Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Why Is There So Much Envy In This World?

$
0
0
ANG INGGIT AY PARANG ANAY NA KINAKAIN ANG IYONG PAGKATAO NA DI MO NAPAPANSIN

Naranasan niyo na bang mainggit sa inyong kapwa?
Nainggit ka na sa kanilang bahay, lupa, kotse, posisyon, estado sa buhay?
Sumasama ba kaagad ng loob mo, dahil nagkaroon sila ng mga bagay na wala ka?

“Buti pa siya napromote”
“Siya lang naman ang paboritong anak”
“Siya nakapundar na ng bahay at kotse samantalang ako ganito pa din”
“Bakit siya ang laki ng kita sa business tapos ako, palugi na”

Most of us believe that “Life is unfair” dahil may mga pagkakataon na sa iba napupunta ang gusto mo mangyari na para bang feeling mo ang ilap sayo ng tadhana, tapos sila, halos walang ka-effort-effort na nakamit yung bagay na matagal mo na inaasam.

Ang hindi lang maganda sa ganitong thinking, there’s a huge tendency na panay kakulangan nalang ang nakikita natin at hindi yung kung anong meron tayo at the moment kaya we always feel negative instead of blessed.

Bakit nga ba nagkakaron ng matinding inggit?

LOW SELF-ESTEEM

Ang taong walang bilib sa sarili eh di malayong mainggit sa kapwa. Kung tutuusin, lahat tayo pantay pantay—may sariling pagiisip at kakayanan para maging successful sa buhay.

Nagkakatalo lang dito kapag mas pinili mong tignan ang iba kaysa sa sarili mo kaya imbis na hatakin mo ang sarili mo pataas, ikaw na din ang gumagawa ng paraan para pababain ito, mawalan ka ng bilib, at tiwala.

PRIDE

“Sus di naman siya deserving”
“May atraso yan ah, bakit siya pa napromote?”
“Inutang lang naman niya yan sa banko”

Ang isa pang type ng inggit eh yung feeling mo na hindi karapat dapat sila magkaron ng blessing na ganun o yun bang dapat ikaw ang mabiyayaan nun at hindi siya/ sila.

Ang isang taong ma-pride kasi o naiingit ay self-centered and seeks so much attention na gusto nila, sila lang ang nakakaangat at tinitingalaan.

NAKUKUMPARA

Isa sa mga ayaw natin eh yung nakukumpara. Ito kasi yung tinatawag nating ‘nagpapaliyab’ sa damdamin natin para tuluyan tayong makaramdam ng inggit.

Halimbawa:
“Bakit siya cum laude, ikaw hindi?”
“Bakit siya 5 years pa lang nagtatrabaho nakapundar na, ikaw wala pa din?”
“Bakit siya kahit hindi nakatapos pero madiskarte sa buhay?”

So in effect, yung mga taong kinukumpara sayo, sila ngayon ang kinaiinggitan mo because they’ve been receiving praises, compliments, and acknowledgements na gusto mo din sana mangyari sayo.

OBSESSED WITH STATUS

But then again, we cannot stop the reality na meron at merong tao na ‘MAS’ sa atin—mas magaling, mas matalino, mas mayaman, mas maabilidad, o mas updated sa kung anong nalalaman natin.

Envy happens when we see these people as a threat imbis na inspirasyon to do better. Kaya kapag dumating ang panahon na meron ng nagmamayari ng trono mo o nung status symbol mo, we feel bad inside and angry at the person.

THINK. REFLECT. REPLY.

Bakit ka naiinggit sa kapwa mo?
Ano ba yung sa tingin mong meron ka na pwede mo ipagmalaki?
Paano mo maipapakitang thankful ka sa buhay mo?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Why Is There So Much Envy In This World? appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles