
At first, I was afraid. I was petrified…
Sana ang buhay natin ay hindi parang kanta lang.
Iniisip mo bang okay lang kahit walang pera, basta maka-survive lang araw-araw? Maganda maging positive, pero mas mainam if we have the ‘excellent’ mindset. ‘Yung hindi kuntento sa:
- “Pwede na ‘to.”
- “Okay na ‘to.”
- “Ganito nalang talaga ako.”
- “Hanggang dito nalang ako.”
Huwag tayong makuntento sa sapat lang.
Oo, mahirap ang buhay ngayon, pero pwede tayong makaranas ng kasaganahan kung gugustuhin natin.
Sa kamay natin nakasalalay ang pag-unlad ng buhay natin. Hindi sa kamay ng ating mga magulang, asawa, anak, boss, kaibigan, o kapitbahay natin. Tayo ang lilikha ng magandang buhay na gusto nating makamit.
Yes, maraming hindi nabibili ang pera. Pero, makakabili ang pera ng mga bagay na makakapagpasaya at magbibigay ng ginhawa sa atin at sa mga mahal natin sa buhay. Huwag tayong maging mediocre. Think outside of the box! There’s more to life than what we see it to be!
Isang araw, titingnan natin ang nakaraan. Anong mararamdaman natin kapag nangyari ‘yun? Pagsisisi at kalungkutan? Or joy and fulfillment? Para sa mas fulfilling na buhay, consider these principles:
DO YOUR BEST.
Pagbutihan mo ang ginagawa mo ngayon. Nasaan ka man, anuman ang ginagawa mo, be excellent! Don’t settle for average, always aim high! Hindi mo namamalayan, unti-unti nang umuunlad ang kabuhayan at sarili mo.
HAVE A WINNING ATTITUDE.
Our attitude determines our altitude in life. Kung malaki mangarap, mas mataas ang mararating. Anuman ang pinagdadaanan natin ngayon, our attitude towards circumstances matters.
Dapat lagi nating goal ang magtagumpay at mag-excel sa lahat ng bagay. Yes, minsan natatalo tayo at nadadapa, pero dahil we have a winning attitude, babangon tayo at tatakbo ulit.
LIVE LIFE TO THE FULLEST.
Minsan lang tayo mabubuhay. Kung magpapakatamad lang tayo, magmumukmok, maiinggit sa iba, makukuntento sa pagkapit sa patalim, at kung anu-ano pa, sayang naman ang buhay natin.
Napakasarap mabuhay! Huwag tayong pumayag na ang buhay natin araw-araw ay para mairaos lang. Let us maximize our gifts and talents and live our lives to the fullest!
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you surviving or thriving?
Are you doing your best everyday in everything you do?
What kind of attitude to do you have?
P.S.
Kung ikaw ay pagod na sa survival mode at handa ka nang i-level up ang iyong financial life, I am personally inviting you to be a part of my event on November 30, 2016.
This will be my last public seminar for the year.
Click here to receive a P1,000 discount: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.
I look forward to meeting you personally.
Praying for your success,
Chinkee Tan
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post I Will Survive appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.