Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

BIG PREPARATION

$
0
0

PREPARATION

Ang mga mahahalagang bahagi ng ating buhay ay
kailangan pinaghahandaan natin. Hindi naman pwede
na saka na lang natin iisipin iyon kapag nangyari na.

Tulad na lamang ang nalalapit na kaarawan, anibersaryo,
o kaya naman kasal o pagkakaroon ng anak. Lahat ito
ay kinakailangan paghandaan at pag-isipan nang husto.

Kaya tayo nai-stress sa presentation natin, sa project
natin o kaya naman sa exam, kasi hindi natin ito
pinaghandaan nang husto. Alam natin yung takot.

Paano ba natin ito paghahandaan?

PISIKAL AT MENTAL NA KAHANDAAN

Pagsamahin na natin ito. Mahalaga na parehong handa
ang ating mental at pisikal kapag tayo ay sasabak sa isang
mahalagang bagay. Mental toughness ika nga.

Parang kung ikaw ay papasok sa isang negosyo o kaya
naman ay magli-lead ng isang grupo, kailangan na
handa ang iyong isipan at ang iyong pangangatawan.

Para tayong sasabak sa isang giyera. Hindi maaaring
sumugod na lamang dito nang walang sapat na
paghahanda at kulang ang kaalaman sa mga gagawin.

Minsan naririnig natin: Kailan kayo ikakasal?
Siguro mas mainam na itanong ay kung handa
na nga ba sila magpakasal. Alam na ba nila ito?

It goes hand in hand. Kahit sapat ang iyong kaalaman
kung may sakit din naman, kulang pa rin ang kahandaan.
Kaya kailangan parehong ihanda ang mga ito.

Kailangan din ng

PINANSYAL AT EMOSYONAL NA KAHANDAAN

Alam naman natin na habang tayo ay nagkakaedad ay
hindi na natin halos magawa ang mga bagay na ating
nagagawa nung tayo ay bata pa. Kaya huwag sayangin
ang panahon.

Habang maaga ay mag-ipon at paghandaan ang inyong retirement
kahit matagal pa ito. Paghandaan din ang pagkakaroon ng pamilya,
hindi lamang kasal.

Yes. Tama ang inyong nabasa. Hindi lamang mismong
pagpapakasal ang kailangan paghandaan at isipin.
Kailangan din ang inyong pamilya na bubuohin.

Hindi naman pwede na saka na lang maghahanda kapag
nandyan na, buntis na. Kailangan ay handa ang ating
mga damdamin at hindi pabugso-bugso na lamang.

Kaya minsan may tinatawag na immature. Ito ay hindi lamang
pananaw sa kaisipan, kundi ang pag-react natin sa ating damdamin. Kailangan ay naaayon na ang ating desisyon.

Dahil higit sa lahat ay kailangan natin ng

MORAL AT ESPIRITWAL NA KAHANDAAN

May mga pagkakataon sa buhay natin, kahit maganda
ang nangyayari, parang may kulang pa rin sa buhay
natin. Hindi kaya dahil hindi natin pinapapasok ang
Panginoon sa ating buhay?

Marahil ay ilang beses na Siyang kumakatok at
dumadaan sa ating pintuan ngunit busy tayo palagi
sa ating mga buhay kaya hindi natin ito pinapansin.

Tuwing kailan lang ba tayo nagdarasal nang taimtim?
Kapag may hinihiling nga lang ba tayo? Kailan tayo
nakakapagsimba? Kapag pasko lang ba? Isang beses
sa isang buong taon? Masabi lang na nagsimba?

Kailangan din nating paghandaan ang ating moral at espiritwal
dahil ito ay nagbibigay ng liwanag sa ating isipan sa gitna ng mga problema.

“Kung gusto natin ng totoong kaligayahan at
isang buhay na may kulay,
palaguin natin ang ating sarili at
papasukin ang Panginoon sa ating buhay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang iyong ginawa upang ihanda ang iyong sarili?
  • Gaano kalapit ang iyong loob sa Panginoon at gaano ito katibay?
  • Sinu-sino ang mga taong kasama sa iyong support system?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

The post BIG PREPARATION appeared first on Chinkee Tan.


SIGE, UTANG PA MORE!

$
0
0

“Aray naman Chinkee. Natamaan ako.”
“Parang sumisigaw ka na eh.”
Hahaha!

Feeling guilty ba? Paano kung sabihin ko sa ’yo na
hindi naman ito ang purpose ko para isulat ang
blog na ito?

Madalas kasi kailangan natin ng wake-up
call. Kasi minsan kahit alam natin, ‘di pa rin natin
ginagawa. We have to be constantly reminded.

So ano ba ang kailangan nating i-remind sa sarili
natin araw-araw?

STAY CONSISTENT

“Consistent naman ako, Chinkee.”
“Consistent ako sa pangungutang.” Lol!

Naku kung lagi na lang tayo mangungutang, magpapatong-
patong na ang mga ito. Kailangan nating bayaran ito para
maging utang-free na rin tayo.

“Hay Chinkee. Sino ba naman ang ayaw makawala sa utang?
Syempre gusto ko naman talagang magbayad. Kaso wala
talaga eh. Kulang talaga ang pera namin.”

Kung gusto may paraan, kung ayaw may ano?
Alam kong alam n’yo rin naman ang sagot.

Possible solutions sa utang ay maghanap ng extra income,
magbenta ng ibang gamit o ari-arian, offer service or
trade. Maliban dito ay kailangan din to

STAY FOCUS

Hindi yung naka-focus tayo sa susunod na uutangin natin.
Instead, focus tayo sa goal natin na bayaran ang mga
utang. Unahin ang mga may malalaking interest kasi
habang tumatagal, lumalaki ito.

Kung iniisip ninyo na gusto n’yong mag-ipon at gusto
n’yo ring magbayad, pwede naman ito. Pero kung talagang
mataas ang interest ng utang, unahin muna talaga
ang pagbayad ng mga utang.

Imagine, gusto mo magtabi ng 500 kada buwan, pero may
utang ka pa ng 10,000 at may interest ito 8%, so may 800
na dagdag sa babayaran kada buwan.

Mas malaki pa yung interest kaysa sa maitatabi, kaya pag
ganito, unahin na muna ang pagbabayad kahit paunti-
unti. Huwag na nating antayin na sobrang laki na.

Ipaliwanag din sa asawa o sa pamilya ang totoong estado
ng iyong pinansyal para alam ng mga pamilya mo at
makakapagtulungan kayo.

Kailangan ito dahil you have to

STAY DISCIPLINED

Hindi rin pwede yung “next month na lang.”
Tapos sasabihin sa sarili natin: “Promise next month.”
Pero hanggang ilang next month na ang sinasabi natin
sa ating sarili. Hindi dapat natin hayaang maging habit
ang pangangako sa sarili na parang ganun na lang.

We have to discipline our own self. At the end, tayo
rin naman ang magbe-benefit or magsa-suffer sa mga
actions natin. So doon na tayo sa maganda ‘di ba?

Alisin ang mga bisyo, iwasan ang pagiging impulsive
buyer, alisin ang inggit sa katawan at higit sa lahat ay
matutong mag budget ng pera.

Huwag masanay sa kaisipan na may darating na pera
kaya pwedeng umutang na uli. Kahit ano bilhin na lang
kasi may pera naman, hanggang sa huli wala na namang
natira na pambayad sa utang at hindi na naman
nabawasan ang ating mga bayarin.

“Iwasan na ang pag-iisip na ang utang ay ang solusyon,
dahil hindi mo na namamalayan na ikaw ay nababaon.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sinu-sino ang mga pinagkakautangan mo?
  • Anu-ano ang mga resources mo para mabayaran ito?
  • Kailan ang target mo para maging utang free ka?

—————————————————————————–

Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

The post SIGE, UTANG PA MORE! appeared first on Chinkee Tan.

PROSPECTING 101

$
0
0

In my years of experience in selling, natutunan ko
rin ang iba’t ibang paraan kung paano mag-close
ng deal.

Pero syempre napagdaanan ko rin ang mga pagkakataon
kung saan nalaman ko kung ano ang mga dapat at hindi
pala dapat gawin when you are selling.

So in this blog, I will share some practical tips on how
to deal with your prospects.

KNOW THE AUDIENCE

Whenever I am invited to conduct a seminar,
inaalam ko rin kung ano ang background ng company
at kung sinu-sino ang mga participants ko.

Imagine, nag-aalok ka ng beef sa isang vegetarian.
Oh ‘di ba? Waste of time yun? Kasi alam mong hindi
naman s’ya ang customer na dapat na kausap mo.

So kahit saan pa man ‘yan, personal encounter or kahit
sa social media, you should always know your target
customers or audience.

Maraming mga FB group din ngayon na nakikita ko,
tulad ng mga pang souvenir ng kasal or any events,
syempre pupuntahan mo yung mga groups na alam
mong nandun ang target mo.

Hindi ka naman pwedeng pumunta sa pet society
kung ang binebenta mo ay mga school supplies.
So ganun din sa mga face to face prospecting.
You should not sell your product, you should

SELL THE SOLUTION

I’m pretty sure, kaya naimbento ang isang bagay
dahil sa mga pangangailangan ng mga tao. Yun
nga lang may iba na hindi sincere sa solution.

Kaya may mga nanloloko. Alam kasi nila na maraming
may gustong yumaman o kaya naman gustong
kumita ng pera agad kaya ito yung front nila.

Pero hindi dapat ito ang maging purpose at goal
natin. As a seller, our purpose is to help and to give
solution and not to take advantage of others.

If we really want to sell the product and to close a
deal, we have to know the pain points of our customers
and offer the solution that we have.

Kung gusto mong i-sell ang bag mo na waterproof,
then bagay na bagay ito sa mga students and
commuters na dinadatnan ng ulan sa daan.

Another thing that you have to remember is

NEVER PUT DOWN YOUR COMPETITION

Huwag na huwag manira ng ibang company o ng
ibang tao para lang sa advantage natin. Kasi kung
ikaw ang customer at marinig mo rin na hindi maganda
ang sinasabi sa iba, ano ang impression sa ‘yo?

Hindi ba parang minus points ito? Kahit sabihin
nating totoo ang sinasabi natin, ang point is hindi
mo mabebenta ang isang product dahil lang sina-
sabi natin ang negative side ng competitors natin.

Kung lumapit ang customer sa inyo at galing s’ya sa
competitors n’yo, that means open pa s’ya for your
suggestions and solutions.

Since nasa harap mo na s’ya, instead na manira ng iba, ask their real problem. Then connect with them
and the best part is we help them solve their dilemma.

At the end, kapag maganda ang connection natin sa ating
mga prospects at naging customers na natin
sila, nakabenta na tayo, natulungan pa natin sila.

“Hindi lang closing the deal ang goal natin sa prospecting,
dapat solution ang ibigay natin para lahat tayo happy sa ending.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

What solutions do you offer?
Who is your target audience?
What are the limitations of your product or service?

THINK. REFLECT. APPLY.

MAKE MILLIONS BY PROSPECTING! Join and learn to BECOME A MASTER PROSPECTOR: How to Earn Your Millions by Prospecting.
Click here to register for only P799.00!
https://lddy.no/987g

�Master the tricks and trade of master prospectors.
�Close a deal in the first meeting.
�Get people hooked and let them order again and again!
�Learn prospecting techniques that work.
�Get more clients and grow your income, business, and life!

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PROSPECTING 101 appeared first on Chinkee Tan.

HI. I’M STRESS

$
0
0

Oh di ba? Parang may bago tayong pangalan?
I’m sure marami sa inyo ang stressed kaya curious
kayong basahin ang blog na ito.

Kahit anong iwas natin, nariyan talaga ang stress.
Hindi naman sila mawawala. Basta-basta na lang
susulpot kung minsan. Surprise!

So how can we handle stress? Paano ba natin ito
haharapin? Paano ba natin ito mapaghahandaan?
These are just some questions na tinatanong ko rin
sa sarili ko. Hahaha!

So these are the things which I actually discover on
handling stress.

JUST BREATHE. DO NOTHING.

Huh Chinkee? Do nothing? Hihinga lang ako then wala
na yung stress?

I know it sounds cliche to say just breathe. Hindi ko
naman sinasabi na mawawala ang problema or ang
stressor kapag huminga lang tayo. Naku how I wish!

Pero we need to take a deep breathe because it calms
our brain. At kapag kalmado na ang ating isipan, mas
makakapag-isip tayo nang maayos at makagagawa
nang mas mabuting desisyon.

We don’t want to be sorry dahil sa mga ginawa natin at
maling desisyon natin. Hindi naman pwede na bigla
na lang natin babawiin ang ating mga nagawa na.

And also try to find a time where you do nothing. As in
FREE from gadgets and work. Relax lang muna para
makapagpahinga rin ang ating isipan.

Another thing that we have to do is to

WATCH OUR DIET AND HOURS OF SLEEP

Okay alam kong kahit gusto n’yong matulog nang matagal
eh parang imposible na. Parang halos 5 oras lang ang
tulog araw-araw o kaya naman laging puyat.

So gawan talaga natin ng paraan. Talaga bang kailangan
umabot ng madaling araw bago ka makapag-isip ng
mga gagawin mo? O kaya naman matapos ito agad?

Baka may mga nakadi-disturb sa production mo.
Instead na work related ang gagawin mo ay nanonood
ka ng YouTube o kaya nagba-browse ng account.

So kung ganito, eliminate natin yung mga unnecessary
activities. We also need to lessen our caffeine intake.
Makababawas ito ng kaba at tension sa ating katawan.

Let’s start to eat more vegetables and fruits to help our
blood circulate and also drink plenty of water. Alam
naman natin ang mga ito. We just have to be reminded.

