
Nakuha mo na ba ang iyong Christmas bonus?
Saan mo ito balak gamitin?
O baka naman, hindi mo pa nga nakukuha ay nagamit mo na?
There’s something about the word “BONUS” that thrills us. Siguro, dahil na rin sa dami ng naiisip nating mga paraan kung paano ito gagastusin.
‘Yun nga lang, sa sobrang pagka-excited, hindi natin napapansin na sumasabay na rito ang pagkalungkot ng ating wallet dahil unti-unti nang nauubos ang laman nito kahit hindi pa man natatapos ang taon.
How do most people spend and use their bonuses?
TRAVEL
This is the time kung saan ginagamit natin ‘yung break natin to have a well-deserved vacation. Few months before December pa nga lang, booked na tayo sa mga seat sale going to the destination of our choice.
Masaya nga naman mag-travel, pero before you blow your entire bonus on this trip, you might want to ask yourself these questions:
- When you get back, may ipon ka pa ba?
- After maghappy-happy at *knocks on wood* biglang nawalan ng trabaho, may emergency fund ka ba?
- Kapag napuno mo na ng #travelgoals pictures ang social media account mo, may panggastos ka pa ba the following day?
Because it’s not enough to enjoy the moment kung hindi naman secure ang kinabukasan mo. SAVE IT MUNA dahil hindi naman aalis ‘yung gusto nating puntahan, it can wait.
SHOPPING
“Uy, ganda ng bag. Bilhin ko na nga.”
“Bagay sa akin ‘to, ah! Sakto, wala na akong mga damit.”
“Okay lang. Kikitain ko din naman ito ulit.”
Nakakapagtaka lang. Noong wala pa tayong bonus, deadma to the max lang tayo sa mga sale, promo, at hindi tayo madaling ma-engganyo kahit magpabalik-balik pa tayo sa mall.
Pero noong nakuha na natin, para tayong mina-magnet that we can’t just say no to everything that we see.
Hirap na hirap na tayong talikuran ang mga ito.
BAYAD-UTANG
Naku! Ito ang isa sa mga kinababagsakan ng bonus natin. Ang dami sana natin gustong gawin dito, pero wala eh…it is one of the ‘consequences’ of having a debt.
Kumbaga, ‘saya noon, bayad now’ ang drama ng ating bonus.
Masakit. Nakakapanghinayang dahil ipangbabayad lang natin ito. Pero isipin niyo na lang ang ginhawa kapag na wipe-out na totally ang mga utang natin or at least, mabawasan man lang ito.
Halimbawa:
- Utang is P10,000.
- Bonus is P10,000.
- Pay it all para you’ll be debt-free!
- Utang is P20,000.
- Bonus is P10,000.
- Pay it all para kalahati na lang ang utang.
You see, malaking kabawasan ito. Kaya lunukin mo muna ang sakit dahil freedom naman ang kapalit (oh ‘di ba, rhyming?).
REGALO
Nanay, tatay, kapatid, kaibigan, ka-opisina, pinsan, tito, tita, lolo, lola, kasintahan, asawa, anak. Hay! LAHAT, bibilhan ng regalo. Since wala namang naipon, kukunin sa Christmas bonus ang panggastos.
It has always been our tradition to give gifts kapag Pasko. Pero huwag sana tayong mag-all out at magpakitang gilas just to impress others.
Kung ano lang ang makayanan, ‘yun lang. Sabi nga, “it’s the thought that counts”.
Besides, Christ is the center of this momentous event kaya Siya lang dapat ang pagtuunan natin ng pansin at hindi ang mga materyal na bagay.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong plano mong gawin sa bonus mo?
Kung nagalaw mo na, saan mo ito dinala?
How can you spend this wisely?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Saan Napunta Ang Christmas Bonus Ko? appeared first on Chinkee Tan.