
Anong pinagdadaanan mo ngayon, kapatid?
Iniwan ka ba ng taong mahal mo?
Natanggal ka ba sa trabaho?
Lubog ka ba sa utang?
Gusto mo bang itama ang mga pagkakamali mo?
Namatayan ka ba ng mahal sa buhay?
Hindi mo malaman kung anong direksyon ang tatahakin mo?
Pagod ka na ba sa takbo ng buhay mo?
Nasasaktan ka na ba sa paulit-ulit na rejection?
Hindi mo alam kung paano lalabas sa problemang napasok mo?
Huwag kang bibitaw dahil hindi ka nag-iisa.
Huwag kang bibitaw dahil matatapos rin ang gabi at darating ang umaga.
Habang may buhay, mayroong pag-asa.
Minsan, ang transformation ng tao ay katulad ng maproseso, pero magandang pagbabago ng isang butterfly. Bago makalabas sa cocoon, maraming challenges ang tatahakin mo – na kung minsan, feeling mo ay nakakapigil for you to soar high like never before.
Hardships will not just mold our character if we handle it wisely. Kaya, kapit ka lang. Kapit ka lang sa DIYOS. Makaka-asa ka na hinding-hindi ka Niya pababayaan.
May this verse from the bible comfort and encourage you today:
“He has made everything beautiful in its time…”
– Ecclesiastes 3:11
So just hold on, your season will come…in His time.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kanino ka nakakapit?
How do you deal with disappointment?
Do you believe that GOD can grant your heart’s desires?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Huwag Kang Bibitaw appeared first on Chinkee Tan.