Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

HUGOT SA PITAKA NA WALANG LAMAN

$
0
0

pitaka

Remember recently when you checked your own wallet

at buti na lang may laman?

Ang saya lang sa feeling ‘di ba?

 

Pero nakaranas na rin ba kayo:

Magbabayad sana pero pagbukas ng pitaka,

hindi sapat ang pera.

 

“Bakit wala na akong pera Monday pa laaaaaang?!”

(screaming, wailing)

 

Aray!

 

Bakit kaya may mga pagkakataon

na feeling broke at mukhang bankrupt tayo?

 

First:

Baka kasi nilibre agad ang barkadang nag-ayang mag-buffet

because it’s hard to say ‘NO!’.

 

Second:

Iniwan lahat ng pera sa alkansya

sa takot na magastos lahat.

 

Third:

Hindi nakapag-budget ng tama.

Hugot lang ng hugot kasi feeling rich.

 

Alinman sa mga ito ang sagot,

here are the three counterparts that may help us assure

na may mahuhugot tayo always:

 

ENSURE THE RIGHT BUDGET BEFORE SPENDING pitaka

pitaka

(Photo from this Link)

Before paying at gumastos agad-agad,

make sure na naitabi nang maayos at tama

ang pambayad para sa kuryente, tubig, tuition fees,

pang-grocery, allowances, rent at emergency funds.

 

Anything that isn’t included in the budget

ay hindi dapat pagkagastusan muna.

Pwedeng next time kapag napag ipunan na ito. 

 

CALCULATE PROJECTED EXPENSES pitaka

pitaka

(Photo from this Link)

Calculating the projected expenses also means

calculating the possible risks

na pwedeng mangyari.

 

  • “What if masiraan ako ng sasakyan this week?”
  • “Paano kung matuloy yung check up ko sa Friday?” 
  • “May nakatabi na ba ako kung biglang maniningil yung eskwelahan ni bagets?”

 

As I mentioned a while ago,

dapat ay meron din tayong emergency funds.

Kasi apart form our expenses na nakalista, 

hindi natin maiiwasan na meron at merong ‘surprise’

na ganap na kailangan din natin paghandaan. 

 

PLAN AHEAD pitaka

pitaka

(Photo from this Link)

Not only dreams and goals are needed to be planned ahead of time,

but also financial matters.

Given na ito. 

 

Finances and goals are inseparable.

 

On the first month of the year, laptop ba muna ang bibilhin?

Kotse after? Tapos house and lot?

 

Ito rin ay pinagpaplanuhan bago bilhin

lalo na kung kinakailangan ng malaking halaga.

 

“May mga hugot talaga na nakalulungkot at nakakapagdamdam

lalung-lalo na yung paghugot sa pitakang walang laman.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Madalas ka bang maubusan ng panggastos?
  • Ano sa tingin mo ang sanhi kung bakit madalas ay wala nang panggastos?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“WHAT TO DO WITH P50,000”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2FGP4oz

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post HUGOT SA PITAKA NA WALANG LAMAN appeared first on Chinkee Tan.


The Bakit List #1: Bakit Naghahanap pa ng Iba Kahit May Ka-relasyon Na o Asawa?

$
0
0

naghahanap

Biktima ka ba ng pangangaliwa?

Pinagpalit ng asawa sa iba?

Feeling mo tuloy you are not good enough?

 

Nakalulungkot isipin na marami

sa atin ang nakararanas ng ganito.

Nakaiinis.

Nakagagalit.

Ang hirap unawain.

 

Bakit nga ba kasi may mga taong ganito?

 

HINDI MAKUNTENTO:

Sila yung mga taong, kapag may kulang,

hahanapin sa iba just to ‘complete’ them.

Ayaw nila yung may lapses,

gusto nila lahat napupunan

depende sa kanilang pangangailangan.

 

Halimbawa:

Marunong magluto.

Hindi naninigaw.

Kayang mag budget.

Magaling sa bahay, walang napapabayaan.

 

Kapag may isang hindi nagawa,

Oops, on to the next.

 

INSECURE:

Na promote tayo.

Kumikita tayo ng mas malaki.

Mas close sa atin ang mga anak.

Nawalan siya ng trabaho.

 

Kaya feeling niya, left out siya.

Feeling niya, wala na siyang silbi

At feeling niya, hindi na siya importante.

 

Kaya ayun, lilipat sa iba

na kung saan mararamdaman niyang

may halaga siya.

 

Whatever the reasons are,

paano nga ba natin haharapin

ang ganitong sitwasyon?

 

KUMAPIT SA PANGINOON naghahanap

naghahanap

(Photo from this Link)

At this point, kailangan natin idulog

at isurrender ang lahat sa Kanya.

 

Pray for healing.

This is so painful to handle and

we need God para bigyan tayo ng lakas

at malawak na pang-unawa at pasensya.

 

Pray na dumating yung tamang oras.

Tamang oras para makapag-usap tayo

at mabigyan ng linaw ang lahat because

everything is a blur.

 

TALK TO YOUR SPOUSE

naghahanap

(Photo from this Link)

Masakit man, pero ito ang

pinaka una nating dapat gawin.

 

Kahit pa gusto na natin sila

sampalin o sigawan,

we need to know the other side of the story.

 

Hindi naman sa kinukunsinte natin pero

kung tayo ay may hugot, maaring sila

ay may hugot din and we need to be fair

and give them the benefit of the doubt.

 

MAGING KALMADO naghahanap

nanghahanap

(Photo from this Link)

Bago pa man tayo manigaw

o kaya paulanan sila ng masasakit na salita

mas magiging maganda ang usapan

kung tayo ay magiging kalmado muna.

 

Gather your thoughts first.

Self composure, kung baga.

 

Kailangan natin ito para

masabi natin ang gusto natin sabihin

one at a time at hindi parang

halu-halong salita.

 

Baka kasi mas lalo tayong hindi magkaintindihan.

 

“Mas Magiging Malinaw ang Usapan kung Parehas Bukas ang Isipan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay nakararanas ng pangangaliwa?
  • Kayo ba ay nakapag-usap na?
  • Paano n’yo ito hinaharap?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“WHAT TO DO WITH P50,000”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2FGP4oz

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post The Bakit List #1: Bakit Naghahanap pa ng Iba Kahit May Ka-relasyon Na o Asawa? appeared first on Chinkee Tan.

Ang mga Taong Galante ay Walang Ipon dahil sa Utang ay Baon

$
0
0

galante

GALANTE ba tayo masyado?

Yun bang sa sobrang pag waldas natin ng pera

ay daig pa natin yung kakandidato sa eleksyon?

 

“Sige, sagot ko na ‘yan!”

“Kuha lang kayo, sky’s the limit!”

“P500 lang? Sige kunin mo na ‘yan!”

 

Ang sarap siguro maging bida sa lahat noh?

Kaibigan tayo ng lahat.

Nakadikit sa atin ang lahat.

Atensyon nila nasa atin na

para tayong hari at reyna.

 

Eh friendship, matanong kita,

ito ba ay ginagawa natin dahil may EXTRA tayo

o dahil napipilitan lang?

 

Lalayuan kasi ako ‘pag sinabi kong walang wala ako.”

Kinausap na ako nung katrabaho kong mayaman mula nung nanlibre ako minsan!”

“Hindi naman nila malalaman ang totoo.”

 

Nako nako nako

patay tayo diyan!

Sa sobrang all out natin sa iba

eh baka, ay hindi pala baka,

SIGURADONG wala ng matitira sa atin.

 

Eh bakit nga ba may mga taong GALANTE?

 

TAKOT MAWALAN NG KAIBIGAN

galante

(Photo from this Link)

Ang pagkakaibigan, hindi naman pera ang basehan.

Kung gano’n na rin lang,

hindi pagkakaibigan ang tawag diyan

kundi gamitan.

 

Sa dinami dami ng tao sa mundo

hindi natin kailangan magpakitang gilas

para lang tanggapin tayo.

Mapa sa kumpanya man o sa isang department,

meron at meron tayong pwedeng makasama

na hindi na natin kailangang magpanggap pa.

 

Someone with the same values as we do.

Na kahit walang-wala o meron man,

they will stick by our side.

 

HUMAN ELECTRIC FAN

galante

(Photo from this Link)

“Huh? Bakit?”

 

Mahangin.

Mayabang.

Gusto natin ipakita sa madlang people

na kaya natin bilhin ang kahit ano

ng wala ng isip-isip pa.

 

Sa sobrang yabang natin,

kahit wala naman sa budget o

kaya kahit na masimot pa ang ating sweldo

go lang ng go, makapagpasikat lang.

 

Eh bakit hindi na lang tayo mag artista

kung pagsikat na rin lang ang gusto natin?

Haha.

 

Yabang will make us broke, I tell you.

Kasi pamigay tayo ng pamigay.

 

And in order to sustain that ‘lifestyle’,

para syempre hindi tayo mapahiya, kapag simot na,

uutang kung kani-kanino hanggang mabaon na ng mabaon.

 

AYAW TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN galante

galante

(Photo from this Link)

Eh sa walang wala na nga tayo pero

pinagpipilitan pa din natin ang ganitong habit.

 

Shopping

Fine dining

at pa travel travel

 

…tapos ‘pag dating ng billing

aba’y wala naman palang pambayad!

 

Tanggapin na lang kasi natin

yung kapasidad natin.  

Kung P500 na lang ang nasa bulsa,

huwag gumasta ng P501 pataas.

 

It’s as simple as that.

 

Hindi naman natin ikamamatay

kapag inamin natin sa sarili nating

iyon lang ang kaya natin.

 

Mas makasasama pa

kapag nagsimula na tayong

mamroblema kung

paano na tayo bukas, sa makalawa, o

sa susunod na linggo.

 

“Ang mga taong KURIPOT, karaniwan sila ang mga taong may IPON.

Ang mga taong GALANTE, karaniwan sila ang mga taong sa utang ay BAON.”

-Chinkee Tan, Filipino Motovational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay isang GALANTE o KURIPOT pero WAIS?
  • Bakit ka masyado galante?
  • Paano mo ito iiwasan para naman may matira pa sa ‘yo kinabukasan?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TOP 8 WORST MONEY MISTAKES”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/ZHXbQwcygek

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Ang mga Taong Galante ay Walang Ipon dahil sa Utang ay Baon appeared first on Chinkee Tan.

Tsaka na Tayo Umibig, pag may Pambayad na Tayo ng Tubig

$
0
0

umibig

Ikaw ba ay nanliligaw o umiibig na ngayon?

Kaklase? Kaopisina? Nakilala sa handaan? Kapitbahay?

Naks! Luma-love life na!

 

Sarap umibig noh?

Nakakikilig.

Nakakamotivate.

 

Pero, ikaw ba ay handang handa na?

“Oo, mahal ko na siya talaga.”

“YES! Siya na ang aking #forever.”

 

Good for you.

Pero I’m not talking about emotions lang ah.

Kasama na din dito ang laman ng ating bulsa.

Tayo ba ay may pang gastos na o

nakaasa lang tayo sa kanila o sa iba?

 

“OA ka naman, ligaw pa lang eh.”

Ang advance mo naman masyado Chinkee.”

 

Uy hindi ah.

 

Once na napili na natin yung girl

na gusto natin ligawan, siyempre,

we all want it to progress

From courting stage, in a relationship,

then marriage.

 

Sino ba naman ang gustong

hanggang ligaw lang ‘di ba?

 

Paano natin ito maa-achieve

para naman ma-prove natin sa kanila

na tayo ay karapat-dapat?

 

MATUTONG MAGSUMIKAP umibig

umibig

(Photo from this Link)

Anong mapapala nila sa atin

kung tayo ay tatamad tamad?

 

Kuntento ng nakahiga, naglalaro ng video games,

tulog-kain lang, at parang walang plano sa buhay.

 

“May trabaho naman ako.”

 

This is not an issue kung may trabaho o wala.

 

Point here is kung may ginagawa ba tayong

hakbang para umunlad ang buhay?

Baka kasi mamaya kuntento na lang tayo

sa kung ano meron at hindi na

tayo nangangarap.

 

Kung ang buhay natin ay hindi natin mapagsumikapan

eh paano naman sila? Paano tayo? 

 

HUWAG MAGING PALAASA umibig

umbig

(Photo from this Link)
  • Nakadikit kay Nanay at Tatay.
  • Hinihingi ang pamasahe at pang kain sa kapatid.
  • Kapag kinapos, uutang, makasurvive lang.

 

Aba iho, hindi maganda ito.

 

Ibig ba sabihin nito

bubuhayin natin ang ating

asawa at pamilya sa hingi, hiram, at asa?

 

Paano kung wala ng taong aalalay

at sasalo sa atin?

Eh di wala na, nga nga na lang tayo gano’n?

 

When we are planning to build a life with someone

dapat kaya natin sila panagutan.

Yun bang kaya natin sila itaguyod

mula sa sarili nating efforts.

 

Strive hard.

Have goals for the love of your life.

Lagi natin isipin kung paano natin

sila mabibigyan ng magandang kinabukasan.

 

KUNG HINDI PA READY, HUWAG IPILIT umibig

umibig

Alam n’yo yung sinabi ko noon na

Love is not enough?

Totoo ito.

 

Hindi pwedeng love ang ipapakain,

ipapang-aral, ipangbabayad sa bills,

o ipangde-date natin sa kanila.

 

Ipon ipon muna.

 

Take some time to prepare

for the life that we want with someone.

Because if not, we might just lose them

along the way.

 

Magiging ugat lang kasi ng away

kapag hindi sila mapanindigan

at maalagaan.

 

  • Lagi napuputulan ng tubig.
  • Hinahabol parati ng mga naniningil.
  • Pilipit at namumutla na sa gutom.
  • Gipit na gipit

 

…ito ba ang gusto natin mangyari?

I believe not.

 

So more than the emotions,

be financially ready too.

 

“Tsaka na manligaw kung wala pa kahit pambili ng lugaw.

Tsaka na umibig, ‘pag may pambayad na tayo ng tubig.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker 

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay umiibig na ngayon?
  • Napaghandaan mo na ba hindi lang ang emosyon pero pati ang bulsa?
  • Paano mo siya maaalagaan at mapapanindigan?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TOP 8 WORST MONEY MISTAKES”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2G2P16b

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Tsaka na Tayo Umibig, pag may Pambayad na Tayo ng Tubig appeared first on Chinkee Tan.

Grabe Manghusga, Hindi muna Pansinin ang Pagkukulang Nila

$
0
0

manghusga

Minsan ka na ba nahusgahan ng ibang tao?

Hindi naman nila alam ang tunay na storya

pero sobra silang makapagsalita ng hindi maganda?

 

Meron akong nabasang article just recently

about a teenage girl who was buying

a whole box of condoms sa isang drugstore.  

 

Those at the counter said:

Grabe na talaga kabataan ngayon.”

“Iha, sure ka ba sa bibilhin mo?”

Napabayaan na ata ng magulang.”

 

Hindi na siya sana magsasalita

pero napilitan siya dahil

napapahiya na din siya.

 

To cut the long story short,

Para pala ito sa…

HOSPITAL PROCEDURE NA GAGAWIN

SA KANYANG TERMINALLY ILL NA NANAY!

 

Hay grabe.

Meron kasi talagang mga taong

napaka bilis mag-conclude kahit hindi naman kilala yung tao.

Panay negative comment, masasakit na salita

kahit pa wala silang kaalam alam sa storya.

 

Masyado tayong naniniwala sa

gusto nating paniwalaan kahit

pwede naman muna tayo magtanong o

kaya huwag na lang pansinin kung

wala naman tayong kinalaman dito.

 

Bakit kaya may mga taong madali manghusga?

 

FEELING NATIN, HINDI TAYO MAGKA-LEVEL

manghusga

(Photo from this Link)

Ito yung feeling na kapag ginawa ng isang tao

ang isang bagay na never natin gagawin,

sa paningin natin eh mali na.

 

“Grabe hindi ako magdadamit ng ganyan.”

“Kung ako ‘yan, hindi ko gagawin ‘yan.”

“Nako, asa! Never kong papatulan ‘yan.”

 

Kung ano man ang bumabali sa

sarili nating paniniwala at values,

automatic, ‘masama’ na kaagad para sa atin.

 

Alam n’yo,

iba iba tayo ng storya,

lahat tayo may kanya kanyang hugot

kaya natin nagagawa ang isang bagay.

 

So hangga’t hindi mismo natin nadidinig

ang dahilan mula sa kanila, wala tayong

karapatang manghusga ng kapwa.

 

FEELING PERPEKTO manghusga

manghusga

(Photo from this Link)

Maaaring mali o hindi tama

pero tandaan natin na

hindi naman din tayo perpekto.

 

Madami din tayong pagkakamali

na hindi natin namamalayan.

 

Kung tayo ay punahin dahil sa kamalian natin,

gugustuhin din ba nating husgahan tayo?

Syempre hindi ‘di ba?

 

Tingin tingin muna tayo sa salamin mga friendship

bago pa tayo lumihis ng tingin sa iba.

Baka kasi mamaya, bumalik sa atin

yung masasamang sinasabi natin sa kanila.

 

WALANG MAGAWA SA BUHAY manghusga

manghusga

(Photo from this Link)

Kapag idle tayo…

Walang magawa

Madami tayong time para pumuna

 

Lahat ng tao pati na din ang kanilang

mga ginagawa ay mapapansin natin.

Ultimo kahit kaliit-liitang bagay

na dapat ay hindi na natin pinapakialaman

ay makikita ng ating mga mata.

 

If we think na meron tayong tendency na ganito

let’s make sure to keep ourselves busy.

Sa daming pwedeng gawin sa maghapon

ito dapat ang pinaka huli nating

maisip na gagawin.

 

Una, wala naman tayong mapapala.

Pangalawa, makasasakit lang tayo.

At pangatlo, hindi ito maganda.

 

“May mga taong grabe kung manghusga ng kapwa,

pero hindi napapansin ang sariling pagkukulang nila.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Bakit ka kaya nanghuhusga ng kapwa?
  • Paano mo ito maiiwasan para hindi ka makasakit?
  • Kung ikaw ba ay huhusgahan din, matutuwa ka kaya?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“GETTING INTO GRAPHICS AND PHOTOGRAPHY BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/hFZYxpT4TsE

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Grabe Manghusga, Hindi muna Pansinin ang Pagkukulang Nila appeared first on Chinkee Tan.

Masaya lang ang Magka Isang Milyong Piso kung ito ay Pinag-ipunan at Ginamit ng Wasto

$
0
0

milyong piso

Isang milyon. Madaling ipunin o hindi?

 

Kung bibigyan ng pagkakataon na magkaroon

ng isang milyon sa madaling paraan,

ano ang magandang gawin dito?

 

Travel to Disneyland!”

Shopping up-to-sawa!”

 

Siguro ang iba sa atin ay ito ang gugustuhin.

 

“Isang milyon ba naman, eh! Dapat sulitin na!”

 

Madaling sabihin kung siguro ay napanalunan lang

sa lottery o kaya sa raffle.

 

Para sa iba, ang mag-ipon at magbuno para lang kumita

kahit para sa singkong butas ay todo kayod na.

Ang magtrabaho pa kaya para maka-ipon ng isang milyon?

Ilang linggo, buwan at taon itong paghihirapan?

 

Kung ang balak ay isang milyong ipon…

 

ALAM DAPAT KUNG PAANO ITO GAGAMITIN SA TAMA milyong piso

milyong

(Photo from this Link)

Gone were the days na gastos dito,

gastos doon without its sole purpose.

 

Dapat wala na talaga ito sa ating sistema

kung determinado sa isang milyong ipon.

 

Mahihirapan makapag-ipon kung

tayo mismo ay walang control sa paggastos.

 

Ang P100.00 ba ay napupunta sa pagkain,

computer gaming o lakwatsa?

 

May portions bang naihuhulog sa alkansya

o deposito man lang sa bangko?

 

UGALIING MAGTABI NANG PORTION NG SWELDO milyong piso

milyong piso

(Photo from this Link)

Good at bumaba na ang withholding tax ngayon.

Sa iba nga ay wala na.

Kung P1,200 is the 10% of P12,000 salary per month,

maaaring makapagtabi ng P40 everyday in 30 days.

 

P40 x 30 days x 12 months = P14,400

 

Ang taong determinado sa pag-iipon ay walang iniindang hadlang.

 

DO IT CONSISTENTLY milyong piso

milyong piso

(Photo from this Link)

Kung isang milyon ang target,

walang palya dapat ang pagtatabi ng 10% from the salary.

 

Kung katatanggap lang ng sweldo,

isesecure na agad ang P1,200 para sa ipon.

 

We can increase monthly or yearly the amount if we want to.

Depende sa kapasidad ng ating sweldo.

 

Ang mahalaga ay gawin ito consistently.

Walang i-missed out na day na hindi makapagtabi.

 

“Nagiging masaya lang ang pagkakaroon ng Isang Milyong Piso

kung ito ay pinag-ipunan at ginamit ng wasto.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Nasubukan mo na bang mag-ipon ng isang milyon?
  • What do you prefer, iinvest sa business o ispend for pleasures?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“GETTING INTO GRAPHICS AND PHOTOGRAPHY BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2pvapr1

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Masaya lang ang Magka Isang Milyong Piso kung ito ay Pinag-ipunan at Ginamit ng Wasto appeared first on Chinkee Tan.

PAMAHIIN SA PERA, TO BELIEVE OR NOT?

$
0
0

pamahiin

Pamahiin sa pera? Ano kaya yun?

 

Sabi nila:

Bawal magbilang ng pera sa gabi, masama daw.

Baka maging palabas lahat ng pera at maubos.

 

Kung magreregalo ng wallet,

dapat may lamang paper bill kahit magkano lang.

Para swertehin ang makatatanggap.

 

Sa pitaka, dapat in proper position ang ulo ng tao sa paper bills.

Hindi pwedeng nakabaliktad dahil mamalasin sa finances!

 

Higit sa lahat:

Huwag magbigay ng pera

kung wala namang pera. Ha-ha!

 

Alin sa mga ito ang pinaniniwalaan n’yo?

 

Lumaki man ako sa pamilyang dala-dala ang Chinese culture,

hindi rin maiwasan na marinig ko

ang mga pamahiing ito sa kanila.

 

As I grew up at natutong dumiskarte sa buhay,

napagtanto ko na mas may higit pa

sa pamahiin na dapat paniwalaan.

 

FRUITFULNESS IN BECOMING WEALTHY IS THROUGH OUR HANDS

pamahiin

(Photo from this Link)

Ang ibig kong sabihin, walang hangin,

bagay o hayop ang pupwedeng maka-generate

ng income para sa atin.

 

It depends kung paano tayo dumiskarte

para kumita ng pera at may maipon.

 

Kung hindi tayo kikilos, wala progreso!

Ang taong tunay na fruitful ay may naidudulot na kabutihan

sa sarili at sa kanyang mga mahal sa buhay.

 

THERE’S NO COINCIDENCE pamahiin

pamahiin

(Photo from this Link)

Everything is written in the Book of Life

before one of them came to be.

 

Ang failures at frustrations natin

in handling money and managing it to grow

ay hindi accident o coincidence.

 

There is a reason kung bakit ngayon maliit lang ang kita,

tapos kinabukasan ay madami na. 

 

Lahat ng ito ay may

kaakibat na learnings at hindi kamalasan.

 

Ano kaya nagawa ko bakit lumaki kita ko?”

“Ano kayang strategy yung nagwork kaya nakaipon ako?”

 

EVERYTHING IS MEANT TO HAPPEN pamahiin

pamahiin

(Photo from this Link)

Kung nabroke ngayon,

hindi naman ibig sabihin ay broke na forever.

 

There is a season na malago ang kita ng business,

meron din namang hindi.

 

We need to understand that

everything happening under the sun is meant to happen.

 

Nalugi ang negosyo today?

Kinulang sa ipon ang pera?

We respond with a grateful heart.

We take decisive actions to prosper and thrive.

 

“Hindi Masamang Maniwala sa Pamahiin pero Tandaan na

Hindi Dito Nakasalalay ang Kapalaran Natin”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano pa ang mga pamahiin sa pera na alam mo?
  • Paano ito nakatutulong sa ’yo?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

 

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“GETING A LOAN FOR BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2G5eNTZ

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post PAMAHIIN SA PERA, TO BELIEVE OR NOT? appeared first on Chinkee Tan.

Bakit List #2: BAKIT ANG HIRAP MAGPATAWAD?

$
0
0

magpatawad

Minsan ka na bang nasaktan ng taong

malapit sa iyong puso?

Asawa? Kamaganak? Kaibigan? Kaopisina?

 

And how did we face this?

Maaring ang iba sa atin ay nagalit,

nag-iiyak sa inis, o baka

sinumpa na natin at

ayaw na nating makausap pa sila!

 

“Bakit ko siya patatawarin, sinaktan niya ako.”

“Nako, hindi ko na siya kakausapin uli!”

“Gusto ko sana patawarin pero ang hirap, Chinkee!

 

Normal lang naman ang reaksyon natin.

Nasaktan eh so ang tendency

mahihirapan talaga tayo magpatawad.

 

Hindi kasi natin akalain na

kung sino pa yung mahal natin

sila pa itong nanakit sa atin.

 

Pero minsan ba,

pagkalipas ng ilang linggo, buwan, o taon

naisip mo ba na “Parang gusto ko na makipagbati…”

 

Pero sabay banat ng: “…PERO BAKIT ANG HIRAP?”

Alam n’yo kung bakit?

 

KASI FEELING NATIN, DAPAT SILA PAHIRAPAN

magpatawad

(Photo from this Link)

Oo, nakailang sorry na sila sa atin

pero parang hindi sapat ang sorry nila

sa sakit na dinulot nila.

 

Biruin mo,

niloko tayo, pinagpalit, sinaktan,

pinaglihiman, o pinahiya…

 

Tapos SORRY lang?

 

By not giving them the forgiveness

na hinihingi nila, pakiramdam natin

nakagaganti na tayo sa kanila

kasi nahihirapan silang makuha

ang matamis nating:

“SIGE NA, PINAPATAWAD NA KITA.”

 

KASI NAPUNO NA TAYO magpatawad

magpatawad

(Photo from this Link)

Naaalala n’yo ba yung huli n’yong usap o away

ninyong mag asawa o mag kaibigan?

 

Na sa sobrang pagkapuno, nasabi natin na:

Hindi lang isang beses mo ito ginawa!”

Pinalagpas ko lang noon, pero sobra ka na!”

Matagal na akong nagtitimpi sa ‘yo!”

 

Nahihirapan tayo magpatawad

hindi lang dahil sa minsanang kasalanan

kundi nagpatong-patong na yung

mga dati nilang nagawa sa atin

na ngayon lang natin nasabi.

 

Sabi nga, they pulled our last string.

 

KASI ‘BAKA’ ULITIN LANG NILA ITO

magpatawad

(Photo from this Link)

Hirap tayo magpatawad kasi

pakiramdam natin uulitin lang din naman nila.

 

Na kapag pinatawad natin sila,

Baka tingin nila okay lang yung ginawa nila.

 

Na kapag nakuha nila yung loob nating muli, BAKA…

Sisirain nila uli yung tiwala natin.

Paiiyakin lang uli nila tayo.

Lolokohin lang uli tayo.

 

We already concluded na mangyayari uli ito

kaya nagdesisyon na tayong

isara ang ating puso at isip sa idea

na magbabago pa sila.

 

“Mahirap magpatawad. Mahirap maniwala.

Pero kailangan natin subukan at magtulungan para mabalik ang nawalang tiwala.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Minsan ka na bang nasaktan ng iyong mahal sa buhay?
  • Nakapagpatawad ka ba kaagad o hindi?
  • Ano ang pwede mong gawin para mas madali makapagpatawad?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“GETTING A LOAN FOR A BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2G5eNTZ

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Bakit List #2: BAKIT ANG HIRAP MAGPATAWAD? appeared first on Chinkee Tan.


HANGGA’T TAYO’Y MAY LAKAS AT NABUBUHAY, KAYA NATING MAGBAGO!

$
0
0

magbago

Ever been in a situation na feeling pasan ang buong mundo?

Huling pera na natin na sinugal

para makapagpatayo ng business,

tapos malulugi lang bandang huli!

 

Ilang araw, linggo, at buwan na

naghahanap ng trabaho,

pero parang mailap ang kapalaran.

Mapapatanong na lang ng “Ano ba mali sa akin?”

 

Ilang taon tayo nagpakahirap sa ibang bansa

tapos malalaman laman natin na

naubos lahat ng perang pinadala!

 

Pato-patong na utang…

Araw-araw sinisingil

Nawalan pa tayo o si mister ng trabaho!

 

#LifeisUnfair na ang drama!

Gusto na lang natin umupo sa isang sulok

at magmukmok sa sunod-sunod na

dagok na nangyayari sa ating buhay.

 

Pero wait a minute, Kapatid!

Maaari mang nasa sa punto tayo

nang feeling walang pag-asang lumiwanag

ang daang tinatahak, tandaan sana natin:

 

WALANG MAKAPAPANTAY SA MAGANDANG PLANO NG DIYOS PARA SA ATIN magbago

magbago

(Photo from this Link)

Hindi man buo yung nakikita nating ending,

but the fact na buhay at may lakas tayo  

na magtrabaho ay isang regalo.

 

Sabi nga, “Give thanks in all circumstances

for this is God’s will for you in Christ Jesus.”

 

May iba na hirap makapaghanap ng trabaho

para lang may panustos sa araw-araw.

Nagtitiis, nagsusumikap, hindi sumusuko.

 

HANGGA’T BUHAY, MAY PAG-ASA! magbago

magbago

(Photo from this Link)

The reason why we sometimes quit

is because we seemed to be blinded by the world.

And we let it happen to us.

 

Problems may be overwhelming oftentimes,

pero huwag hayaang lamunin ng problema, kapatid!

Mag-unwind. Pag-isipan ulit kung saan na ba tayo

banda sa purpose na pinanghahawakan sa buhay.

 

HANGGA’T KAYA, MAY MAGAGAWA PA RIN! magbago

magbago

(Photo from this Link)

Magpasalamat kung wala tayong sakit,

malakas na pangangatawan at

kakayahang makapasimula muli.

 

Ibig sabihin we are well equipped to do our part

to effect the desired change in ourselves and to contribute value in our society.

 

“Hindi rason ang mga kabiguan sa ating buhay para tayo ay sumuko.

Tandaan na hangga’t meron tayong lakas at buhay, kaya nating magbago!”

-Chinkee Tan, FIlipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano mo hinahandle ang kabiguan?
  • How can you be a source of encouragement to your family and friends today?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“GETTING A LOAN FOR A BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2G5eNTZ

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post HANGGA’T TAYO’Y MAY LAKAS AT NABUBUHAY, KAYA NATING MAGBAGO! appeared first on Chinkee Tan.

Bakit List #3: Bakit may Taong Nangangamusta lang Kapag may Kailangan?

$
0
0

nangangamusta

Naranasan mo na ba yung

lalapitan ka lang kapag may kailangan sila?

 

Yung akala natin namiss talaga nila tayo,

akala natin, gustong makipagkwentuhan lang

kaya sila nag-message sa atin sa Facebook o nagtext

tapos biglang:

 

“Nga pala….”

“By the way, may tatanong sana ako…”

“Sorry ah, pero kakapalan ko na mukha ko…”

 

Yun na!

Meron pala silang kailangan!

Aruy!

 

Ang dami ng nangyari sa buhay natin

nitong nakalipas na buwan o taon—

Meron sa ating namatayan,

nagkaro’n ng emergency,

o napaulanan ng problema

pero wala man lang silang paramdam o

wala man lang tayo nadinig na simpatya…

 

Tapos ngayong may kailangan sila,

biglang feeling close?

 

Sino ba naman ang hindi maiinis ‘di ba?

Para kasing pakiramdam natin ginagamit lang tayo.

 

Bakit nga ba may mga taong ganito?

 

KAPIT SA PATALIM nangangamusta

nangangamusta

(Photo from this Link)

Wala na silang matakbuhan

kaya nagbabakasakali na lahat

ng lalapitan nila (including us),

eh isa o dalawa man lang “sana” dun

ay matutulungan sila.

 

Hindi na nila iniisip ang sasabihin ng iba,

bahala na kung maging masama ang tingin sa kanila,

ang importante ay sinubukan nila.

 

Sila yung mga taong mabibigat na ang problema

kaya kailangang mahanapan na nila agad ng solusyon

kaysa datnan ng hiya, tapos wala naman mapapala.

 

ABUSADO nangangamusta

(Photo from this Link)

Umutang na noon, umuulit na naman ngayon.

Napagbigyan na noon, susubukan uli.

 

Kasi feeling nila:

  • Mabait tayo
  • Maasahan
  • Walang tinatanggihan

 

Kaya heto, lalapit uli sila thinking na

mapagbibigyan na naman uli yung gusto nila.

 

Hindi nila naiisip na parang

Ay nakakahiya, tagal na naming ‘di nag-uusap”

Okay lang kaya lumapit? ‘Di kami close eh.”

“Nakahiram na ko no’n eh, awkward naman.”

 

Basta gusto nila, gusto nila.

 

HINDI NABAGO ANG BUHAY nangangamusta

(Photo from this Link)

Tuwing kailan sila lumalapit?

Madalas kapag kailangan ng pera?

Kapag naiipit sila sa utang?

 

You know, the issue here is not the borrowing,

ang issue yung nangyari AFTER nila manghiram noon.

 

Okay lang yung minsan eh

but it was expected sana na may ginawa na sila

para hindi na maulit ang nangyari noon.

 

Eh kaso ang nangyari,

pagkabayad ng utang

bumalik uli sa dating lifestyle.

 

Nung napahiraman,

imbis na ipambayad sa credit card billing,

ayun, nagshopping!

 

Kaya ang ending,

lalapit na naman sila sa atin

para isalba sila sa maling desisyon nila.

 

Ulit-ulit, ulit-ulit.

Hanggang pinagbibigyan,

patuloy na lalapit kapag may kailangan.

 

“Yung mga Kamag-anak at Kaibigan na Nangangamusta lang ‘pag may Kailangan,

Karaniwan sa FB Messenger sila Nagkalat at Matatagpuan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Minsan ka na bang nabiktima ng ganito?
  • Paano mo sila hinarap?
  • Paano mo sila matutulungan ng hindi kinukunsinte?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Bakit List #3: Bakit may Taong Nangangamusta lang Kapag may Kailangan? appeared first on Chinkee Tan.

SA PANINGIN NI LORD, PANTAY PANTAY LANG LAHAT TAYO

$
0
0

pantay

Minsan ka na bang minaliit ng ibang tao

na para ba tayong langgam sa sobrang

liit ng tingin nila sa atin?

 

Yung feeling nila mas

mataas sila sa atin kaya tayo inaabuso?

 

“Sino ka ba eh assistant ka lang naman.“

“Huwag mo ako uutusan, mas matagal na ‘ko sa ‘yo.”

Graduate ako sa _____, eh ikaw?”

 

Para sa mga nang-aapi...

Grabe naman friendship!

Bakit naman tayo gano’n?

 

Na-promote lang,

umunlad lang ng kaunti ang buhay natin,

o nakalasap lang ng ginhawa

eh feeling MVP na o yun bang

MOST VALUABLE PERSON na sa yabang?

 

Hindi na ba natin naisip yung katagang

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan

ay may stiff neck!”  Este…

“..hindi makakarating sa paroroonan?”

 

Samantalang hindi naman natin

maaabot iyon without starting from the bottom.

Wala namang successful na tao

na hindi dumaan sa hirap.

 

Here’s what we need to understand:

 

LAHAT TAYO AY PANTAY PANTAY

pantay

(Photo from this Link)

Sa mata ng Panginoon, walang:

  • Mayaman – Mahirap
  • Maganda – Pangit
  • Matalino – Slow
  • Magaling – Hindi magaling
  • Maitim – Maputi

 

…sa totoo lang (at yung nakalulungkot)?

TAYO LANG NAMAN ANG GUMAWA NITO.

 

Sa atin lang nanggaling na dapat

ma-separate natin ang dalawang tao

when in fact, wala dapat pinagkaiba ang bawat isa.

 

Maaaring Manager tayo ngayon,

Milyonaryo, o Businessman…

 

Pero alam n’yo, title lang yan!

Tayo lang ang nagbansag sa sarili natin niyan.

Kaya wala tayong karapatan

para maliitin ang iba.

 

We are ALL created in the image

and likeness of God, period.

 

GANDA NGA NG BUHAY, HINDI NAMAN MAGANDA UGALI

pantay

(Photo from this Link)

Hindi porket nakaaangat tayo ngayon

eh ibig sabihin, mas mataas na tayo sa kanila.

Nauna lang tayo ng kaunti

because it’s not yet their time.

 

Pero soon, makararating din sila.

So, pantay-pantay na naman.

 

Pero KaChink,

Aanhin naman natin ang magandang title na:

  • Manager
  • Vice President
  • Rich
  • Successful Businessman/woman

 

…kung napakapangit ng ating pag-uugali?

  • Nanlalait ng kapwa
  • Nagmamataas
  • Nang-aagrabyado

 

Balewala din.

 

When we are disrespectful to others

baka bawiin ito sa atin.

 

Eh kaya nga ito ibinigay

para pakaingatan at maging inspirasyon

at hindi para gawing dahilan para

idown ang iba.

 

ALWAYS CHOOSE TO BE KIND

pantay

(Photo from this Link)

Mahirap sa pakiramdam yung

lagi na lang tayong galit at nega sa mundo

at sa mga taong nakakahalubilo natin.

 

Biruin mo, lagi tayong

parang laging may problema

eh pwede namang chill lang.

 

Feed your heart, mind, and soul with positivity.

Para gumaan ang pakiramdam.

 

Matutong magpasalamat.

Maging inspirasyon sa iba.

I-motivate ang kapwa para magpursige.

 

Simple lang ang buhay

Huwag natin gawing kumplikado.

 

“Hindi dapat nawawala ang respeto natin sa ibang tao

dahil sa Paningin ni Lord, pantay-pantay lang lahat tayo. “

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Naranasan mo na bang manlait ng kapwa? Anong instances?
  • Paano mo babaguhin ang pananaw mo tungkol dito?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“10 DEFINITION OF SUCCESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post SA PANINGIN NI LORD, PANTAY PANTAY LANG LAHAT TAYO appeared first on Chinkee Tan.

DEBT ON ARRIVAL

$
0
0

debt

Ikaw ba ay isang OFW na kakauwi pa lang,

hindi ka pa nakaka adjust sa jetlag,

eh nandiyan na kaagad sa pintuan

ang mga taong gusto mangutang?

 

Minsan mo na din bang na-experience

yung katatanggap mo pa lang ng sahod

eh nakapila na sila na akala mo

PBB house ang kanilang sinadya?

 

Eh yung nabalitaan nilang may bago kang kotse o bahay

biglang non stop ang message sa ‘yo sa FB

na parang BFF ang peg,

samantalang ilang taon na kayo walang koneksyon.

 

Iyan yung ilan sa tinatawag nating:

DEBT ON ARRIVAL!

 

Kadadating o kaa-arrive pa lang natin,

ng ating sweldo, o opportunity,

hayan na sila’t nakaabang para makautang.

 

Maaaring kailangan na kailangan na natin ang pera

pero baka kailangan na kailangan din nila.

Kaya bago pa man tayo pumunta sa kanila

at umasta na para bang simpleng

kendi o chichirya lang ang hihingin…

 

MAGING SENSITIBO debt

debt

(Photo from this Link)

We don’t know the story behind kung bakit

umuwi ba si kumare o kumpare.

Dahil ba nagbabakasyon lang,

nagkaroon ng emergency,

o kaya baka nawalan ng trabaho?

 

O kaya baka yung sweldo ng kaibigan natin

ay saktong sakto lang

para sa kanilang mag-anak.

 

Huwag tayo kaagad mag assume na

porket nandito na sila, nakuha na nila

ang kanilang payslip, o nakaluwag luwag ay

automatic pwede na natin ito utangin.

 

Atras muna ng kaunti.

 

HUWAG MASYADONG MADAMDAMIN

debt

(Photo from this Link)

Pasensya ka na ah, sakto lang eh.”

Wala akong mapahiram friend eh.”

 

Kapag nadinig na natin ang linyang iyan

maluwag nating tanggapin at

huwag ng magtanim ng sama ng loob.

 

Lawakan natin ang ating pag-intindi

tulad na lang kung paano nila tayo inintindi

nung lumapit tayo sa kanila.

 

Kung mapahiram, THANK YOU.

Kung hindi naman, THANK YOU pa din.

At least, maayos nila ito sinabi sa atin.

 

GO TO PLAN B

debt

(Photo from this Link)

Ngayong alam na natin na

malabo tayong mapahiram ng

taong inaasahan sana natin,

proceed to PLAN B!

 

“Eh Chinkee ano ba yung PLAN B?”

 

Sell something valuable o yung may halaga

and offer it to friends or family in an amount

na tingin mo ay hindi nila matatanggihan.

 

  • Jewelry.
  • Lupa na naka tengga lang.
  • Kotse.
  • Extra cellphone.

 

Kahit ano basta may halaga.

 

“Lugi naman ako.”

 

No. Mas mahirap kapag

wala tayong naiabot na kahit magkano

sa ating pinagkakautangan.

 

One more tip?

At uulit-ulitin ko itong sasabihin…

LOOK FOR ADDITIONAL INCOME.

 

Huwag makuntento sa current salary

dahil kung ito lang ang aasahan,

hindi tayo matatapos lalo na’t naka-alot na ito

sa ating araw-araw na gastusin.

 

“DEBT ON ARRIVAL: Tawag sa taong mangungutang agad

kahit kadadating pa lang sa bahay n’yo.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Na-experience mo na ba ang debt on arrival?
  • Bakit ka nagkautang?
  • Paano mo ito sosolusyunan ng hindi masyado abala sa iba?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“10 DEFINITION OF SUCCESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post DEBT ON ARRIVAL appeared first on Chinkee Tan.

HINDI SAPAT AND SIPAG AT TIYAGA, MAGTIWALA SA MAY LUMIKHA!

$
0
0

tiyaga

Sabi nila, basta’t kung may sipag at tiyaga mayroong mailalaga.

 

Peymus ito sa ating mga Pilipino.

Kilala ba naman tayo sa pagiging madiskarte at maabilidad, eh!

 

Madalas sa atin kayod ng kayod para lang may ipangtustos sa araw-araw.

Isang kahig, isang tuka.

Mga seryoso sa pagsisipag at pagtityaga.

Na talaga namang yumayaman at kung minsan sobra pa.

 

Ano kaya ang sikreto nila?

Sipag at tiyaga nga lang ba talaga?

 

Sa aking opinyon and through experiences,

hindi talaga mawawala ang sipag at tiyaga.

 

Mas nagiging epektibo ang resulta nito

kung sasamahan nang…

 

KAALAMAN AT TALINO SA PAGPAPLANO tiyaga

tiyaga

(Photo from this Link)

Maraming nagsasabi, bumabagsak ang negosyo

kung hindi pinagpaplanuhan ng tama.

Which is tama naman and I think common sense ito.

 

Kailangan nating mag-research at kumuha ng tiyak na kaalaman

sa negosyong ating sisimulan.

Pag-aralan ang nature ng negosyo,

target market at posibilidad na investment para dito.

Sa gayon ay hindi lilipad sa hangin ang ating pagod at pera.

 

5-year plan ba ito? 10 years? 15 to 20 years?

 

PUSO AT BISYON SA MGA PLANO tiyaga

tiyaga

(Photo from this Link)

Kung may tamang kaalaman,

dapat ay meron ding passion o puso

sa ating pagnenegosyo o kahit pagtatrabaho.

 

One can last doing a thing out of passion.

 

The reason kung bakit may mga planong nauudlot sa kalagitnaan

ay dahil na rin sa kakulangan ng “push” sa vision at mission.

 

Kailangan din siyempre ng sapat na determinasyon

upang ma-reach mo ang iyong goal.

 

PAGTITIWALA SA DIYOS tiyaga

tiyaga

(Photo from this Link)

I strongly believe, marami man at maganda

ang ating plano sa buhay at negosyo,

plano at mga paraan pa rin ng Diyos ang magwawagi.

 

Ano dapat gawin?

Commit to the Lord whatever we do

and He will establish our plans.

 

Dahil sa buhay natin sa mundong ibabaw…

 

“Hindi sapat ang Sipag at Tiyaga dahil mas mahalaga ang Pananampalataya natin sa Lumikha.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Pinagkakatiwala mo ba sa Diyos ang iyong plano sa buhay at pagnenegosyo?
  • Kung hindi pa, kailan mo balak simulan?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post HINDI SAPAT AND SIPAG AT TIYAGA, MAGTIWALA SA MAY LUMIKHA! appeared first on Chinkee Tan.

KUNG TATAMBAY-TAMBAY AT PALAASA, HINDI MAGIGING MATAGUMPAY

$
0
0

tambay

Tambay. Minsan friends natin,

pero madalas tayo rin.

Minsan may ginagawa, pero madalas wala.

 

Uupo, tatayo, kakain at lalabas kasama ang mga kaibigan.

Pero madalas ay humihingi sa magulang o nakatatandang kapatid.

Hindi sariling pera ang ipinanggagastos.

Ubod nang lakas pang humingi.

 

Maaaring kumportable sa buhay

kaya malakas ang loob tumambay, pero

tiyak na wala naman itong kasiguraduhan sa hinaharap.

 

Dahil hindi naman babagsak ang pera sa ating palad

nang hindi man lang ito pinaghihirapang makuha.

 

Ano nga ba ang magiging epekto

kung magiging stagnant lang tayo?

 

WALANG GROWTH

tambay

(Photo from this Link)

Kung walang paglago sa ating buhay at career,

hindi natin mararating ang magandang plano

ng Diyos sa dulo ng ating karera.

 

This makes us unproductive and insecure somehow.

 

Growth on the other hand keeps us moving forward

as we progressively materialize

the vision that comes from the heart..

 

Kaya ang dapat gawin?

 

MAGHANGAD NA UMUNLAD

tambay

(Photo from this Link)

Huwag makuntento sa pagiging

chill lang o tambay sa tindahan o bahay.

 

Mangarap. Para sa sarili at para sa pamilya.

Para sa mga taong nakapalibot sa atin na nais matulungan.

 

Nakatapos man ng pag-aaral o hindi.

Tayo pa rin ay may magagawa.

 

Madalas bang gumamit ng Facebook at Instagram?

Pwedeng mag-negosyo ng buy and sell online!

Damit, fashion accessories, sapatos o pagkain man ‘yan.

Basta’t mapagkakakitaan sa maayos na paraan.

 

IWASANG UMAASA SA IBANG TAO

tambay

(Photo from this Link)

Kung papetiks-petiks lang tayo at panay asa

sa kung ano ang maibibigay nila tatay at nanay o kuya at ate

kahit pa may kapasidad na tayong magbanat ng buto,

at patuloy tayong magiging dependent sa kanila,

we forfeit our own life’s purpose.

 

We can hardly see what good lies ahead of us.

Ang worst, we cannot see the better version of ourselves.

 

“Imbis na makuntento sa pagiging tambay, maghangad din tayo na umunlad ang ating buhay.

Dahil kahit kailan ang taong palaasa ay hindi magtatagumpay.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Tambay ka rin ba lately?
  • Anong magagawa mo para makatulong sa sarili at pamilya mo ngayon?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“10 DEFINITION OF SUCCESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post KUNG TATAMBAY-TAMBAY AT PALAASA, HINDI MAGIGING MATAGUMPAY appeared first on Chinkee Tan.

MAS MAHALIN ANG SARILI AT KALUSUGAN KAYSA SA PURO TRABAHO LANG

$
0
0

trabaho

Workaholic. Sila yung mga tao

na puro trabaho lang, walang pahingahan.

Social life? Magdamag kasama ang reports, laptop at notepad.

 

Ang standard 8 hours of work ay panay may extension.

Overtime na kahapon, mag-overtime na naman ngayon.

 

Ang trabaho na dapat sa opisina lang,

hanggang sa bahay dala-dala.

Madalas kasama pang matulog kaysa sa asawa.

 

“Kailangan magtrabaho ng mabuti para sa kinabukasan, Chinkee..”

 

That’s right! I’m proud of you, KaChink!

 

Pero wait lang, baka naman

napapagod na ng  husto ang ating katawan?

May mga pagkakataon na napapabayaan?

 

Huwag sanang kalimutan…

 

HEALTH IS WEALTH

trabaho

(Photo from this Link)

Bukod sa pagpupursigi sa trabaho,

huwag sana nating kalimutan

iprioritize pa rin ang ating kalusugan.

 

Baka dumating ang araw na magtatrabaho na lang tayo

para may pambili ng gamot at pambayad sa ospital.

 

Huwag nang hintayin na humantong pa sa ganito, KaChink!

 

HAVE A HEALTHY AND FRUITFUL LIFESTYLE

trabaho

(Photo from this Link)

Ang magandang pangangatawan ay

hindi lang nagsisimula sa kinakain,

kundi pati na rin sa istilo ng ating pamumuhay.

 

Kumakain ba sa tamang oras?

Hindi ba nawawalan ng gulay at prutas sa hapag-kainan?

Nakakatulog ba ng sapat at tama sa oras?

 

Hindi man big deal ang impact nito sa inaakala ng karamihan,

pero malaki ang contribution sa ating pangangatawan

pati na rin sa pagkokondisyon ng ating isipan.

 

DON’T OVERTHINK AND WORRY TOO MUCH

(Photo from this Link)

Ayon sa research, one of the common factors of cancer is stress.

Free radicals kung tawagin ang sanhi.

 

Bakit ba tayo na-stress?

Madalas dahil sa masyadong pag-aalala

kung ano ang mangyayari bukas at sa future ahead.

 

Kung tayo ay malulubog sa mga pag-iisip

na malayong mangyari, mas prone tayong magkasakit.

 

Ipasa-Diyos ang lahat at ipagkatiwala sa Kanya.

May kasabihan nga, let’s do our best

and God will do the rest.

 

“Mahalin natin ang ating trabaho at pinagkakakitaan

     pero dapat ay mas mahalin natin ang ating sarili at ating kalusugan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker 

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano mo pinapangalagaan ang iyong sarili lately?
  • Kailangan mo na bang baguhin ang iyong lifestyle?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“10 DEFINITION OF SUCCESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post MAS MAHALIN ANG SARILI AT KALUSUGAN KAYSA SA PURO TRABAHO LANG appeared first on Chinkee Tan.


Ang Pag-aasawa ay pang HABANG BUHAY at pang MATAGALAN

$
0
0

matagalan

Gaano katagal na kayo kasal?

Kamusta naman ito so far?

Mahirap ba o keri lang?

 

Sa dami ng na counsel ko about marriage

nakalulungkot lang makita yung iba na

parang wala ng ngiti sa mga labi o

yun bang wala ng ningning sa mga mata.

 

Meron at meron ding nasasabi na

hindi maganda towards their spouses or

for the life that they have now with them.

 

Mali ata ako ng napakasalan.”

Over sa pagiging mama’s boy, Chinkee!”

Wala pala siyang plano sa amin.”

Nagtitiis na lang ako para sa anak namin.”

 

Ang hirap pa nito, ang nagiging tanging option

na lang ng iba ay hiwalayan.

 

Matthew 19:6

“..what God has joined together, let no one separate.”

 

Dito ngayon pumapasok ang

For BETTER or for WORSE

gaya ng ating sinumpa noong tayo ay ikinasal.

 

Anu-ano ba yung kadalasang dahilan kaya

nauuwi sa away at hiwalayan para

ito ay ating maiwasan?

 

WALANG SEPARATION SA MGA MAGULANG matagalan

matagalan

(Photo from this Link)

Nag-asawa nga tayo pero,

kasama naman natin sa bahay ang biyenan.

Kada kilos natin napapansin.

 

Kapag nakahiga o nagpapahinga,

sasabihin tamad tayo.

Kapag hindi tayo marunong magluto

sasabihin kawawa ang anak nila.

 

Ultimo pagtatalo natin,

hindi maiiwasang may:

 

Ano ba pinag-aawayan n’yo?”

Itigil n’yo nga yan, nadidinig kayo ng mga bata.”

Huwag mo naman sigawan anak ko.”

 

Nako patay na.

Wala ng privacy.

 

Siyempre, maiinsulto ang isa sa atin,

kaya ending, away na.

 

Sikaping bumukod.

Maski umupa basta yung kayong dalawa lang.

Kung hindi naman talaga maiiwasan,

pag usapan mabuti at dapat

parehas kayo willing at hindi sapilitan.

 

HINDI NAGKAKAISA matagalan

matagalan

(Photo from this Link)

Likas na magkaiba ang lalaki sa babae.

 

Magkaiba pagdating sa:

  • Kulturang kinalakihan
  • Pagbibigay ng regalo (praktikal vs. sentimental)
  • Diskarte sa buhay
  • Religious background o kaya
  • Pananaw sa pera at pamilya.

 

Pero gayon pa man,

hindi dapat ito maging hadlang.

 

Hindi porket magkaiba tayo,

eh gagawin na nating dahilan

para makipaghiwalay, because I tell you,

it will always be the same kung ito lang ang

ating tinitignan sa ating kabiyak.

 

Ganyan sila, ganito tayo.

Tanggapin at mahalin natin ito.

Subukang pag-aralan at intindihin

para magkaroon ng “meeting of the minds”…

‘Yan ang PAGKAKAISA.

 

WALANG FINANCIAL INDEPENDENCE matagalan

matagalan(Photo from this Link)

Pagkatapos ng kasal

uuwi sa bahay ng biyenan

kasi naglambing ng:

 

“Dito na lang kayo, sagot ko na ang kuryente.”

Ako na bahala sa mga gastusin dito.”

Huwag n’yo alalahanin ang bayad, ako na.”

 

Kaya ang minsanang pagsalo

nila sa ating responsibilidad

na may kinalaman sa pinansyal, ayun

nagkaroon ng #forever.

 

Hindi na tayo natuto tumayo

sa sarili nating mga paa.

Hindi na tayo gumagawa ng paraan

para maitaguyod ang pamilya natin

mula sa sarili nating efforts.

Lahat nakaasa. Laging nakasandal.

 

Gusto ng isa huwag naman umasa ng umasa.

Tapos yung isa,

“Okay lang yan, pasalamat ka nga wala na tayo iniisip.”

 

Kaya nagkakaroon ng pagtatalo sa dulo.

 

“Ang pag-aasawa ay isang uri ng pagsasama na panghabang buhay at pangmatagalan.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong kadalasan ninyong pinagaawayan ni misis o mister?
  • Nasubukan n’yo na bang mag compromise?
  • Paano n’yo mapapatatag ang inyong pagsasama?

 

For more marriage tips, mag register na sa aking HAPPY WIFE, HAPPY LIFE VIRTUAL WORKSHOP.  

Click here now: https://chinkeetan.com/hwhl/?ref=12&campaign=HWHLOnlineWorkshop

 

✔Lifetime Access

✔Watch it Anytime, Anywhere with your spouse

✔Free Happy Wife, Happy Life Companion Workbook

✔Free Online workshop videos

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

The post Ang Pag-aasawa ay pang HABANG BUHAY at pang MATAGALAN appeared first on Chinkee Tan.

Kung Marunong Magtipid ng Perang Tinanggap, Magiging Maayos ang Hinaharap

$
0
0

magtipid

Matanong kita KaChink,

Paano ka mag-ipon?

 

Ina-apply mo ba ang 52-week challenge?

Blind P20, P50, or P100?

20% ng kita ay diretso sa banko?

 

Grabe, napakaraming paraan kung

paano tayo makakaipon.

 

Nakaka addict noh?

Parang lahat ng paraan na pwede,

susubukan natin para

lumaki rin ang ating naitatabi.

Para nga naman kapag nangailangan,

hindi na sumasakit ang ulo natin kakahagilap.

 

Pero alam n’yo bang meron tayong

nakaliligtaan o binabalewalang mga paraan?

 

Ito yung mga maliliit na bagay na

kapag inaraw-araw natin,

ang laking halaga pala

ng perang ating nasasayang at natatapon

na pwede na pala sanang ipon.

 

Anu-ano nga ba ang ilan sa mga ito?

 

PAGBILI NG BOTTLED WATER o mga READY TO DRINK magtipid

magtipid

(Photo from this Link)

Hindi ko naman sinasabing libre ang tubig sa bahay.

Nagbabayad din tayo ng P25 – P30 per 5 gallons

na umaabot ng 3-5 days.

Pero ikumpara ito sa pagbili ng bottled water

sa halagang P20 tapos isang lagukan lang.

Imagine the difference?

 

Bago pa man umalis ng bahay,

Lamnan na ang ating mga water bottles.

Kung maubos man during the day,

libre naman kadalasan ang tubig

sa opisina o canteen, ‘di ba?

 

Iwas iwas na din tayo sa mga Ready to Drink.

“Ang lupet mo naman Chinkee!”

 

Again, inuulit ko, KUNG MAY BUDGET, GO.

Kung wala, use safer and healthier alternative— TUBIG.

 

FREQUENT TRAVEL SA CONVENIENT STORE magtipid

magtipid

(Photo from this Link)

Bago pumasok…

Meryenda time…

Lunch break…

After office…

 

Pansin n’yo lagi tayo dumadaan

sa mga grocery o convenient store na malapit?

Bibili ng biscuit, ice cream, chichirya, o mga kendi?

 

Maski wala namang balak, kapag nadinig na ang:

“Tara baba tayo” — eh umuusok na ang puwet

makalabas lang ng opisina at syempre

mapapabili na rin. Nandu’n na ang temptation eh.

 

Kung alam naman na natin

yung gusto natin kainin,

eh bumili na tayo ng bultuhan sa grocery.

 

Mas makatitipid na,

hindi pa nauubos ang oras natin

papunta at pabalik sa opisina.

 

NAHIHIYANG MAGBAON magtipid

magtipid

(Photo from this Link)

Wala naman nakahihiya kung magbabaon tayo.

Mas nakahihiya kung pinipilit natin

ang ating mga sarili, makasabay lang.

 

Malaki ang matitipid natin kung

tayo ang maghahanda o magluluto

ng sarili nating baon.

Maski nga yung ulam kagabi?

Pwede pa yun!

 

Magkano ba ang meals natin sa araw-araw?

Sabihin na nating P200 maghapon na,

o biruin n’yo, nakatipid tayo ng P200!

Malaki yun ah.

 

Reward yourself if you can,

pero kung sakto lang, tandaan na

wala namang nakahihiya kung magbaon.

 

“Kung marunong tayong magtipid ng ating perang tinatanggap,

siguradong makaiipon tayo at magiging maayos ang ating hinaharap.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong mga tipid tips ang ginagawa mo?
  • Magkano ang iyong naitatabi dahil dito?
  • Paano ito nakatulong sa iyo?

For more ipon tips, go to this link now: https://chinkeetan.com/ipon 

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE POOR WAY OF THINKING”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Kung Marunong Magtipid ng Perang Tinanggap, Magiging Maayos ang Hinaharap appeared first on Chinkee Tan.

Bakit List #4: Malaki at Maayos na Pangangatawan Pero Bakit Hindi Kapakipakinabang?

$
0
0

kapakipakinabang

Malakas na pangangatawan? Check!

Kumpleto ang mga kamay at paa? Check!

May kakayahang mag-isip? Check!

Malusog at walang iniindang sakit? Check!

 

Uy, napaka-fortunate naman pala natin, ‘di ba?

Indeed, God is good!

 

Pero bakit…

  • Nakahilata lang tayo?
  • Ang tanging exercise ay ang pag-abot sa chichirya at remote?
  • Hindi tayo naghahanap ng trabaho?
  • Gumigising tayo hapon na, kakain lang tapos tulog uli?
  • Ultimo gawaing bahay, tamad na tamad tayo?

 

Nako KaChink, sayang naman kung ganito.

Hindi tayo nagiging kapakipakinabang.

 

Mahirap yan ah.

Sayang naman yung oras at panahon

na pwede sana tayong may magawa na

makatutulong sa pag-unlad natin at

maimprove ang sarili natin.

 

Bakit nga ba may mga taong #blessed naman

pero walang ginagawa?

 

Na mas kuntento na ang tanging iniisip lang ay:

Anong ulam namin ngayon?”

Anong games ang lalaruin ko ngayon?

“Bakit wala pa ang mga tao, gutom na ako!”

 

MAY INAASAHAN

kapakipakinabang

(Photo from this Link)

“Nandiyan naman sina Nanay at Tatay, Ate at Kuya.

May kaya naman ang pamilya ko.”

“Hindi naman siguro nila ako matitiis.”

 

Yan, na…

Diyan na pumapasok ang pagiging palaasa.

Kasi nga naman may nakasalo sa

bawat hingi nila kaya hindi na gumagawa

ng paraan para maisalba ang sarili.

 

Sila yung mga taong kampante na masyado.

Feeling nila hindi naman sila pababayaan at

habang buhay sila pagbibigyan na parang bata.

 

KAWALAN NG PANGARAP kapakipakinabang

kapakipakinabang

(Photo from this Link)

Wala silang gusto para sa sarili nila.

Para sa kanila, basta kumakain at nakakatulog,

eh okay na.

 

Ayaw nilang maghangad ng mas mataas pa dun.

Yung makaipon man lang.

Magkaroon ng magandang trabaho.

Makapagpatayo ng bahay.

Yung may perang dudukutin na pinaghirapan naman.

 

Hindi nila naiisip na kapag nawala na

yung mga taong inaasahan nila,

“Paano na kaya ako?”

 

DUMADALOY ANG INSECURITY kapakipakinabang

kapakipakinabang

Buti pa sila…

“Nakatapos ng college, ako highschool lang….”

“Ang bilis makahanap ng trabaho, ako hirap na hirap…”

“Nakapagpatayo kaagad ng business, ako ganito lang…”

 

Kaya tinatamad na kumilos kasi

pakiramdam nila, they are not good enough at

wala namang nangyayaring maganda

kahit anong gawin nila.

 

Para bang,

wala na rin lang sila mapapala eh di

sa bahay na lang…hindi pa napagod.

 

Insecurity is normal pero dapat

ito mismo yung magtutulak sa atin

na magsumikap at hindi kaawaan ang sarili.

 

The more we pull ourselves down,

the more na hindi lalapit sa atin ang oportunidad.

Sayang naman kung mapapakawalan lang

dahil sa insecurity sa iba.

 

“Ang iba kahit malaki ang katawan, hindi nagiging kapaki-pakinabang.

Mas pinipili nila na umasa sa hingi at sustento ng kapatid at magulang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May kilala ka bang ganito?
  • Paano mo sila matutulungan at maeenganyo?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE A POOR WAY OF THINKING”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Bakit List #4: Malaki at Maayos na Pangangatawan Pero Bakit Hindi Kapakipakinabang? appeared first on Chinkee Tan.

WALANG BISYO SI MISTER? ANG SWERTE MO SUPER!

$
0
0

mister

Ano ba ang pinakamahalagang kayamanan

na pwedeng makamit ng isang misis?

 

Maaaring nandito na ang:

  • Masayang pamilya.
  • Nakakakain ng tatlo o higit pang beses isang araw.
  • Walang sakit ang buong mag-anak.
  • Nakakaipon ng sapat.

 

Pero alam n’yo yung isa pa? Kapag…

Walang BISYO si mister.

 

Let’s define first kung ano ang bisyo.

Ito yung isang habit na ginagawa natin

ng napakadalas, na kapag hindi nakontrol,

maaaring makasama.

 

Pwedeng bisyo na:

Yosi

Inom

Sugal – sabong, tong-its, at kung anu-ano pa

o kaya paglalaro ng computer games

 

Oh, bago kayo mag-react ng:

“Bakit kami lang?”

 

Para din itong bisyo ng ibang mga misis na

ang pinaka common ay shopping.

 

Going back,

Ano nga ba ang mga dahilan kaya

hindi ito maganda?

 

MASAKIT SA BULSA mister

mister

(Photo from this Link)

Wala namang nagbibisyo na

hindi gumagasta.

Ang hirap na nga ng buhay,

doon pa naisip na gastahin ang pera.

 

Magkano na ba ngayon ang isang stick,

ang isang bote, ang taya sa sugal?

Na kapag inaraw-araw

dito na lang mapupunta ang

perang pinaghirapan n’yong mag-asawa.

 

Tapos wala namang napapala sa huli!

Literal nagtapon lang ng pera.

‘Di bale sana kung bisyo ay pag-iipon,

Yon, tiyak may benepisyo sa dulo.

 

UGAT NG AWAY mister

mister

(Photo from this Link)

Paano tayo hindi mag-aaway n’yan eh…

 

Mas close pa tayo sa computer games

kaysa sa kay misis at sa pamilya.

 

Mas may oras pa tayo sa pag happy happy

kaysa pagtuunan ng pansin ang

kaganapan sa loob ng bahay.

 

Late na tayo umuuwi kasama ang

barkada na dapat sana ay

ginugugol na natin sa kanila.

 

Tapos kapag nasita,

tayo pa ang galit sabay walkout!

Aba matindi!

 

May dahilan kaya sila nagagalit sa atin.

Check natin kung anong pinaghuhugutan nila.

 

MASAMA SA KALUSUGAN mister

mister

(Photo from this Link)
  • Laging puyat.
  • Ginawang tubig ang alak.
  • Hit-hit buga na daig pa ang pausok ng factory.

 

At hindi lang iyon,

Masakit din sa utak kasi

nahihirapan tayo mag-isip

kung paano makakalusot sa kanila

sa araw-araw para makapag bisyo lang.

 

Lahat ng parte natin apektado

mula utak hanggang mga organ

kapag nasobrahan.

 

At kapag

hindi natin ito hininto,

malamang ang ending natin ay sakit.

 

Hinay hinay mga friendship!

MAS MABUTING ITIGIL NA ANG BISYO.

 

Wala kasi itong magandang maidudulot.

Maaaring masaya ngayon pero tiyak

babawian tayo pagdating ng panahon.

 

“Ang mga Mister na hindi mahilig sa bisyo ay isa sa pinakamahalagang kayamanan

ni Misis na hindi matutumbasan.”  

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay may bisyo ngayon? Ano yun?
  • Paano ito nakakaapekto sa ‘yo at pamilya mo?
  • Paano mo ito babalansehin o ititigil para hindi pag-ugatan ng away at sakit?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE HAVE A POOR WAY OF THINKING”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GOpRs6 

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post WALANG BISYO SI MISTER? ANG SWERTE MO SUPER! appeared first on Chinkee Tan.

WAG LANG PURO TRABAHO, MAKE TIME FOR YOURSELF ALSO

$
0
0

trabaho

Minsan n’yo na bang naitanong

kung bakit kayo nagpapakasubsob magtrabaho?

 

Laging overtime sa office.

Bukod sa 8 hours of work in a day,

may direct selling in between lunch breaks,

meet up with clients after 5:00 p.m.

At kung pwede pang maisingit, may dagdag raket pa.

 

I understand that we all have our own ‘whys’

and why we do what we do.

 

Pero wala naman siguro tayong planong

patayin sa pagtatrabaho ang sarili ‘no?

 

A friend of mine shared a simple wisdom. It goes like this:

  • 1 day = 24 hours.
  • Therefore, we have 8 hours to work,
  • 8 hours to rest and 8 hours for relationships.

 

Napaisip ako… Oo nga ‘no?

 

Kung aabusuhin natin masyado

ang ating sarili, maaaring…

 

MAPABAYAAN ANG SARILI

trabaho

(Photo from this Link)

Pati sa pagkain sa tamang oras, nakalilimutan na.

Kahit pag-aayos sa sarili nang tama,

hindi na magawa dahil lagi na lang overtime.

Pati ang time for self over na rin.

 

Huwag hayaan na maging ganito.

 

Dapat gawin?

 

MAGKAROON NG “ME” TIME

trabaho

(Photo from this Link)

Marami akong kilala na mahilig i-date ang sarili.

I just found out na kailangan din natin ito.

 

Aside sa usual bonding time with our family and friends,

we also need to be with ourselves and unwind.

 

A walk in a beach, a cup of coffee

o kaya a quiet time reading a book in a veranda will do.

 

In this way we can reassess, redo

and improve our lifestyle into a healthy one.

 

DO NOT OVER WORK

trabaho

(Photo from this Link)

Tendency? Poor health can indeed affect your work performance.

Naniniwala ako na health is wealth.

 

Aanhin natin ang milyones na naipon sa pagkahaba-haba ng panahon

kung bedridden at lagi na lang na-oospital?

 

We cannot enjoy! So why not…

 

“Treat ourselves at hindi lang puro trabaho.

Kailangan din nating magpahinga, mag relax at mag travel sa malayo.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang magagawa to treat yourself naman?
  2. May mga bagay ba na dapat bitawan para ma-achieve ang healthy lifestyle?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“YAYAMANIN SA 2018- RATED K”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GEvOEY

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post WAG LANG PURO TRABAHO, MAKE TIME FOR YOURSELF ALSO appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live