Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

LABANAN ANG TAKOT KUNG GUSTONG MAY MAABOT

$
0
0

takot

Nakaramdam ka na ba ng takot sa pagnenegosyo?

Gusto mo pero ayaw mo din at the same time?

 

Alam n’yo yung kadalasang dahilan

kaya nasasayang ang isang opportunity?

 

Kasi…

HINDI PA MAN SINUSUBUKAN, UMAAYAW NA!

 

KaChink, sayang naman yung…

  • Idea na matagal na natin naiisip.
  • Bakanteng lote na pwede pagtayuan.
  • Mga taong pwedeng maging potential customers.
  • Opportunity na pwede tayo makilala.
  • Talento at panahon.

 

Bakit nga ba karamihan sa atin

nandiyan na ang pagkakataon, ayaw pa din

sunggaban ito?

 

Nandiyan kasi yung mga haka-haka na:

 

Malulugi lang ako diyan.”

Ang dami ng nagtitinda ng ganyan.”

“Hindi ko kakayanin.”

Huli na ako kung ngayon pa lang magsisimula.”

 

Ano pa nga ba ang mga dahilan?

 

MAY BAD EXPERIENCE NOON

takot

(Photo from this Link)

Nalugi na noon kaya

ayaw na sumubok uli ngayon.

 

Natatakot kasi tayo na baka maulit na naman

yung pagkalugi, panloloko sa atin ng mga tauhan,

pagkabaon sa utang, o maling choice sa location

kaya hindi napapansin.

 

Ang pagbi-business parang pagluluto lang ‘yan,

may tamang formula bago natin makuha

ang timpla to make it work.

 

Yung mga bad experience natin noon,

ay again, NOON pa.

 

May pagkakataon tayo ngayon para itama ito.

Isipin natin kung bakit hindi kaya nagwork,

anong mga hindi natutukan ng sa gayon,

ma-correct na natin sa susunod na plano.

 

HINIHILA PABABA NG IBA

takot

(Photo from this Link)

Kesyo:

Hindi DAW natin kaya.

Wala DAW tayo mapapala.

Utang lang DAW ang kababagsakan.

 

…at napakarami pang negatibong linya

ng mga bitter ocampo o ampalaya!

Hindi natin maiiwasan ang mga

ganitong komento pero may choice tayong

umiwas at huwag maniwala.  

 

Ang tanging paniwalaan lang natin

ay ating mga sarili at ang ating kakayahan.

 

Yu’n lang DAPAT sapat na.

 

WALANG LAKAS NG LOOB

takot

(Photo from this Link)

Dahil sa mga nangyari noong nakaraan,

dahil sa mga sinasabi ng iba,

ayun, napapanghinaan na din tayo ng loob.

 

Hindi dapat gano’n.

 

Sabi nga:

Paano natin malalaman, kung hindi natin susubukan?

 

Iniisip natin kaagad na malulugi

Eh paano kung kikita pala tayo ng bongga?

 

Feeling natin, hindi tayo magtatagumpay

Eh paano kung ito na pala ang big break natin?

 

Ayaw na natin sumubok kasi ang daming kakumpitensya

Eh paano kung tayo ang mag stand out?

 

ChinkPositive lang!

Lakasan ang loob.

Start small and work your way up

para hindi mabigla.

Pag-aralan.

Humingi ng tulong sa mga experto.

Magdasal.

 

“Normal ang Makaramdam ng Takot pero

Paano natin Malalaman kung Hindi Natin Susubukan?”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong negosyo ang naisip mo?
  • Bakit hindi mo magawa?
  • Anong gagawin mo para mawala o mabawasan ang takot?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“4 THINKING PATTERNS OF THE RICH”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2JzQKyv

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post LABANAN ANG TAKOT KUNG GUSTONG MAY MAABOT appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles