
Dahil ba iniisip nila na kaya naman itong bayaran?
Dahil ba wala na silang ibang choice?
Dahil ba ang mga tao sa paligid nila ay nangungutang kaya gagaya na lang rin sila?
May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit okay sa isang tao ang mangutang. Maaaring valid ang reason ng iba, at hindi naman para sa iba.
Alam kong magkakaiba tayo ng pananaw at opinyon pagdating sa usapang utang. But in this blog, allow me to share my personal thoughts when it comes to “usapang utang”.
AS MUCH AS POSSIBLE, DON’T BORROW FROM OTHERS.
If you have any other options, don’t resort to pangungutang.
Kung kaya naman pagtiisan pa ang lumang bag mo, huwag mo ipangutang ang pambili ng bago.
Maghintay ka nalang sa susunod na dating ng pera mo. At kung kaya mo gamit ang cash, huwag nang ipangutang. Kung makakagawa pa ng ibang paraan gaya ng pag-iisip ng ibang mapagkakakitaan, ‘yun nalang kaysa mangutang.
IDENTIFY FIRST WHERE TO GET THE FUND.
Sabihin na nating kailangan mo talaga mangutang at manghiram. Pag-isipan mo muna ito ng mabuti, kung saan at paano mo ito mababayaran. Hindi pwede ‘yung “bahala na si Batman”.
We need to strategize first kung paano natin mababayaran ang utang natin. Hindi pwede ‘yung uutang o kaya, gagamit ka ng credit card tapos hindi mo naman pala alam kung paano ito babayaran. Kapag ganito ang nangyari, siguradong mapapahamak tayo.
PAY ON TIME.
Para hindi magkapatong-patong ang interes at hindi tayo malubog sa utang, pay on time. Do not delay. Kaya maraming hindi na makalaya-laya at makaahon sa utang dahil sa patong-patong na interes. Kung hindi talaga maiiwasan na gumamit o makigamit ng credit card, make sure na mabayaran mo ito on time.
LIVE WITHIN YOUR MEANS.
Para hindi na natin ma-consider ang pangungutang, we should make it our conviction to live within our means. Kung ito lang ang sahod mo, ang lifestyle mo dapat ay ito lang din. Huwag nang magpumilit mag-iPhone7 kung ang sahod mo ay pang-iPhone5 lang. Kung meron ka talagang gustong bilihin, pwede naman. Pag-ipunan mo ito at isama sa budget plan mo, huwag ipangutang.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang stand mo pagdating sa pangungutang?
May masama o pangit ka bang karanasan sa pangungutang?
Are you living within or beyond your means?
P.S.
Kung ikaw ay pagod na sa iyong mga utang at gusto mo nang makalabas rito ng tuluyan, I want to invite you to join me on November 30, 2016 at Greenhills, San Juan. This will be my last public seminar for this year.
Click here to receive a FREE BOOK when you REGISTER NOW: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.
I look forward to meeting you personally.
Praying for your success,
Chinkee Tan
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Bakit Okay Lang Sa Iba Ang Mangutang? appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.