
‘Yan ang madalas na napapanood natin sa mga game shows.
Kapag nagkamali ka, ang mauuwi mo lang minsan ay talong o mga walang kwentang bagay.
Kapag pinalad ka naman, jackpot! Biglang yaman.
Kung kayo naman ang papipiliin ko ng isa, anong pipiliin mo? Magkaroon ng maraming pera o magkaroon ng maraming kaalaman?
Bakit hindi ka na lang tumaya sa isang bagay kung saan mas mataas ang tsansa mong magtagumpay?
Bakit hindi ka lang tumaya sa kaalaman?
Pilitin mong pag-aralan kung paano yumaman.
Pilitin mong matuto kung paano gumawa, humawak, at magpalago ng pera.
Dahil dito. may laban ka – patas-patas lang tayong lahat dito.
Kung papasok tayo sa paligsahan ng pagbe-bake ng cake, kahit gaano kaganda o kamahal ang mga gagamitin ko – kung hindi naman ako marunong mag-bake ng cake, wala ring halaga ang aking pera at gamit.
Aanhin mo ang lutuan kung hindi ka naman marunong magluto?
Aanhin mo ang kotse kung hindi ka naman marunong mag-drive?
Aanhin mo ang pera kung wala ka namang alam tungkol dito?
Ito ay dahan-dahan lang mauubos.
Napakahalaga para sa atin na MATUTONG gumawa, humawak, at magpalago ng pera.
Kung hindi tayo matututo, kahit gaano kalaking pera ang dumaan sa ating mga palad, ito ay dahan-dahan lang mauubos.
P.S.
Thank you to all who registered for the MONEYWISE event on NOV. 30 at Greenhills, San Juan.
I AM HAPPY TO INFORM YOU THAT WE ARE ALREADY SOLD OUT!
Registration is now formally closed.
Be there at 1PM to get a good seat.
Bring your pen and a lot of excitement.
See you all in a few days!
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Pera o Kahon? appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.