Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

KAILANGAN NATIN TULUNGAN ANG SARILI DAHIL HINDI 24/7 MAY TUTULONG SA’TIN

$
0
0

tulungan

May kilala ba kayo na isang tawag lang,

nand’yan na agad?

 

Walang nang ‘isip-isip, tulong agad!

Madalas sila pa ang nag-aalok.

 

Kaya ang tingin tuloy natin sa kanila

is the ever helpful emergency friend.

Akala natin okay lang

Kasi naman, always available 24/7.

 

Ang tendency? We became so dependent on them.

 

“Siya na bahala diyan.”

“Yaman yaman nila eh, ano ba naman yung manghiram tayo”

 

Hayun! Kung may mga pagkakataon

na we need to stand on our feet,

hindi natin alam kung paano.

 

Masyado tayong nagiging kampante

na may handang tumulong sa atin.

 

Yung tipo na kung wala sila,

magiging mahirap ang buhay.

 

Eh, paano na lang kung

wala na ang mga taong 24/7 tutulong sa atin?

 

Ano na mangyayari sa atin niyan? NGA-NGA!

Kaya…

 

KILOS KILOS PAG MAY TIME tulungan

(Photo from this Link)

Madalas, hindi tayo gumagalaw

Kasi may mga taong kumikilos para sa atin. 

‘Kung sila man ay always available

hindi ito dahilan para sila’y abusuhin.

Nagkataon lang na gusto nila makatulong sa atin.

 

Kilos kilos din pag may time.

May sarili tayong galing sa iba’t ibang aspeto

kaya huwag natin sayangin ito.

 

HUWAG JUAN TAMAD tulungan

tulungan

(Photo from this Link)

Madalas natatabunan ng katamaran.

O ‘procrastination’ kung tawagin.

Yung pwede naman gawin ngayon eh

ipapagpabukas pa.

 

Bukas na lang. Wala pang deadline.”

May oras pa naman bukas ng umaga, bahala na”

 

Tapos kung deadline na, magmamadali at magrereklamo.

Kesyo ang tinambakan tayo ng trabaho ni boss “KUNO”.

Pero ang totoo, inuna pa kasi natin ang pagche-check sa facebook,

chill-chill sa lamesa at paikot ikot lang sa ating computer chair.

 

Hustisya please!

Hindi tayo ipinanganak para maging tamad.

Madaming taong naghahanap ng trabaho

maswerte tayo’t nandito na tayo kaya

i-maximize natin ito.

 

Gawin ang dapat gawin NOW NA!

 

HINDI LAGING MAY TUTULONG SA ATIN

tulungan

(Photo from this Link)

May dahilan kung bakit ang utak

ay mas mataas ang kinalalagyan kaysa sa puso.

Para gamitin sa pagdedesisyon

at pag-iisip ng tama na may balanse.

 

Hindi sa lahat ng pagkakataon

may handang tumulong sa atin.

 

Kung kailangan humingi ng tulong, okay lang

pero kung nagiging dahilan na ito para

hindi na tayo kumilos at para bang 

naghihintay na lang tayong may malaglag na biyaya,

dun na nagiging mali.

 

“Kailangan ay tulungan mo rin ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng panahon ay may tutulong sa ’yo.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Madalas ka bang umasa sa tulong ng ibang tao?
  • Bakit hindi muna subukang tulungan ang sarili bago humingi ng saklolo?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: https://shop.chinkeetan.com/product/my-ipon-diary/

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“ENCOURAGING OUR CHILDREN TO DO BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2sJzvGU

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ https://shop.chinkeetan.com/product/money-kit/

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life”

Registration: P950 per couple

“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”

https://shop.chinkeetan.com/product/team-bahay-happy-wife/?ref=12&campaign=HappyWifeTeamBahay 

The post KAILANGAN NATIN TULUNGAN ANG SARILI DAHIL HINDI 24/7 MAY TUTULONG SA’TIN appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles