Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Impatient Ka Ba?

$
0
0
ang tunay na tagumpay ay pinagtitiyagaan at pinaghihirapan

Instant noodles…
Instant coffee…
Instant millionaire…
Instant family…
Instant boyfriend/girlfriend…
Instant house and lot…
Instant fame…
…at kung anu-ano pang klase ng pagka-instant!

Sino ba naman ang may gusto na:

  • Maghintay ng matagal?
  • Magtiis?
  • Magpakapagod?
  • Magpaka-martyr?
  • Magpuyat?
  • Maubusan ng panahon para sa pamilya at mahal sa buhay?
  • Hindi magkaroon ng panahon para makapag-relax?

Gusto natin ‘yung:

  • Hindi na tayo mahihirapan.
  • Hindi na tayo magtitiyaga.
  • Hindi na tayo mag-eeffort.
  • Hindi na tayo maghihintay.

Gusto natin ‘yung mabilisan!

Pero napapansin mo ba, ang mga bagay na minamadali ay madali ring mawala?

‘Yung mga bungang minadaling mahinog, maasim pa rin.
‘Yung instant cash na nakuha, naglaho na parang bula.
‘Yung instant pag-ibig na natagpuan, instant ring nawala.
‘Yung instant success na nakamit, hindi rin nagtagal.

Hindi ba’t mas maganda kung paghirapan natin ang isang bagay para talagang mapahalagahan natin ito?

Hindi ba’t mas mainam kung magtitiyaga at magtitiis tayo kaysa maghanap ng short-cut?

Hindi ba’t masarap at matamis ang mangga kung hihintayin nati itong mahinog?

Let us not go for quick schemes and shortcuts. At the end of the day, you will realize that the hard work you put into achieving your goal is worth it.

THINK. REFLECT. APPLY.

Naiinip ka na ba?
Anong umuubos sa pasensya mo?
Are you willing to endure and wait?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Impatient Ka Ba? appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles