
Sigurado ako, maraming excited na makuha ang PINAKAHIHINTAY na 13th month pay. Ito kasi ‘yung ‘libreng one month’ na sahod bilang benefit ng mga empleyado.
Napag-isipan mo na ba kung anong gagawin mo rito?
“I will TRAVEL during the Christmas break!”
“I will REWARD myself with a shopping spree!”
“Bibilhin ko na ‘yung matagal ko nang gustong cellphone.”
Receiving our 13th month pay can be overwhelming. Pero sa sobrang excited natin, hindi natin namamalayan na unti-unti na pala itong nawawala at nakakalimutan kung saan ito ginamit.
Paanong hindi mawawala, eh nasa wallet lang natin ito? Nariyan ang temptation kaya talagang madidisgrasya talaga tayo, hindi ba?
Before you spend it, you may want to consider these smart things that you can do with your money:
MAGBAYAD NG UTANG.
Bago nga ang cellphone, may utang naman sa ka-opisina.
Nakapagtravel nga, hinahabol naman ng credit card companies.
Nakabili nga ng magarbong panregalo, hiniram lang naman ang pera.
Minsan kasi, ang dali-dali para sa atin na maglabas ng pera para sa mga gusto natin – pero, kinakalimutan naman natin ang mga financial obligations natin sa mga taong pinagkakautangan.
Bayad muna bago mag-celebrate.
Kung walang matira, at least, malinis na ang iyong record.
CREATE OR ADD TO YOUR EMERGENCY FUND.
Ito ay isa rin sa mga nilalagpasan natin na akala natin ay hindi importante – ang emergency fund.
“Eh, wala namang may sakit sa amin.”
“Pwede naman akong manghiram ‘pag kinakailangan.”
“Regular naman na ako sa trabaho.”
But come to think of it:
- Paano kapag may nagkasakit sa iyong pamilya?
- Paano kapag walang makapagpahiram sa iyo dahil may pinaggagastusan rin sila?
- Paano kung biglang magsara ang kumpanyang pinagtatrabahuan mo?
Ang buhay kasi, mapaglaro iyan. Kaya dapat, lagi tayong handa – ‘yun bang kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa at hindi maging palaasa.
Save at least 6-12 months worth of your salary para kung may mangyari man *knocks on wood*, meron tayong mapapagkunan.
INVEST IN YOURSELF.
Sabihin na nating meron tayong emergency fund at wala naman tayong utang, what’s next for us?
Naalala niyo ‘yung mga oras na gusto niyo maging isang:
- Magaling na speaker?
- Kumuha ng master’s degree?
- Maging updated sa latest financial trends?
NOW is the time!
Kung noon, hindi natin ito magawa dahil wala tayong budget, ngayon, may chance na tayo to push through with this, become better at what we do, and expand our knowledge.
Invest in seminars, trainings, and/or classes.
THINK. REFLECT. APPLY.
Napag-isipan mo na ba kung ano ang gagawin mo sa 13th month pay mo?
Sa options mo, anong nakita mo na hindi dapat gawin?
Saan mo ito planong ilagay na masasabi mong wise decision?
Kung gusto mong palaguin ang 13th month pay mo, please join Chinkee Tan on November 30, 2016 – ang kanyang huling public seminar ngayong taon.
Click on the link to receive a P1,000 discount: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Anong Plano Mo Sa 13th Month Pay Mo? appeared first on Chinkee Tan.