Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Mahina Ba Ang Loob Mo?

$
0
0
walang makakapigil sa isang taong determinado

Takot ka bang sumubok?
Ayaw mo na bang sumubok ulit?
Wala ka bang tiwala sa sarili mo?
Natatakot ka bang mapahiya?
Natatakot ka bang magkamali?
Wala ka bang bilib sa sarili mo?

Sigurado akong minsan sa buhay natin, napanghinaan tayo ng loob.

Minsan na tayong na-discourage.
Minsan na tayong nawalan ng pag-asa.
Minsan na tayong sumuko.
Minsan na tayong umayaw na.

Kapatid, gusto kong sabihin sa iyo ngayon na…

KAYA MO!

Oo! Kaya mo!

Huwag mong isipin na hindi ka magaling…

  • Na hindi ka magtatagumpay…
  • Na wala kang silbi…
  • Na hanggang diyan na lang ang buhay mo…
  • Na wala kang magawa…
  • Na hindi na matutupad ang mga pangarap mo…

…dahil hindi ito totoo. Ito’y isang kasinungalingan.

Sa tulong ng Diyos, wala kang hindi makakayanan. Kailangan mo lang magtiwala, unang-una sa Diyos at pangalawa, sa sarili mo. Walang ibang pwedeng tumulong sa sarili mo kundi ikaw rin.

Kung magpapatalo tayo sa mga negativity na naiisip at nararamdaman natin, sayang naman ang tagumpay na naghihintay sa atin.

Sumubok ka ulit.
Lakasan mo ang loob mo.
Maniwala ka sa sarili mo.
Harapin mo ang mga takot mo.
Magtiwala ka sa Diyos.

THINK. REFLECT. APPLY.

Magsimula ka na ngayon. Hindi ito ang panahon para panghinaan ka ng loob.



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Mahina Ba Ang Loob Mo? appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles