Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Ang mga Nabibiktima ng SCAM ay yung mga Taong Gusto Yumaman ng Biglaan

$
0
0

scam

May tanong ako mga KaChink…

 

Kapag pinakitaan ba kayo ng

limpak limpak na salapi, tseke, o kaya

gamit na mamahalin tulad ng

sasakyan o house and lot,

anong magiging reaksyon n’yo?

 

Ikaw ba ay wala masyadong pake o…

“Uy grabe, paano mo kinita yan?”

“Paano ka nagkaganyan? Interested ako!”

Sama mo naman ako sa raket mo!”

 

Ting! Once na narinig na nila ito…

Ito na, nandiyan na papasok ang mga linyang

Open-minded ka ba?”

“Tara coffee tayo!”

Sure ‘to! Tignan mo nga o, may kotse na ‘ko”

“Yung P5,000 mo, magiging 15k in a month!”

 

Siyempre bilang instant yaman ang ating gusto,

kadalasan, kaunting PR lang

nahihikayat na tayo maski hindi natin alam

ang pinapasok natin.

 

‘Pag bigay natin ng pera, sa una okay pa

pero habang tumatagal,

hindi na nagpapakita hanggang sa

hindi na rin natin makontak.

 

Iyan ang tinatawag na SCAM!

 

Bakit nga ba tayo nabibiktima?

 

GUSTO YUMAMAN AGAD AGAD

scam

(Photo from this Link)

Wala naman yumayaman agad agad

maski yung mga kilalang businessmen ngayon

na sina pareng:

  • Henry Sy ng SM Group of Companies
  • Lucio Tan ng Philippine Airlines, PNB, Tanduay, etc.
  • John Gokongwei ng Robinson’s and Universal Robina

 

Lahat sila ay dumaan sa hirap para marating nila

ang kinalalagyan nila ngayon.

 

Nagsipag

Nagtiyaga at

Naghintay ng mahabang panahon

 

Ganoon din pagdating sa ating success.

Bago pa man natin marating ang

pinapangarap nating yaman,

kotse, o bahay, lahat ng iyan ay pinag-iipunan

at pinaghihirapan.

 

AYAW MAPAGOD

scam

(Photo from this Link)

Pwede ba namang yayaman pero

ayaw ng inconveniences?

 

Ayaw magtiyaga

Naiinis kapag may failure…

Sumusuko sa isang pagkakamali lang…

Nagrereklamo kapag kailangan pumila, mainit, magcocommute.

 

You know that success comes with trials

and lots of challenges.

 

Hindi ito parang sa kanta ni April Boy na

“Di ko kayang tanggapin!”

 

Kailangan natin… 

Tanggapin.

Kayanin.

Mapagod.

 

Dahil itong mga lessons na ito

ang magtuturo sa atin at magdadala

sa pinapangarap natin.

 

MASYADO TAYONG INGGIT

scam

(Photo from this Link)

Bakit siya nakabili kaagad, ako hindi pa?”

Gusto ko din niyan!”

Di pwedeng siya lang.”

 

Kaya yung akala nating opportunity

ginagrab natin kaagad maski

wala naman tayo ka ide-idea tungkol dito.

 

Kaunting kwento lang ni agent

go na kaagad!

Mapakitaan lang ng pera at tseke

Sugod!

 

Ipinapaubaya natin sa iba ang pera natin

thinking na iyon ang magiging sagot

sa naiinggit nating mga puso.

 

Focus tayo sa pagyaman kaagad

na hindi na natin naiisip kung:

 

  • Safe ba ito?
  • Reliable ba yung company?
  • Maganda ba ang reputation?
  • Bakit instant yaman ang mga sumasali dito?
  • Anong mga produkto nila?

 

Pagnilay-nilayan muna natin ito.

Huwag arya ng arya.

 

“Kadalasan, ang mga Taong laging Nabibiktima ng Scam

ay ang mga Taong nasisilaw sa pera at gustong yumaman nang Biglaan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay na-scam na noon?
  • Bakit ka nahikayat?
  • Anong lesson nito para sa iyo?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: https://shop.chinkee Atan.com/product/my-ipon-diary/

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  + 2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa 

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“Finishing Apartment Construction with No Funds”

Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2sQbCxk

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ https://shop.chinkeetan.com/product/money-kit/

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”

Registration: P950 per couple

March 10, 2018

With ONE MONTH Free Access and FREE Book

Register here: http://bit.ly/2ovAfKo

The post Ang mga Nabibiktima ng SCAM ay yung mga Taong Gusto Yumaman ng Biglaan appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles