Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Adulting is REAL lalung lalo na ‘pag nakikita mo yung patong-patong na BILLS

$
0
0

adulting

Isa ka na ba sa mga ganap na Titos and Titas of Manila?

 

Damang dama mo na ba na parang

tumapak ka lang sa adulthood eh

napakarami mo ng responsibilidad

na dapat gampanan?

 

Ang bilis ng panahon noh.

Dati problema lang natin

kung anong oras gigising,

anong oras kakain, o anong oras

lalabas ng bahay para makipag laro.

 

Napaka simple ng buhay.

 

Samantalang nung nagka edad edad na…

Nung finally naka labas na tayo sa realidad

magtataka na lang tayo bakit bigla

parang ang dami dami na nating problema

especially pagdating sa pera.

 

Biglang naging kumplikado ang buhay.

Nakaka-overwhelm lalo na pag sabay-sabay.

 

Kailangan…

  • Matuto na mag-budget
  • Timbangin ang needs at wants
  • Magbayad ng sarili nating bills
  • Marunong humindi sa hindi naman importante
  • Mag-ipon para sa kinabukasan
  • Magbayad ng utang

…at iba pang major decisions.

 

Pero, nandito na ito,

Hindi natin pwede takasan at sabihing

“Time pers!”

Hindi naman ito parang laro na pwedeng huminto

dahil totoong buhay na ito.

 

Bilang adult, how should we face these things?

 

TAKE ONE STEP AT A TIME adulting

adulting

(Photo from this Link)

Things are complicated as it is.

 

Gusto man nating pagsabay-sabayin

para matapos na lahat, unfortunately,

hindi ito matatapos.

 

Patagal ng patagal, mas nagiging kumplikado.

The more we age, the bigger the responsibility is.

 

Kaya dapat mas maging maingat tayo,

lahat pag-iisipan, at lahat dadahan-dahanin

para walang mapabayaan sa huli.

 

OKAY LANG MAGKAMALI adulting

adulting

(Photo from this Link)

Karamihan sa atin ayaw na ‘tumanda’

dahil baka sa sobrang bigat ng responsibilidad,

hindi na makayanan at mag fail sa dulo.

 

Pero ito ang sasabihin ko sa inyo…

OKAY LANG MAGKAMALI!

 

Kung nagkautang tayo dahil inuna natin noon ang pamimili ng hindi kailangan…

OKAY LANG dahil next time, matututo na tayo mag-control.

 

Kung kinapos tayo sa budget kahit malayo pa ang kinsenas o atrenta…

OKAY LANG dahil sa susunod, alam na natin na

importante pala talagang nakalista ang lahat

para may idea tayo saan napupunta.

 

Kung sa una, pangalawa, o tatlong taon hindi man lang tayo nakaipon…

OKAY LANG, at least ngayon, pwede na natin ito simulan.

 

Don’t be afraid to make mistakes.

Mistakes mold us to become better.

Ang importante dito ay yung lessons at

hindi yung pagkakamaling nagawa.

 

HUMINGI NG TULONG adulting

adulting

Huwag natin solohin lahat.

Huwag nating lunukin ang pride

dahil sabi ko nga noon,

masakit sa lalamunan kapag

bareta ang nilunok. Hahaha.

 

No, What I mean is

kung hindi na keri,

kung feeling natin masyado ng mabigat,

at parang mawawala na tayo on track…

 

Sigaw kaagad ng DARNA!

Este, ‘TULONG!’

 

Let’s seek for help dahil

yung pinoproblema natin, napagdaanan na ng iba. 

Allow them to guide us para

hindi tayo mawala.

 

Hindi naman ito sumisimbolo sa kahinaan,

instead, we are brave enough to admit

that there are things that we can’t do alone.

 

“Adulting is REAL

lalung lalo na ‘pag nakikita mo yung patong-patong na BILLS.”  

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • What makes you overwhelmed bilang adult?
  • Ano yung mga kailangan mo ihingi ng tulong?
  • Ano yung mga dapat unahin?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“SANA”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2p2xD7A

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Adulting is REAL lalung lalo na ‘pag nakikita mo yung patong-patong na BILLS appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles