Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Turuan ang Anak na Mag-ipon para Umunlad Pagdating ng Panahon

$
0
0

anak

Nakikitaan n’yo ba ang mga anak n’yo

ng talento sa pag-iipon?

 

Sila ba ay masinop, matipid, at

marunong pahalagahan ang pera?

 

O sila ba ay waldas, walang preno,

at buhay mayaman?

 

  • Ang money gift, diretso sa pagbili ng gadget o damit
  • Yung allowance, ubos kaagad
  • Sa grocery, walang preno sa pag dampot
  • Nagmamaktol kapag hindi nabilhan

 

Nako, warning signs na ito na

kailangan na natin silang MAS

gabayan pa sa paghawak ng pera.

 

Magandang opportunity yung habang bata pa

eh alam na nila yung kahalagahan ng pera.

Gaya nga ng sinasabi nating ‘Matatanda’,

hindi natin pinupulot ang pera para

masayang at maubos lang ng basta basta.

 

Mas maaga, mas maganda.

Para ‘pag labas nila ng bahay o

kapag malaki-laki na sila

they already have the discipline and control.

 

Maski wala tayo sa tabi nila,

conscious na sila sa kanilang kinikilos.

Certified #MoneyWiseKids!

 

Paano ba natin ito sisimulan?

 

BE A GOOD ROLE MODEL

anak

(Photo from this Link)

Kapag gastador tayong magulang,

Marahil magiging gastador din ang mga anak.

Dahil kung ano ang nakikita nila,

Yun ang gagayahin nila because

they look up to us.

 

At kung matipid tayo at magaling humawak ng pera,

magiging matipid at wais din sa pera

ang ating mga anak.

 

Which is which?

Yung una, o yung huli?

Hopefully, yung huli.

 

Let us show them how it should be done.

Ipakita natin na:

Sumusunod tayo sa listahan.

Kapag hindi importante hindi natin binibili

at ayaw na ayaw natin yung bibili ng wala naman sa budget.

 

HUWAG MAGPADALA SA AWA AT IYAK

anak

(Photo from this Link)

Nako talaga namang nakakaawa ang mga anak

lalo na kapag umiiyak na sila o kaya

yun bang nag pa-puppy eyes.

 

Aah! Nakadadala!

Nakalalambot ng puso.

 

Kaya tuloy minsan, para tayong

nahi-hypnotize at napapapayag sa

gusto nilang bilhin.

 

Pero minsan kailangan nating

tibayan ang ating kalooban at

magsabi ng ‘NO’.

 

Hindi lahat pagbibigyan.

Hindi lahat idadaan sa awa.

 

Dahil kapag sila’y nasanay

aakalain nilang madali lang makuha

ang kahit anong bagay.

 

Iyakan ko lang si Daddy, bibigay na ‘yan eh..”

Huwag ko lang s’ya kausapin, lalambot na ‘yan.”

“Tignan mo, sila din susuko sa akin.”

 

It doesn’t work that way.

Lahat pinaghihirapan.

Walang shortcut.

Kung may gusto, pagsisikapan at

hindi iiyakan.

 

IPAINTINDI SA KANILA KUNG BAKIT

anak

(Photo from this Link)

Mommies and Daddies, bakit ba natin gusto mag-ipon?

Hindi ba dahil gusto natin sila

bigyan ng magandang kinabukasan at

para mamuhay ng kumportable?

 

Ano ba ang kumportable para sa atin:

  • Yung may malinis na tubig at kuryente
  • Walang humahabol na naniningil
  • May maayos na tirahan
  • Kumakain ng tatlo o higit pang beses isang araw
  • Magandang eskwelahan
  • Hindi baon sa utang

 

Iyon ang kumportable.

Iyon ang reward sa pagiging wais natin.

At iyon ang kailangan nilang maintindihan.

 

Once na tumatak ito sa kanilang isipan

madadala na nila ito hanggang sa paglaki nila.

 

“Turuan ang mga anak na Mag-ipon upang ang Buhay nila

ay Maging Maayos at Umunlad pagdating ng Panahon.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang attitude ng inyong mga anak pagdating sa pera?
  • Magandang ehemplo ba tayo sa kanila?
  • Paano natin sila gagabayan?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 MYTHS UNCOVERED ABOUT MONEY”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2thQhwP

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”

Registration: P950 per couple

March 10, 2018

With ONE MONTH Free Access and FREE Book

Click here: http://bit.ly/2ovAfKo

The post Turuan ang Anak na Mag-ipon para Umunlad Pagdating ng Panahon appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles