Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Kailan Ka Mag-Uumpisa?

$
0
0
aanhin mo ang kotse kung hindi ka naman marunong magmaneho mag aral para matuto

Plano nang plano, pero wala namang aksyon.
Ang mag-plano ay mainam. Pero kahit gaano kaganda at kagaling ang plano natin, kung wala naman tayong gagawing aksyon para maisakatuparan ito, balewala rin.

Hindi sapat na isulat lang sa papel ang lahat, tumayo tayo at kumilos. Most of the time, madaling mag-plano. Pero kapag actual na, wala na. Nasubukan mo na ba ang mga lakad na pinagplanuhan, pero hindi naman natutuloy? Mga pinagplanuhang mga goals, pero hindi naman natutupad?

‘Ika nga eh, “the struggle is real”. Madaling magsalita, mahirap mag-umpisa. Pero totoo rin naman ang kasabihang, “no pain, no gain”. Ang tanong, bakit maraming tao ang walang nagagawang aksyon?

NEGATIB MAG-ISIP

Paano na kung malugi?
Paano kung hindi siya magtagumpay?
Paano na kung hindi magustuhan ng iba?

Nauunahan ang ibang tao ng kanegahan.
Kaya ang ending, nauuwi ito sa…

TAKOT

Takot magkamali.
Takot malugi.
Takot kung ano ang iisipin at sasabihin ng iba.

HINDI ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN

Mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo alam.
Maraming naiipit sa ganitong kalagayan. Imbis na pag-aralan ang plano, pinagpapaliban na lang ito hanggang sa makalimutan na.

“Darating naman ito sa tamang panahon.”
Paano ito darating kung walang tayong alam tungkol dito?

Kapatid, allow me to suggest…
Lahat ng nararamdaman mo at naiisip mo sa buhay, kahit negatibo, ay totoo.
Ang magandang balita, lahat ng problema ay may solusyon.

Kailangan mo lang matuto. Kung ikaw ay matututo at magkakaroon ng sapat na kaalaman, pwede ka nang mag-umpisa. HIndi ka na magiging negatib, matatanggal ang takot, at magiging confident ka dahil alam mo na ang iyong gagawin ‘di ba?

THINK. REFLECT. APPLY.

Handa ka na bang matuto na padamihin ang iyong pera?
Handa ka na bang kumita ng higit pa sa iyong pangangailangan?
Gusto mo bang alamin kung ano ang sikreto ng mga mayayaman?

P.S.

If you want to learn how to make your money grow, please join Chinkee Tan on November 30, 2016 – ang kanyang huling public seminar ngayong taon.

Click on the link to receive a P1,000 discount: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Kailan Ka Mag-Uumpisa? appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles