
Ikaw ba ‘yung tipong maraming ideas ang pumapasok sa isip mo?
Out of those ideas, ilan na ang na-execute mo?
If your answer is none, hindi ka ba nanghihinayang na binigyan ka ng idea ni Lord, pero hindi mo naman ito nama-maximize?
If you want to convert your idea into action, please read on.
MAG-UMPISA SA MALIIT.
Take baby steps. Hindi na baleng maliit ang pinanggalingan, but at least gumagalaw na. Minsan, may mga nagpla-plano ng parang suntok sa buwan. Gusto kasi nila “one time, big time”. Pero hindi ito makatotohanan. Hindi ito “achievable”.
At kapag hindi na-achieve ang goal, naiinis, nadidismaya, at nalulungkot. When we plan, we should make sure na mag-umpisa sa maliit bago sa malaki.
MAGHANAP NG ACCOUNTABILITY PARTNER.
Find someone who can remind and push you to do what you must do. You should be accountable to that person. Most of the time, all we need is a push, a motivation, an encouragement, and a tap on our back saying that ‘we can do it’.
FOCUS ON THE REWARD.
Isipin natin ang magagandang bunga kapag nangyari ang mga plano natin. Isipin natin kung ano ang pakinabang ng mga ito kapag nagawa na natin ito lahat.
Dahil minsan, kahit gaano kahirap ang pagdadaanan natin, kapag naiisip natin ang kapalit ng lahat ng pagpapagal natin, masasabi nating it’s all worth it.
ASK GOD FOR HELP.
Magaling tayo, pero mas magaling ang Diyos. Marami tayong limitations at hindi kayang gawin. Actually, wala Siyang hindi kayang gawin. Ang imposible sa atin, posible sa Kanya.
Kapag dumarating ang pagkakataon na parang ayaw na nating kumilos o ‘di kaya’y, gusto na nating sumuko, tumingin lang tayo sa itaas. May DIYOS na laging handang tumulong at umalalay sa atin.
Tandaan, hindi tayo bibigyan ni Lord ng mga ideya na hindi natin kayang gawin o tapusin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong mga ideas mo sa buhay?
Ano na ang mga nagawa mo para mangyari ang mga ideas mo?
Naisuko at naidulog mo na ba ang mga ito sa Diyos?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post How To Convert An Idea Into Action appeared first on Chinkee Tan.