
Bakit lagi kang nanlilibre sa mga kaibigan mo tuwing namamasyal o kumakain kayo sa labas?
Bakit lagi ka na lang namimigay at namimili ng kung anu-ano para sa iba?
Bakit lagi na lang ikaw ang taya?
Bakit lagi na lang ikaw ang takbuhan ng mga nangangailangan?
Bakit lagi na lang ikaw ang may sagot ng lahat?
Masama bang manlibre? Marahil, ‘yan ang tinatanong mo ngayon sa iyong sarili. ‘Ika nga ng isang kasabihan, “lahat ng sobra ay masama”.
Hindi masamang manlibre at maging mapagbigay, pero kapag nasobrahan na ito at nagkakaroon na ng ibang motibo, hindi na maganda ang maidudulot nito.
Anu-ano ang mga ito?
PA-IMPRESS
I cannot judge anyone, but you sure do know your heart. Alam mo naman siguro kung ano ang motibo mo. Kung ito’y para magpa-impress at magyabang lang, siguradong hindi ito makakabuti sa iyo.
WALANG MASABI
Dahil sa ayaw mong makarinig ng hindi maganda, napre-pressure ka minsan ng iba na manlibre. But here’s the thing, may masasabi pa ring hindi maganda ang mga taong walang magandang masabi. Kung hindi ka manlilibre, “Napakakuripot talaga.” Kung manlilibre naman, “Ang yabang naman niya!”
PARA MATANGGAP
Some people do it for the sake of being accepted. Para matanggap ng grupo. To gain their favor and friendship. Here’s another thing, tanggap ka nila hangga’t meron ka pang maibibigay sa kanila. Ang tanong ngayon, “Paano na kung hindi mo na sila kayang ilibre? Tatangapin ka pa rin ba nila?”
DAHIL SINABI NI LORD
If God prompts you to give and bless others, you do it dahil gusto mo talagang sumunod kay Lord without expecting anything in return. I believe this is the best form of giving.
Uulitin ko, walang masama sa pagiging galante at mapagbigay. Walang masama sa panlilibre. But before we do this, we need to check our hearts. I also do that, but I just need to check my heart from time to time kung ano talaga ang tunay kong motibo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Mahilig ka bang manlibre?
Let me ask you honestly, ano talaga ang motibo mo kung bakit ka nanlilibre?
Tuwing manlilibre ka, masasabi mo bang bukal ito sa iyong kalooban o ikaw ay napipilitan lang?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Bakit Lagi Kang Nanlilibre? appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.