Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

ANG BAWAT PROBLEMA AY MAY KATAPAT NA LUNAS AT SOLUSYON. TRUST GOD LANG

$
0
0

problema

Minsan ba naisip n’yo ano kaya

ang klase ng buhay na walang problema?

 

Chill lang. Papetik-petiks.

Parang nakalutang sa langit everyday

sa sobrang kumportable ng buhay.

 

Ito siguro yung pangarap ng mga tao

na pakiramdam nila ay ipinagkait

sa kanila ang buhay na marangya.

 

Isang kahig, isang tuka. Pasan ang mundo.

Bahay-kubo. Dysfunctional ang relationship ng family.

 

Sino ba ang gustong magtagal sa ganitong sitwasyon?

 

Siguro, kahit ako ay maghahanap ng paraan

para makatakas dito.

 

Kung babalikan ang mga pagsubok

na naranasan para marating ang aking kinatatayuan ngayon,

the same wisdom pa rin ang panghahawakan ko.

 

MAGPAKATATAG problema

problema

(Photo from this Link)

Nang kalooban, isipan at pananampalataya.

The reason why many of us fail in life,

it’s because we lack courage.

 

Courage to face the present rather than to simply escape.

Naniniwala akong may dapat tayong matutunan

sa bawat problema o pagsubok na ating kinakaharap.

 

Hindi ‘yan pwedeng wala, dahil kilala tayo ng Diyos,

kaysa kung gaano natin kilala ang ating mga sarili.

 

HAVE A HEART OF FLESH THAN A HEART OF STONE problema

problema

(Photo from this Link)

Kung minsan feeling natin ay paulit-ulit ang lahat,

baka may ipinararating ang Diyos

na kailangan nating matutunan?

 

Maybe we are just too stubborn to learn

or we don’t like what God is trying to teach us.

 

Allow God to prune and mold us.

Pagsubok? Isuko sa Kanya!

Nang sa gayon ay makita natin kung para saan

ang mga nangyayari sa atin.

 

Dahil walang pagsubok na ina-allow ang Diyos

na wala namang solusyon.

 

MAGTIWALA problema

problema

(Photo from this Link)

Oo, magtiwala lamang dapat sa Kanya

more than ourselves.

We may frequently fail

but we have a God who is always faithful.

 

We are just human, He is GOD

who can make all things possible.

 

“Ang bawat problema ay may katapat na lunas at solusyon.

Kailangan lang natin maging matatag at hingin ang patnubay ng Panginoon.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May hinaharap ka ba na pagsubok na parang walang solusyon?
  • Bakit hindi mo ipagkatiwala sa Kanya at humingi ng tibay at patnubay?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“YAYAMANIN SA 2018”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2GEvOEY

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post ANG BAWAT PROBLEMA AY MAY KATAPAT NA LUNAS AT SOLUSYON. TRUST GOD LANG appeared first on Chinkee Tan.


Maging mas Close sa Asawa kaysa sa mga Kaibigan o Kaopisina

$
0
0

asawa

Kapag nadidinig n’yo ang salitang INTIMACY

anong pumapasok sa isipan n’yo?

Kadalasan, something sexual hindi ba?

 

Pero hindi lang ito ang ibig sabihin nito.

Intimacy also means CLOSENESS o

paraan para maging mas mapalapit tayo

sa ating mga asawa.

 

Kung kayo ang tatanungin,

gaano kayo ka-close ni mister o misis?

 

“Di na kami nag gu-goodnight kiss.

Hindi na kami nagsasabihan ng I love you.”

“Mas madalas pa niya kasama barkada niya.”

“Ewan ko ba parang hindi na siya yung pinakasalan ko.”

 

If we don’t strengthen our intimacy,

maaaring mag arrive tayo sa mga pitfalls na ito.

Ang marriage natin ay parang magiging

kadenang unti-unting nakakalas

kapag hinayaan natin itong mangalawang at mabulok.

 

Ganyan ito kahalaga sa relationship.

 

Anu-anong mga paraan ang dapat gawin

upang mapanatili natin ang matibay na

pagsasama at closeness nating mag-asawa?

 

HANGGAT MAAARI, DAPAT MAGKASAMA PARATI (Social Intimacy)

asawa

(Photo from this Link)

Sa mga gatherings,

lagi ba tayong present sa tabi nila?

Nakikihalubilo ba tayo?

 

Or hinahayaan natin sila mag-isa,

na para bang ikamamatay natin kapag

sumama tayo sa kanila?

 

“Anong gagawin ko dun, wala naman akong kakilala dun.”

“Sus, sayang lang sa oras.”

“Kaya n’ya na yun, malaki na siya.”

 

Nako may kakilala o wala,

kaibigan man o event sa opisina

ang kanyang pupuntahan,

always be present.

 

Kilalanin natin ang kanilang mundong ginagalawan

at hindi yung iiwasan.

Ito yung isang paraan para hindi

tayo nanghuhula.

 

Alam natin kung sino ang kasama,

anong ginagawa niya, anong latest,

at magkaroon ng time man lang to get to know

the people around him / her.

 

Huwag masyadong K.J.

 

SIKAPING ARALIN ANG GUSTO NIYA (Intellectual Intimacy)

asawa

(Photo from this Link)

Tayo fan ng basketball

Siya, fan ng teleserye.

 

Tayo, gusto ng aksyon.

Sila, gusto drama.

 

Magkaiba ng hilig pero

hindi dapat tayo makuntento dito.

Sikapin nating maka relate tayo sa kanila

kasi kung hindi, maaaring sa ibang tao

sila magkwento. Sa taong nakakaintindi.

 

Ask questions like:

“Mahal, paano ba gawin ‘yan?”

Sinong artista ‘yan?”

“Di ba, pag sa basketball, ganito ganyan?”

 

Hindi naman kailangang magpaka expert.

Small talks will do.

Malay n’yo eventually, interest will build up

hanggang sa magmeet na tayo sa gitna.

 

MANALIG AT MAGDASAL NG SABAY (Spiritual Intimacy)

asawa

(Photo from this Link)

Importante sa relasyon na may gabay ng Panginoon.

Kasi kung we’re not on the same page,

hindi natin maa-achieve ito.

 

  • Kapag nagsisimba, solo flight tayo.
  • Kung sabay naman magsimba, cellphone ang hawak ng isa.
  • Excited sila umattend ng church, tayo sapilitan pa.

 

Dapat sabay tayo nananampalataya.

We are each other’s prayer partners.

Hindi pwedeng isa lang ang nag go-grow

sa walk natin with God.

 

Ugaliing ipagdasal ang isa’t isa at

ang ating buhay bilang mag-asawa.

Sa journey nating ito,

Siya ang dapat sentro ng ating relasyon na

patitibayin Niya ng magkasama at hindi kanya-kanya.

 

“Dapat mas close tayo sa ating mga asawa kaysa sa kaibigan o mga kaopisina.”

-Chinkeee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Meron ba kayong intimacy ni mister o misis?
  • Anong tingin n’yo ang kulang sa inyo?
  • Paano n’yo ito mapapatibay?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“SAAN MAGANDA MAG-IPON, URINOLA O TABO?”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/nht0PngB-yw

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Maging mas Close sa Asawa kaysa sa mga Kaibigan o Kaopisina appeared first on Chinkee Tan.

Kahit Hindi Mayaman basta Payapa ang Isipan

$
0
0

mayaman

Masasabi mo bang mayaman ang isang tao

kung meron silang…

 

Bahay na mansion.

Dalawa o higit pang bilang ng kotse.

Gadgets at bagong appliances.

Several bank accounts and businesses.

Privilege to travel anywhere in the world.

Ang daming iniisip na concerns bago humiga sa kama.

 

Eh ang taong may kayamanan o ari-arian na sakto lang?

Yung hindi naman naghihikahos

pero hindi rin naman sobrang yaman.

 

Alinman sa dalawa,

mas mabuti kung alam natin…

 

BAKIT GUSTO NATING YUMAMAN

mayaman

(Photo from this Link)

Is this for self-interest alone?

O para makatulong tayo later on maiangat

ang buhay ng ibang taong mas nangangailangan pa sa atin?

 

Being blessed with much

is a way to bless others also.

Lalo na sa mga mas nangangailangan.

 

Sabi nga nila, hindi naman madadala sa langit ang iyong ari-arian.

 

GAMITIN SA TAMA ANG PERA

mayaman

(Photo from this Link)

Hindi lang basta payaman,

pero gamitin din dapat sa tama ang yaman.

 

P350 ba ang kita sa isang araw?

Itabi na agad ang savings (kahit P20 pa ‘yan)

bago gastusin ang iba sa pangangailangan.

 

Kung hindi tayo marunong mag-manage

ng bawat sentimong pumapasok at lumalabas

sa ating pitaka, walang saysay ang pagpapayaman.

 

MAGHANGAD NG SAKTO LANG

mayaman

(Photo from this Link)

Ang lahat ng sobra ay nakasasama.

 

Kung hindi pa handa ang puso’t isipan

sa mas malaking financial responsibility,

better not to jump off the cliff and suffer.

 

Maraming napapasubo at napapaso

sa mga desisyon na hindi napag-iisipan ng mabuti.

 

Increase in knowledge and wisdom muna.

Umattend ng trainings and seminars on

how to handle wealth purposely.

 

Higit sa lahat, enjoy the most out of what we have

dahil okay lang naman kahit hindi masyadong mayaman,

ang importante ay may peace of mind.

 

“Napakasarap sa pakiramdam na sa bawat araw ng ating buhay

Payapa ang ating isipan kahit na hindi tayo masyadong mayaman.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • At peace ka ba sa katayuan mo ngayon sa buhay?
  • O handa ka nang mag-level up financially, mag-invest at mag-negosyo?
  • Kailan mo balak simulan?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“Saan Maganda Mag-ipon, Urinola or Tabo?”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Iwminy

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Kahit Hindi Mayaman basta Payapa ang Isipan appeared first on Chinkee Tan.

Brace yourselves! Paparating na naman si JUDITH!

$
0
0

Kilala mo ba si JUDITH?

Ka-close natin yan noh!

 

Lagi natin ito kasa-kasama at nakabuntot sa atin.

Hinahabol-habol pa nga tayo kadalasan.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung

bakit tayo nagtatrabaho.

 

“Eh sino ba kasi yang JUDITH na yan?”

 

Judith as in…

DUE DATE!

 

Due date ng kuryente, tubig,

upa, tuition fee ng mga bata,

credit card, o amortization.

 

Wala tayong ligtas sa kanya.

Malingat lang o lumagpas lang ng kaunti,

panigurado, may tatawag na.

 

At kapag nakipagmatigasan tayo,

ayun, pwedeng makatanggap na tayo ng notice,

lolobo ang interest, o kaya tuluyang

maputulan na lang.

 

Sadly, these are the consequences that

we might experience kapag

tinatakbuhan natin si Judith.

 

So paano nga ba natin ito dapat paghandaan?

 

HUWAG IPAWALANG BAHALA judith

judith

(Photo from this Link)

Ilista natin ang due date at

bayaran on or before at hindi AFTER.

 

Huwag tayong mag assume na:

“Hindi ‘yan. ‘Di pa tayo puputulan niyan.”

Sabi naman nila noon, 0% interest.”

“Sus, sa dami ng may utang, ‘di na tayo maaalala.”

 

Hindi po totoo ito.

Utang is utang kahit pagbali-baliktarin.

Hindi natin matatakasan ito

kahit anong gawin natin.

 

Meron at merong consequences ito.

 

IHIWALAY NA KAAGAD ANG PAMBAYAD

judith

(Photo from this Link)

Pag kuha ng sweldo, itabi na kaagad ang pambayad

bago pa man natin ito gamitin sa kung saan-saan.

 

Minsan kasi tayo may tendency na

pagka withdraw na pagka-withdraw,

hala sige, diretso sa mall o kainan.

Tapos pag-uwi at kailangan ng iready ang pambayad

wala na, hindi na kasya, or worst, naubos na.

 

Kung may extra, go ahead treat yourself.

Kung wala naman, huwag magself-pity

dahil ang mahalaga, wala tayong nakabitin na bayarin.

 

TIIS TIIS MUNA

judith

(Photo from this Link)

Hanggat hindi pa nababayaran lahat,

hanggat may naka pending pa tayo,

maghigpit muna ng sinturon para

ang perang nakalaan ay hindi magalaw.

 

Wala naman sa shopping mall, mga kainan,

o travel travel ang tunay na kaligayahan.

Ito ay nasa tahanan, kasama ang pamilya,

buo at walang pinagkakautangan.

 

“Brace yourselves! Paparating na naman si JUDITH!

Judith ng Kuryente, Judith ng Tubig, Judith ng Credit Card”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano-ano ba ang Judith ng buhay mo ngayon?
  • Paano mo ito pinaghahandaan?
  • Ready ka na ba harapin siya?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“4 THINKING PATTERNS OF THE RICH”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/WYbha5kCa5w

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Brace yourselves! Paparating na naman si JUDITH! appeared first on Chinkee Tan.

LABANAN ANG TAKOT KUNG GUSTONG MAY MAABOT

$
0
0

takot

Nakaramdam ka na ba ng takot sa pagnenegosyo?

Gusto mo pero ayaw mo din at the same time?

 

Alam n’yo yung kadalasang dahilan

kaya nasasayang ang isang opportunity?

 

Kasi…

HINDI PA MAN SINUSUBUKAN, UMAAYAW NA!

 

KaChink, sayang naman yung…

  • Idea na matagal na natin naiisip.
  • Bakanteng lote na pwede pagtayuan.
  • Mga taong pwedeng maging potential customers.
  • Opportunity na pwede tayo makilala.
  • Talento at panahon.

 

Bakit nga ba karamihan sa atin

nandiyan na ang pagkakataon, ayaw pa din

sunggaban ito?

 

Nandiyan kasi yung mga haka-haka na:

 

Malulugi lang ako diyan.”

Ang dami ng nagtitinda ng ganyan.”

“Hindi ko kakayanin.”

Huli na ako kung ngayon pa lang magsisimula.”

 

Ano pa nga ba ang mga dahilan?

 

MAY BAD EXPERIENCE NOON

takot

(Photo from this Link)

Nalugi na noon kaya

ayaw na sumubok uli ngayon.

 

Natatakot kasi tayo na baka maulit na naman

yung pagkalugi, panloloko sa atin ng mga tauhan,

pagkabaon sa utang, o maling choice sa location

kaya hindi napapansin.

 

Ang pagbi-business parang pagluluto lang ‘yan,

may tamang formula bago natin makuha

ang timpla to make it work.

 

Yung mga bad experience natin noon,

ay again, NOON pa.

 

May pagkakataon tayo ngayon para itama ito.

Isipin natin kung bakit hindi kaya nagwork,

anong mga hindi natutukan ng sa gayon,

ma-correct na natin sa susunod na plano.

 

HINIHILA PABABA NG IBA

takot

(Photo from this Link)

Kesyo:

Hindi DAW natin kaya.

Wala DAW tayo mapapala.

Utang lang DAW ang kababagsakan.

 

…at napakarami pang negatibong linya

ng mga bitter ocampo o ampalaya!

Hindi natin maiiwasan ang mga

ganitong komento pero may choice tayong

umiwas at huwag maniwala.  

 

Ang tanging paniwalaan lang natin

ay ating mga sarili at ang ating kakayahan.

 

Yu’n lang DAPAT sapat na.

 

WALANG LAKAS NG LOOB

takot

(Photo from this Link)

Dahil sa mga nangyari noong nakaraan,

dahil sa mga sinasabi ng iba,

ayun, napapanghinaan na din tayo ng loob.

 

Hindi dapat gano’n.

 

Sabi nga:

Paano natin malalaman, kung hindi natin susubukan?

 

Iniisip natin kaagad na malulugi

Eh paano kung kikita pala tayo ng bongga?

 

Feeling natin, hindi tayo magtatagumpay

Eh paano kung ito na pala ang big break natin?

 

Ayaw na natin sumubok kasi ang daming kakumpitensya

Eh paano kung tayo ang mag stand out?

 

ChinkPositive lang!

Lakasan ang loob.

Start small and work your way up

para hindi mabigla.

Pag-aralan.

Humingi ng tulong sa mga experto.

Magdasal.

 

“Normal ang Makaramdam ng Takot pero

Paano natin Malalaman kung Hindi Natin Susubukan?”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong negosyo ang naisip mo?
  • Bakit hindi mo magawa?
  • Anong gagawin mo para mawala o mabawasan ang takot?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“4 THINKING PATTERNS OF THE RICH”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2JzQKyv

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post LABANAN ANG TAKOT KUNG GUSTONG MAY MAABOT appeared first on Chinkee Tan.

Maghanda! Nandiyan na din si JUNA at MANNY!

$
0
0

juna

Nung isang araw ay nameet natin si JUDITH.

Judith as in Due Date ng kuryente, tubig, tuition fee,

at kung anu-ano pa.

 

Eh paano ba ‘yan, sasali din daw

sa grupo sina JUNA at MANNY?

 

Clue, barkada ni JUDITH.

 

Lagi tayong hinahabol-habol.

Masasabi nating loyal sa atin dahil

hindi tayo iniiwan kahit anong mangyari.

Sila ang lagi nating kau-kausap at kalaro ng

tagu-taguan.

 

“Eh sino ba sila?”

 

JUNA as in DUE NA ang utang natin at

MANNY… Maniningil naman ng utang.

 

Naku po.

Kumpleto na sila!

Ready na ba humarap o

kung pwede lang ay pagtaguan sila?

 

Ano ba ang pwede gawin

kapag hinahanap na tayo nina

JUNA at MANNY?

 

HUWAG MAGTAGO

juna

(Photo from this Link)

Sadly, hindi natin ito pwede pagtaguan dahil

the more na tinatakbuhan, mas

nagiging aggressive at mas malala pa

ang pwede mangyari sa atin.

 

Hindi lang tawag ang gagawin nila

kundi sandamakmak na notice of disconnection,

sulat na kakasuhan na tayo, at maraming pang stress

ang pwede nito idulot sa atin.

 

Kung talagang walang-wala…

 

MAKIPAG-USAP NG MAAYOS

juna

(Photo from this Link)

“Huwag ka nga tawag ng tawag!!”

Eh di kasuhan mo ‘ko, walang akong pake.”

“Magbabayad ako, okay? Huwag kang makulit!”

 

‘Yan tayo eh…

kapag sinisingil na, tayo pa ang matapang.

 

FYI mga KaChink, tayo ang may utang,

tayo ay may kailangang bayaran, kaya,

huwag naman tayo makipagmatigasan.

 

Pwede naman tayo makipag-usap ng maayos

para malaman natin kung ano ba ang

pwede natin gawing hakbang para

kahit unti-unti ay makabayad.

  • Installment ba?
  • Kakausapin ang head ng kumpanya?
  • Hahabaan ang palugit o extension?

 

LEARN FROM OUR MISTAKES

juna

(Photo from this Link)

Bakit tayo hindi nakapagbayad?

O bakit lumobo ng gano’n ang ating utang?

  • Napabayaan ba?
  • Nagamit ang perang ipambabayad sana?
  • Nakalimutan?

 

There are a lot of reasons kaya tayo

hina-hunting nina Juna at Manny.

Isa-isahin na alamin para sa susunod

hindi na uli ito mangyari.

 

Tandaan, ang utang ay nakakastress.

Huwag na tayo umulit at siguraduhing

matuto na sa mga pagkakamali.

 

“Maghanda! Kumpleto na ang barkada dahil nandiyan na din sina JUNA at MANNY!

JUNA ang Utang.

MANNY-ningil ng Utang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang iyong pinagkakautangan ngayon?
  • Hinahanap ka na ba ni Manny?
  • Paano mo hinaharap si Juna?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TAMANG EDAD NG PAG-IIPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HeyBIe

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Maghanda! Nandiyan na din si JUNA at MANNY! appeared first on Chinkee Tan.

SELF-CONTROL LANG TALAGA BES!

$
0
0

self-control

Minsan mo na bang nasabi yung…

“Yes! Malaki-laki na ang ipon ko sa wakas!”

 

Habang nasa kasagsagan ng determinadong pag-iipon,

may kaibigan na magyayayang mag-kape sa Starbucks,

mag-lunch sa Yakimix, magmeryenda sa Burger King.

 

Tapos kung tatanungin kung bakit…

“Nag-ke-crave kasi ako, eh…” ang kanilang sagot.

 

Timing-an pa nang naghihingalo nating allowance.

Na kung tutuusin, pwede namang kumain

sa carinderia na mura at nakabubusog din naman.

 

Kung maiipit sa ganitong sitwasyon,

ano kaya ang maaaring solusyon?

  1. Sumama at mangutang pansamantala
  2. Mag-oo at magpalibre na lang
  3. Tumanggi (kahit labag sa kalooban) at i-reason out ang pag-iipon

 

Kung ako ang papipiliin ng kasagutan…

 

PWEDENG SUMAMA NGUNIT HINDI MANGUNGUTANG self-control

self-control

(Photo from this Link)

In a typical Filipino tradition kapag fiesta,

marami sa atin ang nangungutang para lang makapag-handa.

 

Wala ring pinagkaiba ito sa biglaang utang

para lang ma-satisfy ang cravings.

 

“Sige na nga, pahiramin mo muna ako”

May extra ka ba diyan, sama na ako”

 

Kung masimulan sa paunti-unting pangungutang,

nagiging cycle na lang para lang mapagbigyan ang craving

na pwede namang hindian.

 

PWEDE MAG ‘YES’ PERO HINDI MAGPAPALIBRE self-control

self-control

(Photo from this Link)

Kahihiyan na lang natin ang lakas-loob na magpalibre

lalo kung tayo mismo ang nag-volunteer.

 

Naku! Hindi naman sila humingi ng baon

o kaya’y nag-overtime para sa dagdag sweldo

para lang mapakain tayo.

 

Magkaroon ng konting hiya.

Kung maililibre, magpasalamat.

Kung hindi naman, huwag sumama ang loob.

 

PIPILIING MAG-IPON NG PERA KAYSA GASTOS self-control

SELF-CONTROL

(Photo from this Link)

There’s nothing fulfilling than saying to yourself,

“Sa wakas! Nagawa ko rin!” lalo na sa pag-iipon.

 

Hindi ko naman sinasabing masama mag-give-in sa cravings.

Ang hindi lang nakabubuti ay ang pag-gastos nang walang humpay

para lang masatisfy ang ating dila

kahit wala nang mapaglagyan sa ating tiyan.

 

“Kadalasan, kaya wala tayong naitatabing savings

kasi lagi nating pinagbibigyan ang ating mga cravings… Self-control lang bes!”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Wala ka bang preno sa pag-satisfy ng iyong cravings?
  • Madalas ba dito nauubos ang allowance mo?
  • O mas mag-iipon ka na ngayon?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TAMANG EDAD NG PAG-IIPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HeyBIe

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post SELF-CONTROL LANG TALAGA BES! appeared first on Chinkee Tan.

Bakit nga ba mahirap bayaran ang utang na loob?

$
0
0

utang na loob

“Bakit nga ba napakahirap bayaran ang utang na loob?

 

Sa dinami-dami ng pwedeng bayaran na utang,

bakit nga ba ito pa ang pinakamahirap?

 

U-T-A-N-G–N-A–L-O-O-B

 

Kung bibigyang kahulugan, ito ay isang tugon

sa taong gumawa ng kabutihan sa atin.

 

Dahil dito, nagkakaroon tayo ng burden

na ibigay pabalik ang nagawang kabutihan.

 

  • Pinahiram ba tayo ng damit na mamahalin para may magamit sa okasyon?
  • Nagpaluwal ba siya ng P5000 para may capital sa food business?

 

Sino bang hindi lalambot ang puso

kung may kaibigan o kapamilya tayo na generous at thoughtful?

 

We may not admit but in one way or another,

maybe most of us once became an expectant.

Expecting something in return for what we did good.

 

But this must not how it works.

Hindi ba pwedeng sa bawat kabutihang nagawa ng ating kapwa sa atin,

tayo ay matutong…

 

MAGPASALAMAT NANG MALUWAG SA KALOOBAN

utang na loob

(Photo from this Link)

Hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon,

gagawa ng kabutihan ang ibang tao

dahil they expect something from us in return.

 

May mga iba na natural lang sa kanila

ang pagiging thoughtful, caring, accommodating and selfless.

 

We must be thankful for having friends and family members like them.

 

TANGGAPIN NANG BUONG PUSO

utang na loob

(Photo from this Link)

Do not be burdened or feel obligated to reciprocate.

I’m sure they did that out of the goodness in their hearts.

 

Better response? Tanggapin ang ginawang kabutihan

ng buong puso.

 

I’m sure, we will be in the bond of peace when we do that.

 

BAGUHIN ANG PANANAW

utang na loob

(Photo from this Link)

Kung forever tayong tatanaw ng utang na loob,

para na rin nating sinangla ng mahabang panahon

ang ating mga kaluluwa sa utang na hindi kayang bayaran ng pera.

 

Yung pakiramdam na forever nakatali

sa taong gumawa ng kabutihan sa atin.

 

“Ang perang inutang ay mahirap bayaran pero minsan,

mas mahirap pa bayaran ang utang na loob na nakakaguilty kapag iniwasan.”

Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May mga utang na loob ka bang dapat bayaran?
  • Matapos basahin ito, may nabago ba sa pananaw mo?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

 

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TAMANG EDAD NG PAG-IIPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HeyBIe

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Bakit nga ba mahirap bayaran ang utang na loob? appeared first on Chinkee Tan.


May Pagsubok at Problema Man, Kayang Kaya Basta Magkasama

$
0
0

Narinig n’yo na ba yung linyang:

“…and they lived happily ever after”?

Common ito sa mga fairy tales, ‘di ba?

Pero totoo nga ba ito?

Na pagkatapos ng kasal, ay all

sunshine and rainbows?

 

Para sa akin hindi.

 

Minsan kasi akala natin na after ng kasal,

parating honeymoon stage— no, hindi po.

Simula pa lang ng madami pang bagay

na pwedeng mangyari sa ating mag-asawa.

 

At kaya naman madaming naghihiwalay at hindi nagkakaunawaan

kasi we ALWAYS expect na:

“Akala ko ba masaya may asawa?”

Mali yata ako ng napasukan.”

 

Yes, may mga pagsubok pero masaya

kapag sabay nating nalabanan at nalampasan ang

lahat ng problema na darating sa ating marriage.

 

Parang isang bundok ‘yan na aakyatin muna ng sabay,

bago nating masabi na “WE DID IT”.

 

We need to understand the REALITIES of being married.

Anu-ano nga ba ito?

 

HINDI ITO BED OF ROSES

pagsubok

(Photo from this Link)

Hindi laging masaya, kumportable,

nakakikilig, at may ngiti sa mga mata at labi.

 

Napakarami nating pagdadaanan bilang mag-asawa.

Nandiyan ang usapang pera, anak, trabaho, ipon,

biyenan, oras, lahat pwede natin pagtalunan

because what one does affects the other in all aspects.

 

It is a process.

It will take years of adjustments.

Ganyan kahirap pero ganoon din kasarap

when both are working through the process.

 

MAG-IIBA NA ANG PRIORITIES NATIN

pagsubok

(Photo from this Link)

Kung noon, isang sutsot lang ng barkada, go na kaagad,

ngayon siyempre hindi na.

 

Kung noon, lahat ng sweldo natin sa magulang napupunta,

ngayon kay misis na.  

 

Kung noon, umuuwi tayo kung kailan natin gusto,

ngayon may oras na.

 

Kung noon, wala tayong tigil sa pamimili ng damit at sapatos,

ngayon, kailangan na magpaalam.

 

Kapag ginawa natin ‘yang mga ‘yan,

na feeling binata at dalaga pa rin kahit may asawa na,

tiyak, gera na ‘yan lalo na kapag hindi

napapag-usapan ang issue.

 

Ang buhay natin ngayon ay hindi na tungkol sa

“ME, MYSELF, and I”,

it’s about “WE” and “OUR” the moment we say, “I DO”.

 

TEMPTATION IS EVERYWHERE!

pagsubok

(Photo from this Link)

Sa dami ng lalaki at babae sa mundong ito

once we get married, we need to stick with ONE PERSON

for the rest of our lives — for better or for worse.

 

Iyan ang utos sa atin ng Panginoon.

 

Magkaro’n man ng pagsubok,

mag-iba o tumanda man ang itsura ni mister o misis,

nag-iba man ang ugali nito,

NEVER as in NEVER consider replacing them

as our first and only option.

 

Hindi porket may kulang o

may hindi tayo napagkakasunduan

eh ibig sabihin, hahanap at titingin na kaagad sa iba.

Ayusin muna and do everything to make it work.

 

Be contented.

Marriage MUST be PERMANENT.

 

For more HAPPY WIFE, HAPPY LIFE TIPS, register sa aking Virtual Workshop. 

Click here now to know more: https://chinkeetan.com/hwhl

 

“Ang pagsasama ng mag-asawa ay hindi laging masaya.

Kadalasan, kailangan pa muna natin dumaan sa pagsubok at makalabas sa problema ng magkasama.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

 

  • Ano ang hindi n’yo mapagkasunduang mag-asawa?
  • Paano n’yo ito sinosolusyunan?
  • Willing ba kayong ayusin ito?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“MAGKANO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post May Pagsubok at Problema Man, Kayang Kaya Basta Magkasama appeared first on Chinkee Tan.

Okay lang Tumaya sa Lotto pero Huwag Tayong Umasa Dito

$
0
0

lotto

Ikaw ba ay isa sa milyon-milyong tumataya sa lotto araw-araw?

Kapag may nakitang bente o sampu sa wallet

diretso na sa mga lotto outlet?

 

Exciting naman mag-try ng

swerte sa paraang ganito.

Iniisip kasi natin paano kung

ma-hit nga naman natin ang jackpot ‘di ba?

INSTANT WINNER!

Kaya ganon ganon na lang ang

pagkahumaling nating mga Pilipino dito.

 

Pero matanong ko kayo,

Dito na lang ba natin isinasang-alang

ang ating kapalaran?

 

Araw-araw na lang ba tayong nakapila

at umaasang BAKA manalo?

 

Oo BAKA manalo pero BAKA DIN matagalan

sa dami ng tumataya…MILYONG katao ‘yan my friend.

 

Kung ito na lang ang ating ginagawang pag-asa

para iangat ang buhay ng pamilya,

eh nako, kailan pa?

 

Alam n’yo ang pinaka magandang gawin at

kailangang tandaan?

 

IPUNIN AT GAWING PUHUNAN

LOTTO

(Photo from this Link)

Sabihin na nating araw-araw tayo tumataya

ng tig bebente — P20 x 7 = P140 x 4 weeks = P560

Eh kung i-extend natin ng dalawa hanggang anim na buwan,

may P1,120 – P3,360 na tayo!

 

Alam n’yo bang sa halagang ‘yan ay

pwede na tayong magnegosyo?

Ice candy, squid balls, maliit na tindahan,

mga palamig, ukay-ukay, at marami pang iba.

 

Once may capital na tayo at ma-establish natin ang business

dirediretso na ang pasok ng pera kaysa

bente-bente ang nawawala sa atin kada araw.

 

WALANG YUMAYAMAN AGAD-AGAD

lotto

(Photo from this Link)

Wala namang mabilisang paraan

para yumaman o gumanda ang buhay.

Kailangan natin ito pagsikapan ng

matagal at mahabang panahon.

 

“Oh bakit, ganon din naman sa pagtaya ah,

matagal pero BAKA manalo— eh di bawi!”

 

Here’s the difference:

Ang lotto, hanggat hindi tayo nananalo,

nagtatapon lang tayo ng pera.

Walang balik eh.

 

Ang pag-iipon o pagnenegosyo,

maliit sa simula pero AT LEAST kumikita

kahit paunti-unti.

 

Siyempre, simula pa lang eh.

Pero once we hit the right customers or

right products to sell,

Boom! Hindi imposibleng lumobo pa ito.

 

KUNG TATAYA, HUWAG SERYOSOHIN

lotto

(Photo from this Link)

Ibig sabihin kung manalo eh di congrats,

kung hindi, huwag naman tayo tipong

umabot sa eksenang nawawalan na ng pag-asa.

 

Napaka daming opportunity na nakapaligid sa atin.

Huwag nating ikulong ang sarili natin sa

pagtaya-taya lang dahil hindi lang

hanggang doon ang ating kakayahan at oportunidad.

 

Explore other things.

Kung hirap sa buhay, maghanap ng trabaho o

maghanap ng additional na pagkakakitaan.

Mag part time, gamitin ang isip at

talento para kumita.

 

Okay lang tumaya sa lotto pero huwag tayong umasa masyado

dahil halos imposibleng manalo dito.

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Magkano nagagastos mo sa pagtaya-taya sa lotto?
  • Bakit ka tumataya?
  • Paano mo mamamaximize ang iyong kakayahan at hindi lang umaasa dito?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“MAGKANO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post Okay lang Tumaya sa Lotto pero Huwag Tayong Umasa Dito appeared first on Chinkee Tan.

HUWAG LANG TRAVEL BUDDIES, DAPAT IPON BUDDIES DIN

$
0
0

ipon buddy

Kapag nag-uusap kayo ng inyong significant other

ano ang lagi ninyong topic?

 

“Punta tayo sa Batangas!”

“Sa anniversary, Hongkong naman tayo!”

“May bagong resto sa BGC, tara let’s!”

 

Laging palabas ang pera.

Gala dito, gala doon.

Selfie dito, selfie doon.

#TravelGoals dito, #TravelGoals doon.

Ay, nako po, hindi na natapos tapos.

 

Hindi naman ako nagpapaka K.J.

Kami din naman ng aking misis

may mga lugar din kaming pinupuntahan,

parte ng relationship ‘yan eh,

to explore something new together whenever possible.

 

Pero sa lahat ng ating mga gala,

may naiipon din naman ba o

wala ng natitira at laging nakakapit at

umaasa sa pagdating ng sweldo?

 

“Habang di pa kami kasal, at least magawa na namin.”

“Hala ipon agad? Mag boyfriend pa lang kami.”

“Saka na ‘yan, wala pa sa isip namin ‘yan.”

 

Alam n’yo ba na couples who are still in a relationship

has the biggest opportunity para makaipon?

Habang may oras pa, habang wala pa masyadong gastusin.

 

Para when things get serious

and you decided to get married,

hindi na tayo naghahagilap ng pangsimula

o pera kapag nangailangan.  

 

Paano ba natin maa-achieve ang

pagiging #IponBuddies?

 

INSPIRE ONE ANOTHER ipon buddy

ipon buddy

(Photo from this Link)

Motivate one another na mag-ipon.

Pag-usapan n’yo ang kahalagahan ng pagtatabi.

 

Kasi kung isa sa atin ay waldas

na halos walang wala ng natitira sa sweldo

dahil kung saan saan mismo napupunta,

tapos tayo ay pabebe lang na:

 

“Sige mahal, let’s go.”

Kikitain din naman natin ito uli.”

 

…eh hindi natin marerealize kasi walang nagko-correct.

 

Yes, these things will make us happy

pero once na lumubog na tayo sa utang at

mauwi sa pagka simot ng sweldo,

hindi na ito masaya.

 

Balanse lang dapat.

 

HAVE A GOAL ipon buddy

ipon buddy

(Photo from this Link)

Now that both of you wants to save,

ang tanong, ANO ang gusto n’yo pag-ipunan?

Mapa pansarili o para sa inyo, it doesn’t matter

as long as may objective ang inyong pag-iipon.

 

Para sa kasal ba?

Dream house?

Emergency fund?

Business na gusto itayo?

 

That way, nagiging transparent tayo sa isa’t isa

at alam natin saan tayo papunta.

Tayo ang magiging cheerleader

that will remind na:

 

“Go malapit na!”

Kaunti na lang, kaya mo ‘yan!”

“Ilang buwan na lang, mabubuo na!”

 

DO IT FOR YOURSELVES ipon buddy

ipon buddy

(Photo from this Link)

Nasabi ko kanina na okay lang naman to explore places,

okay lang mag-enjoy individually or together

basta may ipon namang nakatabi

at isa sa pinaka mahalaga, dapat

we DO IT FOR OURSELVES.

 

Baka kasi mamaya kuntodo plano tayo

picture picture, selfie with the nature, or

with the whole Disney crew tapos,

ginagawa lang pala natin para:

 

  • Makapagyabang
  • Matawag na #RelationshipGoals or #TravelBuddies
  • Masabihan na ang “Swerte n’yo naman.”

 

Eh ibang usapan na yu’n.

We’re just doing it for OTHERS, obviously.

Mapapagastos talaga tayo because of pressure.

 

Biruin n’yo, time natin together pero

parehas tayo may hawak na cellphone,

GoPro, parehas nag i-IG story o FB live.

Wala na yung essence of togetherness

kung bawat kilos eh naka broadcast

just to impress others.

 

Mapa sa ibang lugar man o

kung walang budget at

sa bahay lang nag date,

do it because we want to spend quality time

with our loved ones.

 

“Piliin natin yung partner na bukod sa “Travel Buddy”
kailangan ay “Ipon Buddy” rin natin.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. ipon buddy

 

  • Kayo ba ay travel buddies pero #Iponbuddies din?
  • Panay labas na lang ba ng pera o may naiipon naman?
  • Anong goal ng inyong pagtatabi ng pera?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE GET DEPRESSED WITH MONEY”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HvkAGa

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 

The post HUWAG LANG TRAVEL BUDDIES, DAPAT IPON BUDDIES DIN appeared first on Chinkee Tan.

MA, PA… I LOVE YOU!

$
0
0

love

I love you, Ma! Pa!”

 

Gaano kadalas ang minsang pagpaparamdam n’yo

ng pagmamahal sa inyong mga magulang?

Naiparamdam n’yo ba sa kanila ‘yan ngayon?

 

“Mmm, oo ata?”

Okay naman kami”

Napapakita ko naman”

 

Yes, actions speak louder than words.

But this doesn’t work for everyone.

 

May mga ibang magulang

na mas gugustuhing marinig ang mga salitang…

“I love you”  galing sa kanilang mga anak.

May iba na gustung-gustong sineserbisyuhan sila.

 

Mga simpleng kaligayahan,

pero lubos na ang pasasalamat

ng ating mga magulang.

 

MAKE THEM FEEL HOW THEY ARE VALUED EVERYDAY

love

(Photo from this Link)

Hindi mo alam kung paano ako naghirap sa ’yo…”

Madalas ito ang naririnig natin sa ating mga Nanay.

 

Simula nang nasa sinapupunan hanggang sa pagpapalaki nila sa atin.

Ito yung sakripisyong hindi mapapalitan ninuman.

 

Bago pa mahuli ang lahat,

don’t miss out na sabihin kung gaano sila kahalaga.

 

TELL THEM HOW MUCH THEY ARE LOVED

love

(Photo from this Link)

Gaya ng sabi ko kanina, ang simpleng pagpaparamdam

through telling them “I love you” everyday

ay malaking bagay na para sa kanila.

Samahan pa ng mahigpit na yakap at beso sa pisngi nila!

 

Nakapapawi ng pagod sa buong maghapong pagtatrabaho.

Nakapagpapagaan ng mabigat na kalooban.

 

Para silang na-e-energize.

Dahil anak nila tayo, malaking parte

ang ating pagmamahal para sa kanila.

 

MAKE THE MOST WHEN WE ARE WITH THEM

love

(Photo from this Link)

Kahit simpleng salu-salo lang,

pasiyahin natin sila t’wing Father’s Day at Mother’s Day.

 

Kung nakapag-ipon na ng sapat,

why not treat them on an out-of-town vacation?

Yung tourists spots na pinuntahan with barkada,

ipasyal naman doon sila Tatay at Nanay!

 

Hindi na sila nabubuhay nang pabata.

Kaya hangga’t kasama pa natin sila…

 

“Iparamdam natin sa ating mga Magulang ang ating pagmamahal habang buhay pa sila.

Aanhin ang paglalambing at pag-aaruga ‘pag sila ay wala na?”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kailan mo huling nasabihan ng “I love you” sina Tatay at Nanay?
  • Naiparamdam mo ba ito?
  • Ano ang pwedeng magawa habang sila’y kasama mo pa?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE GET DEPRESSED ABOUT MONEY”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HvkAGa

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post MA, PA… I LOVE YOU! appeared first on Chinkee Tan.

Walang Emergency Fund Now, Problema Later

$
0
0

emergency

KaChink, may emergency fund ka ba?

Emergency fund, ibig sabihin,

kapag may nangyaring hindi inaasahan,

may perang madudukot at

hindi na kailangan maghagilap pa.

 

“Ha? Kailangan ba ‘yan?”

“Nge, para namang ine-expect na may mangyayari..”

Liit na nga ng kita emergency fund pa?”

 

Nako, hindi natin masasabi ang panahon.

Bigla bigla na lang may unos na

darating sa ating buhay mapa

maliit o malaking problema pa ‘yan.

 

Ito yung mga pangyayaring kahit iwasan natin

hindi talaga natin matatakasan,

“That’s life” ika nga.

 

  • Isa sa atin ay nagkasakit
  • Nasirang bubungan
  • Na-delay ang sweldo
  • Natanggal sa trabaho
  • Nagtaas ng tuition fee

…at marami pang ibang senaryo!

So, ang tanong, kailangan nga ba nito?

 

Isang malaking YES!

Magkano? 6 -12 months of our monthly salary

to give us time na makahanap ng trabaho,

mabuo o mapag-ipunan muli yung perang nagalaw.

 

Ano pa ba ang iba nitong advantages?

 

INIIWAS TAYO NITO SA UTANG

emergency

(Photo from this Link)

Oo, utang na nagdudulot ng sakit ng ulo.

Nagbibigay ng bangungot.

At walang katapusang paghahagilap ng salapi.

 

Kapag wala tayong emergency fund,

mapipilitan tayo mangutang sa kaanak o kaibigan

dahil wala tayong nakatabi.

Hindi natin ito napaghandaan.

 

“Eh babayaran ko din naman.”

 

Yes pwede, pero hanggang kailan

tayo nakatali?

Ilang taon tayo magtatrabaho para

ipambayad sa ibang tao?

 

Hindi ba’t mas maganda kung

may nakatabi na, walang utang pa.

Maubos man, at least ang tanging iisipin

lang natin ay makabuo muli ng emergency fund.

 

HINDI KAILANGANG GALAWIN ANG BUDGET

emergency

Ano ba kadalasan nating ginagawa

kapag may emergency?

Gagalawin ang budget, ‘di ba?

 

Yung pambayad sa kuryente at tubig

hihiramin muna at hahanap ng paraan

para maibalik bago maputulan.

 

Kapag nangailangan,

kukuha sa tuition fee ng mga bata,

kaya tuloy, naka promissory note bigla.

 

Hindi tulad ng kapag may emergency fund,

walang nagagalaw, walang naaapektuhan

kasi meron tayong nilaan para

sa mga biglaang kaganapan.

 

GIVES US FINANCIAL PEACE

emergency

(Photo from this Link)

Kung tayo ay nabubuhay from paycheck to paycheck,

lahat simot at ubos sa tuwing darating ang sahod.

Lagi tayong kakabahan at hindi matatahimik.

 

“Saan kaya ako kukuha ‘pag bumalik sakit niya?”

“Paano kapag hindi ako naregular sa trabaho?”

Bibigay na yung bubungan, gastos na naman.”

 

With emergency fund,

*knock on wood* ay magkaproblema,

Alam nating protektado at safe tayo

kasi may sasalong pera na naitabi

para sa mga ganitong sitwasyon.

 

For more ipon tips, go to this link now: chinkeetan.com/ipon

 

“Kapag hindi napaghandaan ang problemang hindi inaasahan,

baka sumakit lang ang ulo at mauwi sa pangungutang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May emergency fund ka na ba?
  • Kung wala pa, kailan mo balak simulan?
  • Ready ka na ba maghigpit ng sinturon para ginhawa later?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 REASONS WHY PEOPLE GET DEPRESSED ABOUT MONEY”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HvkAGa

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Walang Emergency Fund Now, Problema Later appeared first on Chinkee Tan.

Ang Kapangyarihan na Pansarili ay Balewala at Walang Silbi

$
0
0

kapangyarihan

Kung si The Flash ay hindi mahuli-huli sa bilis,

si Superman ay macho sa lakas at nakalilipad,

anong kapangyarihan ang gusto n’yo kung kayo’y bibigyan?

 

Invisibility?

Para bigla na lang mawawala

kung sisingilin ng pinagkakautangan..?

 

O kaya ay Kage Bunshin

para makapagparami ng pera

nang walang kahirap-hirap!

 

Kung ganito kadali ang lahat, siguro most of us mayaman na.

O nagtatago na sa pinagkakautangan!

 

Pero kung titignan, ito ay pansarili lamang

kasi gusto natin instant yaman o kaya makapagtago sa responsibilidad.

Kaya, kung ako ay bibigyan ng kapangyarihan, yun ay…

 

THE POWER TO ALWAYS SPEAK KIND WORDS

kapangyarihan

(Photo from this Link)

We cannot deny that at times nakapagsalita na tayo ng hindi maganda.

Unintentionally or intentionally man ‘yan.

 

Sabi nila, tongue cannot be tamed.

Anumang bigat ng mga salitang lumabas

sa ating bibig ay mahirap nang bawiin.

 

Ang solusyon? Bago magsalita, pag-isipan muna.

Will these words build or break the person?

Kung hindi maganda ang maidudulot, better not to speak.

 

Uulitin ko, pag-isipan…

 

THE POWER TO BE A CATALYST OF CHANGE kapangyarihan

kapangyarihan

(Photo from this Link)

We always cry for this.

“Kainis ang dumi ng beach!”

Pero yung balat ng chichiryang kinain doon lang natin iniwan.

 

“Grabe mga tao, hindi marunong tumawid sa pedestrian”

Pero nakaharang naman kasi tayo sa dadaanan nila.

 

“Wala naman nangyayari eh”

Pero hindi tayo naglalakas loob na magsuggest.

 

Sa bahay, sa trabaho, sa kapwa,

sa gobyerno o kahit sa ating bakuran lang.

But as individuals, what are we doing?

 

Kung totoong pagbabago ang nais,

dapat ay manggaling ito sa atin.

Tama na ang pagpuna sa pagkakamali ng iba.

Magsimula muna sa ating sarili.

 

THE POWER OF A GOLDEN HEART kapangyarihan

kapangyarihan

(Photo from this Link)

I have friends who always say,

Gaano man kasama ang ginawa sa ’yo,

matuto ka pa ring magpatawad…”

 

I still believe that the goodness of one’s heart

will heap burning coals on their heads.

Maniwala lang at ipagdasal na ang kabutihan ay manaig sa kanila.

 

Tandaan, anumang kapangyarihan ang ating ninanais…

 

“Ang kapangyarihan na para lamang sa sarili ay walang saysay at silbi.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Alin sa mga nabanggit sa itaas ang tingin mo’y makadudulot ng kabutihan sa mga tao sa paligid mo?
  • Handa ka bang harapin ang anumang pagbabago?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“MAGAKNO DAPAT ANG KITA BAGO MAG-IPON”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qu57vD

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Ang Kapangyarihan na Pansarili ay Balewala at Walang Silbi appeared first on Chinkee Tan.

BAKIT ANG HIRAP MAGSIMULA?

$
0
0

magsimula

May deadline ka ba bukas?

What are you going to do?

  1.      Gagawa. NOW NA!
  2.      Manunuod muna ng Probinsyano or Pursuit of Happyness for inspiration.
  3.      Matutulog. Bukas pa naman ang deadline.

 

Congrats kung isa ka sa iilang pumili ng letter A!

Ikaw na! How to be U?

Para naman sa iba, ANYARE?

 

Araw-araw nahaharap tayo sa mga to-do lists, sa planners,

sa post-its, dahil sa mga gawain natin sa buhay.

Ang dami nating dapat gawin, pero parang ang ikli ng oras.

Kahit na alam natin na ang oras ay kasing

bilis ni Flash sa paglipas, mas pinipili pa rin nating mag-cram.

 

Bakit nga ba ang hirap-hirap magsimula sa paggawa?

Here are some of the reasons it is so hard for us to take that first step.

 

FEAR magsimula

magsimula

(Photo from this Link)

Isang dahilan kung bakit hindi tayo makapagsimula

ay ang fear of starting. Believe me, this fear exists!

 

Iniisip kasi natin na baka may masamang mangyari

or “Paano na kung hindi mag-work?”

That fear paralyzes us kaya ‘di tayo makapagsimula

at kaya wala tayong matapos.

 

DISTRACTIONS magsimula

magsimula

(Photo from this Link)

Magulo at maingay ang mundo natin ngayon.

Ang daming balita tungkol sa krimen o trending topics.

Nandiyan din ang Fb at YouTube.

 

Ito ang mga bagay na nakaka-agaw ng atensyon natin.

Imbes na tumutok tayo sa paggawa ng project,

‘di natin namamalayan na nasasayang na ang oras natin

sa kaka-surf sa internet, hanggang ‘di na natin napapansin

na wala pa pala tayong nasisimulan.

 

PLAIN LAZINESS magsimula

magsimula

(Photo from this Link)

Sa lahat ata ng rason kung bakit ‘di tayo makapagsimula

ay ito ang pinakamahirap solusyonan. KATAMARAN!

Bakit? Walang gamot sa katamaran.

Sana may mabibili sa botika para mga taong

may ganitong karamdaman.

 

“Pagbilhan nga ng gamot sa katamaran.”

 

Kasi nakatatamad mag-decide na huwag maging tamad.

 

Kung mahina ang ating willingness para magsipag,

then I think our imagination can help.

 

Why don’t we ask ourselves,

“Ano ang pwedeng mangyari kapag hindi mo ito inumpisahan?”

“Ano ang pwede maging consequences?”

 

Mapapahiya ka!

Salary deduction!

Job loss!

Walang pera at makain!

 

Hala! Ayaw natin nun!

 

Maghanap ng matinding dahilan para ikaw ay makapag-umpisa!

 

Maraming dahilan kung bakit hirap na hirap tayong magsimula.

Pero tandaan natin ang mga success stories na narinig at nabasa natin.

Parating sa umpisa lang ang mahirap.

But if we are bold enough to make that first step,

success will just follow.

 

So, let’s start now! Now na, as in NOW NA!

 

“Isa sa mga sanhi ng KAHIRAPAN ay KATAMARAN.

Sayang! Walang nabibiling gamot para sa KATAMARAN.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May task ka bang nahihirapang simulan?
  • What do you need to overcome to be able to start now?
  • Anu-ano ang mga consequences kapag hindi mo nagawa ang tasks?

 

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750 (Up to Apr 23)

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750 (Up to Apr 23)

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“HOW TO GET OUT OF DEBT”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2qN1pxf

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post BAKIT ANG HIRAP MAGSIMULA? appeared first on Chinkee Tan.


MAY KAKILALA BA KAYONG MGA WALKING DEBT?

$
0
0

walking debt

WALKING DEBT

“Tawag sa Tao na Baon sa Utang

at nag-aala Zombie tuwing Singilan.”

 

MAY KAKILALA BA KAYONG MGA WALKING DEBT?

Sila ba ang mga zombies sa palabas na Walking Dead?

Malapit na, pero actually hindi sila mga zombies.

 

Dahil hindi naman sila nangangagat at nakakahawa

pero para silang mga zombies na walang magawa

kundi magtrabaho, sumahod at magbayad ng utang.

 

Ni hindi pa nga sumasayad ang sweldo sa palad,

nauuwi na sa pagbabayad sa mga taong pinagkaka-utangan.

 

Alam n’yo ba na napakahirap maging isang WALKING DEBT?

Yung parating kapos at hindi alam kung

saan manggagaling ang mga pambayad sa mga pangangailangan.

Parati na lang umiiwas sa mga nangongolekta dahil walang pambayad.

Nagkakaroon ng selective memory dahil

pilit kinakalimutan ang mga taong pinagkakautangan.

 

Walang gustong maging isang WALKING DEBT.

Paano ba maiiwasan na maging isang Walking Debt?

 

ILISTA ANG LAHAT NG MGA UTANG

walking debt

(Photo from this Link)

Hindi natin mababayaran ang ating utang kung

hindi natin alam kung magkano talaga ang utang.

Ni hindi natin alam kung magkano ang dapat nating habulin.

 

HARAPIN ANG MGA TAONG NAUTANGAN

walking debt

(Photo from this Link)

‘Wag umiwas.

Walang mangyayari kung iwas na lang nang iwas.

‘Di natin maaayos ang problema kung hindi ito haharapin.

 

GUMAWA NG PARAAN PARA MAKABAYAD

walking debt

(Photo from this Link)

Maghanap ng solusyon kung paano makababayad.

Pwedeng mag garage sale o ibenta muna ang mga gamit

na may halaga o ‘di kaya, gamitin muna

ang papasok na bonus mo sa taong ito.

 

UNTI-UNTING MAGBAYAD AT HUWAG HIHINTO HANGGANG SA MAKABAYAD NG BUO

walking debt

(Photo from this Link)

I believe na ito ang isa sa

pinakamahalaga sa lahat para makalabas sa utang.

Yung consistent tayo maghulog.

 

Hindi natin gagawing

one time big time ang pagbayad,

sa halip ay pa patak-patak.  

 

“Magbayad ng tama at tapat sa mga Inutangan. Huwag maging Walking Debt na parang Aswang.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay may utang?
  • Gusto mo rin bang makawala at hindi mapasama sa mga WALKING DEBT.

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“ESTABLISHING A PIGGERY BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/7_DDzlxwl1E

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post MAY KAKILALA BA KAYONG MGA WALKING DEBT? appeared first on Chinkee Tan.

SAY NO TO BODY SHAMING

$
0
0

body shaming

As I was browsing on my Ig and Fb,

masayang makakita ng taong nag-e-enjoy na

ng kanilang summer vacation.

 

Yung iba sa ibang bansa, pero karamihan sa beach.

 

Pero alam n’yo yung pumukaw sa aking puso

at nakakuha ng aking atensyon?

Hindi lang ang mga magagandang pictures

kundi pati na rin ang mga comments ng ibang tao

pati na din sa mga artista o sikat na personalidad.

 

“Jusko, bakit ang taba na niya?”

“Ang payat na niya para ng kalansay.”

Panget, hindi bagay sa kanya swimsuit.”

“Ang lakas ng loob ni ate, dami namang stretch marks.”

Ang dilim…ng kili-kili ni atey!”

 

Grabe! Grabe talaga!

Sorry ah pero nakapanghihina makabasa ng ganito.

Nakalulungkot na naninira tayo ng kapwa.

Tayo ang tinatawag na ultimate BASHER.

 

Anong kasalanan ng taba nila sa atin?

Kung mapayat sila, naagrabyado ba tayo?

Sinaktan ba tayo nung stretch marks o

nung kilikili para magsalita tayo ng ganito?

 

I believe not.

Walang pakialamanan mga KaChink.

Tandaan natin na…

 

HINDI DIN TAYO PERPEKTO body shaming

body shaming

(Photo from this Link)

Sino bang taong perpekto?

Wala naman ‘di ba…si Lord lang.

Lahat tayo may weaknesses,

lahat tayo may flaws,

pero hindi ibig sabihin na dahilan na ito

para manlait tayo ng kapwa.

 

Ako nga maliit para sa lalaki eh

pero keri lang. Tanggap ko na iyon. Hahaha. 

 

Gano’n din sana tayo.

Kung sila tanggap nila ang flaws nila,

dapat tayo din tanggap natin.

 

Besides, hindi naman nila tayo inaano.

 

TINGIN TINGIN DIN SA SALAMIN PAG MAY TIME body shaming

body shaming

(Photo from this Link)

Nakikita natin sila,

pero minsan ba ay natignan na natin

ang ating mga sarili?

 

Kung sila napuna natin ultimo

kaliit-liitang bagay,

ang sarili ba natin, napuna na natin?

 

Mas maganda kung tayo ay haharap sa salamin

para ma-realize natin na:

Hindi pala maganda mamuna ng kapwa.”

“Kapag pinansin nila ako, masasaktan din ako.”

“Siguro kung ako nasabihan niyan, mapapahiya ako.”

 

Let’s put ourselves into their shoes first

para matuto tayo pumreno at kumabig.

 

SEE THE BEST IN EVERY PERSON body shaming

body shaming

(Photo from this Link)

Instead of body shaming,

bakit hindi natin tignan kung

anong maganda sa kanila?

  • Magaling magsalita sa crowd?
  • Ang ganda ng kulay niya?
  • Mahaba ang biyas?
  • Ang shiny ng buhok?

 

Madami ‘yan. Madami.

Kailangan lang natin matutong

i-change ang perspective natin

pagdating sa ating kapwa.

 

MANAHIMIK KUNG WALANG MABUTING SASABIHIN

body shaming

(Photo from this Link)

Kung walang sasabihing maganda,

kung tingin natin ay makasasakit lang tayo,

eh manahimik na lang.

 

Huwag na mag-comment.

Pwede naman natin i-unfollow.

O kaya scroll up na lang kaagad.

 

“Say NO to Body Shaming.

Manahimik kung walang magandang sasabihin.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Biktima ka ba ng body shaming? O ikaw mismo ay guilty sa pagpuna sa kapwa?
  • Anong maganda ang nakikita mo sa kanya?
  • Willing ka bang baguhin ang perspective mo sa kanya?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“ESTABLSHING A PIGGERY BUSINESS”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HT1XKk

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post SAY NO TO BODY SHAMING appeared first on Chinkee Tan.

Iwasang Makipagtalo sa Taong may Isip na Sarado

$
0
0

sarado

Kung merong nagtatanong ng:

“Open-minded ka ba?”

 

Meron din namang taong

gusto nating tanungin ng:

“Closed-minded ka ba?”

 

Eh papaano naman,

hindi pa man tayo nagsisimula

binabara na tayo kaagad.

Masyado silang advance mag-isip

kaya minsan, hindi naman iyon ang meaning,

pero may interpretation na sila.

 

Sila yung wala namang alam sa atin o

wala pang idea sa sasabihin natin

eh cni-criticize na tayo at jina-judge.

 

Sila yung ayaw mag isip from

“Outside the box”— basta kapag

hindi nila gusto o wala sa paniniwala nila

they will just reject us and our ideas.

 

Ganon. Ganon sila ka harsh.

 

So ano ba ang gagawin natin

kung may nakakasalamuha tayong

sarado ang isip?

 

HUWAG PERSONALIN

SARADO

(Photo from this Link)

Kapag pinersonal,

tayo lang din ang mai-stress at

baka tumaas lang ang BP natin

dahil sila yung mga taong negatron.

 

“Ayoko ‘di naman totoo ‘yan.”

“Sus, nagpapapaniwala ka diyan.”

Hindi ako interesado.”

 

Kahit gaano kaganda o kahit

gaano kabait ang ating pagkakasabi

wala silang pakialam dito.

 

Siyempre when we feel rejected,

there’s a tendency na masaktan tayo—

No, don’t even bother.

Labas lang sa kabilang tenga dapat.

 

STAY POSITIVE

sarado

(Photo from this Link)

Kung siya ay negative

tayo dapat we should remain POSITIVE

kahit anong mangyari.

 

“Eh kasi sinira niya araw ko.”

Binara ba naman ako? The nerve!”

 

Ay sus mga KaChink,

Huwag nating hayaang madala tayo

at mahawahan ng negativity.

There’s so much to be happy about.

May issues sila sa katawan.

Umiwas na lang and surround yourself

with people na maayos kausap.

People who can motivate and encourage us.

 

WALK AWAY…NOW!

sarado

(Photo from this Link)

Ang mga taong sarado ang isip

may mga dala silang bala ng mga

masasakit na salita na pwedeng

paulanan sa atin.

 

Raratratin lang nila tayo.

 

And if the conversation is not going anywhere

tipong, masyado na sila nakasasakit,

foul na magsalita at parang hindi na

tayo kumportable sa usapan…

 

W-A-L-K  A-W-A-Y

Hindi worth it na makipagtalo pa tayo

sa taong hindi naman

marunong rumespeto sa atin.

 

Kaysa masaktan pa,

kaysa mainsulto lang

tayo na ang umiwas at pumutol

sa usapan.

 

“Iwasan ang pakikipagtalo sa tao na ang isip ay sarado

dahil kahit anong gawin at idahilan mo, tiyak na hindi ka mananalo.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May kilala ka bang sarado ang isip?
  • Paano mo siya hinaharap?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  +2 FREE P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“IMPULSE BUYER KA BA?”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/5zl-97VgeUU

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Iwasang Makipagtalo sa Taong may Isip na Sarado appeared first on Chinkee Tan.

Sabi ng Katawan, “Magresign”. Sabi ng bayarin, “Kaya mo Yan!”

$
0
0

bayarin

Minsan mo na bang naisip magresign

dahil sa pagod at gabundok na trabaho?

 

Ilang beses ka na ba nag-attempt na

isubmit ang resignation letter o

magsabi ng iyong plano kay boss o manager?

 

Bakit hindi natutuloy?

Bakit parang laging may pumipigil?

Malamang sa malamang ay dahil

sa ating mga nakahilerang bills.

 

Kapag nagresign tayo

paano yung bayarin sa tubig at kuryente

na mag du-due na sa isang araw?

Paano yung tuition fee ng mga anak

ngayong darating na pasukan?

 

Ang hirap ‘di ba?

Parang yung kantang

“Torn between two lovers” ang peg. 

Gusto natin umalis pero

gusto din nating manatili.

 

Sa mga pagkakataong naiisip natin ito,

ano nga ba ang dapat gawin?

ASK YOURSELF “WHY?” magresign

magresign

(Photo from this Link)

Bakit gusto natin mag-resign?

Dahil ba…

  • Madaming trabaho?
  • Demanding si boss?
  • Chismosa ang mga kasama?
  • Mahirap ang pinapagawa?

 

KaChink, walang nagtatrabahong hindi nahihirapan

at kahit saan din tayo pumunta

meron at meron tayong makakasamang tao

na maaaring hindi natin magustuhan.

 

In short, wala tayong kawala.

Kahit pa lumipat tayo sa iba.

 

Hindi natin maiiwasan ang mga ganito.

Ang kailangan lang natin gawin

ay tatagan ang loob at gawin ang nararapat.

Focus lang sa trabaho, sooner or later,

we will reap what we sowed.

 

HUWAG MASYADO SENSITIVE magresign

magresign

(Photo from this Link)

Kung parati na rin lang natin paiiralin

ang emosyon sa bawat eksenang

nagaganap sa opisina,

lagi lang natin iisipin na mag-resign.

 

Kung parati na lang may meaning sa atin

ang bawat kibot, hindi tayo matatahimik

at makakapag-concentrate sa trabaho.

 

Kung napagalitan, isipin kung bakit

at kung paano tayo mag-i-improve.

Gawin muna ang dapat gawin

bago pa man tayo umayaw.

 

Kung sila ang may mali,

daanin muna sa usapan para maayos pa.

 

MAGPASALAMAT SA TRABAHO magresign

(Photo from this Link)

Kahit gaano pa kahirap o

ka-toxic ang environment,

matuto tayong magpasalamat at

hindi puro reklamo lang.

 

“Ayoko na, I QUIT!”

“Hay nako, kainis tinambakan na naman ako!”

“Mag file ako sick leave kuno, bahala sila diyan.”

 

Ay sayang naman kung

binabalewala lang natin ang oportunidad.

Alam n’yo bang sa bawat

pagtatapon ng chance,

gano’n din kadami ang:

 

  • Naglalakad sa ilalim ng araw at iniisa-isa ang kumpanyang pwedeng aplayan.
  • Nagsa-submit sa daan-daang kumpanya sa mga job sites for weeks and months na. Pero hindi pa rin natatanggap.
  • Nagmamakaawa at nagdarasal na magkatrabaho na kahit magkano lang para lang may ipantawid.

 

Imagine the pain that it does to them.

Samantalang tayo, eto na, may trabaho na.

Kailangan lang nating matutunang mahalin

at pahalagahan.

 

Kung apektado na ang kalusugan,

sige go ahead, because health is wealth.

Pero kung kaya pa labanan, kaya pa ng katawan,

at kaya pang baguhin ang perspective,

try to stay. Try hard to make it work.

 

“Sabi ng katawan at isip: “Magresign na at magpahinga.”

Pero sabi ng mga bayarin: “Go lang! Kaya mo yan.. Ikaw pa!”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Naisip mo na rin bang mag-resign?
  • Bakit at sa anong dahilan?
  • Paano mo lalabanan ang urge to resign?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“IMPULSE BUYER KA BA”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/5zl-97VgeUU

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Sabi ng Katawan, “Magresign”. Sabi ng bayarin, “Kaya mo Yan!” appeared first on Chinkee Tan.

Ang Sustento ay hindi UNLI kaya Magsumikap at Matutong Magtipid

$
0
0

sustento

Ikaw ba ay sustentado ni mister o misis?

Sustentado meaning, may isang nagtatrabaho

at pinapadala sa atin ang sweldo?

Pwedeng OFW, pwedeng dito sa Pinas.

 

O pwede din namang parehas

may trabaho pero mas malaki ang kita nila

kaya halos ang ating pangangailangang pinansyal

ay nanggagaling sa kanila.

 

Ang sarap ng feeling noh

lalo na kapag ganito karesponsable ang

ating asawa, nanay, tatay, o anak.

 

Maski kulang ang ating kita

hindi tayo kailangan mamrobelma

dahil tiyak may papasok namang pera

mula sa kanila.

 

Pero gano’n pa man,

huwag naman sana nating abusuhin

at huwag masyado masanay

dahil…

 

HINDI ITO UNLI

sustento

(Photo from this Link)

Hindi ito parang kanin na

kada hingi, may lalapit o darating.

Ngayon siguro saganang-sagana tayo

pero darating ang time na matitigil din ito.

 

Tatanda sila.

Magreretiro.

Baka maalis sa trabaho.

Baka magkasakit o kaya

magsara ang kumpanyang pinapasukan.

 

Ayaw man natin pero

hindi imposibleng mangyari ito.

Kaya naman…

 

MATUTO MAGTIPID AT MAG-IPON

sustento

(Photo from this Link)

Kapag bigay o padala,

Ipunin na kaagad!

Huwag gasta ng gasta na akala’y

parang ngayon lang nakahawak ng pera.

 

Gala dito, gala doon.

Shopping galore.

Dine out with family and friends tapos

nanlibre pa!

 

Ay sus, kung hindi natin titipirin at iipunin,

baka dumating yung time na

wala ng matira sa atin at ang worst,

mangyari yung mga bagay na hindi

natin inaasahan — saan tayo kukuha ngayon?

 

Tandaan, uulitin ko, hindi ito UNLI.

Kaya habang may pumapasok na pera

pagsumikapang itabi at palaguin.

 

HUWAG MASYADO MAYABANG, FRIEND.

sustento

(Photo from this Link)

Sige lang libre ko na ‘yan, OFW kaya asawa ko!”

“Sky’s the limit, Manager na s’ya ngayon!”

“Hindi naman sa pagmamayabang, 6-digit na sweldo n’yan.

 

Sige, yes, sa senaryong ‘yan

parang ang swerte swerte nga natin.

Pero hindi na dapat natin pinangangalandakan at

hindi na natin kailangan i-prove sa iba.

 

Baka kasi mamaya sa sobrang hangin natin,

either lalapitan tayo ng lalapitan

sa sobrang generous natin na akala mo ay kakandidato

o kaya, mauubos na ang ating savings just

to keep up sa image na gusto natin protektahan

…or parehas pwede mangyari.

 

Hinay hinay lang.

Temporary lang ang lahat ng iyan.

Let us learn to be humble.

 

“Kailangan ng bawat isa na maghanap ng pagkakakitaan at magtipid

dahil ang bawat sustento ay may katapusan at hindi UNLIMITED.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay sustentado?
  • Paano mo ito pinapangalagaan?
  • Willing ka ba makipagtulungan para hindi masayang ang kita?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000

Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“KAILAN BA DAPAT MAGPAHIRAM NG PERA”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/oWrnbxkgYbo 

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

The post Ang Sustento ay hindi UNLI kaya Magsumikap at Matutong Magtipid appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live