Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Walang Utang Na Loob

$
0
0
ang pera ay hindi nakakapagpabago ng tao pero kaya nitong ilabas ang tunay niyang pagkatao

May mga kakilala ba kayo na ‘nung minsan nangailangan sila ay napakabait, pero noong guminhawa na ang buhay nila ay yumabang na?

Mahirap talagang makasama ang mga ganitong tao.
Masakit, lalo na kung ikaw ay nakatulong sa kanyang pag-unlad.
Sumikat at guminhawa lang, hindi ka na kakilala, kinakausap, at pinapansin.

Sa madaling sabi, nagbago na ang pag-uugali.
Sa palagay mo, bakit kaya may mga taong madaling makalimot?

USER-FRIENDLY

“Ano ang pakinabang ko sa iyo?”
“Ano ang pwede kong makuha sa relasyon na ito?”

Noong wala nang makuha, goodbye na!

LACK OF GRATITUDE

Walang utang na loob.

Masyadong maikli ‘yung kanilang memory.
Hindi na maalala kung paano mo sila natulungan, noong sila ay nag-uumpisa pa lang.

HIndi ko naman sinasabi na dapat magbayad siya ng kanyang pagkakautang.
Ang nais ko lang iparating, marunong lang naman siya dapat magpasalamat.

SELFISHNESS

Wala silang pakialam kung ano ang nararamdaman ng iba.
Ang mahalaga, kung ano ang feelings nila. Kahit masaktan at makaapak ng kapwa, hindi na nila ito inaalintana.

In other words, sila ay makasarili at walang iniisip kundi ang kanilang mga sarili.

Allow me to finally conclude by asking this question: “Naniniwala ka ba na ang pera ay kayang baguhin ang isang tao?”

Ang pera ay hindi nakakapagpabago ng tao, pero kaya nitong ilabas ang tunay niyang pagkatao.

THINK. REFLECT. APPLY.

May na-meet ka na bang mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob? But, wait there’s more…siniraan ka pa?
Are you ready to move on and forgive these people because they don’t deserve your attention and time?

If you are, ask God to give you the grace to forgive.



Chinkee Tan Books

MY BOOKS WILL TEACH YOU ABOUT FINANCIAL LITERACY, LIVING A DEBT-FREE LIFE AND HOW TO HAVE A POSITIVE LIFESTYLE! ALWAYS CHINK POSITIVE!

Upcoming Events


The post Walang Utang Na Loob appeared first on Filipino Motivational Speaker and Wealth Coach - Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles