Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Adik sa Facebook, pero Adik din Dapat sa Pag-iipon.

$
0
0

facebook

Anong ginagawa mo pagkagising na pagkagising?

Magdadasal ba muna?

Hilamos at toothbrush?

Good morning sa asawa?

 

O kukunin ang cellphone,

bubuksan ang wifi o data

at magche-check ng Facebook?

 

Uy sinong guilty, taas ang kamay!

 

Hindi naman issue ang pagka-adik

natin sa Facebook o social media.

Ang issue dito ay yung baka masyado na

tayong nahuhumaling dito pero

at the end of the day eh

wala naman tayo natututunan.

 

Wala tayong nakukuhang impormasyon

kundi tsismis sa buhay ng iba:

  • Saan nag-travel si ganito ganyan…
  • Bakit lumipat ng kumpanya sa ganito ganyan…
  • In a relationship na pala si EX…
  • Bakit galit ang status ni Bes…

 

Bakit hindi natin gamitin ito para

madagdagan naman tayo ng kaalaman

na pwede natin mai-apply sa buhay at

siguradong magbubunga ng maganda ‘di ba?

 

Tulad na lang ng pag-iipon.

 

“Ha? Paano naman kami makakaipon sa pag pe-Facebook?”

 

MAGBASA NG SUCCESS STORIES

facebook

(Photo from this Link)

I-follow natin yung may mga success stories

para tayo mismo ay ma-enganyo,

ma-inspire, at mangarap na maging tulad nila.

 

Alam n’yo yung kapag may nakita tayo

na nagtagumpay, sinasabi natin:

 

Grabe galing naman nito!”

Wow paano n’ya kaya nagawa yun?”

 

From there, follow their journey.

 

Sila ang ating magiging “LODI”.

Sila yung mga pwede nating gayahin

para yung mga matagal na nating

inaasam asam na sikreto sa pag-iipon

eh baka finally makita natin sa kanila.

 

I-FOLLOW YUNG MAY SENSE

Facebook

(Photo from this Link)

Nag pe-facebook na rin lang tayo,

eh makipag usap na din tayo hindi lang

sa taong malalapit sa atin kundi

sa mga taong may sense kausap.

 

“Grabe ka naman, meron bang walang sense?”

Unfortunately, meron.

 

Ito yung mga taong panay rant lang,

problema sa buhay, ultimo traffic,

at dami ng trabaho eh bino-broadcast.

 

“Hay nako sana FRIDAY NA!”

“KAINIS traffic na naman!!!!!”

“Bakit ba kasi may mga lalaking manloloko!”

 

You know if we let ourselves absorb

lahat ng problema ng ibang tao,

it will only hold us back sa goal natin

na makapag-ipon at umunlad ang buhay

because we feel unmotivated and discouraged.

 

Kung puro gano’n na lang, we can unfollow.

Huwag sundan yung mga walang maitutulong.

 

SAVE ARTICLES THEN APPLY

facebook

(Photo from this Link)

We usually save a post tama?

Mga recipe, bagong go-to place,

At siyempre mga tips sa pag-asenso o

pag-iipon.

 

Nandyan ang

  • 52-week challenge
  • Blind 50’s o yung ‘pag nakakita ng 50, tago kagaad
  • Ipon challenge
  • At kung anu-ano pa.

 

Nakatutuwa isipin na we are hooked

with these kind of topics

pero hindi lang dapat save ah

dapat APPLY APPLY din ‘pag may time.

 

Baka kasi save lang tayo ng save ng articles,

nakiki-comment lang, o

pa-share share ng article para lang masabing

part tayo ng bandwagon pero

wala naman tayong ginagawang hakbang.

 

Once something hits you, GO FOR IT NOW!

Huwag hintaying mapag-iwanan o

matabunan ng iba pang bagay bago

pa man natin ito magawa.

 

“Sana kung gaano tayo kaadik sa pagpe-Facebook,

ay ganun din tayo kaadik sa Pag-iipon.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker 

 

THINK. REFLECT. APPLY.

 

  • Addicted ka ba sa social media?
  • Dito ka lang ba addicted o pati sa pag-iipon din?
  • Anong hakbang ang iyong ginagawa para balanse?

 

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

 

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

 

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“Benefits of Joining the Network Marketing Business”

Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CMp3OA

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”

Registration: P950 per couple

March 10, 2018

With ONE MONTH Free Access and FREE Book

Click here: http://bit.ly/2ovAfKo

The post Adik sa Facebook, pero Adik din Dapat sa Pag-iipon. appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles