Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

Ano Ang Gagawin Mo Kung Ikaw Ay Pinagsabihan Ng Mga Masasakit Na Salita?

$
0
0
12825592 10153466789618034 305879110

Nainsulto ka na ba?
Nabigyan ka na ba ng sarcastic remarks?
Nasaktan ka ba dahil sa mga binitiwang salita patungkol sayo?

Napaka-makapangyarihan talaga ng salita; ito ay pwedeng magbigay ng buhay at pwede ring pumatay. Ang mga salitang ating binibigkas ay dapat na suriin muna nating maigi bago lumabas sa ating bibig. Hindi mo pwedeng mabawi kung ano ang epekto ng iyong mga salita–positive or not–once na masabi mo na ito. And believe me when I say, words are powerful.

But what if tayo ang makatanggap ng masakit na salita?
How should we react?
What do we do?
Do we retaliate or should we let it go?

There are two things na pwede mong piliin na gawin when someone speaks negative things about you.

FORGIVE THE PERSON

I know, madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kung hindi mo papatawarin ang taong nagsalita ng di maganda sayo, mas papahirapan mo lang ang sarili mo. Nasaktan ka na nga dahil sa masakit na sinabi niya tungkol sayo tapos di ka pa magpapatawad at magiging bitter, sa tingin mo you’ll feel lighthearted when you don’t forgive? Ang katotohanan niyan ay you’re not doing yourself a favor by making yourself a prisoner of unforgiveness. You’re just helping the person who said bad things about you continue to ruin you.

Sinabihan kang walang kwenta, walang silbi, iresponsable, gold digger, mataba, sobrang payat, at kung ano ano pang negatibong bagay na talaga namang kay sakit sa tenga? What then? Hahayaan mo bang maapektuhan ka ng mga masasakit na salitang iyon? Hahayaan mo bang maapektuhan ka ng hindi mo pagpapatawad sa taong nagsabi sayo nun? Or will you choose to be positive, doing things that will boost your confidence? Will you choose to be positive, forgiving the person who said those things?

Remember, you have a choice and you can always choose to forgive.

PRAY FOR THE PERSON

Revenge is not the key para gumaan ang pakiramdam mo when someone says something bad to or about you. Instead, pray for the person. Lift that person to God at hayaan mong si God ang bumalot sa kanya, ang yumakap sa kanya so that yung taong yun ay makaranas ng grace na nagmumula lamang sa Panginoon.

Natural instinct sa atin ang gumanti sa tuwing tayo ay maaagrabyado. Pero yung natural na instinct na yun ay hindi kaaya aya sa ating Panginoon na pinaglilingkuran. So we have to do the extraordinary not to please men but to please the God that we serve.

Remember, you have a choice and you can always choose to pray for the person who hurt you.

THINK. REFLECT. REPLY.

Kung may nakapagsalita ng masama sayo, remember that you always have a choice–the path of unforgiveness and revenge or the path of forgiveness and prayer. Choose wisely.



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Ano Ang Gagawin Mo Kung Ikaw Ay Pinagsabihan Ng Mga Masasakit Na Salita? appeared first on Chinkee Tan.


Confessions Of A Negative Person

$
0
0
12788195 10153466919273034 947545797

Paano na kung malugi?
Paano na kung mag-fail?
Paano na kung walang mangyari?

Bakit ba ang parating naiisip ko ay negative?
Bakit napaka hirap mag-isip ng positive?

Nauumay ka na ba sa mga taong negative?
Nagsasawa ka na ba sa walang katapusan nilang rants?
Negative thoughts dito, negative thoughts doon.
Reklamo dito, reklamo doon.

Para bang gusto mo na silang sigawan at alugin! Gusto mo silang magising sa katotohanan na hindi puro negatibo ang nasa mundo.
At gusto mong malaman nila na may kakayahan silang baguhin ang kanilang mindset.

Alam na nilang negative sila pero di nila magawang iwasan ang karagatan ng negatibong pag-iisip.

At bakit nga ba may mga negative people?

ENVIRONMENT

Napakalaking factor ang environment ng isang tao sa kung ano ang magiging outlook niya sa buhay. Kung noong bata pa lang ang isang tao ay puro “no!”, “hindi pwede!” at “huwag!” ang naririnig niya, then most likely ay magkakaroon siya ng negatibong pananaw sa buhay. Hindi kasi siya magkakaroon ng confidence to embrace life dahil as a child ay masyado siyang limitado.

PEOPLE THAT SURROUND YOU

Isa rin sa nakakaapekto sa outlook mo ay ang mga taong nakakasama mo. Kung madalas silang magreklamo, malamang maging reklamador ka rin; kung madalas silang magalit at ikaw ay nasasaktan, malamang magiging magagalitin ka na rin; kung sila naman ay palamura, malamang magiging palamura ka na rin. In other words, NAKAKAHAWA sila! Make sure kung pipili ka lang ng mga kasama, piliin mo na yung mga taong makakaimpluwensiya sa iyo ng tama.

MEDIA

Kung manonood ka ng balita o magbabasa ng dyaryo or trending topics, ano ang kadalasan na makikita? Pinatay na dalaga. Kurakot na opisyal. Ninakawan na matanda. Nasunog na bahay. Puro negative. While it is okay to be updated, people need to be conscious what they feed their minds often.

Basically, these are the factors kung bakit may mga taong negative. Naguumpisa kasi externally yun and once na ma-penetrate na nung mga negative na nanggagaling sa mga factors na yun ang isipan ng isang tao, that’s where the real problem begins. It takes total grace from God para malabanan natin ang negatibong pag-iisip. We need to decide to stop being negative and start being positive. And hindi madali iyon. Yes, we can decide at this very instant na magiging positive na tayo. Pero we need His grace para ma-fulfill natin ang decision na yun.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ikaw, ano sa palagay mo ang nakaka-effect sa iyo sa pag-isip na negative? Ano ang plano mong gawin?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Confessions Of A Negative Person appeared first on Chinkee Tan.

Bakit Ba Ako Nahihiya?

$
0
0
KUNG ANO ANG PINANIWALAAN MO YAN ANG MAGIGING PAGKATAO MO

Ano ba ang ikinahihiya mo sa iyong buhay?

Nahihiya ka bang mag­recite dahil baka mali ang maisagot mo?
Nahihiya ka bang manligaw dahil mas nakakaangat sa buhay ang iyong gustong ligawan?
Nahihiya ka bang mag­offer ng iyong binebenta dahil baka tanggihan ka lang?
Nahihiya ka bang magtanong ng instructions kasi baka isipin na hindi ka ganun katalino?
Nahihiya ka bang mag­share ng iyong ideas kasi feeling mo hindi naman masyadong maganda ang mga ito?

Ang pagiging mahiyain ay isang malaking hadlang for us to become successful.

But the good thing is, pwede natin itong ma­overcome.
How?

By following these steps:

DISCOVER ITS CAUSE

Una sa lahat, kailangan maunawan ang UGAT ng pagiging mahiyain.

We need to deal with the roots kasi balewala kung tatanggalin lang natin ang mga dahon from the tree of shyness pero nanatiling malusog ang mismong mga ugat nito.

Isang madalas na rason ay TUMATAK ito sa iyong isipan mula ng ikaw ay bata pa. Sinabi ng iyong nanay, “Naku! Napakamahiyain talaga nitong batang ito.”

At kung ito ang madalas mong marinig, malamang ito ang pinaniniwalaan mo, at magiging TOTOO sa iyong buhay. Kaya kung ang rason ay dahil ito ay naitatak na sa isipan mo mula nang ikaw ay bata pa, unti­unti mo itong BURAHIN sa pamamagitan ng pagtatatak ng mga positibong bagay na gusto mong maging totoo sa buhay mo.

FIND YOUR STRENGTHS

Isang paraan para mabura sa isipan mo na ikaw ay mahiyain is by KNOWING your strengths.

Lahat naman tayo ay may kanya kanyang kakayanan. At hindi ginawa ni Lord na pare­parehas ang mga ito. Gaya na lang ng mga parte ng katawan, hindi niya ginawang mata mula ulo hanggang paa. Imagine na lang kung ganun, hindi magandang tingnan diba?

So kung hindi mo kayang magsalita sa harap ng maraming tao, ok lang yun. Baka naman talento sa pagsusulat ang IBINIGAY ni Lord sa’yo.

EDUCATE YOURSELF

At kung hindi ka pa ganun kagaling sa talento na ipinagkaloob sa’yo, ayos lang din yun. All you need to do is to MAKE TIME to train yourself.

Even before pa daw magsimula ang bawat official training, nagpa­practice na daw mag­shoot si Stephen Curry. And by the time na mag­start na officially ang training, naka 100­150 shots na siya. familiar sa salitang “swish” sa basketball, ang ibig sabihin from Google ay, “sink (a shot) without the ball touching the backboard or rim.”

Ganun siya katindi mag­training. Before, during and after the official training, he is doing his BEST.

Kaya naman sa actual basketball game, he is CONFIDENT in every shot that he takes.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ang root cause ng iyong pagiging mahiyain?
Alam mo na ba ang mga strengths mo?
Are you training yourself para ma­master mo ang iyong skills?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Bakit Ba Ako Nahihiya? appeared first on Chinkee Tan.

Bakit Kaya Ang Hirap Niyang Kausap?

$
0
0
KUNG HINDI MO ALAM ANO ANG GAGAWIN MO MATUTONG MAGTANONG AT HUWAG MAGMARUNONG

Na­experience mo na bang magbigay ng instructions sa isang tao pero hindi niya ginagawa ito? May kilala ka bang gumagawa ng sariling desisyon at diskarte maski hindi mo naman pinapagawa sa kanya? Yun bang masasabi nating nagmamarunong?

“Parang mas okay kasi yung naisip ko eh”
“Hindi ba pwedeng ito nalang?”
“Bakit kaya ganun ang idea niya pwede namang yung sinuggest ko dati?”
“Ito na lang gagawin ko. Bahala na mamaya”

Mawalang galang lang po, hindi naman tinatanggal ang inyong karapatan na maging malikhain. Pero bago tayo lumikha ng bagong sistema at pamamalakad, matuto munang sumunod sa inuutos. Gawin mo muna at kung may maganda kang idea, ask permission before you implement.

Minsan kasi, may ibang pinapangunahan ang lahat. Hindi pa man sinusubukan o hindi pa alam ang end-result, hinuhusgahan na kaagad at may ‘say’ na.

Bakit nga ba may mga taong mahirap kausap?

MABAGAL ANG PICK UP

Kapag may mga inutos at hindi mo gaano naintindihan, wala naman nagbabawal sayo magtanong.

Huwag ka matakot dahil hindi naman kabawasan sayo iyon, in fact, matutuwa pa nga yung boss mo or kung sino mang nagbigay ng instructions because you showed interest and looks like na ayaw mo siya ma-disappoint.

Sabi nga, when in doubt…ASK!

MATIGAS ANG ULO

Ito yung mga taong naniniwala na sila lang ang tama o sila lang ang may magandang ideya.

Tendency nito, kapag may iniutos sa kanila, either hindi nila ito susundin, sisimangot na as if napipilitan, or gagawin pero sabay backstab.

MAY SARILING DISKARTE

Dahil feeling nila na sila lang ang tama, dito naman ngayon pumapasok yung gagawin nila yung tingin nilang dapat.

Halimbawa, may instructions sayo na itype mo sa Word, pilit mong inilagay sa Excel dahil tingin mo mas organized at maganda tignan.

Sa mga ganitong pagkakataon, kahit pa hindi maganda sa paningin natin o mabigat sa loob natin, wala tayong karapatang palitan ang ideya ng iba lalo na ng mga taong nag utos nito because this shows disrespect. Sabi ko nga, if may suggestion ka, ask permission first pero subukan mo muna.

ASSUMING

Example:
“Nako pag nakita niya yan, tiyak mai-impress yan”
“Di niya na papalitan yun, mas maganda kaya yun!”
“Hindi niya naisip yan kaya siguro yung ang pinagawa”

Yang mga yan eh haka-haka mo lang. Always ask yourself:

  • What if yun talaga ang kailangan?
  • What if ma-offend ko siya kapag binago ko?
  • Paano kung siya ang mapahamak kapag pinalitan ko?

Think about the other person bago ka gumawa ng desisyon. Tulad mo, ayaw mo din siyempre na gawin ito sayo. Put yourself in their shoes.

THINK. REFLECT. REPLY.

Nakakarelate ka ba sa blog na ito?
May mga kakilala ka bang mga taong ganyan?
Paano mo makakausap ng maayos para maging maganda ang inyong samahan?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Bakit Kaya Ang Hirap Niyang Kausap? appeared first on Chinkee Tan.

Bakit May Mga Taong Mahilig Mang-“Powerplay”?

$
0
0
HUWAG MONG ABUSUHIN ANG IYONG KAPANGYARIHAN DAHIL HINDI RIN ITO MAGTATAGA

May mga kilala ba kayong mahilig mang powertrip? Yun bang nabigyan lang ng konting katungkulan at kapangyarihan eh yumayabang na at nanggigipit pa ng ibang tao?

Halimbawa:

  • Kapag nagpatawag ng meeting, after 2 hours pa kung dumating.
  • Pinadalhan ka ng memo para lang pagtripan at kabahan ka.
  • Ipinapagawa ka ng mga trabahong labas na sa job description mo tulad ng pagbili ng personal na gamit o pagkain.
  • Pinapahiya ka sa harap ng mga kasama mo.

Ang tawag sa ugaling ito ay powerplay na kung saan nagkakaroon ng pang-aabuso sa ‘power’ or authority na meron siya ngayon.

Bakit nga ba may mga taong ganito?

MAYABANG LANG

Mula sa isang posisyon na pareparehas kayo, umangat siya ng isa o ilang steps.

The promotion or advancement itself made him/her feel successful and fulfilled kaya gusto niya ito ipagbigay alam sa lahat by bragging about it o iparamdam sa mga tao sa paligid niya by powerplaying.

MAPANG-MATA

Ito yung mga taong may natatagong discrimination sa katawan. Para sa kanila:

“Boss ako, staff ka lang”
“Mas mataas ako sayo”
“Ako nagpapasweldo sayo”
“Kung hindi dahil sakin, wala ka dito ngayon”

Sila yung akala mo eh pagkalayo layo na ng narating. Hindi din sila marunong lumingon sa pinanggalingan dahil na obsessed na sila sa ideya ng pagiging mataas.

HINDI NAPAPANSIN O NABIBIGYAN NG ATENSYON

Kaya may mga taong nagpo-powerplay ay dahil hindi nila nakukuha yung atensyon na gusto nilang makuha bilang isang boss o tagapamuno. Yung gusto araw araw pupurihin, ico-congratulate, o papansinin yung narating nila.

“Sir ang galing mo talaga!”
“Kainggit ka naman!”
“Ang galing mo!

Pero sadyang may mga taong hindi ganito, yung hindi masyadong issue sa kanila ang pag-angat ng isa or hindi big deal. Yung chill lang sila. Okay na yung naging masaya sila, sincere, and celebrated for a while with what happened, then they move on with their life.

NAIINGGIT

“Bakit may award ka tapos ako wala?”
“Yan? Excellent performer dito sa office?”
“Bakit siya kinausap ng CEO? Baka matuloy pa yung promotion niya ah”

Ito yung mga taong nakakaangat na pero naghahanap pa din ng pwede nila ikainggit sa iba imbis na matuwa sa success na natatamasa ng mga kasamahan nila. Kaya in return, pagtitripan niya ito para lang makaganti sa ibang paraan.

Ang powerplayer ay hindi marunong maging masaya para sa ibang tao at imbis na i-idolize nila at gawing inspirasyon yung taong yun, eh pinapairal niya ang crab mentality na kung saan hahatakin nya pababa yung feeling niyang humahabol o nakaka-angat na sa kanya.

THINK. REFLECT. REPLY.

Naging powerplayer ka na ba o naging biktima ng isang powerplayer?
Anong ginawa mo at bakit mo ito ginawa?
Paano mo i-aaproach ang mga ganitong tao sa magandang paraan?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Bakit May Mga Taong Mahilig Mang-“Powerplay”? appeared first on Chinkee Tan.

Dream Killer

$
0
0
KILLER OF DREAMS IS FEAR

The number one dream killer is #FEAR.

Takot ang numero unong papatay sa mga pangarap natin sa buhay.
Kaya kung hahayaan nating patayin ng takot ang mga pangarap natin, tatanda tayong nanghihinayang at nagsisisi.

Maraming hindi man lang sumubok dahil sila’y TAKOT.

Takot na malugi
Takot na magkamali
Takot na magumpisa
Takot na sumubok
Takot na mapagsabihan
Takot na makipagsapalaran
Takot na mapagod
Takot na maloko
Takot na ma-reject
Takot na sumablay
At kung ano-ano pang takot!

Yan tuloy,

Hindi na umasenso
Hindi na guminhawa ang buhay
Hindi na nadiscover ang mga gifts and talents
Hindi na lumago
Hindi na natuto
Hindi na na-fulfill
Hindi na nag-enjoy
Hindi na nag-tagumpay
Hindi na yumaman
Hindi na naabot ang mga pangarap..

Totoong laging nasa huli ang pagsisisi kapatid. Huwag nating hayaang patayin ng takot ang mga pangarap sa puso natin. Tayo ang pumatay sa ating mga takot.

Kung hindi natin susubukan, paano natin malalaman?
Kung hindi natin uumpisahan, paano natin makukuha?
Kung hindi tayo magkakamali, paano tayo matututo?
Kung hindi tayo makikipagsapalaran, paano tayo magtatagumpay?
Kung matatakot tayo, paano natin makakamit ang ating mga pinapangarap?

Hindi pa huli ang lahat kapatid. Get out of your box, step out of your comfort zone, face your fears and make your dreams come to reality!

THINK. REFLECT. REPLY.

Takot ka ba?
Anong kinatatakutan mo?
Are you ready to face your fears?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Dream Killer appeared first on Chinkee Tan.

Para-Paraan Lang Iyan!

$
0
0
Kapag gusto may paraan kapag ayaw maraming dahilan

May kasabihan nga tayong kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan!

Sa buhay ay hindi nauubos ang mga problema.
Hangga’t may hininga, hindi natatapos ang mga pagsubok.

Trials and challenges are present to teach us certain lessons.

Lessons that will mold our character, make us better as person, strengthen our faith, realize the value of something and more.

Kaya naman hindi tayo dapat nawiwindang, nawawalan ng pag-asa, nawawalan ng gana at naloloka kapag may dumarating na mga pagsubok at problema. Bahagi ito ng ating buhay.

Kaya’t kapag dumating ang mga problema, ano ang dapat nating gawin?

Huwag ma-trap sa problema, mag-isip ng solution.

There’s no such thing as a ‘dead-end’. Meron at merong paraan na palabas. Meron at merong solusyon. Tayo ay pinagkalooban ng Dios ng isip at karunungan para lutasin ang mga dumarating na problema sa ating buhay. Namomoblema kang wala kang pambayad ng tuition fee dahil mahirap lang kayo? Magtrabaho ka habang nag-aaral.
Namomoblema ka sa ka-opisina mong walang ibang ginawa kundi siraan ka? Gawan mo ng mabuti, kill him/her with love.
Namomoblema ka sa anak mong suwail? Spend more time with him/her and nurture your relationship with him/her.

Yes, napakarami ng problema na maaari nating danasin pero napakarami din solusyon na maaari nating gawin. Maupo at mag-isip, may solusyon ang bawat problema.

Huwag magpatalo sa pagsubok, labanan at mag-wagi.

Kaya nga sinabing pagsubok e, sinusubukan ka lang. It should not put you down instead it should make you stronger, wiser and better! Labanan mo ang mga tukso, negative thoughts and negative emotions and win your battle. Lahat ng mga successful na athlete, inventor, artista, professional, businessman ay dumanas ng samo’t-saring mga pagsubok, nagtagumpay sila hindi lang dahil sa magagaling sila kundi dahil sa lakas ng kanilang loob na labanan ang mga pagsubok. Huwag kang susuko because quitters never win.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ang mga problema mo ngayon?
Ano-ano na ang mga naisip at nagawa mong solusyon?
Handa ka na bang ipagkatiwala sa Diyos ang mga problemang that is beyond your control?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Para-Paraan Lang Iyan! appeared first on Chinkee Tan.

Why Give Less If You Can Give Your Best?

$
0
0
Life is short Live more Give your best

Magwawalis ka na rin lang, bakit hindi ka na rin maglampaso!
Goal mong maka-pasa sa exam, bakit hindi mo gawin ng 100%!
Liligawan mo ang kasintahan mo, bakit hindi mo na rin ligawan ang mga magulang nya!
Mamasahihin mo ang pagod mong asawa, bakit hindi mo na rin paglutuan!

Why give less if you can give more?
Lubus-lubusin mo na.
Ika nga ay, itodo mo na!

Kung tatrabahuhin mo nalang din, ayusin mo na.

Kung empleyado ka, huwag ka mag-facebook sa oras ng trabaho! Mag-focus at pagbutihin ang pagtatrabaho. Maraming naghahangad na magkaroon ng trabaho gaya mo. Mananahi ka ng damit, gandahan mo, hindi yung basta nakatahi lang at tabi-tabingi. Kung teacher ka, huwag pakopya ng pakopya sa black board, pagbutihin mo ang pag-gawa ng lesson plan at magturo ng buong giliw, sapagkat ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Kung nag-tatrabaho ka sa fastfood restaurant, ayusin mo ang pagpupunas ng mesa, hindi yung basta nakapunas lang. Ngumiti ka kahit pagod na at galingan ang pakikinig sa order ng customer.

Anong pinupunto ko? Huwag lang tayo basta magtrabaho. Galingan natin, pagbutihin natin.

Kung magbibigay ka ng effort, itodo mo na.

Kung gagawa ka ng kabutihan sa kapwa, itodo mo na! Maaaring hindi nya deserve yun o hindi siya karapat-dapat sa pabor na ibibigay mo pero ang Dios na nasa langit ang bahalang mag-reward at magpapala sayo. Sa iyong pagtulong at paggawa ng mga bagay, ibigay mo ang todong-todong talento, lakas at panahon mo. Sa huli siguradong hindi ka mag-sisisi because you’ve done your best. Hindi mo man makita ang bunga ng mga efforts mo sa ngayon, pero sigurado ako sa tamang panahon, makikita at aanihin mo rin ito.

Kung bitin ang effort, e di bitin ang balik.

Mahirap kung lahat ng gagawin natin ay bitin, hilaw at kulang. Don’t expect for a good and excellent result kung bitin naman ang effort mo. Kung ano ang itinanim mo, siya ring aanihin mo. Nagtanim ka ng kakapisarong effort, kakapiraso lang din ang balik sayo. Nagtanim ka ng kakaunting kabutihan, kakaunti lang din ang aanihin mo. Hindi pwede ang pwede na! Don’t settle for average. Always aim for the best!

THINK. REFLECT. REPLY.

Inaayos mo ba ang trabaho mo?
Todo ba ang mga efforts na binibigay mo o bitin?
Are you giving your best?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Why Give Less If You Can Give Your Best? appeared first on Chinkee Tan.


Ano Ang Gagawin Mo Kung Naiinis Ka?

$
0
0
WALANG MAGANDANG MAPAPALA KUNG PARATI NA LANG TAYO MAGPAPADALA SA INIS INIS TALO LANG

Hindi maubos-ubos ang mga dahilan para tayo ay mainis.
Hindi nasusunod at nangyayari ang gusto mo.
Parati na lang ikaw ang nakikita, nauutusan at napagiinitian.

Mahirap kausap at pakisamahan yung mga katrabaho mo.
Yung mabagal at mahabang pila sa MRT station.
At yung kasama na natin sa parte ng ating buhay, yung walang humpay na TRAFFIC.
Ngayon, hindi lang sa Edsa ang traffic, isama mo na pati yung Airline Traffic.

Iilan lang yan sa napakaraming dahilan ng pagkainis ng bawat isa sa atin.

Normal naman ang mainis, dahil ito ay isang natural response kapag tayo ay naagrabyado. Isa pa, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang emotion na mainis, dahil ito ay para kainisan yung mga maling bagay at pamamalakad sa mundo. Pero kung ito ay gagamitin natin sa maling paraan then hindi ito makakatulong sa atin at mabubuhay lang tayo sa pagka-inis at stress.

So what we need to do everytime na tayo ay naiinis is to . . .

PAUSE AND UNDERSTAND

Bago ka mainis sa katrabaho mo dahil panay ang kanyang reklamo, alamin mo kung ano ang UGAT ng ganung pag-uugali niya.

Malamang meron siyang pinagdadaanan na mabigat na suliranin at marami siyang extra na BAGAHE, kaya lahat ng lumalabas sa kanya ay puro sama ng loob.

When you find time to understand the person, mararamdaman niya yung CONCERN mo sa kanya. At kapag nangyari yun, you now have the OPPORTUNITY to influence that person positively.

And when we have a BETTER PERSPECTIVE of things, mas madali nang mapawi ang ating pagkainis.

Next thing that we need to do is to . . .

LET GO

Madalas, kaya tayo naiinis ay dahil nawawalan tayo ng CONTROL sa mga bagay bagay.

And that’s the REALITY. We really cannot control everything. We have LIMITATIONS.

Sa ngayon ay wala pa tayong magawa sa bigat ng daloy ng traffic, kaya HINDI MAKAKATULONG sa atin kung inuubos natin ang ating oras sa pagkainis sa traffic.

We have to LEARN to let go of the things that are BEYOND our control.

Just think of other things na pwede mong gawin that will be BENEFICIAL for you kahit naipit ka sa traffic.

Magdala ka ng reading or audio material sa bawat biyahe mo at basahin or pakinggan mo ito. O kaya naman kung may internet connection ka sa iyong phone ay kamustahin mo sa social media sites ang mga matagal mo nang hindi nakakausap na mga kaibigan. Pwede din na i-take mo yun as opportunities to reflect, dream or plan.

And finally, we have to . . .

BE APPRECIATIVE

Maiinis talaga tayo kung ang FOCUS natin ay yung mga negative na parte ng mga pangyayari sa ating buhay.

So for us not to live a life na laging iritable, kailangan matutunan natin na tingnan ang mga positibo at maging GRATEFUL sa mga ito.

Kung mabagal ang website ng airline at hindi makapag-book ng piso fare, huwag madala sa pagkainis. Instead, ipagpasalamat na may ganung promo na in-open for everyone. In the first place, hindi naman sila OBLIGADO na gawin yun di ba.

We just need to be PATIENT at kung hindi ma-avail ito, be grateful pa din sa pagkakataon na in-open para sa atin.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ang mga bagay na nakakapagpainis sa iyo?
Paano mo ito hina-handle?
Paano mo na-overcome ang pagkainis sa isang bagay?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Ano Ang Gagawin Mo Kung Naiinis Ka? appeared first on Chinkee Tan.

“Feeling Ko, Kakambal Ko Ang Malas…”

$
0
0
NEVER ALLOW NEGATIVE THINGS TO RUIN THE GOOD THINGS THAT YOU HAVE IN YOUR LIFE

Naranasan mo na ba yung parang ang malas malas mo sa buhay? Yung para bang sabay sabay ang dagok sa buhay mo o di kaya’y sunod sunod?

Halimbawa:

  • Di ka na nga natanggap sa trabaho, ninakawan ka pa ng cellphone.
  • Hindi nag alarm ang telepono mo kaya na late ka na, natanggal ka pa.
  • Pangatlong attempt mo na mag business, lugi na naman.

Minsan talaga ay may mga pagkakataong parang ayaw sumangayon sa atin ang kapalaran. Nagpupursigi ka naman, ginagawa mo naman ang tingin mong tama, at todo sa pag-exert ng effort pero ang ilap pa rin sayo ng suwerte. Feeling mo na talaga na kakambal mo ang malas!

Dito tuloy lumalabas ang inggit, galit sa mundo at insecurities.

Ano bang mga dapat gawin kapag nararamdaman natin ang malas ang buhay natin?

APPRECIATE WHAT YOU HAVE

“Paanong appreciate eh nawala na nga ang lahat sa akin?”

Matanong kita, ang mga bagay na sinasabi mong wala o nawala sayo ay ngayon mo lang ba nakikita kung gaano kahalaga?

Ang ibig kong sabihin ay, the fact that you’re alive, breathing, able to see, hear, smell, or taste ay napaka swerte mo na. Hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity kaya savor it as much as possible.

Habang may buhay, may pag asa! Bumangon ka.

LOOK AT THE BRIGHT SIDE

“Malas ko wala akong makitang trabaho”
“Malas ko talaga sa negosyo”
“Malas ko natambakan ako ng utang”

Kapatid, HINDI KA MALAS. Hindi kailanman malas ang taong nakaka-experience ng ganito. Siguro eh hindi mo pa panahon o maaring sinusubukan lang ang kakayahan mo.

Kahit gaano pa kabigat yan, meron at merong brighter side yan, you just need to identify it.

Example:

  • Unemployed = More time with family
  • Nagsara na business = New business idea na papatok
  • Nanakawan = At least di ka sinaktan

SPEND SOME TIME ALONE

Importante na magkaroon ka ng tinatawag na ‘me time’. Ito yung kahit konting oras para sa sarili mo na kung saan pwede ka mag reflect at meditate about your life.

Isipin mo kung ano ba talaga gusto mo sa buhay, mga desisyon kung saan ka nagkamali, o mga pagbabago na gagawin para makabawi.

Hindi kasi natin ito magagawa when we are surrounded with people, noise, and distractions. Umalis ka sandali and give yourself a break.

STAY AWAY FROM NEGATIVE PEOPLE

“Eh malas ka naman talaga”
“May balat ka ata”
“Hindi naman kasi bagay sayo yun”

There are times that we consider ourselves unlucky, hindi dahil sa yun talaga ang nararamdaman natin kundi na-trigger lang ng mga tao sa paligid natin.

“Siguro nga malas ako kasi sabi niya di talaga ako pinapalad sa mga ganito”

You are being brainwashed! Huwag mong hayaang i-manipulate ng iba ang pagiisip mo dahil kung ano ang tumatakbo sa isipan mo, yun din ang lalabas na resulta. Kaya stay away from these kinds of people.

DON’T FOCUS ON THE PROBLEM

Kung parati kang nagpi-pity party o yun bang wala ka ng ginawa kundi bilangin ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay mo ngayon eh tiyak wala kang mararating. You’ll get stuck.

Imbis na ito ang pagtuunan mo, focus on the solution para makabawi ka. To overcome a past failure, you need to focus on a better solution.

Sabi nga, IF IT ISN’T WORKING, CHANGE IT!

THINK. REFLECT. REPLY.

Paano mo nasabing malas ka?
Sa ganitong pagkakataon, ano naman yung pwede mo ipagpasalamat?
Paano mo mababago ang way of thinking mo?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post “Feeling Ko, Kakambal Ko Ang Malas…” appeared first on Chinkee Tan.

How To Deal With Haters

$
0
0
NEVER ALLOW HATERS STEAL YOUR JOY IN YOUR LIFE HATERS WILL BE HATERS INGGIT LANG SILA

Have you ever heard of the saying “You can’t please everyone”?

Haters gonna hate, ika nga. If people hate us, wala kang magagawa. Totoong we can’t control how people treat us, but we can control our response towards them. Napaka-ikli ng buhay para intindihin pa natin ang mga taong walang ibang ginawa kundi i-bash tayo, siraan tayo, i-discourage tayo at samantalahin ang kahinaan natin. Masasayang lang ang oras and energy natin kung didibdibin natin ang mga ginagawa nila against us.

Kaya para sa mga may haters, ito lang ang ang masasabi ko:

DEADMAHIN SILA

We cannot please everybody. Meron at merong mga tao na di sasang-ayon sa iyo at hindi matutuwa sa ginagawa mo. Kaya kung papansinin at papatulan mo pa sila, masasayang lang ang effort mo. Mag-focus ka nalang sa ibang bagay. Nakakalungkot nga dahil kahit anong gawin mo, laging may comment ang mga tao. May gawin kang maganda, may comment sila. May gawin kang masama, syempre may comment parin sila. Hindi mauubos ang puna, pintas at comment ng mga tao. Most of the time hindi mo na alam kung saan mo pa ba ilulugar ang sarili mo. Pero ito lang ang maipapayo ko, as long as you are doing what is right and pleasing in God’s eyes, you have nothing to worry about.

FOCUS ON THE THE POSITIVE AND NOT ON THE NEGATIVE

Piliin at salain mo lang ang mga comments at mga bagay na makakatulong sayo. Yung mga ‘negative feeds’ ay huwag mo na i-entertain. Huwag na natin itong pagmuni-munihan at alagaan sa ating mga puso’t isipan. It will just lower our self esteem, make us bitter and revengeful at higit sa lahat it will make our lives miserable. It’s really not worth it. So better focus our attention, energy and time on the positive.

LEARN FROM IT

Hangga’t humihinga tayo, the learning should never stop. We should learn from our experiences. Pangit man ito o maganda, we should always use our experiences to make us better as a person. These haters should mold our characters, and not the other way around. Hindi worth it kung magiging #beastmode tayo when people do bad things against us, tayo rin ang masisira. Let’s just evaluate ourselves and ask these questions:

Anong nagawa ko?
May pagkukulang ba ako?
Anong gagawin ko next time na ma-experience ko ito?
Anong natutunan ko sa karanasang ito?

Even Jesus had haters. Imagine? Diyos na yun pero may mga haters pa rin. People mocked, cursed and beat Him. The world hated Him first. Kaya naman we should never feel alone because God himself experienced what we are going through. He sees every tear, hears every cry and listens to our sentiments. He knows exactly what you feel because He has been there. If you are doing what is pleasing in His eyes, you can be sure that He is with you, and if He is with you who can be against you? Be still, take heart, God is with you.

THINK. REFLECT. REPLY.

How do you respond to your haters?
Where is your focus?
What have you learned from your experiences?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post How To Deal With Haters appeared first on Chinkee Tan.

Huwag Tayo Maging Pabigat Sa Buhay Ng Iba

$
0
0
MAS MABUTI NA IKAW ANG INAASAHAN KAYSA IKAW ANG UMAASA

May mga kakilala ba kayong pati pambayad ng kuryente, tubig, internet, cable at renta, asa sa iba?
Pati mismo ang kanilang pang araw-araw gaya ng pagkain ay iaasa pa sa iba.
Ang sarili nilang tagumpay at ang katuparan ng kanilang mga pangarap, nakaasa pa rin sa iba.

Wala na silang ibang ginawa kundi ang umasa.
Asa dito, asa doon!
Lahat nalang iniaasa sa iba.

“Bakit Chinkee, ikaw ba ay hindi rin ba umasa noong ikaw ay nag-uumpisa pa lang?”
Hindi naman masamang umasa. May panahon na sadyang kailangan nating umasa sa tulong ng ibang tao, pero hindi naman maaari na forever na lang na ganun. Kailangan din nating matutunan na tumayo sa sarili nating mga paa.

Why? Dahil napapagod din yung mga taong tumutulong sa atin.
May panahon para sumandal at umasa, at may panahon din para ikaw naman ang sandalan at asahan. Ika nga, bigayan, hindi dapat higupin at ubusin ng lakas.

ANO BA ANG TAMANG GAWIN?

Sikapin nating pagandahin at paunlarin ang ating mga buhay

Mag-isip ng mga paraan kung paano mapapabuti ang iyong buhay. Laging merong solusyon at laging merong paraan. Huwag tayong makuntento sa comfort zone na kinalalagyan natin ngayon. Ika nga e, kapag ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun, pero kung mamamatay ka pa rin na mahirap, choice mo na yun at wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo. Kaya hangga’t may buhay, may pag-asa pang gumanda ang buhay. Nasa sa iyo yun kung gugustuhin mo o hindi.

Sikapin nating makatulong

Huwag naman tayo mamihasa at masanay na laging tayo nalang ang tinutulungan at binibigyan ng pabor. Hindi porket may kakayanan yung taong inaasahan natin e sasagarin natin ang paghingi ng tulong. May hangganan ang lahat ng bagay. Huwag nating abusuhin ang pagtulong ng mga tao sa atin. Subukan natin na tayo naman ang magbigay ng tulong. Hindi kailangan bongga, kahit sa maliit na paraan man lang. Sa paraan na kaya natin. Yung ayon lang sa ating kakayahan. Yes, hindi ka mayaman at kaunti lamang ang pera mo para makapagbigay ng tulong but you can give your service for free. You can even share your skills and talents. You can give your time. Sikapin mong makatulong sa lahat ng pagkakataon because it’s better to give than to receive.

Sikapin nating huwag umasa

Mahirap ding umasa dahil minsan you can end up broken hearted and disappointed. Minsan umaasa tayo sa mga pangako ng mga tao, pero madalas hindi ito natutupad kaya naman ang resulta e, nagkakandaloko-loko ang mga buhay natin, broken hearted tayo, sira ang mga plano natin at kung ano-ano pa. Minsan sumasablay na rin ang mga taong inaasahan natin kasi pagod na sila sa dami ng nakaasa sa kanila. Ang mga bagay na kaya mo namang gawin, pagsumikapan mo nalang gawin kaysa sa iasa mo pa sa iba.

At kung tayo’y aasa, isa lang asahan natin, ang Diyos. Bakit? Kasi hindi Siya nagsisinungaling, Siya ay tapat at tumutupad sa Kanyang mga pangako at higit sa lahat, hindi Siya sumasablay o nagkakamali. Kung sa Kanya natin iaasa at ipagkakatiwala ang mga buhay natin, hindi tayo malulugi, hindi tayo mapapahamak, hindi tayo talo, hindi tayo mabibigo, hindi tayo madi-disappoint at higit sa lahat hindi tayo mapapahiya. Makakaasa tayo sa Kanya.

THINK. REFLECT. REPLY.

Sino-sino ang mga taong inaasahan mo?
Bakit ka nakaasa sa kanila?
Nasubukan mo na bang tumayo sa sarili mong mga paa?
Umaasa ka ba sa Dios o sa tao?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Huwag Tayo Maging Pabigat Sa Buhay Ng Iba appeared first on Chinkee Tan.

Nasa Huli Parati Ang Pagsisisi

$
0
0
MAG­ISIP NG MABUTI BAGO MAG­DESISYON DAHIL NASA HULI ANG PAGSISISI

“Kung nag aral lang sana ako ng mabuti, eh di sana madali ako makakahanap ng trabaho.”

“Kung di ko sana sinagot sagot ang nanay ko, eh di sana di ko siya nabigyan ng sama ng loob.”

“Kung tinapos ko lang sana kaagad yung trabaho ko, eh di sana di ako stressed ngayon”

“Kung inalagaan ko lang sana siya ng mabuti, eh di sana hindi kami naghiwalay”

Narinig niyo na ba yung katagang: “Nasa huli ang pagsisisi”?

Ito yung mga pinalampas nating mga pagkakataon sa buhay dahil lamang sa mga maling desisyon na hindi pinag isipan ng mabuti, kaya tuloy, sa huli pinagbabayaran natin ito.

Kung maibabalik mo lang talaga yung panahon, pero ang hirap na ibalik ang nakaraan. Gusto mo man bumawi pero kadalasan, it’s too late.

Ano ba ang cause ng pagsisisi sa huli?

MAKASARILI

May mga taong nagsisisi sa huli dahil naging makasarili sila sa umpisa. Nung mga panahong kailangan nila mag-decide, ang iniisip lang nila eh yung sarili nilang kaligayahan at benefit maski may ibang taong maapektuhan.

Halimbawa:

  • Nag-absent sa school para makaalis kasama ang kaibigan. Hindi inisip yung magulang na nagbabayad ng tuition
  • Hindi tinapos kaagad ang trabaho para maisingit ang pag-Facebook. Hindi inisip na malalagay sa alanganin ang mga kasamahan sa trabaho
  • Nagsinungaling sa kasintahan para hindi na siya mahirapan magpaliwanag. Hindi naisip na ang pagsisinungaling ay makakaapekto sa relasyon.

HINDI PINAHALAGAHAN ANG LONG TERM EFFECT

Para sa kanila, ang nakita lang nila ay yung present situation–yung kung paano sila makakalusot o makakatakas, o di kaya’y paano sila magiging convenient NGAYON.

Ang hindi nila alam, sa bawat desisyon na ginagawa nila ngayon ay may epekto sa mga susunod na pagkakataon kaya dapat lagi tayong mag iingat.

TEMPTATION

Kadalasan naman naiisip naman natin ang mangyayari kapag ginawa natin ang isang bagay.

Sumasablay lang kapag napapalibutan ka ng mga taong mambubuyo pa na gawin mo kung ano ang mali.

“Sige na, minsan ka lang naman tatakas.”
“Hindi naman malalaman noh.”
“Mamaya ka na magtrabaho di pa naman kailangan yan.”

Kapag may mga ganito, syempre umiiral ang peer pressure kaya napapasunod ka na lang sa kanila.

THE “BAHALA NA” HABIT

“Mamaya ko na gawin yan, bahala na”
“Pag napagalitan ako, bahala na”
“Hingi nalang ako ng sorry tapos bahala na”

Ang mga taong naiipit sa ganito ay yung mga sanay makipagsapalaran.

Alam naman nilang mali, alam naman nilang maari silang mapahamak pero gagawin pa din nila dahil para sa kanila, hindi naman nila alam ang kahihinatnan so bakit sila matatakot o magpapapigil sa gusto nila.

Ang mahirap lang sa “bahala na” ay sugod ka nalang ng sugod ng hindi tinatanong ang sarili na: “Paano kung yung worst case scenario ang mangyari kapag tinuloy ko ito?”

KULANG SA DASAL

The people who might have experienced the worst ay yung mga taong nakakalimutang mag-seek ng guidance from God. Sumugod nang walang kaukulang consultation at wisdom na galing sa itaas.

Sa mga panahong di mo alam ang gagawin o kung anong choice ba ang dapat piliin, ask for God’s help because He is the only one who knows the answers. Siya lang ang may alam ng future ng bawat isa sa atin.

THINK. REFLECT. REPLY.

Anong mga bagay ang pinagsisisihan mo ngayon?
Bakit mo kaya ito nagawa?
Anong naiisip mong paraan para mapatawad ang sarili mo at makabawi?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Nasa Huli Parati Ang Pagsisisi appeared first on Chinkee Tan.

When Should We Quit?

$
0
0
PLAN A DOESNT WORK OUT YOU STILL HAVE B TO Z

Natanong mo na ba minsan sa sarili mo kung kailan ba yung tamang panahon para mag give up? Naiisip mo ba kung ano ba ang mga senyales o hudyat na nagsasabing itigil mo na ang gusto mo mangyari sa buhay mo?

“Naka-tatlong attempt na ako mag apply diyan, titigil na ako baka naman hindi para sa akin yun.”

“Lagi na lang nalulugi yung mga sinisimulan kong business. Sign ba to na huwag ko na ipush ang pagiging entrepreneur?”

“Hirap na hirap na ako sa trabaho hindi naman ako napo-promote. Mag-resign na kaya ako?”

There are times when we feel hopeless kapag hindi natin nakakamit yung mga gusto natin. Kadalasan tuloy, our only option is to quit. To QUIT in the sense na:

  • Kapag napagod, susuko na.
  • Kapag napagalitan, resign.
  • Kapag naiinip, aatras na sa laban.
  • Kapag nawalan ng pasensya, magwa-walk out sa problema.

Kung ang pag quit lang parati ang solusyon mo sa problema, mahihirapan kang maabot ang iyong mga pangarap.

Bakit? Kasi sinukuan mo na kaagad ito without maximizing all the possibilities.

Hindi naman porket hindi sumasangayon ang panahon sayo eh ibig sabihin hindi na tama ang tinatahak mong journey. Minsan, ito’y daan lamang para matuto tayo at mas maging handa sa mga bagay na haharapin pa natin.

When you feel like giving up, tandaan mo lang na:

YOU CAN STOP AND REST, BUT DON’T QUIT

Maaring napapagod ka lang because of all the pressure that you’re facing right now.

Maaring sabay sabay ang mga pangyayari sa pamilya, trabaho, and relationships kaya iniisip natin na sumuko nalang kasi we feel drained.

No. Don’t quit. Kailangan mo lang siguro huminto at magpahinga. Be good to yourself by giving yourself some time alone—pwedeng sa room mo lang, sa church, mall o kahit saan na walang kang iniintindi kundi ang sarili mo.

YOU CAN CHANGE WHAT YOU’RE DOING, BUT DON’T QUIT

Kapag may mga ginagawa tayo na paulit ulit pero hindi pa din tayo nagtatagumpay, hindi naman ito rason para sumuko. Maaring kailangan mo lang mag bago ng routine o strategy na tingin mong hindi mo pa nagagawa.

Mix and match the choices that you can think of para makuha mo ang right formula.

Halimbawa:

  • Ayaw mo na maghanap ng trabaho dahil tatlong beses ka na narereject sa kumpanya na gusto mo. Try other companies, but never stop looking for a job!
  • Ayaw mo na magtayo ng business kasi laging nalulugi. Change your product or your strategy, but never stop pursuing your dream business

At paano mo ito gagawin?

YOU CAN PAUSE, CHECK, AND RE-EVALUATE WHAT YOU’RE DOING, BUT DON’T QUIT

Tanungin mo ang sarili mo:
“Ano ano ba yung mga ginagawa ko ngayon na routine na lang?”

“Saan kaya ako maaring nagkamali o nagkulang?”

As you do this, mare-realize mo kung ano pang mga improvements ang pwede mong gawin o yun bang mga nalampasan mong options na pwede mong i-apply next time.

Keep in mind that if: PLAN A DOESN’T WORK OUT, YOU STILL HAVE B TO Z.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ba yung gusto mo makamit pero nahihirapan ka?

Saan ka kaya nagkulang o nagkamali at ano ang pwede mo baguhin o palitan?

Anong mga rason ang pwede mo i-consider para ma-motivate ka not to quit?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post When Should We Quit? appeared first on Chinkee Tan.

What Will You Do When You Are At The End Of The Rope?

$
0
0
YOU CANNOT WIN THE BATTLE ON YOUR OWN

Lubog na lubog ka na ba sa utang?
Naghiwalay ba kayo ng asawa mo?
May matindi ka bang karamdaman?
Natanggal ka ba sa trabaho?

Iilan lamang ito sa mga matitinding problema na maaring kinakaharap ng iba sa atin ngayon.

Yun bang kapag iniisip mo pa lang, pakiramdam mo ay end of the world na, wala ng solusyon, o hindi mo na alam kung saan ka magsisimula dahil sobrang baba na ng self-esteem mo.

“Ayoko na mabuhay!”
“Suko na ‘ko”
“Ang malas malas ko”
“Anong gagawin ko?”

In times like this, napakadami nating naiisip gawin at kino-consider na options kung papaano natin malalampasan ang mga challenges tulad nito. Yun nga lang kung minsan, sa sobrang pagka depressed eh hindi na natin naiisip kung ito ba ay talagang makakabuti sa atin o ilalagay lang tayo nito sa alanganin.

Ano ba yung usual choices?

KEEPING IT TO YOURSELF

Kapag may problema, ang iba sa atin ay sinasarili lang. Ito yung mga taong feeling nila ay kaya nila iresolba ng hindi humihingi ng tulong sa iba.

Ang problema lang dito kapag hindi mo maresolba ng mag isa eh magse-self pity party ka. Feeling mo parati aping api ka o hirap na hirap, hindi dahil sa wala kang matakbuhan kundi pinili mong sarilihin ito.

RUN TO FRIENDS AND RELATIVES

This is better than the first. Kasi ito, may nakakausap ka na, nakakapag share ka, and you can even receive advices from those who are genuinely concerned about you.

Pero bago ka man lumapit sa kaibigan o kamaganak, ask yourself:

“Mapapagkatiwalaan ko ba siya?”
“May concern ba siya talaga sa akin o nakikichismis lang?”
“May instances ba na I was judged by this person?”

Kailangan mo muna malaman kung sino ba talaga ang pwede mong sabihan. Choose someone who has a genuine and caring heart, who will give you comfort, and who will support you all the way dahil mabigat na ang dinadala mo.

DISTRACT YOURSELF

“I-iinom ko na lang ‘to”
“Pupunta ako sa malayong malayo”
“Papagurin ko nalang sarili ko sa trabaho”
“Itutulog ko na lang ’to”

Then what? Pagkatapos mo ba gawin ang lahat ng iyan, nawala ba ang problema mo? Ang sagot: HINDI.

Ang mga nabanggit ay paraan lamang ng pagtakas sa problema o sabihin na nating ‘temporary solutions’. You distract yourself thinking na it will just go away na para bang walang nangyari, but in reality, this isn’t how it works.

Ang problema ay mananatiling problema hangga’t hindi mo ito hinaharap. Wala namang masama to pause for a while and think pero GET BACK ON TRACK para ayusin kung anong nakabitin.

So what’s the best thing to do?

RUN TOWARDS GOD

Sabi nga, “God will never leave you nor forsake you”

He is our ultimate protector. Alam niya kung anong makakabuti para sa atin o hindi kaya we just need to seek for His help by asking for wisdom and guidance para malaman mo kung ano ba ang step na kailangan mong gawin para malagpasan mo yung problema mo.

When you feel sad…PRAY
When you feel hopeless…PRAY
When you feel depressed…PRAY

But above all, thank Him kasi the fact that He allows you to wake up in the morning, ibig sabihin, may chance ka pang makabawi at makaahon.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong pinagdadaanan mong mabigat ngayon?

Paano mo ito hinahandle—mag isa, may kasama, o self-distraction?

Have you tried seeking God’s help?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post What Will You Do When You Are At The End Of The Rope? appeared first on Chinkee Tan.


5 Bad Habits We Must Stop Doing To Be Successful

$
0
0
HABITS DETERMINE WHO WE BECOME

Ang bad habits ay parang mga anay. They are small and look harmless but in the long run it bring major damages. Kapag nakita mo isang pirasong kahoy, mukhang ok naman siya sa labas, pero kapag ito ay hinawakan mo, doon mo malalaman na wala na pala siyang laman. It makes the foundation weak. Bad habits hinder us from reaching our dreams.

Nasasayang lang ang ating oras at energy kung ilalaan natin ang mga ito sa mga hindi magandang mga gawain.

Bad habits is a MANIFESTATION of what is really happening in the inside.

And like I always say:
Negative Mindset + Negative Action = Negative Result

We should never expect good results out of a bad habit.

Kaya kung gusto natin maging successful, here are the five bad habits that we must stop doing:

STOP THINKING NEGATIVE

Syempre unang una ‘to sa listahan because negative thinking is the ROOT CAUSE why we act negatively.

If we really want to become successful, feed your thoughts with affirmations like these:

“Kung kinaya ng iba, kakayanin ko din!”
“Walang imposible sa tulong ni Lord!”
“I have a choice at pipiliin kong maging successful!”

With these kind of declarations, siguradong may makukuha tayong magandang resulta along the way.

STOP PROCRASTINATING

We get easily distracted.

Alam mo ba that we pick up our smart phone at least 150 times in a day, consciously or unconsciously.

“Check ko lang muna kung may nag message sa akin sa FB or Viber”, hindi mo namamalayan, may 30 minutes ka na pa lang nag-susurf.

Ang nangyayari tuloy, napapaliban yung mga mas importanteng gawain that will help you to reach success.

We have to SET PRIORITIES and be DISCIPLINED in accomplishing the tasks that are crucial for us to become successful.

STOP COMPARING YOURSELF TO OTHERS

Ito siguro ang isa sa mga nagpapabagal sa iyo.
Parati ka na lang nakatingin sa mga ginagawa ng kapatid mo, kasama mo sa opisina, classmates mo, o mga competitors mo.

Ok lang sana kung yung point of comparison mo is to learn from them.
Pero kung na-iinsecure ka na at nagkakaroon ka na ng feeling na mas inferior ka kaysa sa kanila, doon na tayo nagkakaproblema. Because the more you compare, the more you grow insecure.

Ang bawat is sa atin ay UNIQUE. Ginawa ni Lord na magkakaiba tayo to COMPLEMENT ang kakulangan ng bawat isa. Hindi Niya ginawang magaling magturo lahat dahil baka lahat na lang ay gustuhin na maging teacher at walang mapunta sa ospital to help the sick people.

So stop the comparison and LEARN TO APPRECIATE AND CELEBRATE your uniqueness.

STOP FIGHTING CHANGE

The only thing that is permanent in this world is change.

Ang edad natin, nababago kada araw. Ang emosyon natin, nagbabago din. Pati ang panahon, nagbabago bago rin.

Change is INEVITABLE. It is out of our control kung magkaroon ng pagbabago.

We will just be frustrated if we will resist change.
So just start embracing change and enjoy whatever we can learn from it.

STOP RUNNING AWAY FROM YOUR PROBLEMS

Gaya ng pagbabago, parte din talaga ng buhay ang mga problema. Hindi natin ito matatakasan.

Avoiding it will not TRULY solve the problem. Lalo lang lumalalim ang damage nito sa atin.

So start facing them with hope, courage and faith. Problems are not endings, they are just part of the road you need to take to become truly successful.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang mga bad habits mo?
Are you ready to stop those bad habits to become successful?
Ano ang gagawin mo to stop your bad habits?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post 5 Bad Habits We Must Stop Doing To Be Successful appeared first on Chinkee Tan.

3 Things You Need To Say To Yourself Daily To Become Successful

$
0
0
I AM BORN TO WIN

Kung tatanungin kita from a rate of 1 is to 10?
1 is the lowest and 10 is the highest.
How would you rate your confidence level?

1-4 = below average
5-7 = average
8-10 = above average

How did you fare in this test?

If you score average or below average, that is pretty normal.
If you score above average, you are exceptional.

Sometimes we have the tendency to look down at ourselves,
we don’t believe in ourselves and we even talk down to ourselves.

May tendency tayo na sabihin sa ating sarili…
“Kaya ko ba ito?”
“Pwede ito mangyari sa iba, pero malabo ito para sa akin.”
“Grabe ka naman, napaka ambisyoso mo naman!”
“Parang ‘di ko naman deserve ang magandang buhay.”
“Hindi naman ako magaling.”

If we allow those kind of statements na mamuhay sa ating mga kaisipan, success will never come into our lives.

Para bang nangangarap tayo pero tayo na mismo ang pumapatay

Pero kung gusto talaga natin na maging successful, here are the three things that we need to tell ourselves daily:

I AM BORN TO WIN

Lahat naman tayo ay may kanya kanyang kahinaan at kakulangan. But it doesn’t necessarily mean that we are already losers because of our weaknesses.

We can still win, despite of our weaknesses, if we will just ALLOW ourselves to win.

Look at Nick Vujicic, this man has been born without limbs. Nag-struggle siya with depression because of that. But eventually, he chose to STAND STRONG kahit na may kulang sa kanya.

He has been an inspiration to a lot of people. He is a PERFECT EXAMPLE na kahit pa may kulang sa ating mga sarili, we can still say to ourselves with confidence, “I am born to win.” At mamuhay na isa talagang WINNER.

I AM BORN TO PROSPER

Kahit pa lubog ka sa kahirapan, you can still say this statement to yourself.

Kung nahihirapan kang paniwalaan yun, alalahanin mo na lang ang ibang mga bilyonaryo ngayon na sa kahirapan din nanggaling.

I believe kilala naman nating mga Pinoy si Henry Sy. Alam naman natin na naranasan niya din ang paghihirap. Pero ngayon, ang kanyang success ay makikita na sa buong Pilipinas, mula sa Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao.

I AM BORN TO HELP OTHERS

This is a great motivation para magpursigi tayo na makamit natin ang success.

This statement is a good way to redirect our focus from our weaknesses to the needs of other people.

Kadalasan kasi, pag sarili lang natin ang iniisip natin, we will just think na kaya naman tiisin ang kahirapan.

Pero pag ibang tao na ang usapan, gaya ng magulang o anak, hindi natin kayang tiisin na makita silang naghihirap. Ang mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal natin sa buhay ang ating magiging COMPELLING REASON for us to move forward.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang madalas mong sabihin sa sarili mo?
Nakakatulong ba ang mga yun for you to become successful?
Ano ba ang compelling reason mo to reach success?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post 3 Things You Need To Say To Yourself Daily To Become Successful appeared first on Chinkee Tan.

3 Ways To Reduce Stress In Life

$
0
0
12884393 10153520375358034 1565847083

Ikaw ba ay nakakaranas ng stress?
Traffic sa kalsada, mahirap makakuha ng sasakyan, makukulit ng mga tao sa opisina o kaeskwela, inconsiderate at insensitive na asawa.

Pwede pa ba kayang mabuhay na stress-free?
Hindi na natin maiiwasan ang stress, siguro ang tamang tanong ay kailan ka ma-stress?

Kaya nga may kasabihan, “if you cannot beat them, if you join them.”
Ano ibig mo sabihin Chinkee? Tanggapin ko na lang ito?

What I am trying to say is,”If we cannot avoid it, we should learn how to manage it.”

Pero naniniwala din ako na may mga unnecessary stress sa buhay natin that we can manage and avoid.

But before we even start talking about it,
reminder, this is not an overnight thing. It is a PROCESS.

And one way to reduce stress is to. . .

BE AN OPTIMIST

Ang isang paraan for us to reduce the negative is by ACCEPTING that bad things can happen to good people. We cannot control the outcome of our day. But we can sure choose how to respond to it.

Paggising mo, you can choose kung ano ang una mong gagawin. Matutong manalangin at magpasalamat sa Diyos sa isang bagong araw o magreklamo na marami kang dapat gawin at harapin.

Sa pagpasok sa trabaho, may choice ka na magreklamo na ikaw ay maraming gagawin o magpasalamat na ikaw ay may trabaho pa rin.

Sa iyong makukulit at matitigas na ulo ng mga anak, may choice ka na mainis at masira ang araw mo, at maging isang monster o matutong magpasalamat kay Lord na binayayaan ka ng malulusog at walang kapansanan na anak.

Ifocus na lang natin ang ating attention sa mga bagay na magaganda at pwede natin pasalamatan, para unti-unting MATATABUNAN yung mga bagay na posibleng mag-cause pa ng iyong stress.

Another way to eliminate unnecessary stress is to. . .

CHOOSE THE PEOPLE YOU WANT TO BE WITH

Ang mga taong nakapaligid sa atin ay nakaka-apekto sa atin.
Kung mga masayahin ang mga kasama mo, chances are na magiging masaya ka; kung ang mga kasama mo naman ay yung mga reklamador, chances are, maiinis at magiging reklamador ka rin tulad nila.

Ang negativity talaga ay nakaka-drain ng energy which is the MAIN CAUSE ng ating stress.

If you’re too stressed, the LAST THING you need ay mga negatrons sa paligid mo. And if ever that you are surrounded by them, find a way para maiwasan sila.

At kung may mga burden ka sa mga friend mo na medyo nega. The best option for you and your negatron friends is for you to be INFLUENCED by positive people. Mas magdididikit ka sa mga tao who can UPLIFT your mood. And eventually ay ikaw naman ang magiging encouragement for your negatron friends.

And third way to lessen your stress in life is to. . .

FOCUS ON YOUR POTENTIAL NOT ON YOUR WEAKNESS

Lahat tayo ay may kahinaan, huwag natin tingnan ang mga bagay na hindi natin kayang gawin. Tignan natin kung ano ang kaya natin gawin.

Lahat naman tayo ay nagkakamali, huwag tayong mag focus sa ating pagkakamali, we need to focus on the right things we did. Marami rin naman tayong nagawang tama sa buhay.

Let us just think that our weaknesses and mistakes ay parang mga guro natin, marami tayong MATUTUTUNAN sa bawat kahinaan at pagkakamali natin.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang madalas na nagiging cause ng iyong stress?
Have you tried managing stress in your life?
Kung oo, paano mo ito ginagawa?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post 3 Ways To Reduce Stress In Life appeared first on Chinkee Tan.

Ano Ba Ang Iniisip Mo?

$
0
0
12527879 10153520375223034 1413403778

Have you ever felt the need to question your spouse’s state of mind because of the mistakes he or she did in the past?
Gusto mo ba siyang komprontahin sa mga sablay na desisyon na nagawa niya?
Di mo na ba mapigilan ang sarili mo and you’re on the verge of unconsciously kicking your spouse’s ego?

We know everyone make mistakes.
No one is perfect.

If we already know this at the first place, how come we can be so unforgiving if our spouse makes mistakes?

Masyado mataas yung standard natin at ine-expect natin sa ating asawa. Nagiinit ang ating mga ulo kapag sila ay nagkakamali. Natural na sa atin na makita ang mali ng ating kapwa maging ng ating asawa, pero hindi naman natin napupuna yung ating pagkakamali. Tila bulag tayo sa ating sariling pagkukulang o pagkakamali.

Ang ibig mo bang sabihin ay hayaan na lang natin yung pagkakamali?

Hindi ko naman sasabihin na dapat magpawalang bahala ka, hindi rin naman ito tama.

“E Chinkee, ano ang dapat gawin kung wala na nagawang tama ang asawa ko?”

I have two things to share na pwede mong gawin kung yan ang sitwasyon na kinakaharap mo.

Una,

CORRECT YOUR SPOUSE IN A LOVING MANNER

Tatayming ka, huwag mong siyang kausapin kung naiinis ka o galit.
Kahit maganda ang gusto mong sabihin, may mali ka parin masasabi.

Once na lumamig na ang ulo mo, daanin mo sa lambing, hindi sa inis at galit.

You can say something like this…

“Mahal, pwede ba magbigay ng personal observation, napapansin ko lang lately na masyado ka na nagpupuyat at hindi maganda yan sa iyong kalusugan, maaga ka pa bukas, baka kailangan mo na ipahinga yan.”

Instead of saying, “Matulog ka na! Kung magkasakit ka, ako na naman ang mahihirapan at gagastos na naman tayo!”

Kung mahilig naman maglaro ng computer yung asawa mo…

“Mahal ok lang na mag-laro ka ng computer, alam ko ng kailangan mo rin ng ‘me’ time. Ok lang ba? Kung unahin muna natin ang ating prayer time with the family para makatulog na rin ang mga bata?”

Instead of saying, “Ano ba ang priority mo, computer games mo o pamilya mo?”

So in other words, be careful, be gracious and be wise in expressing your feeling and sentiments toward your spouse.

OK lang naman na pansinin ang pagkakamali ng iyong asawa, ngunit dapat maging maingat kung paano ito sasabihin. Kaya nga may kasabihan, “it is not what you say but how you say it”.

Address the problem but also be careful how you address it. Huwag kang harsh sa asawa mo kung kakausapin mo siya tungkol sa problema niya. Huwag mo siyang sisigawan. Huwag mo siyang kakausapin in a way na pinapa-feel mo sa kanya that he or she is worthless. Approach your spouse in a manner na nararamdaman niya na mahalaga siya sayo, na mahal mo siya kaya mo siya itinatama sa kanyang pagkakamali.

Pangalawa,

CORRECT YOUR SPOUSE PRIVATELY

May mga pagkakataon na di natin mapigilan ang ating mga sarili so we tend to discipline our spouse even in public. That is a big no-no. Never correct or “discipline” your spouse in front of anyone, kahit pa na super sablay ang kanyang nagawa o nasabi. Kung gawin mo kasi yun in front of other people ay para mo siyang dini-disrespect. Your spouse is not a child that you should discipline with an audience. Even children needs to be disciplined privately (but that’s another topic to discuss) so why do it to your spouse?

Kahit anong mangyari, RESPECT & HONOR one another.
Walang bastusan!

THINK. REFLECT. APPLY.

Respect for your spouse should be intact kahit na may sablay na nagawa ang asawa mo. Your spouse’s mistakes does not give you the license to judge him/her.
Besides, we are all human–we all make mistakes.



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Ano Ba Ang Iniisip Mo? appeared first on Chinkee Tan.

3 Practical Ways On How To Fight Smart

$
0
0
NEVER GIVE UP THE GOOD FIGHT OF FAITH

Umabot ka na ba sa punto ng buhay mo na pagod ka na sa kala-laban at kasasalag ng mga laban na hindi mo dapat labanan?

Ang kaibigan mong matigas ang ulo, kahit anong payo mo ay hindi nakikinig.
Ang boss mong perfectionist na kahit ano ang gawin mo, hindi mo maabot ang kanyang standard.
Ang asawa mong parating tama at ikaw ay parating mali.
Ang biyenan mong masungit na kahit anong mabuti ipakita mo, masama ka pa rin.

I am sure na nagawa mo ang lahat, at umabot ka na sa punto na napapapagod ka na sa iyong pakikipaglaban.

Ang tanong ko sa iyo sa araw na ito ay, “Are you fighting hard or fighting smart?”

Fighting hard is good, but if you do not fight smart, I can assure you mabu-burnout ka!

Allow me to share with you the Three Practical Tips on How To Fight Smart:

LEARN HOW TO FIGHT YOUR ENEMY

Bago ka pa pumasok sa giyera, alamin mo muna kung sino ang iyong katunggali.
Minsan, dinadaan na lang natin sa ating damdamin, at hindi na tayo nag-iisip. Kaya kung ikaw ay nakipaglaban na galit ka, sigurado ko na matatalo ka!

You cannot use emotions to win the battle, you got to know the enemy first.
Sino ba ang kalaban ko?
Ano ba ang kanilang kalakasan na hindi ko kayang tapatan?
Ano din ang kanilang kahinaan na pwede kong gamitin laban sa kanila?

LEARN HOW TO CHOOSE YOUR BATTLE

You got to be wise and be strategic.
HIndi pwede bara-bara bay na lang!
Kailangan mong mag-isip ng mabuti at magplano ng maigi. Ano ang magiging game plan mo?
Ano ang mga resources na kakailanganin mo?
Sino ang mga taong makakatulong sayo?
Kailan mo ie-execute yung plano mo?

LEARN HOW TO SURRENDER

May mga pagkakataon na kailangan natin din matutong tumigil.
Alamin natin yung oras na kailangan mo nang sumuko; minsan nauubos na yung oras mo, pagod mo, pasensia mo sa pinaglalabanan mo.

Ang tanong, ikaw ba ay tinawag na labanan yung problema mo sa buhay.
Minsan kasi, kahit hindi mo dapat pasukin yung laban na yan, pero feeling mo kailangan mong makialam. May mga pagkakataon din na sinasabihan ka na kailangan mo ng magpahinga, pero sige, tuloy ka parin ng tuloy.

When I say surrender, ang ibig sabihin po niyan ay hindi ka susuko, kung hindi matutong isuko ang iyong laban sa Diyos.

Ang magandang balita, we do not need to fight the battle we are not called to fight.
Kung hindi naman dapat tayo kasali, huwag na tayong makisawsaw.

Ang pangalawang magandang balita, we do not need to fight the battle alone.
Because God promised that He will never leave us nor forsake us.

Ang pangatlong magandang balita, we got to be still and know that God is in control.
HIndi tayo ang may hawak ng ating kinabukasan, tanging ang Diyos lang ang may say sa ating buhay, kung ano ang mangyayari sa ating buhay.

Kung meron man tayong isang laban na dapat ipaglaban ay….

We need to fight, is to fight the good fight of FAITH.
Kahit anong mangyari, hindi tayo aayaw sa ating pananalig.
Kahit anong mangyari, hindi tayo susuko kahit sa ano mang pagsubok.
Kahit anong mangyari, hindi tayo mapapagod magtiwala at manalangin.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw may laban ka bang pinagdadaanan?
Kamusta ka na, pagod ka na ba at gusto mo ng umayaw?
Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin para hindi ka mapagod?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post 3 Practical Ways On How To Fight Smart appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live