Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

ABUTIN ANG PANGARAP NGAYONG 2019

$
0
0

abutinMay mga pangarap na natupad. abutin
May mga pangarap din namang
sabihin na nating naging
“hanggang pangarap na lamang.

Nawawalan ka ba ng pag-asa?
Feeling mo ba hanggang
dito na lang talaga?

Hanggang ima-imagine?
Puro mga what ifs?
Panay mga SANA na lang?

You are reading this blog
not by accident,
but because you are destined

to be encouraged today!

I want to encourage you
na kung ano man ang

ating mga “SANA’ sa buhay,
keep it mind that IT WILL HAPPEN!

Minsan kasi tayo ay napanghihinaan ng loob.
Ilang araw lang, linggo, o taon lang,
ayaw na quit na.

A QUITTER NEVER WINS, Kapatid.

Dapat lang kung may gusto tayo mangyari,
huwag nating kalilimutan na:

MAGPAGABAY SA PANGINOON abutin

abutin (Photo from this link)

“Lord, ano po ang plano n’yo sa akin?”
“Ano po ba ang gagawin ko?”

Ask. Ask. Ask.

Ang mga plano natin ay maaaring
matagal sagutin dahil baka masyado
tayo nakatutok sa kung ano ang gusto natin.

Walang masama mangarap
pero tandaan na may mas magandang

plano si Lord para sa atin.

MANIWALA SA SARILI  abutin

abutin(Photo from this link)

“Ang hirap naman”
“Huwag na lang, ‘di ko magagawa ‘yan”
“Hindi ko kaya ‘yan”

Kung tayo mismo ay hindi naniniwala
sa ating kakayahan at sa Panginoon

na Siyang gagabay sa atin,
eh paano pa natin maaabot ang pangarap?

Bago pa mangyari ang gusto natin,
pinaghihirapan ‘yan.

Sinusubukan.

Push ng push ika nga.

Wala namang nagtatagumpay
sa madaling paraan.

Kaya ‘yang hirap na ‘yan, normal ‘yan.

Ang solusyon para malagpasan
ay tiwala sa sarili.

“KAYA KO ITO!!!”
“WALANG MAKAPIPIGIL!!!”

Yung pag-iipon?
Magagawa natin ‘yan!

Yung mga utang natin?
Mababayaran natin lahat ‘yan!

At yung mga iba pa nating goals?
Achieve na achieve natin ‘yan!

Tiwala lang!
Sabayan ng kilos siyempre.

HUWAG MAGPAPA-API abutin

abutin(Photo from this link)

Habang tinatahak natin ang ating pangarap
sadly, meron at merong mga

kontrabida sa buhay.

Ipararamdam sa ating
hindi natin kaya.

Na hanggang dito na lang tayo.
O wala tayong binatbat.

Nako, huwag natin silang pansinin.
Sila’y maaaring inggit lang o
may problema na pansarili.

Focus lang tayo sa vision natin.
Hakbangan at lagpasan ang

lahat ng mga nagiging balakid.

Nandyan sila para guluhin tayo
pero dapat tayo’y mas matapang ang loob

kaysa sa kanila at sa mga problemang kinahaharap.

“Walang pangarap na hindi kaya abutin.
Kailangan lang ng tiwala sa Panginoon at sa sarili natin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

 

The post ABUTIN ANG PANGARAP NGAYONG 2019 appeared first on Chinkee Tan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1372

Trending Articles