Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

WALANG BISYO SI MISTER? ANG SWERTE MO SUPER!

$
0
0

mister

Ano ba ang pinakamahalagang kayamanan

na pwedeng makamit ng isang misis?

 

Maaaring nandito na ang:

  • Masayang pamilya.
  • Nakakakain ng tatlo o higit pang beses isang araw.
  • Walang sakit ang buong mag-anak.
  • Nakakaipon ng sapat.

 

Pero alam n’yo yung isa pa? Kapag…

Walang BISYO si mister.

 

Let’s define first kung ano ang bisyo.

Ito yung isang habit na ginagawa natin

ng napakadalas, na kapag hindi nakontrol,

maaaring makasama.

 

Pwedeng bisyo na:

Yosi

Inom

Sugal – sabong, tong-its, at kung anu-ano pa

o kaya paglalaro ng computer games

 

Oh, bago kayo mag-react ng:

“Bakit kami lang?”

 

Para din itong bisyo ng ibang mga misis na

ang pinaka common ay shopping.

 

Going back,

Ano nga ba ang mga dahilan kaya

hindi ito maganda?

 

MASAKIT SA BULSA mister

mister

(Photo from this Link)

Wala namang nagbibisyo na

hindi gumagasta.

Ang hirap na nga ng buhay,

doon pa naisip na gastahin ang pera.

 

Magkano na ba ngayon ang isang stick,

ang isang bote, ang taya sa sugal?

Na kapag inaraw-araw

dito na lang mapupunta ang

perang pinaghirapan n’yong mag-asawa.

 

Tapos wala namang napapala sa huli!

Literal nagtapon lang ng pera.

‘Di bale sana kung bisyo ay pag-iipon,

Yon, tiyak may benepisyo sa dulo.

 

UGAT NG AWAY mister

mister

(Photo from this Link)

Paano tayo hindi mag-aaway n’yan eh…

 

Mas close pa tayo sa computer games

kaysa sa kay misis at sa pamilya.

 

Mas may oras pa tayo sa pag happy happy

kaysa pagtuunan ng pansin ang

kaganapan sa loob ng bahay.

 

Late na tayo umuuwi kasama ang

barkada na dapat sana ay

ginugugol na natin sa kanila.

 

Tapos kapag nasita,

tayo pa ang galit sabay walkout!

Aba matindi!

 

May dahilan kaya sila nagagalit sa atin.

Check natin kung anong pinaghuhugutan nila.

 

MASAMA SA KALUSUGAN mister

mister

(Photo from this Link)
  • Laging puyat.
  • Ginawang tubig ang alak.
  • Hit-hit buga na daig pa ang pausok ng factory.

 

At hindi lang iyon,

Masakit din sa utak kasi

nahihirapan tayo mag-isip

kung paano makakalusot sa kanila

sa araw-araw para makapag bisyo lang.

 

Lahat ng parte natin apektado

mula utak hanggang mga organ

kapag nasobrahan.

 

At kapag

hindi natin ito hininto,

malamang ang ending natin ay sakit.

 

Hinay hinay mga friendship!

MAS MABUTING ITIGIL NA ANG BISYO.

 

Wala kasi itong magandang maidudulot.

Maaaring masaya ngayon pero tiyak

babawian tayo pagdating ng panahon.

 

“Ang mga Mister na hindi mahilig sa bisyo ay isa sa pinakamahalagang kayamanan

ni Misis na hindi matutumbasan.”  

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay may bisyo ngayon? Ano yun?
  • Paano ito nakakaapekto sa ‘yo at pamilya mo?
  • Paano mo ito babalansehin o ititigil para hindi pag-ugatan ng away at sakit?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE A POOR WAY OF THINKING”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6 

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post WALANG BISYO SI MISTER? ANG SWERTE MO SUPER! appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles