Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

TAYO AY NAGING MABUTI BA?

$
0
0

Have you ever encountered someone na wala nang nakitang mabuti
kundi puro pagkakamali ng ibang tao?
Walang ibang bukambibig kundi masasakit na salita
o kaya naman ay kapintasan ng iba?

Given this, alam n’yo rin ba na
the absolute worst way to make people
not to trust us or even hate us
is when we, ourselves, correct them without love.
Or even pointing people their mistakes
without looking or reflecting on ourselves first.

SELF-CHECK MUNA TAYO

The best mirror to check on what right or wrong that we did,
aside from other people, is ourselves.
We may also see ourselves through the opinion of other people towards our behavior or attitude.

The way we see ourselves are most likely different
from how people sees us.
We can ask ourselves these questions:

“Naging mabuti ba ako sa ibang tao?”
“O puro pagkakamali na lang nila ang pinapansin ko?”
“Masyado ba akong perfectionist?”
“Wala ba akong pagkakasala para punahin ang ibang tao?”
“Nasa lugar ba ako para magpuna?”

HEART-CHECK RIN KUNG KINAKAILANGAN

Better if we can also check the motives of our hearts.
Sabi nga sa isang libro,
“Out of the abundance of our hearts, our mouth speaks.”
Kung ang puso natin ay hindi tama ang motibo
kung bakit tayo ay madalas pumuna ng mali sa tao,
better to ask ourselves these questions
kung para saan bakit mahilig tayong pumuna:

“Para ba ito sa ikabubuti niya?”
“O para ipahiya siya?”
“Para ipamukha na mas mabuti ako kaysa sa kanya?”
“O para ipadama na kaya siya kino-correct because I care?”
“Ginagawa ko ba ito for his self-improvement o para sa sarili ko?”

ALWAYS REFLECT ON OURSELVES FIRST BAGO PUMUNA NG IBA

Ang mga tanong na ibinabato natin sa ating sarili
ay nakatutulong para mag-reflect at mag-check
kung nasa tama pa ba, makatarungan pa ba, o nakabubuti pa ba
kung para saan at bakit natin pinupuna ang ibang tao,
kung ang sarili natin ay hindi naman natin mapabuti.

Always remember that we are all equal in the eyes of God.
Malaki man o maliit na pagkakamali ay pagkakamali pa rin.
Lahat tayo ay may tendency na madapa, masaktan at makasakit.
Pero lagi sana nating tandaan na bago tayo pumuna ng ibang tao,
tingin muna tayo sa ating sariling puso.

“Bago natin punahin ang pagkakamali ng iba, tanungin muna natin ang ating sarili kung tayo ay naging mabuti ba. ”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • How do we see others whenever our friends or colleagues make mistakes?
  • Basta-basta na lang ba tayo naninita nang hindi man lang tinitingnan ang sarili?
  • What steps can we take to change our character today regarding this matter?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

The post TAYO AY NAGING MABUTI BA? appeared first on Chinkee Tan.


Mañana habit

$
0
0

Marami tayong gustong simulan o baguhin
sa ginagawa natin, halimbawa sa ating routine. Bakit kaya minsan
parang ang hirap laging simulan ang mga ito?

Naranasan n’yo rin ba na sabihin sa sarili ninyo na:
“Sa weekend sisimulan ko na mag-jogging.”
“Sa Monday, sisimulan ko na yung project namin.”

 And then dumaan na ang weekend, and Lunes, pati ang
sumunod na Lunes, hanggang umabot na ng isang buwan
at hindi pa rin nasisimulan ang plano na gagawin?

Let me share some ways on how to avoid procrastination.

SET THE DEADLIEST DEADLINE

Kapag palapit na ang deadline, parang may biglang nagigising sa utak na nagiging trigger para gumalaw… pero ang tawag dito ay cramming.

However, mas mahirap magkaroon ng bagong routine
lalo na kung wala namang deadline. Maiisip na lang
lagi na “saka na” o kaya naman ay “mamaya na.”

So have the power to set the deadline. As in kailangan
ay matapos natin or ma-achieve natin ito sa takdang
oras kasi kung hindi we will be punished. Haha!

Imagine kung lagi na lang natin sasabihin na sa
susunod na sahod na lang tayo mag-iipon, pero at the end
of the year ay wala pa rin tayong ipon, oh di ba problema yun?

So hindi lang kailangan boss natin o kaya ibang tao ang
magse-set ng deadline para sa goals natin sa buhay. Dapat
tayo mismo dahil mas masarap na pakiramdam ito.

It’s something that we can be proud of ourselves. So 

REWARD YOURSELF OF SOMETHING

Yes. Kahit simple lang na treat. Para mas motivated din
tayo na gawin ito uli or subukan ang ibang bagay na mas
makatutulong sa atin to improve and to develop ourselves.

Natapos mo ang pag-aayos ng kwarto mo, instead na after
one week, nagawa mong tapusin within three days. Then you can have plenty of time to rest or to spend more time with your family.

It’s a discipline. Kung nakahanap ka agad ng work, instead
na after a month pa, nakapag-start ka agad just after you graduated
then you have more time to save and more money for your future.

Remember, you do these things and avoid procrastination
not just because you have read this blog or dahil lang may
nakapagsabi sa ‘yo. You do this because it is best for you.

Not only you will learn to develop yourself but you may also
inspire others to do better. At wala nang mas fulfilling pa
kundi ang makitang may ibang tao tayong natutulungan.

We can also encourage others. We

HELP OTHERS TO INSPIRE OTHERS

It’s like a domino effect. If you help one, help them also to
help others, inspire others and improve other’s lives. It’s
like spreading good vibes. It will also help us to do more.

Kapag nasimulan na natin makapag-ipon at mas gumanda
ang ating buhay, we can also help people around us to
inspire them and then gaganda rin ang buhay nila.

Pero kung laging mamaya na lang ang peg natin, naku
lagi na lang tayo magmamadaling habulin ang deadlines
natin, laging stress at laging mainit ang ulo.

Ito ba ang nararanasan mo ngayon? O may kakilala ka ba
na ganito ang nangyayari? Maybe it’s about time to start
doing things right away or give them advise to begin with.

Mahirap na makita o ma-realize na lang natin
na wala na, huli na ang lahat. Ang mga dapat aksyunan
ngayon ay kailangan na nating simulan ngayon.

“Hindi habang buhay may bukas.
Paano kung ang ngayon ay ang wakas?”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang pinakagusto mong simulang baguhin o aksyunan ngayon?
  • Kailan ang deadline mo para sa goal mo?
  • Sinu-sino ang maaaring tumulong sa iyo at sinu-sino ang gusto mo ring tulungan.

Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/8vd7  .

**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post Mañana habit appeared first on Chinkee Tan.

UNHEALTHY RELATIONSHIP

$
0
0

Sa isang relasyon, hindi naman mawawala ang
mga problema at pagtatalo. Pero kailangan kapag
pinasok natin ang isang relasyon, handa tayo.

Hindi pwede yung “sige subukan natin” then “we’ll
figure it out” na lang. Parang trial and error lang.
Dapat alam natin ang papasukin natin.

Higit sa lahat kailangan aware tayo sa kung ano
ang healthy at hindi healthy na relasyon para mas
maging open tayo sa paghahanap ng solusyon.

Paano ba malalaman kung love nga ba ito?

OVERWHELMING AND IMPATIENT

“Grabe na-miss kita! I love you. kumusta?”
Message ng girlfriend mo after one week kayong
hindi nagkita dahil sa work.

“Oh my God. Hindi ko na kaya. Sobrang miss na
kita. Kailan ka babalik?”
Message ng girlfriend mo pagkalabas mo pa lang
ng gate ng bahay nila dahil hinatid mo s’ya.

Ok. Alin dito sa dalawang context ang true love?
Minsan titingnan natin na ang sweet naman ng girlfriend
mo dahil nami-miss ka na n’ya agad. Pero kapag tumagal
na ang ganito, nagiging overwhelming na.

Lalo na kung ang partner natin ay napaka-impatient.
Yung tipong nagagalit dahil hindi nasasagot ang text o
tawag kahit alam naman niyang may ginagawa ka.

Hanggang sa unti-unti nang nagiging dahilan ng pagtatalo ninyo ang mga bagay na hindi naman talaga kailangan pag-awayan dahil normal naman ang mga ginagawa mo.

Pero kahit ganito, lumalabas pa rin ang 

JEALOUSY AND OVERREACTING

Hindi maiiwasan ang selos. Minsan sa tao, minsan naman sa bagay, depende dahil gusto natin makuha ang atensyon at oras ng taong mahal natin. Tingnan natin ang mga ito:

“Ayan oh. Follower ko ang boyfriend ko sa IG.”
“Hay naku. Sinusundan na naman ako ng boyfriend ko
kahit sa IG ko.”

Sa unang context, Masaya tayo kasi follower natin ang
ating boyfriend or girlfriend, pero kung sinusundan na
tayo kahit saan tayo pumunta at inaalam kung sino ang
ating kasama, parang hindi na ito normal na relasyon.

Nawawala na yung kalayaan natin para mamuhay
nang malaya. Parang lagi na tayong nagmamadali
at natatakot dahil baka pagtalunan na naman ito.

Tama pa rin ba na ipagpatuloy nang ganito ang relasyon
natin? O mas makabubuti na humanap na ng maaaring
makatulong sa pinagdadaanan ng iyong partner?

Hindi na rin kasi healthy lalo na kung nandyan na ang

ISOLATION AND POSSESSIVENESS

“Naku may lakad kasi kami ng asawa ko sa Linggo.”
Maaaring tumapat sa date ninyo ng asawa mo kaya hindi
ka talaga makakasama sa lakad ng mga kaibigan mo.

“Naku may pupuntahan kasi kami ng asawa ko sa Linggo.”
After one week…
“Naku mamimili kami ng asawa ko.”
After one month,
“Naku may sakit kasi ang asawa ko.”

In short, hindi ka na talaga pinapayagan ng asawa mo na umalis at makasama ang mga kaibigan mo kasi wala s’yang tiwala sa mga kasama mo. Pakiramdam n’ya anytime, pwede kang mag-cheat at makipag flirt sa iba.

So isolated na lang kayo. Unti-unti ka nang nilalayo sa
support group mo like friends, family and even classmates
or officemates kahit alam mo namang walang batayan.

So this is not a healthy relationship. We could seek help
from an expert and other people whom we know that
can be trusted and knowledgeable to handle this.

“Minsan akala natin true love – pero ang totoo pala,
nagtitiis na lang tayo sa relasyon na hindi naman masigla.”
  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga pinagtatalunan ninyo?
  • May batayan ba ito at dapat ba talagang pagtalunan?
  • May mahihingan ba kayo ng payo at guidance sa pagsasama ninyo?

——————————————————————————————————————–

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here:https://lddy.no/8vdb 

-FREE bonus videos!

-Watch it anytime, anywhere!

-Watch it over and over again—ONE YEAR access!

**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post UNHEALTHY RELATIONSHIP appeared first on Chinkee Tan.

3 S’s IN SUCCESS

$
0
0

Being successful comes with responsibility. And the more
successful you are, the more responsible you should be.
Hindi lang kasi buhay natin ang kailangan isipin natin.

Kung may malaking company at maraming employees na efficient, magiging successful ang company, pero marami ring responsibilities
at hindi natin pwedeng iasa ang mga ito sa iba.

So in this blog, I want you to make a choice if you really
want to become more successful and take on more
responsibilities to achieve your own goal in life.

SIPAG

Alam naman nating lahat na kailangan natin ng sipag
para maging successful. Kahit tayo pa ang tagapagmana
ng multi-million company, dapat ay masipag pa rin tayo.

Kailangan ay masipag tayo para palawakin pa ang ating
kaalaman at kakayahan para mas maging matagumpay
ang ating business at ang mga taong umaasa dito.

Hindi naman natin matututunan ang mga bagay
kung aantayin na lang natin lagi na isubo sa atin ang mga
gagawin. Kailangan magkusa tayo na kumilos.

Hindi lang tayo laging aasa sa mga taong nakapaligid
sa atin. Kailangan matutunan natin kung paano gumawa
ng desisyon mula sa ating karanasan at obserbasyon.

Kung gaano natin kagusto maging successful sa
business natin, dapat ganun din kabuo ang pagsusumikap
natin para lumawak ang ating mga kakayahan.

Kailangan tanggap natin na hindi natin maiiwasan ang

STRESS

Oh yes!!!
Nandyan ang STRESS.
Hindi maiiwasan ang mga pagsubok na darating.

Kailangan alam natin kung paano i-handle ang stress.
Walang success kung wala ring stress. Kaya dapat matibay
tayo at alam natin ang mga dapat at hindi dapat.

Kailangan alam ng puso at isipan natin kung ano ang
ating vision at mission dahil malaking tulong ito para sa
mga pagbuo at pagpili ng mga gagawin nating desisyon.

Tandaan na kailangan din nating ibalanse ang mga mahahalagang bagay at tao sa mga desisyon natin kaya
kapag may conflict dito, lumalabas talaga ang stress.

Pero huwag mangamba. Dapat may mga tao rin na maaari mong lapitan para hingan ng payo at direksyon sa gagawin mong desisyon o sa plano mo para sa business.

At the end, deserve mo rin ang

SAYA

Yes. This is it. Maaari mong puntahan ang mga nais mong
marating, bilhin ang mga matagal mo nang gustong bilhin at maranasan ang mga magpapasaya sa ‘yo. 

Yes. Deserve mo na ‘yan. Kaya masaya rin na makita mong kasabay ng iyong tagumpay ay ang tagumpay ng mga taong tumutulong at sumusuporta sa ’yo.

Hindi mo mararating ang tagumpay kung hindi ka naging
masipag at kung hindi mo na-handle nang maayos ang iyong mga problema. Kaya huwag magpadala sa stress.

Hayaan nating patibayin tayo ng mga karanasan natin dahil mas matututunan natin kung paano maging mas responsable sa mga darating sa ating buhay.

Hindi lamang business natin ang ating kailangan palaguin.
Kailangan tayo mismo ay patuloy na lumalago at nagsisilbing inspirasyon at gabay sa ating kapwa.

“Ang tagumpay ay hindi lamang masusukat sa iyong yaman
kundi pati sa dami ng iyong naibahagi na kaalaman.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga ginagawa mo upang mas umunlad ang iyong kaalaman at maging matagumpay?
  • Paano mo hina-handle ang iyong mga problema?
  • Kanino mo nais iparangal ang iyong tagumpay?

——————————————————————————————————————–

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var  

-More than 20 videos
-Watch it over and over again. 

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

 

 

The post 3 S’s IN SUCCESS appeared first on Chinkee Tan.

FRIENDSHIP INGREDIENTS

$
0
0

Sa mga kaganapan sa buhay natin, may mga taong
maaari tayong lapitan. Pero napaisip ako, mayroon tayong
tinatawag na family therapy, marriage therapy, individual
therapy, pero bakit walang friendship therapy?

Marahil napakalawak ng konteksto ng pagkakaibigan at ang mga problema na dumarating na related dito ay iba’t-iba ang hugot at timbang.

Kailangan lamang natin alamin ang mga sangkap para
mas mapalalim natin ang ating pagkakaibigan. We need
to develop our friendship skills para mas maging masaya.

Mahalagang maging masaya para mas mahaba ang buhay.

GOOD VIBES

“Oh I love your new haircut!”
“Ang galing mo pala mag-gitara ah.”
“Ang ganda ng speech mo kanina.”

These are simple compliments pero nakagaganda ng araw
natin at nakaka-uplift ng ating morale. Ito yung mga salitang
nagpapaalala ng worth natin dahil naa-appreciate tayo ng ating mga kaibigan.

We don’t want to be with toxic friends, ‘di ba? Sino ba naman
ang gustong kasama ay yung puro negative at puro hindi
maganda ang naririnig natin sa kanya. Dagdag stress ito.

So if we want to be a good friend, we should improve on saying the right things in order to encourage our friends. 

So we also need to be honest with our friends.
Kilalanin din natin yung mga taong tapat sa atin at mapag-
kakatiwalaan sa kahit na anong sitwasyon ng buhay natin.

Kasama na rin dito ang 

CONSISTENCY

Ito naman yung quality time that we spend with our friends.
Yung tipong pagkatapos n’yong magkita-kita, nakagagaan 
ng pakiramdam at mas marami tayong natututunan.

Kaya tayo nakabubuo ng friendship with our officemates,
classmates, churchmates or teammates dahil madalas
natin silang kasama at madalas din nating kakwentuhan.

“So every summer gawin natin ‘tong bonding moments.”
“Ok. Every Saturday gym buddy tayo with our partner.”
“Tara sabay ka na sa ‘min tuwing lunch!”

So nandyan na ang dalawa- masayang kasama at madalas
nating nakakasama. Pero hindi pa rin magiging malalim ang
pagkakaibigan kung wala ang pangatlong ito.

Dito na lalabas ang tiwala natin o kung gaano kagaan ang
pakiramdam natin towards sa tao o sa grupong ito. Dito
rin mas nakikilala natin ang isa’t isa bilang kaibigan.

We lower down our walls and show our vulnerability.

OPENNESS

This is where we share our stories and dreams with a
certain person or group of people. They became our confidants and we reach them to seek advice.

“I need your opinion. Mali ba ako sa ginawa ko?”
“Salamat sa pakikinig. Sa ’yo ko lang ito nasasabi.”
“I think, kailangan ko ng advise mo.”

So these are the ingredients of friendship. Kung iisipin
natin, kailangan ba natin ng kaibigan? Well, our friends
also help us to lessen our loneliness and avoid depression.

At yun ang mahalaga sa buhay natin. For us to have a healthier
life, hindi lang tamang diet at exercise ang kailangan natin.
Kailangan din natin maging masaya at may peace of mind.

So make friends and be a good friend to others. Hindi
lang sa number of friends sa social media ang binibilang
dito, but the real friends that we can truly count on.

“Friendship is not an ordinary relationship we share with others.
It’s a bond of honesty, effort and trust for a person that matters to us.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Sinu-sino ang mga taong nagpapasaya sa ‘yo?
  • Gaano kadalas ang bonding ninyo?
  • Ano ang tingin mo sa kanila bilang iyong mga kaibigan?

    —————————————————————————————

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post FRIENDSHIP INGREDIENTS appeared first on Chinkee Tan.

ANO BA TALAGA?

$
0
0

Naku malamang marami ang makare-relate dito sa
topic na ito. I think, in every relationship, there is n
immunity to fight pero ang tanong, normal ba ito?

Bakit nga ba nagtatalo ang mag-asawa o magbf/gf?
Kailangan nga ba ito o may paraan ba para maiwasan
ang mga ito? Well, siguro isa-isahin na lang natin.

In this blog, let us discuss the deeper reasons why
couples fight. Sa kahit na anong relationship,
mahalaga kung paano natin aayusin ang problema.

First in list would be the

POWER

“Bakit hindi ka na naman tumawag at nagsabi na nakauwi ka na?”
“Di ba dapat ikaw ang susundo sa mga bata ngayon?”
“Bakit ito lang ang binigay mo na sweldo?”

Sounds familiar ba? Minsan ba pinagtalunan n’yo na rin kung
sino ang gagawa nito, kung ano ang dapat gawin dito, kung
ano ang dapat na suotin sa ganito… these are all about control.

May bahagi sa buhay natin na alam natin or maybe naniniwala
tayo na mas alam natin ang isang bagay kaya dapat tayo ang
masunod at kailangan sumunod ang ating partner sa gusto natin.

Both persons are different human beings.
Magkaiba kayo ng kinalakihan, magkaiba kayo ng nakasanayan
at marami pang iba. With this, kailangan mapag-usapan ito.

Yung ginagawa ng ibang couple ay maaring effective sa kanila,
pero hindi effective sa inyo. And that’s normal. Stop comparing.
You have to learn what you can and cannot control in your relationship.

Kailangan magkasundo at mag-give way kung kinakailangan.

Next would be

CLOSENESS

“Buong maghapon naglalaro ka na lang dyan.”
“Di mo man lang ako hinintay? Umalis ka na agad?”
“Bakit ayaw mong sumama sa family/barkada gathering?”

Madalas hindi tayo aware sa mga bagay na kinaiinisan talaga
natin. Minsan nga kinalilimutan na lang natin tapos kapag
may nangyari, maaalala natin yung nakaraan at away na naman!

You see, parang mga dishes lang ‘yan eh. Hindi naman
pwede na lahat ng mga plato na nasa sink ay sabay na lilinisin.
Kailangan, isa-isahin talaga ang pagsabon at pagbanlaw.

It simply means, kung gusto natin ng “us time” with our
spouse or partner, we have to tell them at the same time,
kailangan din na nakikinig din ang asawa natin.

So the next time na maglalaro s’ya ng games, may limit na
para maging meaningful ang time n’yo together. Hindi yung
magagalit tayo sa game, without acknowledging kung ano
talaga ang problema.

The last one is 

RESPECT

“Bakit nagdadabog ka na naman? ”
“Bakit ba hindi mo malagay sa labahan yung medyas mo?”
“Bakit ba ayaw mo? Mag-asawa naman tayo!”

Ang daming bakit. Lol!

Simplehan lang natin. Tingnan natin sa ganito:
Kapag ikaw ang na-late, kasi traffic.
Pero kapag partner mo ang na-late, iisipin mo na hindi
s’ya responsible at hindi na naman s’ya nag-organize ng oras n’ya.

You see?
Minsan may mga perspective tayo na pabor lang sa atin.
Hindi natin pinapakinggan ang totoong saloobin ng asawa
natin or hinayaan na lang natin na ganun kaya paulit-ulit
na lang na pinagtatalunan.

Lagi kang nagtataka kung bakit nagdadabog ang asawa
mo, yun pala bigat na bigat na s’ya sa dala n’ya at hindi mo
man lang pala tinulungan.

So we have to learn how to respect our spouse as well. Tao
rin s’ya. Hindi lang ikaw ang tao sa inyo na may pangangailangan
at may pakiramdam. Both of you has to speak up.

So start expressing your true feelings with one another. Talk and listen.
Communicate and understand. Mahalaga ang mga ‘yan dahil

“Hinda naman talaga yung phone o tuwalya ang pinagtatalunan n’yo
kundi yung mas malalim na bagay na dapat pinag-uusapan ninyo.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga dapat kontrolado ninyong mag-asawa?
  • Paano ninyo ini-spend ang quality time ninyo?
  • Gaano kalaki ang respeto mo sa asawa mo at paano mo ito pinapakita?—————————————————————————————————————————————-

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!” Click here to register: https://lddy.no/8vdb 

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

The post ANO BA TALAGA? appeared first on Chinkee Tan.

I DO

$
0
0

Dalawang salita, tatlong titik… simpleng kataga na
may malalalim na ibig sabihin mula sa mga taong
sumumpang makasama natin habang buhay.

Let me share in this blog the sweetest and deepest
meaning of the words “I do”.

Bakit ba sinasabi ito sa harap ng maraming tao at
sa harap ng Panginoon? 

I DO means

“I DO KNOW I COULD BE SAD, BUT I’M READY TO BE JOYFUL WITH YOU.”

Kahit alam natin na wala namang immunity sa kalungkutan,
alam natin na magiging masaya tayo bawat araw na
kasama natin ang taong pinili nating makapiling habang-buhay.

Sa kabila ng mga pagsubok na maaaring dumating sa
inyong pagsasama, handa ka na piliin ang landas na
alam mong magpapasaya sa ‘yo at sa taong mahal mo.

Siya ang magiging dahilan ng bawat pagbangon mo sa
buhay. Siya ang maaaring maging dahilan ng iyong kalungkutan
ngunit, sa kabila nito mas pipiliin pa rin nating makasama siya.

Dahil naniniwala kayo na malalampasan ninyo ang mga
pagsubok na maaaring dumating sa inyong pagsasama.
Mahalaga ay magkasama kayong haharap sa mga ito.

Hindi mo mag-isang haharapin ang bawat araw nang mag-isa
dahil pinili mong ibahagi ang bawat bukas mo na kasama
siya at ito ang source ng inyong masayang pagsasama.

I DO means

“I DO WANT TO TRY, BECAUSE I KNOW YOU WILL BE AT MY SIDE TO SUPPORT ME.”

Sa kahit mga pagkakataon na natatakot tayo at nagdududa
sa sarili nating kakayahan, siya ang alam mong uunawa
at biggest fan mo sa mga pangarap mo sa buhay.

Handa siyang magsakripisyo kasama mo kung kinakailangan.
Tapat siya sa kung ano ang mas makabubuti sa ‘yo at sa
inyong pagsasama kahit ito pa ay may katumbas na sakripisyo.

Nababawasan ang iyong pangamba dahil alam mong nariyan
siya at kasama mo sa pag-abot ng inyong mga pangarap.
Kahit mabigo ka man, hindi ka niya huhusgahan.

Alam ninyo ang inyong mga kalakasan at kahinaan at
ginagamit n’yo ito upang mas maging matibay ang inyong
pagsasama. Walang naiiwan at walang nang-iiwan.

Dahil alam ninyong pareho kayong pantay at pareho
ninyong kailangan ang isa’t isa. Walang nagyayabang o
mas nakahihigit sa inyong relasyon at pagsasama.

I DO means

“I DO LOVE YOU AND I DO WANT TO SHARE MY LIFE WITH YOU.”

Madalas nating naririnig na ang buhay ay maiksi lamang.
Pero kahit maiksi man ito o mahaba, ang mahalaga ay
kasama natin ang taong mahal na mahal natin. At pinapanalangin
natin na maging makabuluhan ito habang tayo ay nabubuhay sa mundo.
Kaya pasalamatan natin ang Panginoon sa biyayang binigay Niya sa atin.

Ang pag-iisang dibdib na ito ay hindi lamang isang pangako
sa taong mahalaga at mahal natin, kundi pangako rin sa
Panginoon na pagkakaingatan ito at hindi sasaktan.

Ito ang buhay na pinili natin kaya kailangan ay mas maging
handa tayo upang tuparin at harapin ang bawat araw na
kasama natin ang taong pinakasalan natin.

Higit sa lahat… I do means 

“I do not know the future and nothing is certain in each event,
but I do want to unwrap the gift each day for it is our present.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga katangian niya na nagpapasaya sa ‘yo?
  • Paano ninyo binibigay ang inyong suporta sa isa’t isa?
  • Gaano mo iniingatan ang inyong pagsasama?

——————————————————————————————-

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**

Click here https://lddy.no/8vdd 

IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.


To have a better and healthier communication between you and your spouse.
To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse

-FREE bonus videos!
-Watch it anytime, anywhere!
-Watch it over and over again—ONE YEAR access!

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post I DO appeared first on Chinkee Tan.

MONEY PROBLEMS

$
0
0

Hay talaga namang nakai-stress kapag ang pinag-uusapan
ay ang mga issue sa pera. Mga issue na kailangan nating
hanapan agad ng solusyon para maka-survive sa buhay.

Pero bakit nga nagkakaproblema ang mga tao pagdating
sa pera? Bakit kahit may trabaho naman eh hindi pa rin
sapat para matustusan ang ating mga pangangailangan?

Hinay-hinay lang sa pagbabasa ng blog na ito. Wala naman
akong gustong patamaan. But I really want people to be
more aware of their own real situation about money.

So bakit nga ba?

WRONG SPENDING OF MONEY 

Isa talaga ito sa mga nagiging problema. Minsan kasi mas
malaki pa ang ginagastos natin kaysa sa totoong
kinikita natin mula sa ating trabaho.

Walang budget na ginagawa and we don’t keep track
of our expenses, especially kapag utang ito. Sige na lang
nang sige, thinking na next month na lang babayaran.

Pero paano kung next month mas may mahalaga na
dapat bayaran o paglaanan ng pera natin? Dapat 
hangga’t maaari ay stick tayo sa budget natin.

Dapat may disiplina tayo sa paggastos natin ng ating
pera. Hindi lamang ito pagbabawas ng mga wants natin
tulad ng shopping, drinking coffee, having facial etc…

Walang masama sa mga ito for as long as may budget
tayo para doon. Kasi kung bigla na lang natin ipapasok
yun na wala namang nakalaan na budget, kawawa rin tayo.

Another reason for having money problem is because of 

NO SAVINGS

Grabe, sampung taon ka nang nagtatrabaho pero wala
pa ring ipon? Kailan mo balak simulan ang pag-iipon?
Kailan mo balak simulan ang iyong investment?

Ok. Maganda yung may iniipon tayo na barya-barya
tulad ng ginagawa nating ipon challenge. Pero this is just
a start. Ginagawa ito para maging habit natin ito.

Pero once na nakaipon na tayo, we really need to apply
the real saving habit. Hindi sapat ang barya-barya sa
pag-iipon. Kailangan natin ng totoong ipon.

Magkano ang maiipon natin sa araw-araw na limang piso
sa isang buong taon? ‘Di wala pang dalawang libo? Ok
sabihin natin na “at least” may ipon ka ‘di ba?

Pero aminin natin, makabibili ba ito ng bahay at lupa?
Makabibili ba ito ng sasakyan na gusto mo? Nage-gets
n’yo? Magandang simula ang pag-iipon ng mga barya.

Pero dapat sa susunod, mag-ipon na tayo nang malaki.
Pero paano kung may

LACK OF MONEY GENERATING INCOME

Ito talaga ang pinakamalaking problema. Paano nga
naman tayo makapagba-badyet kung wala namang 
maba-badyet sa pera natin?

Paano nga naman tayo makapag-iipon nang 
malaki kung wala namang natitira sa kinikita natin
dahil halos sakto lang sa gastusin natin?

Kaya kailangan, makahanap tayo ng mga trabaho o 
sidelines na makadadagdag sa income natin para mas
maka-survive tayo at ma-resolve ang money issues.

Imagine if alisin natin sa gastusin ang pang-bili natin ng
kape at idagdag ito sa savings natin, o ‘di ba may naitabi 
tayo at naidagdag sa savings? Pero magkano lang yun?

Pero kung may dagdag income tayo, makaiinom na
tayo ng kape natin, may mailalagay pa tayo sa savings
natin. So mas maganda ang ganito hindi ba? Kaya

“Hindi lang good saving and spending habits ang kailangan natin.
Dapat alam din natin kung paano madagdagan ang ating income.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga skills or talents mo na maaari mo ring pagkakitaan pa?
  • Anu-ano ang mga bagay na maaari mong maibenta para madagdagan ang iyong income?
  • Anong industry ang gusto mong pag-aralan para masimulan mo ang iyong business para may additional income?

 

How To Make Your First Million in Direct Selling 

ENROLL NOW IN MY ONLINE COURSE AND START YOUR JOURNEY TOWARDS A SUCCESSFUL CAREER IN DIRECT SELLING! click here: https://lddy.no/afvj 

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk 

————————————————————————————

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post MONEY PROBLEMS appeared first on Chinkee Tan.


DISCIPLINE

$
0
0

Gaano ba kahalaga ang disiplina sa ating buhay? Paano
ba natin ito sisimulan? 

Ilan lang ito sa mga tanong na naiisip natin kapag
narinig natin ang salitang discipline. Para kasing bata
pa lang tayo, alam na natin kung ano ito ‘di ba?

Usually, hindi natin ito gusto. Lol!
Alam natin kapag ito na ang narinig natin mula sa ating
magulang o kaya naman sa teacher natin, parang
parusa ito. Pero ano nga ba ito?

Discipline is 

DOING WHAT WE DON’T WANT TO DO

Mag-review o maglaro?
Kumain nang unlimited o mag-exercise?
Matulog o magtrabaho?

O yes! Syempre gusto natin ang mga bagay na pleasurable.
So we choose kung ano ang mas makapagpapasaya sa
atin. Pero dyan na rin papasok ang conflict.

Kasi alam natin kapag naglaro tayo at hindi nag-review,
malaki ang chance na hindi tayo makapasa sa 
exam kahit sa tingin natin alam na natin yun.

Kung puro kain na lang ang gagawin natin at puro
next time na lang ang exercise, maaaring magkasakit 
tayo in the future at malaking gastos din iyon.

Kung matutulog na lang tayo instead na magtrabaho,
matatambakan tayo ng tasks at the end, mai-stress
tayo at madadagdagan na naman ang sleepless
nights natin dahil hindi natin ginawa nang maaga.

So ang point, hindi dapat natin piliin ang temptations
because discipline is 

DOING THINGS TO MAKE US BETTER

Hindi naman totally na hindi natin gustong gawin ito,
kasi kung titingnan natin ang future mas may benefit
tayo kung may disiplina tayo sa sarili natin.

Maaaring hindi tayo nakapaglaro, pero kung tapos na
ang exam at nakapasa tayo, pwedeng-pwede na tayo
maglaro and that could be our prize to ourselves.

Kung bahagi ng routine natin ang exercise, mas
magiging active tayo sa mga gagawin natin at mas
magiging malayo ang chance natin sa sakit.

Ganun din syempre sa work. Kung mamahalin at
pahahalagahan natin ang trabaho natin, we reap what
we sow in the future. Dapat malawak tayong mag-isip.

We should always think what is best for us even if it
takes a lot of hardships along the way because we all 
“work in progress” to do things better in our lives. 

Most of all, discipline is a

A HABIT THAT WE HAVE TO DO AS PLANNED

“Araw-araw tutupiin ko ang aking kumot.”
“Kada Linggo, magjo-jogging ako.”
“Kada buwan, magtatabi ako para sa savings ko.”

Sa paggising pa lang natin, dapat may magawa na tayo.
Kasi kung yung simpleng bagay na pagtutupi ay hindi 
natin magawa, paano pa ang mga malalaking bagay?

Kung dumating ang Linggo at biglang umulan, may 
excuse tayo para hindi tumuloy ‘di ba? Pero ito lang
ba ang exercise na maaari nating gawin?

Kung lagi na lang natin sasabihin na sa susunod na
buwan na lang tayo magsisimula ng savings natin, para
na ring sinabi natin na bahala na ang future natin.

Actually, hindi naman talaga natin kailangan na basahin
pa ang mga ito eh. Kasi alam kong alam n’yo naman ang
mga ito. Kailangan lang ng kaunti pang push!

Gusto n’yo push ko kayo? Hahaha! 

“Simple lang ang disiplina, ‘wag nating gawing komplikado.
Kung hindi mo gagawin; hindi mo sisimulan, paano ka aasenso?”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga bagay na gustong-gusto mo nang simulan?
  • Bakit hindi mo pa ito nasisismulan?
  • Sinu-sino ang mga inspirasyon mo para gawin ito?

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. 

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. 

Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course) 

Click here to order: https://lddy.no/8wsr 

For Online Course only at 799 click here: Click here: https://lddy.no/8wsq 


For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post DISCIPLINE appeared first on Chinkee Tan.

CHRISTMAS LIST

$
0
0

list

Chinkee wait lang!!!”
“Di pa ako ready.”
Hahaha!

Ok so habang paparating pa lang naman ang Christmas
bonus, mukhang kailangan na nating simulan ang ating
listahan para makapag-budget tayo at maplano natin.

Anu-ano ba ang mga dapat nating planuhin para hindi
tayo mataranta pagdating ng holiday peak at maiwasan
natin ang last minute Christmas shopping?

Maliban sa mas mahal na ang mga bilihin sa panahon na
yun, super traffic na rin kaya nakai-stress lalo! So simulan
na natin ang pagplano para less stress.

FAMILY, FRIENDS AND INAANAK!

First of all, list all of them, then set a budget for each of them.
Mas maganda kung naaalala n’yo rin kung ano ang binigay
nyo nung last year para hindi naman paulit-ulit yun. Hehe..

One tip, pwede ninyong i-bundle ang gifts ninyo. Kung
halimbawa, isang buong family ang reregaluhan ninyo,
pwedeng regalo na magagamit na isang pamilya na.

Kung mga inaanak or kaibigan naman, at pare-pareho sila
ng age or gender, pwede rin kayong bumili ng bulk instead
na iba-iba ang mga ireregalo n’yo kada tao.

Instead wrappers, pwede kayong bumili ng bulk na paper bag
or eco bag then just put a ribbon. Pwede pa itong magamit
ng pagbibigyan mo and at the same time better packaging din.

So kahit hindi gaanong mahal ang ibibigay natin basta
maganda ang packaging, winner na ito! But make sure
magagamit ito ng pagbibigyan natin para hindi sayang.

Dalawa sa pinakamahalaga sa listahan natin ay ang

NOCHE BUENA AND MEDIA NOCHE

Oh yes!!! 

Habang maaga pa ilista na natin ang mga menu na
gagawin natin. Pwede nang simulan ang mga pamimili
kung pwede namang i-stock ang ibang ingredients.

Habang maaga mas mabuti dahil mas nagiging mahal
ang bilihin kapag malapit na mismo ang handaan. Pwede
nating i-consider ang sharing sa pamilya or relatives.

Kung may plano rin naman na magkita-kita, pag-isahin
na lang para makadagdag sa menu at pwede ring
pag-usapan kung anu-ano ang mga menu.

Syempre dahil isang linggo lang naman ang pagitan
yung mga prutas na maaaring madaling masira, maaari
na itong gawing salad or other desserts para ‘di masayang.

Kung may lechon naman na handa, pwede ring lutuin
uli ito at gawing ibang putahe para maiba naman ang lasa
pero something new pa rin sa paningin natin.

Isa rin sa kaliwa’t kanan na ganap ay ang

CHRISTMAS PARTY AND REUNIONS

Dahil maraming photos dito, syempre iisipin din natin ang
ating OOTD. So learn to mix and match. Hindi naman dapat
laging bago ang suot natin sa kada party na pupuntahan natin.

Pwede rin naman tulad ko, isa o dalawang kulay lang ang
damit, so pwede rin sa lahat ng pupuntahan natin
iisang kulay lang para may distinction tayo ‘di ba? Lol!

But kidding aside, hindi naman damit ang mahalaga sa mga
parties and reunions, ang mahalaga masaya at sama-sama
ang lahat at may reconnection sa bawat isa sa buhay natin.

Kung gusto n’yo ring magregalo sa mga employees or students,
pwede ring mag-order ng bulk para mas makamura at dapat
magagamit at may matututunan sila para mas worthy ito.

Higit sa lahat magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga
biyayang ibinigay Niya sa atin at huwag nating kalimutan na
ibahagi ito sa iba upang maging mas makabuluhan at
makulay ang ating pagdiriwang ng Pasko.

“Hindi lamang regalo, damit, pagkain o parties ang iisipin natin.
Kailangan din nating isipin ang mga dapat nating ayusin.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga biyayang natanggap mo ngayong taon?
  • Sinu-sino ang mga taong kailangan mong makausap upang maayos ang mga hidwaan?
  • Paano ka magiging magandang bahagi sa buhay ng iba?

 

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. 

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV. 

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

For Online Course only at 799 click here: Click here: https://lddy.no/8wsq 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post CHRISTMAS LIST appeared first on Chinkee Tan.

OH NO

$
0
0

Minsan parang ang bilis ng panahon, minsan naman
parang ang bagal-bagal ng oras. Pero kapag may
mga bayarin, ay talaga namang panic mode na naman.

Lalo na kapag sunod-sunod yung due dates. Tapos
nahuli bigla ang sweldo, parang ang hirap-hirap i-badyet
ang kinikita, kaya tuloy hindi maiwasan ang umutang!

Kaya mahalaga, sa simula pa lamang ay alam na natin ang
mga kailangan nating i-prioritize sa ating gastusin.
Kailangan nating isipin ang mas higit na mahalaga.

Dapat may panuntunan din tayo mismo na

HUWAG GUMASTOS NANG HIGIT SA KINIKITA

Kailangan maging matalino at maparaan sa paggastos.
Kung may mga handaan na gusto nating gawin, simulan
na ang pagbadyet para dito.

Tingnan kung saang bilihan ang mas makamumura pero
maganda rin ang kalidad ng kanilang mga paninda. Hindi
naman kailangan laging sa supermarket bumili.

May mga petsa rin na mas mura bumili o kaya t’wing sale para
mas mura nating mabili ang mga grocery items. O kaya naman
bumili sa mga palengke na malapit sa atin.

Ganun din sa mga gamit natin sa bahay, kailangan marunong
din tayo mag-ingat para hindi tayo bili nang bili ng mga bago
dahil nasisira agad ang mga gamit natin.

Kailangan turuan din natin ang ating mga anak at mga
kasambahay na huwag mag-aksaya ng pagkain o
ng mga gamit sa bahay para hindi masayang ang mga ito.

Isa pa na dapat nating isipin ay

IWASAN AT IWAN ANG MGA BISYO

Kung wala namang bisyo, umiwas na dito. Kung
mayroon naman, iwan na ito. Hindi ko na siguro kailangan
pang isa-isahin ang mga dahilan dahil alam naman natin ito.

Ngunit mahalaga na mapaalalahanan tayo lalo na
kung tayo ay isang magulang. Dapat maging
mabuting huwaran tayo sa ating mga anak at marunong gumabay.

Mahirap dumating ang panahon na pangaralan tayo
mismo ng ating mga anak dahil sa nakita nila kung
paano natin hinahayaan na malubog tayo sa utang.

Nararapat lamang na pahalagahan natin ang ating
kalusugan imbes na ang ating mga bisyo. Ganun din
kung may kaanak tayo na kailangan ng tulong natin.

Kailangan tayo rin mismo ang gumawa ng paraan
upang maiwasan nila ang mga taong hindi naman
makabubuti para sa kanila at para sa inyong pagsasama.

At isa pang dapat nating matutunan ay ang

BAWASAN ANG LUHO

Syempre masarap din na kumain sa labas, makapag-
bakasyon sa ibang lugar, mabili ang mga gusto ng
ating anak, pero dapat yung talagang kaya lang din natin.

Hindi naman natin kailangan na umutang pa para lamang
mabili ang mga luho natin o ng ating anak o asawa tapos
sa huli mari-realize natin na hindi pala natin kayang bayaran.

Mahalaga na nagtutulungan sa pamilya at suportahan.
Kung may gusto tayo puntahan o paghandaan,
kailangan na team tayo na bubuo ng tamang budget.

Kung kaya naman, pag-ipunan natin kaysa
iutang natin lalo na kung sobrang laki ng gagastusin.
Kung gusto talaga natin ito, gawan natin ng paraan.

At sa paraan na pipiliin natin, dapat hindi naman natin
ikapapahamak at ikababaon sa utang. Isipin din natin
yung ibang mga options na pwede nating gawin.

“Huwag pairalin ang damdamin sa pangungutang
upang hindi mabaon at ang pera natin ay hindi magkulang.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga prayoridad na dapat bilhin at bayaran?
  • Paano ninyo iniiwasan ang mga bisyo?
  • Sinu-sino ang mga taong nakatutulong sa inyo upang matuto sa paghawak ng inyong pera?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

The post OH NO appeared first on Chinkee Tan.

FOLLOWER VS. FAN

$
0
0

Bilang isang celebrity, minsan hindi na rin natin
nakikita ang difference ng isang follower at ng
isang fan. Pero mahalaga bang alamin ito?

Ang ating Panginoon, hindi Niya hiniling na maging
fans Niya tayo. Ang nais Niya ay maging tagasunod
Niya tayo. Dito natin tingnan ang puntong ito.

Gusto kong ibahagi sa inyo sa blog na ito ang mahalagang
role natin at ang maaari nating impluwensya sa ibang
tao. Ano ba dapat ang ating goals para sa ibang tao?

Subukan nating isa-isahin ang mga ito.

MAGPASIKAT O MAKAPAGBIGAY INSPIRASYON?

Dahil na rin sa technology, napakadali na lang mag-upload
ng kung anu-anong video sa kahit na anong social media
platforms. Kaya mahalagang alam natin ang ating mission.

Binigyan tayo ng ating Panginoon ng sarili nating talento
kaya magandang gamitin natin ito upang maging
inspirasyon at boses para sa ibang mga tao.

Mahalaga lamang ay marunong tayo makinig sa kung
ano ang totoong nangyayari. Gayundin ang halaga ng
ating gagawin para sa ibang mga tao.

Kung gusto natin maging kilala o sikat, kaakibat nito ang
ating buhay na magiging public na rin, kaya dapat ay
mas maingat tayo dahil maaari tayong makaimpluwensya.

Kahit simpleng mamamayan lamang tayo, may mga ginagawa
tayo na nakakaapekto rin sa iba. Kaya maging matalino sa
bawat gagawin upang maging mabuting huwaran sa iba.

Maaaring hindi maganda ang ating naging karanasan, pero
hindi ito dahilan upang hindi maging inspirasyon sa iba dahil
bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng kabutihan.

MAGMAGALING O MAGBIGAY KAALAMAN?

Ang dami na ring mga lumalabas na iba’t ibang balita sa
ating social media at mga sites kaya dapat mas maging
maalam at mapanuri tayo sa ating mga binabasa.

Hindi naman lahat ay expert sa kanilang mga sinusulat at
ang iba naman ay kulang ang karanasan at kaalaman sa
totoong balita kaya dapat alam nating pumili ng babasahin.

Legal ba ito? May basihan ba ito? Sino ba ang nagsulat o
nagsasalita? Expert ba ito? Alam ba talaga niya ito?
Mapagkakatiwalaan ba ito? Totoo ba ito o hindi?

Bilang magulang, responsibilidad din natin na alamin ang
mga ito. Gayundin ang mga anak sa kanilang mga magulang.
Kailangan natin magtulungan upang hindi tayo maloko.

Hindi natin makokontrol ang mga iniisip ng mga tao at ang
kanilang mga gustong gawin, ngunit tayo sa sarili natin ay
kaya nating maging responsible citizen sa ating bayan.

Hindi natin kailangang maging magaling sa lahat at sa
bawat pagkakataon. Ang mahalaga ay gumawa at mag-isip
ng mas ikauunlad natin na hindi ikapapahamak  ng iba.

MANGIALAM O MAGBIGAY NG TULONG?

Malamang alam n’yo na rin naman ang mukha ng may
pakialam sa taong nangingialam lamang. Lalo na sa
social media, post lang ng kung ano, hala viral na!

Hindi na iniisip kung ano ang magiging epekto nito
sa tao mismo na tinutukoy dito o sa mga taong
makakakita nito. Basta makapagpost lang bahala na.

Pero hindi naman pwedeng laging bahala na lang.
Alam kong may freedom of expression tayong lahat
Pero kailangan pa rin nating maging responsable.

Kung nasaktan tayo o may hindi magandang naranasan,
kailangan ba na ipaalam talaga natin sa buong mundo
at kunin ang simpatya ng mga tao? Solusyon ba ito?

Kung nagtalo kayo ng asawa mo, dapat bang i-post
mo pa sa Fb? Solusyon ba ang shout out? Hindi ba kaya
tayo ay may pamilya at kaibigan para may malapitan?

So kung tayo ay isang fan, normal lamang na hangaan
natin ang ating idolo, pero kung follower tayo, dapat nating
isipin kung bakit natin siya sinusunod. Bakit nga ba?

“Tinatawag tayo ng Panginoon hindi upang maging tagahanga;
tinatawag Niya tayo upang maging tagasunod ng Kanyang gawa.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga kakayahan mo na nais mong ibahagi sa iba?
  • Paano mo hinaharap ang mga negatibo at hindi magandang pangyayari sa iyong buhay?
  • Sinu-sino ang mga taong pinaniniwalaan mo at may magandang impluwensya sa iyo?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

The post FOLLOWER VS. FAN appeared first on Chinkee Tan.

UTANG MAG-ASAWA

$
0
0

Tulad din ng nabanggit ko sa nakaraang blog, may
mga mag-asawa na nag-aaway din dahil sa mga
utang na hindi nababayaran at hindi man lang alam.

Mahirap na tinatago natin ang ating problema sa
ating asawa lalo na kung tungkol ito sa pinansyal
dahil dito na rin nagsisimula masira ang tiwala.

Pero sana kapag nabasa ninyo ang blog na ito ay
magkaroon din kayo ng lakas ng loob na mas maging
tapat sa inyong asawa upang masolusyunan ito.

Hindi maaari na magkanya-kanya tayo lalo na sa ating asawa.

ISULAT AT IPALIWANAG ANG LAHAT NG PAGKAKAUTANG

“Natatakot ako baka magalit sa akin ang asawa ko.”
“Nakahihiyang malaman ito ng asawa ko.”
“Mababayaran ko naman ito. Hindi na n’ya kailangan malaman.”

Kung ganito ang pananaw ninyo sa utang at pera,
nagsisimula na ang paglilihim at pagtatago sa inyong
asawa. Hindi ito healthy sa inyong pagsasama.

Isa-isahin ang mga ito at sabihin sa inyong asawa
o partner ang mga ginamitan nito. Sa ganitong
paraan magiging aware kayong mag-asawa.

Alam ninyo kung ano ang mga dapat nang iwasan
o kaya naman mga tao na kailangan na ring iwasan
dahil hindi nakatutulong sa inyong pinansyal.

Kailangan na umiwas sa mga tukso at mga bagay na
mas lalong magpapabaon sa inyo sa utang at maaaring
makasira ng inyong pagsasamang mag-asawa.

Pagkatapos pag-usapan ang mga utang,

GUMAWA NG PLANO AT DESISYON SA PAGBABAYAD NG UTANG

“Bahala ka sa buhay mo.”
“Hindi ko ‘yan problema.”
“Kasalanan mo yan noh.”

Naku kung ganito ang ibabato n’yo sa inyong asawa,
baka araw-araw na lang puro pera at problema ang
magiging meals ninyong pamilya.

Tulad na rin ng nasabi ko noon, hindi solusyon sa
problema ang isa pang problema. Kaya naman dapat
pag-usapan ito at isipin kung paano masosolusyunan.

Hindi na kailangan pa ng pagtatalo at sisihan sa
ganitong pagkakataon. Nandyan na eh. Kailangan na
lamang ay magpakumbaba sa paghingi ng tawad.

Higit sa lahat, magtulungan na makahanap ng dagdag
na pagkakakitaan para makatulong sa pagbayad ng
utang at mabawasan ang stress ninyong mag-asawa.

Ito na ang panahon na kailangan

HUMINGI NG TULONG AT GABAY MULA SA EKSPERTO

Simulan na ang pag-iipon ng pera at ibayad ito agad sa
utang kahit paunti-unti. Iwasan na ang mga luho at bisyo
para hindi naman masayang ang inyong inipon.

Maghanap ng iba pang mapagkakakitaan o kaya naman
ay mga maaaring maibenta para makapagbayd agad
sa utang. Sa ganitong paraan, makaluluwag sa pakiramdam.

Huwag na munang umutang para lang ipangbayad o
kaya naman makabili lang ng mga bagay na hindi naman
pala kakailanganin. Maging matalino na sa pera.

Huwag nang ulitin pa ang dating pagkakamali para hindi
na magpatung-patong pa ang mga utang at mas mabilis
ding makalabas dito. Stick lang dapat sa goal ninyo.

Huwag nang magpadala sa ibang mga tao na alam ninyong
‘di naman tulong ang ibibigay sa inyo. Huwag mawalan ng
pag-asa dahil habang may buhay, may pag-asa.

“Hindi dapat kanya-kanya sa problemang pinansyal ang mag-asawa,
Dahil mahalaga ang tiwala at katapatan sa inyong pagsasama.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Alam ba ng iyong asawa ang mga binibili mo at mga pinagkakagastusan mo?
  • Handa ka na bang sabihin sa iyong asawa ang iyong mga utang?
  • Anu-ano ang mga solusyon na naiisip mo para mabayaran ito?

———————————————————

Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ 

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

**Bulk/ Reseller package also available. Promo is only until October 6, 2019**

20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post UTANG MAG-ASAWA appeared first on Chinkee Tan.

ACTS OF KINDNESS

$
0
0

kindness

Sino ang huling taong tinulungan mo o pinakitaan
mo ng kabutihan? 

Alam kong may mga panahon na parang nawawalan
tayo ng inspirasyon sa buhay. Parang unti-unting
nababawasan yung pagkagiliw natin sa ating ginagawa.

Pero ano ba ang nagpu-push sa atin na maging inspired
pa rin sa araw-araw? Sa kabila ng sobrang traffic, stress
sa work, mga hindi magandang balita sa lugar natin.

Bakit hindi tayo mag-isip ng kahit isang bagay lang na
maaari nating maitulong sa iba? Bakit imbes na tayo ang
mag-expect ng maganda ay tayo ang gumawa nito sa iba?

Let’s choose to be kind to others and to ourselves.

HELP YOUR SPOUSE AND CHILDREN

“Ako na gagawa n’yan, dear.”
“I already prepared your things for tomorrow’s big day, anak.”
“Kailangan mo ba nito, love?”

Minsan hindi naman kailangan ng okasyon para bigyan ng
“best day ever” ang ating asawa at anak. At lalong hindi
naman kailangan ng mamahaling bagay para mag-surpise.

Just a simple act of kindness will make them smile ‘di ba?
Kung tayo rin ang gagawan nito, mapapa-smile din tayo.
So, let’s make them smile. Let’s show them goodness.

Despite the busy schedule and stressful day, let’s not
forget to make even just one act of kindness. Something
that will remind them how we love them. Because that is
what we need to have – a reminder.

Kaya naman bawat araw, gumawa tayo ng isang bagay
na magpapangiti para sa kanila imbes na pagtatalo o
sermon ang ibigay natin sa asawa o anak natin.

One day, you’ll be surprised.

HELP YOUR PARENTS AND GRANDPARENTS

“Ma, Pa, ako na ang bibili ng mga grocery.”
“Ako na po ang sasama sa check up ni lolo.”
“Babantayan ko po muna kayo.”


‘Di ba, these are simple statements with great impact to
our parents and grandparents. These are not just acts of
kindness but also acts of love and care for them.

Mga bagay na lahat tayo at may access. Lahat tayo
may kakayanan na gawin ito para sa iba. Hindi lamang
natin gagawin dahil may kapalit, kundi dahil ito ay mabuti.

Hindi maiiwasan na may ilang mga tao na may hinahangad
na kapalit. Ang iba ay naglilista ng mga naitulong nila sa
kanilang pamilya na para bang may utang na loob pa sila.

Ang pera ay maaaring kitain, ngunit ang magandang
samahan at relasyon ay kailangan binubuo at iniingatan.
Kaya huwag nating hayaan magpadala tayo sa negatibo.

Hindi naman ito nagpapaganda ng araw natin.

HELP OTHERS

“Gusto mo tulungan kita dyan? Tapos na ako sa ginagawa ko.”
“Para sa’yo. (then Smile)”

Hindi naman tayo tumutulong sa iba para lamang may
maipagmalaki o para tumanaw sila ng utang na loob sa
atin. We give to inspire others to stay good to others as well.

Parang chain effect din kasi yan. Kapag may natulungan tayo
parang napakasarap sa pakiramdam. At ang taong tinulungan
natin ay may tutulungan din na iba at mapapasa na ito.

Because one act of kindness can make a huge change
in many lives and great goodness in our world. Just stay
positive. No pressure at all. Kahit isang act of kindness lang.

Kahit maliit o malaki; marami o isa lang ang natulungan
o pinakitaan natin ng kabutihan, ang mahalaga ay may
nagawa tayong tama at mabuti.

“Huwag mong isiping mas madali ang maging masama
dahil tanging kabutihan ang tunay na may masayang madarama.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Ano ang pinakamagandang nagawa mo sa iyong asawa at anak?
  • Paano mo ipinapakita ang iyong kabutihan sa iyong magulang at mga nakatatanda?
  • Sino ang naging inspirasyon mo upang gumawa ng mabuti?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post ACTS OF KINDNESS appeared first on Chinkee Tan.

BEAUTIFUL MIND

$
0
0

BEAUTIFUL

Lahat naman tayo ay may point sa buhay na
nararamdaman natin ang takot. We feel fear of
all uncertain things in our lives. 

We may not get what we deserve all the time, but
we can get what we expect. May mga sandali na
kailangan nating i-set ang ating mga isipan.

Pipiliin natin kung ito ba ay best day or worst day.
Nasa atin na iyon. Lahat tayo ay may kakayahang
gawin ito basta ‘wag lang tayo magpalamon sa takot.

Subukan nating gawin ito:

ALWAYS FEEL GRATITUDE

Magpasalamat dahil sa masayang pagsasama ninyong mag-asawa.
Magpasalamat dahil maganda ang trabaho mo.
Magpasalamat dahil napalaki n’yo nang maayos ang inyong anak.
Magpasalamat dahil kasama mo ang iyong magulang.
Magpasalamat dahil nabubuhay ka.
At iba pa…

Marami pa tayong mga bagay na dapat ipagpasalamat.
Iwasan nating isipin ang mga bagay na wala tayo o nawala
sa atin, bagkus ay isipin natin ang mga mayroon tayo.

Ituloy natin ang ating buhay na may magandang pananaw
bawat araw. Hanapan natin ito ng dahilan upang maging
maganda kahit sa kabila ng kalungkutan.

Hindi natin alam baka dahil sa pangyayari na ito, maging
daan para maging mas makabuluhan ang buhay natin at
mas makita natin ang ating totoong purpose sa buhay.

Let us also try to

ELIMINATE NEGATIVE THOUGHTS

“Ok. alis… alis… alis…. sho…sho…”
“Tapos na yun. Ok na.”
“Dati yun. Iba na ngayon. Magiging ok ngayon.”

Ito yung mga sinasabi natin sa ating sarili kapag may
naaalala tayo na hindi naman dapat o kaya naman ay
magpapahina lamang ng ating loob.

“Kaya mo ‘yan.”
“Pinaghandaan mo ito nang husto.”
“Relax. Matatapos din ito.”

Minsan kailangan din nating kausapin ang ating sarili
para paalalahanan tayo na magiging maayos din ang
lahat at magagawa natin ang ating gusto.

Hindi mali na matakot at mag-isip ng negative para
paghandaan ang mga possibilities, pero kailangan pag-
isipan natin ito ng solution at gawan ng mga paraan.

We really need to

WORK ON OUR INTENTION 

“Gusto ko mapalaki kita nang mabuti.”
“Gusto ko magkaroon ng masayang marriage.”
“Gusto ko maging successful ang business natin.”

Lahat ito ay posibleng mangyari kung gagawa tayo
ng paraan para mangyari ito. We have to work on it.
We are the captain of our own fate.

Kung gusto nating mapalaki nang maayos ang ating mga anak
then let’s be a good parent to them. Every day let’s tell
them how much we love them and how much we care.

Gusto natin ng maayos na pagsasama kasama ang asawa
natin, then be a loving spouse. Do things that will make
your marriage happy and worthy of love each day.

Gusto natin maging successful, then be more knowledgeable
in your own business. Love your company and all the
people who are working for you. 

Alam naman talaga natin kapag may mali na eh. Kailangan
lang mag-react tayo nang maayos para makapag-isip
tayo nang tama at hindi magpadala sa ibang tao.

“As we grow old, we don’t just get all the experiences in life.
We also gain wisdom for us to know how to survive.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga karanasan mo na proud ka sa sarili mo?
  • Paano mo pinapalakas ang iyong sarili araw-araw?
  • Sinu-sino ang mga inspirasyon mo para maging positibo sa buhay?

————————————————————————

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post BEAUTIFUL MIND appeared first on Chinkee Tan.


CHANGE FOR THE BETTER

$
0
0

Kung gusto nating may mabago sa ating utang life,
kailangan baguhin din natin ang mga dating
ginagawa natin. Simple lang naman yun ‘di ba?

Kaya naman napipilitang umutang dahil hindi natin
napaghandaan o kaya naman ay hindi pa sapat ang
ating pera para bilhin ito. So ano ang dapat gawin?

In this blog, I will share some points I made from my new
book. Naisipan ko itong gawin dahil alam kong
maraming tao ang matutulungan din nito. 

Kaya kailangan natin maging makatotohanan…

BAGUHIN ANG MINDSET

“Hay naku. Kailangan ko na naman bumili ng bagong damit.”
“Dapat bagong phone na ang gamitin ko.”
“Ako na lang ang hindi pa nakapupunta du’n.”

Kailangan nga ba talaga? Dapat ba talaga? O sadyang
naaawa lang tayo sa ating sarili at feeling natin napag-
iwanan na tayo kaya dapat mayroon din tayo nun.

Ok, let me just clarify. Hindi mali at hindi masama na ma-
encourage tayo para gawin o magkaroon ng isang bagay.

Halimbawa, nakita mo na may bagong sasakyan ang
katrabaho mo o ang kapitbahay mo. So, gusto mo rin
next year magkaroon ka nito, kaya pag-iipunan mo.

Aayusin mo yung trabaho mo, hanap ka ng extra income etc.
Ganun dapat, hindi yung uutang para lang “mema” …
memasabing may bagong kotse rin. Lol!
Kahit baon naman sa utang pagkatapos.

Kaya kailangan din na

BAGUHIN ANG LIFESTYLE

Alisin natin ang inggit sa ibang mga tao dahil pinag-ipunan
at pinagtrabahuan nila yun kaya mayroon sila nun. Pero
alam din natin na may mga taong mayroon nun at
lubog naman sa utang. So ano ang gusto mo?

Mukhang yayamanin pero lubog naman sa utang?
Hindi natin kailangan magmukhang mayaman
para lamang magkaroon ng maraming kaibigan
at magkaroon ng approval or likes sa ibang tao.

We just have to be a good person. Magkakaroon
tayo ng mga totoong kaibigan kung talagang mabuti
ang ating kalooban at hindi lang dahil sa ating yaman.

Kung gusto rin nating maging wealthy, kailangan ay
healthy rin tayo. Kaya dapat isipin natin ang ating
kalusugan at hindi puro unli – unli rice, unli pork, unli beef
unli chicken, unli burger, unli desserts… hahaha!

Siguro once a month, kung afford naman bakit hindi ‘di ba?
But not to the point na iuutang pa para lang makasama
sa lakaran ang barkada tapos sa susunod na araw wala na.

Isiping mabuti ang ating lifestyle at 

BAGUHIN ANG DISKARTE

“Hiram muna tayo sa magulang mo para sa pambayad sa loan natin.”
“I-loan na lang muna natin ‘yan, tapos saka na natin problemahin ang pambayad sa susunod.”
“Lipat na tayo ng apartment. Marami nang naghahanap sa ‘tin.”

Hay naku… sobrang stress ‘di ba? Yung halos ‘di na
makatulog dahil sa patung-patong na utang. Kaya
kailangan na unahin ang pagbabayad sa utang.

Kapag may pambayad na, kahit paunti-unti man
ito ay at least nababayaran ito at may balak talagang
mabayaran ito kaysa sa wala talagang pasabi at all.

Tandaan na ang perang hiniram ay hindi sa atin, kaya
kailangan itong ibalik dahil hindi lang naman tayo ang
nangangailangan nito, kailangan din ito ng hiniraman natin.

Kahit sabihin pa nating nakakaangat sila, ang ginawa
natin ay paghiram at hindi hingi. Kaya dapat lamang
ay maging responsible tayo na ibalik ito. 

Humanap ng mga dagdag income para madagdagan
at mapabilis ang pagbabayad ng loan o ng kahit na
anong uri pa ng pangungutang.

“Hindi ibig sabihin na nagpapakatotoo ka ay tama na iyon.
Mahalaga na magbago kung kinakailangan at kung yun ang naaayon.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ano ang iyong pananaw sa pangungutang?
  • Kailangan nga ba talaga ang pangungutang?
  • Gaano ka karesponsable sa paghahawak ng iyong pera?

————————————————————

Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ 

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

**Bulk/ Reseller package also available.**
20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

Promo is only until October 6, 2019

————————————————————

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post CHANGE FOR THE BETTER appeared first on Chinkee Tan.

UTANG FACTS

$
0
0

Alam naman natin na kapag pera ang usapan, magkakaiba
ang pag-uugali ng mga tao. May ilan na akala natin ay
mapagkakatiwalaan, o kaya naman talagang kawawa.

Pero dapat alam na rin natin ang mga klase ng tao na
maaari nating pagkatiwalaan lalo na kung tayo rin ay
magpapautang. Kailangan nating silang kilalanin.

Hindi naman masama o mali ang magpautang o hindi
magpautang. Depende kasi ito sa sitwasyon talaga natin
at ng taong humihingi ng tulong pinansyal sa atin.

Let me share some facts about utang:

HINDI PAMBAYAD NG UTANG ANG ISA PANG UTANG

Hindi masosolusyunan ang problema ng isa pang
problema. Kung mayroong utang, isang paraan dito ay
maghanap ng additional income para mabayaran ito.

Mahirap kasi halimbawa na uutang sa isang relative para lang
ipambayad sa utang sa isa pang relative. Kapag ganito kasi ang
mangyayari, magkakapatong-patong ang mga utang.

Kailangan i-monitor ang utang lalo na kung ito ay may
kalakihan. Kung kinakailangan na magtipid at magbawas
muna ng mga gastusin, ay dapat na ring gawin.

Ang mahalaga kapag may pambayad na ay ibayad na ito
agad para hindi na magamit pa sa ibang mga bagay at
mabawasan din ang listahan ng mga utang.

Gayun din naman kung nakakaluwag-luwag na, sabihin sa
taong pinagkautangan kung kailan talaga mababayaran ito
para hindi naman sila maghintay sa kawalan.

Kung ibang tao naman ang hihiram sa atin ng pera,

HUWAG MAGPAUTANG NANG HIGIT PA SA PANGANGAILANGAN 

Paano kung halimbawa ay nakapagtabi na tayo ng
pambayad sa tuition fee, tapos may biglang kamag-anak
na kailangan ng pera, paano na ito? 

Kailangang pag-usapan ito ninyong mag-asawa at pagplanuhan.
Mahirap din kasi na mapabayaan din natin ang ating tungkulin
bilang mga magulang. Kaya dapat mapagkasunduan ito.

Maaaring may certain amount na pwede nating maitulong
sa kaanak natin. Basta hindi natin kailangan ma-guilty at
maawa na lang sa iba nang hindi iisipin ang ating pamilya.

Kailangan alam at malinaw sa atin ang ating priorities
pagdating sa pagpapautang. Tingnan din natin at tantsahin
ang kapasidad ng taong umuutang sa atin.

Kung sa tingin natin ay malabong mabayaran ito, maaaring
ibigay na natin bilang tulong kung nakaluluwag naman
tayo. Ang mahalaga hindi natin isasakrispisyo ang ating pamilya.

Mahirap din kasi dahil

NAKASISIRA NG RELASYON ANG UTANG

May ilang mga relasyon ang nasira dahil sa pagkakabaon
sa utang. Nandyan yung asawa na laging swipe nang swipe
ng credit card hanggang sa nabaon na silang mag-asawa.

Nandyan naman yung magkaibigan na umutang nang
malaki at pagkatapos ay hindi na rin nabayaran at
hindi na nagpakita o nagparamdam man lang.

Mga kamag-anak na masama ang loob sa isa’t isa dahil
hindi pinautang at hinayaan nang umiral ang inggit
at hindi pagkakaunawaan.

Marami pang mga kwento na nakalulungkot lang din
malaman dahil tungkol sa pera ang pinagmulan. Kaya
dapat, matutunan natin kung paano magbalanse.

Paano humindi nang hindi rin nakasasakit ng damdamin
sa iba. Paano maging mapagbigay nang hindi naman
inaabuso rin ng ibang mga tao.

“Mahalaga ang pera sa buhay natin, pero huwag ito haluan ng galit. Dahil hindi mo namamalayang kinakain ka na pala ng inggit.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Paano mo hinaharap ang mga taong humihiram ng pera sa iyo?
  • Anong klase ng tao ang maaari mong mapagkakatiwalaang pahiramin ng pera?
  • Paano mo naman binabayaran ang iyong mga utang?

 

Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ 

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

**Bulk/ Reseller package also available. Promo is only until October 6, 2019**
20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

The post UTANG FACTS appeared first on Chinkee Tan.

HINDI PINUPULOT

$
0
0

Minsan n’yo na bang naisip kung gaano kadali o kahirap kumita ng pera?
Ilang weekends na kaya ang isinakrispisyo ng iba
para lang kumita ng doble? Ilang holidays? Baha ang tinahak
para lang makapasok sa trabaho?

Minsan hindi natin makita ang mga paghihirap ng iba,
ng ating mga magulang, ate at kuya, at kapamilya
kahit no doubt namang naibabahagi nila ang kasaganaan ng buhay.
Pero ano nga ba ang hindi alam ng nakararami
when it comes to earning money?
Here are the three facts to realize pagdating sa pera:

ANG PERA AY PINAGHIHIRAPAN

Nothing comes easy pagdating sa pera.
Parang pangarap lang din, ang pera ay pinaghihirapan.
Pinaghihirapang kitain. Yung tipong pipiga tayo ng dugo’t pawis
para lang magkapera. Siguro para sa iba ay madali lang.
Depende kung pinanganak na mayaman na
at hindi na kailangan pang pagsumikapan.

But not later did I know kung gaano kahirap pala ang kumita.
Hindi lang basta-basta pinupulot o hinihingi galing sa ating mga magulang.
I realized then noong natuto akong mag-negosyo at an early age.
Bawat sentimo ay mahalaga para lamang makabuo ng piso,
ilang piraso ng piso para makabuo ng limang piso at sampung piso.
At ilang mga barya para makabuo nang mahigit isang daan.
Noong nalaman ko na ang halaga ng pera, napagtanto ko rin pala na 

ANG PERA AY REWARD NG ATING PAGSISIPAG

Sabi nga nila, “kung may tiyaga ay may nilaga.”
Kung tayo ay patuloy na magsisipag, tayo ay may aanihin.
Aside sa tuwa sa pagtatrabaho at pahinga matapos nito,
ang pera ay isang patunay din ng isang reward
ng ating pagsisipag sa trabaho at negosyo.

It is also our intention to be able to earn more so we could

provide better for our family and even reach out to the needy.
Kaya kung gugustuhin nating kumita pa ng mas malaki,
tayo ay magsisipag sa kung nasaang career man tayo ngayon.

AYOS LANG MAGING MASINOP AT KURIPOT

At dahil nalaman natin ang value ng kada sentimo sa ating kinikita
at ang isa sa mga rewards ng ating pagsisipag ay pera rin,
hindi rin naman masama kung tayo ay magsisinop at magiging kuripot
at times. 

Kung ang pagiging masinop sa pera at pagka-kuripot
ay magiging daan para tayo ay mas makaipon,
mas mainam rin na ito’y ipagpatuloy.
Dahil ang pera ay hindi basta-basta pinupulot.
Uulitin ko, ito ay pinaghihirapan. Dugo’t pawis ang ibinuhos
para lamang makasustento ng isang pamilya,
makabayad ng bills at renta ng bahay, at makapagpaaral.
Kaya lagi sana tatandaan na…

“Ang pera natin ay hindi basta-basta pinupulot
kaya hindi masama kung ito ay ating sinupin at ipag-kuripot. ”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang halaga ng pera para sa ‘yo?
  • Masinop at kuripot ka rin ba?
  • Paano mo maibabahagi ito sa iba para ma-educate sila?

Follow my Social Media accounts for more inspirational ctent, new products, and promos. 

The post HINDI PINUPULOT appeared first on Chinkee Tan.

MARRIAGE AND MONEY

$
0
0

Yes. Alam kong maraming hugot d’yan pagdating
sa pera at pag-aasawa. Yung tipong halos araw-
araw na lang pinagtatalunan ang money matters.

Minsan to the point na nagsasawa nang pagtalunan
ito kaya hindi na lang pag-uusapan. Hayaan na lang
ang panahon at magpaparinig na lang sa social media.

Grabe. I understand that problems will make us
feel bad but I guess we have to handle it properly
especially if it’s about money and family.

So maaari pa nga bang ayusin ito? Definitely, yes.
It’s not a quick fix, but this is a wake up call.
You may want to ask yourselves these questions:

DO WE VALUE THIS STUFF?

“Kailangan ba talaga namin ito bilang mag-asawa?”
“Makatutulong ba ito sa amin?”
“Gaano ba ito kahalaga sa amin?”
Being married to someone means you will share
EVERYTHING. As in LAHAT. Kaya kailangan na pina-
plano ninyo ang money ninyong mag-asawa.

 Hindi na kayo mga single na walang pakialamanan kung
saan gagastusin ang pera. Lalo na kung may mga anak
na rin na may mga pangangailangan na rin sa araw-araw.

It’s okay to have your own personal savings. O kaya sa ipon mo,
o ipon ng asawa mo, kung may gusto kayong bilhin at may
enough budget pa naman kayo. 

Pero kung tight ang budget, then it is very important that you
discuss where your money spending goes. Mahalagang
pareho kayo ng priorities or meet halfway para iwas away.

It is also important to ask

HOW DO YOU FEEL?

Masaya ka ba pag binili ito o nagi-guilty ka dahil binili ito?
Natutuwa ka ba sa regalo n’ya o nalulungkot ka pa rin?
Na-meet ba n’ya ang expectations mo o nag-e-expect ka nang sobra?

Gets n’yo ba?
Yung pakiramdam na may bago kang phone pero alam
mo naman na utang ito, so dagdag naman talaga sa babayaran
n’yo pero bumili ka pa rin dahil ito yung uso na ngayon eh.

Then maiisip mo rin na kulang naman pala ang budget
n’yo. Hindi ito kasama sa budget ninyo. Hindi ninyo
pinag-usapan. So magugulat na lang kayo at magtatalo.

Nakikita n’yo yung sequence? Alam naman natin ito eh.
We are all mature enough. Alam naman natin kung magkano
ang kinikita natin buwan-buwan kaya alam natin ang ating kakayahang pinansyal. 

Hindi tayo dapat magtaguan o magsinungaling dahil
alam nating pagtatalunan ito. Kung alam naman pala
natin, eh bakit pa natin gagawin ‘di ba? Parang kumuha
lang tayo ng bato na ipupukpok sa ulo natin.

Balikan natin ang childhood natin. Let’s ask

WHAT YOUR PARENTS SAY?

“Nak, mag-aral kang mabuti para yumaman ka.”
“Wala tayong pera. Mahirap lang tayo.”
“Kailangan mayaman mapapangasawa mo.”

If your bank account is equivalent to your worthiness
then, you will always feel that you have to always look
“mayaman” for you to gain your own self-worth.

Yung tipong naka BMW ka, pero alam mong pang
Honda naman talaga ang pasok sa budget mo. Pero
dahil sa money beliefs mo, kung ano ang sa tingin mo na
tanggap sa paligid mo, ganun dapat ang mayroon ka.

Kaya mahalaga ang mga sinasabi natin sa ating mga
anak tungkol sa pera. May impact din ito sa kanila.
Tayo ang humuhulma sa pananaw nila sa pera.

Lagi bang pinagbibigyan ang gusto ng anak kahit hindi
naman worthy? Bigay na lang agad ng pera basta-basta?
O kaya naman laging pinagtatalunan ang pera?

Kapag hindi ba pumayag si Daddy, pwede namang
lumapit kay Mommy o vice versa? Hindi ba kayo pareho
ng paghahawak ng inyong mga pera?

“Sa simula pa lang ay pag-usapan na ang tungkol sa pera
dahil hindi trial and error ang pagiging asawa at magulang.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga priorities ninyong mag-asawa?
  • Paano ninyo pinag-uusapan ang tungkol sa pera?
  • Ano ang pinakamahalaga na natutunan ninyong mag-asawa na tungkol sa pera na gusto ninyong ibahagi sa inyong anak?

—————————————————————————————–

Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ 

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

**Bulk/ Reseller package also available.**
20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

Promo is only until October 6, 2019

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post MARRIAGE AND MONEY appeared first on Chinkee Tan.

YOUR PATH

$
0
0

Marami na ang nagtatanong sa akin kung paano
ba maging successful? Paano ba maging mayaman?
Napaisip lang din ako kung ano ba ang purpose mo?

May mga kilala tayo na alam nating paiba-iba rin ng
career. Yung iba sa college, paiba-iba ng kurso na kinukuha.
Pero sa ganito, maraming panahon at oras ang nasasayang.

Yung entire career ko hindi ko naman din ito nalaman
agad. Maraming mga bagay din ang napagdaanan ko at
sinubukan ko. That’s what I am going to share with you.

Walang short cut dito pero at least hindi rin masayang ang
panahon at oras ninyo sa kasusubok ng kung anu-ano.

You have to ask these questions:

MAY PERA BA D’YAN?

Grabe naman Chinkee. Pera talaga agad? 

Oh so mukha ba akong pera? Haha!
Pero may tanong din ako…
Kailangan mo ba ng pera para mag-survive?
‘Di ba ang sagot mo, “Oo”?

So kung ang kinikita mo ay hindi man lang makakaabot
ng isang buwan, baka kailangan mo nang mag-isip ng
ibang career na kayang buhayin ang iyong pamilya.

Hindi lang ‘yan sa taas ng antas na tinapos mo o yung
mga awards mo sa school. Pero hindi ko naman din
sinasabi na hindi mahalaga ang mga ito.

Syempre mahalaga rin ang mga ito. Pero mas mahalaga
rin na may trabaho o career tayo na makatutugon sa
mga pangangailangan ng ating pamilya sa araw-araw.

Kapag nahanap mo na ang career na alam mong mapag-
kakakitaan mo, make sure na pag-aralan mo ito nang
husto para mas maging magaling ka sa larangan na ito.

At susunod na tanong na ay:

MAHAL MO BA ANG GINAGAWA MO?

Baka nagtaka kayo bakit nauna pa yung tanong kung may
pera ba kaysa dito sa tanong kung mahal mo ba ang career
na ito. Ganito na lang..

Sabihin natin na mahal na mahal mo ang paglalaro ng
computer games. Sa sobrang hilig mo dito, kahit ‘di ka na
matulog at kumain nang buong araw, okay lang.

Okay… pero may kinita ka ba sa paglalaro? Sabihin natin
mayroon. Sapat na ba ito? Kaya ka ba nitong buhayin?
Career ba ang matatawag dito? O baka hobby lang?

Nage-gets n’yo? Pumunta kayo sa grocery at alamin ang
mga presyo ng pangunahing bilihin o kaya tanungin
n’yo ang magulang n’yo kung magkano ang kuryente,
tubig at yung pambayad sa internet kada buwan.

Isipin ninyo yung career na kayang ma-sustain ang needs
ninyo at the same time, mahal na mahal n’yong gawin. Dito
kayo mag-focus. Palawakin ninyo ang kaalaman n’yo dito.

At ang huli ay

MAY NATULUNGAN KA BANG IBANG TAO?

Kapag nakita mo na ang career na gusto mo, dapat alamin
mo na rin ang iyong purpose. Ano ang legacy na maiiwan
mo sa buhay ng ibang mga tao na nakapaligid sa ‘yo?

Gusto mo ba na isipin nila na ikaw yung pinakamayamang
nakilala nila o gusto mong ikaw ang taong tumulong para
mabago nang maganda ang kanilang buhay?

Well hindi naman kailangan antayin na maging milyonaryo
ka bago ka makatutulong sa iba. Ang mahalaga ay ang
career na iyong pinili ay may matutulungan din na iba.

Nakabibigay ba ng inspirasyon sa iba? Sa huli, hindi ka lamang
masaya dahil nabibili mo ang mga kailangan mo kundi may ibang mga tao
na natutulungan mo rin.

Hindi lamang ikaw ang successful sa career na ito, kasama
mo ang iyong pamilya at mga taong ginabayan mo para
maging successful din sila sa kanilang buhay.

“Find a career that does not just buy the things that you want
but can also motivate others especially when they feel they can’t.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anu-ano ang mga skills and talents mo na maaari mong pagkakitaan?
  • Paano mo palalawakin ang iyong kaalaman tungkol dito?
  • Sinu-sino ang mga taong gusto mong matulungan?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

The post YOUR PATH appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live