Ilang pangako na ba ang napako
sa ilang beses na kasasabi ng…
“Mag-iipon na talaga ako! Pramis!”
Ilang taon na ang lumipas,
same old New Year’s resolution pa rin.
Ang mga inalkansyang garapon at bote
ay nananatiling display na lang at walang laman.
Hanggang kailan magiging drawing
ang mga pangarap na mansion, sports car,
negosyong malago at maginhawang buhay?
Kung sa nakalipas na taon ay hindi pa rin
nakapag-ipon magpa-hanggang ngayon?
Bakit nga ba hindi pa rin nakakapag-ipon kung…
- May stable job naman tayo
- May mataas na sweldo
- Regular ang incentives and bonuses
Ano kaya ang problema, KaChink?
O baka naman kaya hindi tayo makapag-ipon dahil…
MASYADO TAYONG MAGASTOS ipon
(Photo from this Link)
Yung feeling natin araw-araw payday
at araw-araw din na “SALE”.
It’s like we see most of the things
useful and needed kung “SALE.” Ha-ha!
Madalas nadadala tayo sa…
“Mababa naman ang halaga. So kung bibilhin ko,
the cost won’t matter naman sa total of my expenses.”
Well in fact, ang maliit na halaga kung maiipon consistently,
tiyak na lalago at puede natin iukol ang portion nito sa
start-up ng ating pinaplanong negosyo.
INAABUSO NATIN ANG PAGGAMIT NG CREDIT CARD ipon
(Photo from this Link)
“Sa sweldo ko na lang babayaran…”
“I have my own credit card naman, eh.”
Yes, may credit card tayong maaasahan
sa panahon ng kagipitan.
But usually we are paying for the interest for deferred payment
and fined each time we miss the due date.
So if we think about it,
most of our money goes down to expenses.
Ang kinaibahan lang, we think we have more time to pay.
PAUTANG TAYO NG PAUTANG NGUNIT HINDI NAMAN NABABAYARAN ipon
(Photo from this Link)
Marahil ito rin ang isa sa major problems
kung bakit walang pag-unlad ang ating pera.
Hindi ko naman sinasabi na huwag tayong magpautang.
Dapat ay matuto tayong maging wais sa pagpapautang.
Pag-isipan ang halaga ng pera na kayang ipautang
base sa kapasidad ng tao para magbayad.
In 6 months ba, 12 months, 24 months
or after a week lang ba ‘yan?
Installment ba ang usapan o full payment?
Maging metikuloso rin pagdating sa pag-manage ng pera.
Tandaan, ang pera ay hindi pinupulot lamang.
“Mas mabuti na ang lumang sobreng may laman kaysa sa
magandang passbook at malaking alkansya na wala namang pera.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Saan madalas nauubos ang iyong sweldo?
- Isa ba ito sa dahilan kung bakit wala ka pa ring ipon?
- What can you sacrifice just for you to save?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P799
Seminar date Sept 28, 2018 via ONLINE STREAMING
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“HOW TO COMPUTE YOUR RETIREMENT FUND?”
Click here to watch http://bit.ly/2Mctve6
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: shop.chinkeetan.com
The post BAKIT HANGGANG NGAYON AY WALA PA RING IPON? appeared first on Chinkee Tan.