Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Lord, Bakit Ang Hirap Magpatawad?

$
0
0
why forgive web

Nasaktan ka na ba ng mga mahal mo sa buhay?
‘Yung mga taong tinulungan mo, sila pa ngayon ang nagsasama-sama para siraan ka?
Niloko ka ba ng iyong matatalik ng kaibigan at mahal sa buhay, kaya nasira ang tiwala mo sa kanila?

Kung ito ay nangyari na sa iyo, hindi ka nag-iisa.

Ang tanong, dapat mo bang patawarin ang iba?

Well, kung tayo lang ang masusunod, hindi sila karapat-dapat patawarin.
Napakasakit, napakahapdi, at hindi makatarungan ang nagawa nila.

Naalala ko tuloy noong may tinulungan akong isang kaibigan.
Kapwa kami ahente sa isang kumpanya, nakita ko ang kanyang sigasig at sipag para umunlad. So, inimbitahan ko siya na makasama ko sa aking pagnenegosyo. Tuwing may papasukan, lagi ko siyang bitbit at hindi kinakalimutan. Tuwing may kita, lagi ko siyang inuuna bago ang aking sarili.

Pero noong natuto na, humiwalay na siya at nagtayo na ng sariling kumpanya.

Ok lang ‘yun, may kalayaan naman ang lahat na magsarili, pero ang masakit dito, hindi siya nagpaalam ng maayos at sinulot pa ang aking mga kliyente.

Grabe talaga. Tinulungan mo na nga siya, siya pa ang may ganang magtaksil.
Nasilaw sa pera at nakalimot man, binalewala pa rin niya ang inyong pinagsamahan.

Kung pwede lang saktan at gantihan, matagal ko na itong nagawa sa kanya.

Pero bago ako tuluyang magtanim ng sama ng loob at ikandado ang pintuan ng pagpapatawad, ito ang pinaalala sa akin ng Diyos:

Kapag tumanggi akong magpatawad, wala na akong pinagkaiba sa kanya at mapuputol rin ang grasya ng Diyos sa akin.

“If you do not forgive those who sinned against you, I can also never forgive you.”

Since nais ko ring makamit ang kanyang kapatawaran, ipinasa-Diyos ko na lang ang kirot, hapdi, at sakit na aking nararamdaman.

Hindi siya madali, ngunit ito ay nakatulong rin sa aming pagkakaibigan.

Nagkikita at nag-uusap pa rin kami, pero hindi na kami muling nagsama sa negosyo.

Alam kong napakahirap at napakabigat magpatawad, kapatid. Pero, ito ang isang utos ng Diyos para sa ating ikakabuti.

“Chinkee, ito ba ay tama at ikakabuti talaga natin? Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa ang magpapatawad?”

Bakit ito ay iyong ikakabuti?

Why forgive?
“It is not because the person deserves your forgiveness, but you deserve peace.”

Ang tunay na isyu: Ito ay para sa kabutihan natin at hindi para sa iba.

THINK. REFLECT. APPLY.

When was the last time na may nanakit sa iyong damdamin?
May mga taong naninira ba sa iyo?
Handa ka na bang magpatawad?



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Lord, Bakit Ang Hirap Magpatawad? appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles