a while maganda rin na makinig ka sa opinion ng iba because the fact is, you don’t know everything, your idea is not the only idea that is important. Be open kasi other people might just give you the answer you’ve been waiting to hear.
NEVER KANG NAGKAMALI
Para sayo wala ka pang nagagawang mali, na you’re not capable of doing wrong. Kung ganyan ang mindset mo ay di ka mag a-advance kasi di ka natuto sa mga pagkakamali mo.
And it’s okay to be on the wrong side, to make mistakes. Di nababawasan ang pagkatao mo everytime you do something wrong. Besides, these mistakes are what makes you human.
You may not be aware that you are lying to yourself.
But with the help of others and articles such as this, you can take the first step toward being honest to yourself.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang pwede mong gawin para matigil na yung habit ng pagsisinungaling sa iyong sarili and start being honest to yourself?
Sino ang mga tao na pwedeng kang tulungan, na hindi ka huhusgahan?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Are You Lying To Yourself? appeared first on Chinkee Tan.