Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Bakit Walang Budget?

$
0
0
15139254 10154099785018034 281818910

Katatapos ko lang ng isang speaking engagement sa Baguio at isa talaga sa mga pinakamahirap sagutin na financial question ay: “Saan kukunin ang budget?”

If this is an issue to you, please read on.

Aminin natin, most of the time, may budget naman talaga tayo. Pero, hindi lang natin ito nama-manage ng mabuti.

Napakahalaga na magkaroon ng plano kung paano natin gagastusin ang mga resources na mayroon tayo.

Kapag hindi tayo nakapagplano financially, hindi rin tayo maggro-grow financially. Sabi nga ng isang kasabihan, “If we fail to plan, we plan to fail.”

Bakit nga ba ang karamihan sa atin ay hindi nakakapag-financial planning o ‘yung tinatawag nating budget planning?

Ito ang ilan sa mga dahilan:

HINDI NAKASANAYAN

Malaki ang impluwensya ng ating mga magulang sa kung paano tayo mag-handle ng ating finances ngayon. I’m not saying na kasalanan nila kung bakit hindi tayo marunong mag-budget planning dahil at the end of the day, choice pa rin natin ito.

But we also have to admit, it’s not easy to form a habit. Kung hindi natin nakagisnan ang pagpaplano, mahirap para sa atin na gawin itong habit. Pero gusto kong sabihin sa inyo na kahit mahirap ito, possible ito.

HINDI MARUNONG

Marahil, ang iba sa atin ay walang ideya kung ano ang financial planning. Hindi rin marunong mag-budget planning dahil ang alam lang eh – basta may pumasok na pera, gastos agad.

Wala nang isip-isip at wala nang strategy-strategy pa when it comes to spending and growing our money. Hindi tayo nagba-budget dahil hindi natin alam kung paano.

HINDI INTERESADO

Some of us think that we can go on with our lives without this planning and budgeting thingy. Naka-survive naman tayo ng wala ito, so why bother?

Pero ang hindi natin alam, mas magiging maayos at mas maginhawa ang mga buhay natin kung magde-decide lang tayong magplano at mag-budget.

THINK. REFLECT. APPLY.

Meron ka bang financial plan?
Namo-monitor mo ba ang finances mo?
Are you willing to unlearn and learn?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Bakit Walang Budget? appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles