Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Piliin yung Taong may Pangarap at Hindi puro Pasarap

$
0
0

pangarap

Kapag ba nag-uusap kayo ng iyong

Labidab, ano ang lumalabas sa kanyang bibig?

 

“Sa sweldo, bibili ako ng PARTS NG BIKE.”

“Pag kuha ko ng bonus, mamimili ako ng SHIRT.”

“Tara sa weekend, OUT OF TOWN tayo!”

 

Okay lang naman, pero ang tanong, sa lahat ng ito,

minsan ba ay nadinig mo siyang nagsabi ng:

 

“In 2 years mag-iipon ako para sa BAHAY natin.”

“Mag susumikap ako para sa FUTURE natin.

Pinaghahandaan ko na ang KASAL para wala tayong problema.”

 

O wala talagang kahit anong sinasabi?

Na kapag binabanggit mo na ang mga iyon

para bang bigla siyang nabibingi,

mag mamaangmaangan, o

pinapalitan ang topic?

 

Hay. Sad naman no’n.

 

Minsan kasi may mga taong wala

talagang plano sa buhay.

Kuntento na sa present, kaya hindi man lang

nababanggit ang future.

 

Masakit yun ah.

Siyempre, gusto mo naman ng

assurance na may mapapala ka.

 

“Chinkee, choo-choosy pa ba ako?”

“Baka wala na akong makitang lalaki.”

 

Aba. Dapat lang chu-moosy ka ‘te.

We don’t just need a boyfriend na pa tweetums lang pero

yung boyfriend and companion for life na may 

magandang kinabukasan naman tayo.

 

Sabi ko nga noon,

“Love is not enough if tiyan is walang laman.”

 

Piliin yung…

 

RESPONSABLE pangarap

pangarap

(Photo from this Link)

Ano ba yung taong responsable?

Yung makikitaan na nagsusumikap

para sa relationship at hindi lang

para sa sarili.

 

Makikitaan na nag-iipon,

marunong mag-handle ng sweldo

at sa maayos napupunta ang pinagkakakitaan.

 

Siya yung may pangarap na

mabigyan ka ng magandang buhay

(Magandang buhay…sa umagaaa)— Haha.

 

But really, magandang buhay kasi ayaw n’ya

na ikaw ay nahihirapan.

 

Ayaw n’ya na kapusin kayo in the future.

Alam n’ya na may pananagutan s’ya sa ‘yo at

sa inyong magiging pamilya kaya gagawin

ang lahat para maisakatuparan ito.

 

HINDI LANG PURO SALITA

pangarap

(Photo from this Link)

SABI naman niya nag-iipon siya for us.”

“Eh may plano naman DAW siya.”

Meron naman DAW siya ginagawa.”

 

Lumipas ang isa, dalawa, limang taon

ano na?

May progress ba yung ipinangako niya sa ‘yo?

O nananatili kang nakikipaghulaan kung

ano kaya yung sinasabi niyang plano?

 

Iba kasi yung salita sa gawa.

 

Kung siya man ay may plano sa inyo,

pagsusumikapan niyang tuparin ito.

Hindi naman kaagad pero at least

little by little, you will evidently see an improvement.

 

Pero kung ang tagal tagal na pero

you still can’t envision anything:

 

  • Tamad pa din.
  • Panay pasarap sa buhay.
  • Laging palabas ang pera.
  • Hindi nago-grow and still
  • the relationship is going nowhere…

Ibang usapan na ‘yan, red flag alert!

 

GAGAWA AT GAGAWA NG PARAAN

pangarap

(Photo from this Link)

Wala namang perpekto at first try.

Meron at meron mapapagdaanang

challenges and trials along the way

habang tinutupad ang pangarap.

 

Kung talagang decided to make things happen,

walang makapagpapatumba sa kanya.

Susubok s’ya at hindi titigil

kahit anong mangyari.

 

Wala sa bokabularyo n’ya yung mga salitang:

“Ayoko na!”

“Hindi ko ito kaya.”

“Wala na akong pag-asa.”

 

Dahil para sa kanyang minamahal:

Lagi niyang susubukan

Laging kakayanin at…

Parating may pag-asa

 

“Kung Magmamahal ka, Piliin mo Yung Tao na May Pangarap

dahil hindi ka mabubuhay sa puro Lambingan at Pasarap.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay naka jackpot sa iyong minamahal?
  • Paano mo siya tutulungan para hindi siya mawalan ng pag-asa?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 MYTHS UNCOVERED ABOUT MONEY”

Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2thQhwP

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”

Registration: P950 per couple

March 10, 2018

With ONE MONTH Free Access and FREE Book

Click here: http://bit.ly/2ovAfKo

The post Piliin yung Taong may Pangarap at Hindi puro Pasarap appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles