Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Ang Kaalaman at Values ng Anak ay Nagsisimula sa Tahanan, Hindi sa Eskwelahan

$
0
0

anak

Minsan n’yo na ba pinagtalunan

kung saan dapat mag-aral si bagets?

Pinagpipilian kung Public or Private school?

 

 

“Sa Private na lang kasi mas maganda ang turo d’on.”

“Public na lang kasi mura pero gan’on din ang matututunan.”

 

Kulit mo eh, private nga eh.”

“Mas makulit ka, ayaw mo makinig.”

 

Sa sobrang taliwas ng inyong kagustuhan

the conversation ended with no solution and

the question still remained a question

dahil mas tumutok tayo sa differences ng opinyon.

 

Gusto ko lang i-share sa inyo ito…

Me and my wife agreed na mag

home school ang aming tatlong anak.

It was not easy at first dahil una,

magkaiba kami ng pananaw.

 

Pangalawa, it will really take most of our time

since we (or mostly my wife, rather)

ay kailangan tumutok dahil siya ang

gagabay at magtuturo.

Siya ang magiging teacher ng aming mga anak.

At hindi ito madali.

 

Madaming BAKA…

“Ha? As in yung hayop?”

Pwede din. Haha. Joke.

 

Baka, as in MAYBE… Nandiyan yung, baka:

  • Hindi sila ma-expose.
  • Manibago sila sa outside world.
  • Mailang sila sa amin o
  • Masyado silang makampante.

 

The point here is, regardless kung

public o private school, how can we arrive

at a decision peacefully

na hindi na kailangan pang magtalo o

magkasakitan kahit na magkaiba ng opinyon?

 

TIMBANGIN ANG PROS AND CONS

anak

(Photo from this Link)

Okay sige, may opinyon tayo, may opinyon si misis.

So ngayon, let us ask ourselves and weigh.

Kung kailangan isulat, go ahead…

 

Bakit…

  • Gusto mo sa Private?
  • Gusto ni misis sa Public?
  • Ayaw mo sa Private?
  • Ayaw ni misis sa Public?

 

Pakinggan muna natin ang isa’t isa.

Allow each other to talk

bago pa man tayo mag react violently.

 

Huwag kontra ng kontra.

Hindi porket tayo ang lalaki

yun kaagad ang masusunod or vice versa.

 

WALA ITO SA URI NG ESKWELAHAN, KUNDI,  NASA PAG GABAY

anak

(Photo from this Link)

Nasa eskwelahan nga pero

hindi naman natin natututukan.

 

Halimbawa:

  • Wala laging nag-aasikaso sa kanila…
  • Hindi nache-check ang mga assignments…
  • Hindi tayo participative sa school activities…
  • Wala tayong idea sa progress nila…
  • Lagi tayo wala sa bahay

 

Balewala din, ‘di ba? Why?

Because everything starts at home.

 

Kung wala silang gabay

walang ibang dapat sisihin kundi tayo.

Hindi ang teacher, kaklase,

principal, eskwelahan, o gobyerno…

Tayong mga magulang.

 

What they learn inside our homes

Yun din ang dadalhin nila sa labas.

 

HUWAG PAG-AWAYAN ANG PWEDE NAMAN PAG-USAPAN

anak

(Photo from this Link)

Pwede naman pag-usapan ang lahat.

Hindi porket magkaiba tayo ng opinyon

eh ibig sabihin hindi na tayo pwede magkasundo.

 

Ito ang lagi nating iisipin:

Bawat desisyon natin ay

makaka-apekto sa ating mag anak.

 

Kaya hangga’t maaari, pag-isipan at

pag-aralan ng magkasama.

Huwag mag kanya kanya.

 

Remember, we are the parents.

 

Maging mahinahon para ang ending,

we’ll arrive at a decision na sa tingin

natin ay makabubuti sa kanila.

 

“Ang Values ng Anak ay Nagsisimula sa Tahanan, Hindi sa Eskwelahan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang kasalukuyan ninyong pinagtatalunan ni mister o misis?
  • Nakapag sulat na ba kayo ng pros and cons?
  • Paano kayo makakapag compromise?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“SANA…”

Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/9YVL_OqSqjE

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Ang Kaalaman at Values ng Anak ay Nagsisimula sa Tahanan, Hindi sa Eskwelahan appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles