
Bakit kaya napakadaling maging negative?
Bakit kaya madaling mainis kaysa maging mahinahon?
Bakit kaya napakadaling magreklamo kaysa matutong magpasalamat sa mga blessings na natatanggap?
Chinkee, madali lang sabihin ‘yan kung walang masamang nangyayari sa buhay mo.
Pero kung ikaw ay may matinding pinagdadaanan sa iyong buhay ATM (at the moment), magbabago ang iyong pananaw.
Yes, I totally agree!
Because I also had my share of gripping situations when my wife almost died in 2005…
Nagkaroon siya ng ‘di pangkaraniwang karamdaman, keeping her bedridden for over 3 weeks. During those moments, hinang-hina ako at ‘di malaman-laman kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ang aking asawa o hindi.
Maging ang hospital bill ay parang naging metro ng taxi, walang humpay sa pagtakbo.
Pero bago ako bumigay sa depresyon at kalungkutan, pinaalala sa akin ni Lord that I have a choice.
Buhay pa ang misis ko, pero nililibing ko na siya sa aking isipan.
May choice ako na manalangin at labanan itong kasinungalingan na pinaparamdam sa akin ng demonyo.
‘Buti na lang, nanalig ako at naniwala sa pangako ng Diyos — na Siya ang dakilang taga-gamot, na hindi kami iiwanan at pababayaan.
Sa madaling sabi, himalang gumaling ang aking asawa na sabi ng doctor ay malubha na.
It’s been ten years since that major trial in our lives and I am so grateful na hindi na nanumbalik pa ang kanyang karamdaman.
Mga kapatid, pagdadaanan nating lahat ang mga ganitong yugto sa buhay.
At the end of the day, you and I have a choice to make.
When things do not work according to plan, you have a choice to blame others or take responsibility.
When bad things happen to you, you have a choice to live in happiness or sadness.
When someone betrays you, you have a choice to live in forgiveness or bitterness.
Tandaan niyo, every gising sa buhay is a blessing.
Meron ka mang almusal o wala, blessing na buhay ka.
Meron ka mang pera o wala, blessing na wala kang karamdaman.
Meron ka mang bagong gadgets o wala, blessing na may mga tunay kang kaibigan.
Tandaan, kahit anong mangyari, choose to live in the positive — not in the negative.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay may pinagdadaanan ATM?
Nade-depress ka ba o lumalaban ka?
Feeling victim ka ba o handa ka nang magwagi sa buhay?
Chinkee Tan Books
MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!Upcoming Events
The post Always Positive, Never Negative appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.