Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

PETMALU SA PANGUNGUTANG

$
0
0

pangungutang

May kilala ka bang PETMALU sa PANGUNGUTANG?

Yun bang sa sobrang lupit eh parang humahawig na

sa adobe sa sobrang— *sorry for the word*, kapal?

 

PAANO BA MALALAMAN NA PETMALU NA SA PANGUNGUTANG?

 

Sila yung hindi naman kayo close,

ang tagal tagal niyo na hindi nag-uusap

biglang mag te-text or magse-send ng PM

para mangamusta ‘kuno’,

yun pala may hidden agenda.

 

Sila yung pinahiram mo na, tinulungan mo na

sa abot ng iyong makakaya, nung singilan time na,

hindi mo mahagilap, ni ha ni ho wala.

Halatang halatang pinagtataguan tayo.

 

Sila yung nakahiram na noon, inulit pa ngayon

hanggang sa naging habit na nila

na para bang akala mo ay may patago.

Demanding pa ah!

 

Yan…

Sila yung mga matatawag nating

PETMALU sa pangungutang.

Hindi naman yung pangungutang

ang issue dito, it’s how people face it.

 

Magtatago?

Magpaparamdam lang pag may kailangan?

Umaabuso?

 

Yun ang mali.

 

Bakit kaya may mga ganito?

 

WALANG PAMBAYAD

pangungutang

(Photo from this Link)

May mga taong nagtatago simply because

wala silang pambabayad sa atin.

Kaya mas pinipili nilang makipaglaro ng hide and seek.

 

You’ll notice this kapag:

  • Bin-lock na tayo sa Facebook.
  • Laging cannot be reached ang cellphone.
  • Pag magre-reply, ang sagot: Wala akong nare-receive.”
  • Kung puntahan sa bahay, laging Wala siya dito” ang sagot ng mga tao.

 

INSENSITIVE

pangungutang

(Photo from this Link)

Minsan, may mga taong nangungutang

para ipambili ng bagong gamit, pambayad sa iba nilang

pinagkakautangan, o kinapos sa budget.

Para makamit ito, gagawin nila ang LAHAT,

no matter what it takes.

 

Lahat meaning kahit:

  • Di naman ka-close, hihiram.
  • Alam na nangangailangan din tayo, magde-demand pa.
  • Magagalit pa kapag hindi napagbigyan. 

 

Kaya kahit makasakit,

kahit kapalmuks na ang dating,

wala silang pakialam.

 

PARA MAGYABANG

pangungutang

(Photo from this Link)
  • Bibili ng bagong gadget, sabay #blessed sa FB.
  • Travel travel para makasabay sa trip ng iba.
  • Hihiram para may mai-post sa social media.

 

Gusto kasi nila makipagsabayan sa iba.

Ang malungkot lang dito, wala naman sa budget

kaya ending, patong patong na utang,

makapagyabang lang.

 

“Matutong magbayad ON TIME para hindi PETMALU sa pangungutang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May kilala ka bang PETMALU sa pangungutang?
  • Saan kaya nila ginagamit ito?
  • Paano mo sila matutulungan?

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“PRACTICAL WAYS TO STOP LIVING IN FEAR”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2j7VBe7

=====================================================

DIARY OF A PULUBI

Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”

 http://bit.ly/2z359lr

PER PIECE:

P150+100 shipping and handling fee

http://bit.ly/2mt9V5x

BULK ORDER PROMO

50% OFF; FREE SHIPPING

http://bit.ly/2xZMhSi

=====================================================

MONEYKIT PACKAGE

1 Moneykit + 8 Books

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles