
Saan ka una nagpupunta pagkatanggap ng sahod mo?
Pagkatanggap nito, dIretso ba ito sa party at gimikan?
Dumadaan lang ba ito sa kamay mo at naglalaho na parang bula?
May mga taong naghihimutok sa maliit na sahod.
Pakiramdam nila, hindi kasya ang kanilang mga sweldo sa expenses ng kanilang pangangailangan.
Pero lingid sa kaalaman nila, hindi dapat ang sweldo natin ang mag-aadjust sa lifestyle, kundi ang lifestyle natin ang mag-aadjust sa sweldo. Kapag hindi ito ang nangyari, siguradong magugulo – hindi lang ang budget natin – kundi pati na rin ang buhay natin.
Para hindi tayo matuksong gastusin agad ang sweldo natin na basta-basta lang, isaisip natin ang mga tips na ito:
PRIORITIZE SAVING.
Hindi lahat ay nakakaranas ng sahod. ‘Yung iba nga, kahit walang sahod, nakukuha pa ring mag-ipon. Mas lalo dapat, kung tayo ay may kakayanang sumahod.
Imbis na ubusin natin sa panlilibre, sa pagkain, sa bisyo, at sa kung anu-ano pa ang pera natin, subukan nating magtabi. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masagana tayo. Darating ang panahon na matutuwa kang nakapag-ipon ka.
PRIORITIZE NEEDS.
Unahin muna natin ang mga NEEDS at ‘tsaka na lang ang mga WANTS kung may sobra. Dapat pay muna bills now, party later.
Pwede namang mag-party at gumimik, but we should make sure na nakapagbayad na tayo ng upa, linya ng telepono, kuryente, tubig, tuition fees, at kung anu-ano pang financial responsibilities na meron tayo. Hindi party now, pulubi later.
First things first. Unahin ang dapat unahin.
PRIORITIZE PLANNED SPENDING.
Pag-isipan at planuhin ng mabuti kung paano mo maipagkakasya ang sweldo mo para sa mga pangangailangan mo. Hindi porke’t may gagastusin, gagastos tayo. Darating ang pagkakataon na pasasalamatan mo ang sarili mo na hindi mo inubos ang mga biyayang hawak mo.
THINK. REFLECT. APPLY.
How do you spend your salary?
Nai-prioritize mo ba ang finances mo ng tama?
Balanse ba ang paggastos mo?
The key here is balance. Para hindi tayo mawindang at ma-stress sa finances natin, we should spend our money wisely.
P.S.
If you want to learn how to be “moneywise”, please join Chinkee Tan on November 30, 2016 – ang kanyang huling public seminar ngayong taon.
Click on the link to receive a P1,000 discount: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Paano Mo Ginagastos Ang Sahod Mo? appeared first on Chinkee Tan.