
Honesty is the foundation of a happy and meaningful life. Bakit?
Kasi hindi naman masayang magpanggap, magtago at magsinungaling.
When we are being dishonest, tayo rin ang lugi. Akala natin nakalamang tayo o kaya nakabuti ang hindi natin pagiging tapat but in the long run, we rob ourselves of real joy and peace leaving us in a life of deceit, defeat and depression.
Kaya naman napakahalaga na tayo ay nagpapakatotoo sa lahat ng bagay at sa lahat ng pagkakataon. Mula sa maliit hanggang sa malalaking bagay, we should make a commitment to be honest. Tayo rin ang makikinabang sa sarili nating katapatan. Totoo pa rin ang lumang kasabihang na, ‘Honesty is the best policy’.
Magpakatotoo ka at maghanap ng kausap kung ikaw ay nalulungkot.
Magpakatotoo ka at humingi ng tulong kung ikaw ay natatakot o nangangamba.
Magpakatotoo ka at matutong umiyak kung ikaw ay nasaktan.
Magpakatotoo ka at magpahinga kung pagod ka na.
Magpakatotoo ka at makinig sa payo ng iba kung uhaw ka sa kaalaman.
Magpakatotoo ka at humindi sa mga bagay na hindi mo talaga kayang gawin.
Magpakatotoo ka at huwag ng makipagsabayan sa mga kaibigan mong super yaman.
Magpakatotoo ka at sabihin ang totoo mong nararamdaman.
Magpakatotoo ka at magpakumbaba kung alam mong ikaw ay nagkamali at nakasakit.
Magpakatotoo ka at umamin sa mga kahinaan mo.
Kung sakaling nabubuhay ka sa pagpapanggap, pagsisinungaling at pagtatago, hindi pa huli ang lahat para itama ang iyong mga pagkakamali. Hangga’t humihinga ka pa at may panahon pa, maaari ka pang magbago. If you really want to enjoy life, magpakatotoo ka.
THINK. REFLECT. APPLY.
Meron ka bang tinatago na gusto mo nang ilabas?
What stops you from being honest?
Are you being honest with the people around you?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Magpakatotoo Ka appeared first on Chinkee Tan.