Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Maghanda! Nandiyan na din si JUNA at MANNY!

$
0
0

juna

Nung isang araw ay nameet natin si JUDITH.

Judith as in Due Date ng kuryente, tubig, tuition fee,

at kung anu-ano pa.

 

Eh paano ba ‘yan, sasali din daw

sa grupo sina JUNA at MANNY?

 

Clue, barkada ni JUDITH.

 

Lagi tayong hinahabol-habol.

Masasabi nating loyal sa atin dahil

hindi tayo iniiwan kahit anong mangyari.

Sila ang lagi nating kau-kausap at kalaro ng

tagu-taguan.

 

“Eh sino ba sila?”

 

JUNA as in DUE NA ang utang natin at

MANNY… Maniningil naman ng utang.

 

Naku po.

Kumpleto na sila!

Ready na ba humarap o

kung pwede lang ay pagtaguan sila?

 

Ano ba ang pwede gawin

kapag hinahanap na tayo nina

JUNA at MANNY?

 

HUWAG MAGTAGO

juna

(Photo from this Link)

Sadly, hindi natin ito pwede pagtaguan dahil

the more na tinatakbuhan, mas

nagiging aggressive at mas malala pa

ang pwede mangyari sa atin.

 

Hindi lang tawag ang gagawin nila

kundi sandamakmak na notice of disconnection,

sulat na kakasuhan na tayo, at maraming pang stress

ang pwede nito idulot sa atin.

 

Kung talagang walang-wala…

 

MAKIPAG-USAP NG MAAYOS

juna

(Photo from this Link)

“Huwag ka nga tawag ng tawag!!”

Eh di kasuhan mo ‘ko, walang akong pake.”

“Magbabayad ako, okay? Huwag kang makulit!”

 

‘Yan tayo eh…

kapag sinisingil na, tayo pa ang matapang.

 

FYI mga KaChink, tayo ang may utang,

tayo ay may kailangang bayaran, kaya,

huwag naman tayo makipagmatigasan.

 

Pwede naman tayo makipag-usap ng maayos

para malaman natin kung ano ba ang

pwede natin gawing hakbang para

kahit unti-unti ay makabayad.

  • Installment ba?
  • Kakausapin ang head ng kumpanya?
  • Hahabaan ang palugit o extension?

 

LEARN FROM OUR MISTAKES

juna

(Photo from this Link)

Bakit tayo hindi nakapagbayad?

O bakit lumobo ng gano’n ang ating utang?

  • Napabayaan ba?
  • Nagamit ang perang ipambabayad sana?
  • Nakalimutan?

 

There are a lot of reasons kaya tayo

hina-hunting nina Juna at Manny.

Isa-isahin na alamin para sa susunod

hindi na uli ito mangyari.

 

Tandaan, ang utang ay nakakastress.

Huwag na tayo umulit at siguraduhing

matuto na sa mga pagkakamali.

 

“Maghanda! Kumpleto na ang barkada dahil nandiyan na din sina JUNA at MANNY!

JUNA ang Utang.

MANNY-ningil ng Utang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang iyong pinagkakautangan ngayon?
  • Hinahanap ka na ba ni Manny?
  • Paano mo hinaharap si Juna?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TAMANG EDAD NG PAG-IIPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HeyBIe

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Maghanda! Nandiyan na din si JUNA at MANNY! appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles