
Napapansin mo bang palagi na lang gipit ang isa sa mga kamag-anak ninyo?
Hindi dahil walang-wala sila, kundi dahil sa lifestyle nila?
Magastos, engrande, at namumuhay ng sosyal kahit alam mong wala ito sa budget niya?
Alam namang mahirap, pero all-out pa din…
Nasasagad na nga, pero nagbubuhay-mayaman pa rin…
Hindi na alam saan kukuha ng pambayad, walang tigil pa rin ang paggastos…
Sa mga pagkakataong ganito, paano ba natin sila matutulungan so they can learn how to be responsible with their money?
By giving money, parang kinukunsinte natin ang isang bad habit. Doing so wouldn’t help them at all.
Instead of money, why don’t you…
OFFER NON-MONETARY HELP?
Hindi nila alam ang gagawin sa pera?
GIVE THEM ADVICE.
Kailangan nila ng extra income to sustain their needs?
REFER/HELP THEM LOOK FOR A PART-TIME JOB.
Gusto na nilang magbago, pero nahihirapan sila?
TEACH THEM HOW TO BUDGET AND SAVE.
“Okay. Siguro, may ledger kayo para alam ninyo kung saan napupunta ang pera.”
“Ano kaya kung bawasan mo ang pagta-takeout o dine-out at magluto na lang ng baon? Mas masarap pa!”
PRAY.
I think ito ang isa sa mga pinaka-maiging pamamaraan para makatulong tayo. Iba kasi ‘yung feeling kapag may mga taong nagpapakita ng tunay na concern. Maaring impossible ‘yan sa tao, pero walang impossible sa Diyos.
These are examples of non-monetary help. Hindi naman laging pera ang kailangan pag-usapan kapag may humingi ng TULONG.
Hindi naman laging pera ang kailangan pag-usapan kung gusto mong makatulong sa iba.
We can use our knowledge, strength, time, and efforts to reach out to them. From here, ‘yung realizations and changes along the way ay kusa na lang lalabas at magiging evident.
THINK. REFLECT. APPLY.
Sino sa mga extended family members mo ang nangangailangan ng tulong pagdating sa ganitong bagay?
Anong ginagawa mo to help them?
What other ways can you think of to remove the habit na nakasanayan na nila?
P.S.
Ilang araw na lang at malapit ka nang maging financially independent!
Kung gusto mong magkaroon ng financial freedom at maging debt-free, I am inviting you to be a part of my event on November 30, 2016.
This will be my last public seminar for the year.
Click on the link to register: http://ow.ly/P7pI305ZVLA.
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post How To Handle Money Issues With Extended Family Members appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.