We should also have to find time to

TRAIN OUR BRAIN AND EXERCISE

“Huh? Train daw yung brain? Paano yun?”

There are also activities or board games that will help
our memory. Nandyan din ang Yoga para naman mas
maging kalmado tayo at ang ating isipan.

Kung sa tingin mo wala kang oras para gawin ito o
kaya naman gastos pa para sa sessions, pwede
namang makinig lang tayo ng jazz or calming music.

Habang natutulog tayo o kaya kapag wala tayong
ginagawa. Kahit isang oras lang na meditation
just to feel our body, our breath and the nature.

We have to find time to take care of ourselves. We
owe this to our body. Ayaw naman nating magkasakit
o kaya maging mahina ang ating pangangatawan.

Kaya dapat alagaan natin ang ating isipan at
maghanap ng oras para sa ating sarili. Hindi lamang
ito para sa atin kundi para sa mga taong mahal natin.

“Kailangan nating matutunang i-handle ang stress
para maging maayos ang ating isipan at hindi ma-depress.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga ginagawa ninyo upang maturuan ang inyong anak?
  • Paano n’yo sila tinuturuan ng tamang pag-uugali?
  • Sinu-sino ang maaaring tumulong sa inyo upang maturuan at mapalaki nang tama ang inyong mga anak?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post HI. I’M STRESS appeared first on Chinkee Tan.

NAK, ITO ANG TOTOO

$
0
0

Naalala ko noon. May nakasakay akong mga college
students. Magboyfriend-girlfriend sila, baka isipin
n’yo tsismoso ako. Lol!

Nagkataon lang na katabi ko sila kaya narinig ko
ang linya ng lalaki.

Lalaki: Labas tayo mamaya. Binigyan na ako ng
allowance ni mommy.

Boom!

Napaisip ako bigla eh. Alam kaya ng mommy n’ya na
kasama sa allowance pati ang pag date nila? Haha!
Pag nagkataon pala, doble ang allowance ng lalaki.

And I realized,

BALEWALA PA SA KANILA ANG PERA

Sigurado naman ako na marami rin sa inyo ang dumaan
sa ganung sitwasyon lalo na kapag nanliligaw. Magbibigay
ng regalo buwan-buwan, tapos susunduin at ihahatid pa.

Kung iisipin, kapag estudyante pa hindi naman talaga
galing sa manliligaw ang regalo n’ya dahil allowance
yun na binigay ng kanyang mga magulang.

So I think magandang parenting tips na rin na turuan
at pag-usapan ang tungkol sa pera. Para mas maging
masinop ang ating mga anak at mapahalagahan ito.

Hindi lang naman pera o yaman ang ating ipamamana
sa kanila kundi pati ang nararapat na kaalaman sa
paghawak ng pera upang hindi ito masayang.

Kahit anong paghihirap natin sa pagtatrabaho ngayon
para sa future ng ating mga anak, kailangan pa rin ay
alam nila kung paano at kung saan ito gagamitin.

Lalo na kung sila rin ay bubuo ng pamilya kaya

DAPAT MAG-IPON NANG MAAGA

“Mayaman naman mga magulang ko.”
“Nandyan naman sila mama at papa. ‘Di nila ako pababayaan.”
“Kahit ano naman pwede kong bilhin.”

Ok. Gusto ko lang ipaalala na hindi unlimited ang pera
natin. Nauubos din ito kaya kailangan mayroon tayong
good source of income na tuloy-tuloy.

Mahirap din kasi na palakihin natin ang ating mga
anak na sunod sa layaw o kaya naman ay sobrang
dependent sa atin. Kailangan kilala nila ang sarili nila.

They have to build and make their own identity. Hindi
lang “anak” natin ang tingin sa kanila ng ibang mga
tao. Kaya turuan natin silang bumuo ng pangarap.

We can teach and guide them to be successful in life
by letting them experience real life challenges. Hindi
naman natin sila pababayaan, pero hindi lang spoiled.

Para kapag nahanap na nila ang one great love nila,

OPEN SILA NA PAG-USAPAN ANG MONEY MATTERS

Dahil ito ang nakita nila at ito ang kinalakihan nila.
Para sa kanila, it’s not a taboo to discuss money
kahit nasa engagement period pa lang.

Kahit nga single pa nga lang eh. They already have to
plan for their future. Kahit hindi naman pamilya agad,
basta alam nila kung paano magpalago ng sarili.

Hindi lamang pera ang mahalagang pinapalago natin.
We also have to invest in ourselves. If we want to have
a healthy marriage, we also have be a healthy individual.

Sa panahon ngayon, napakadali na lang siguro manligaw
o kaya magkagustuhan. Pero kailangan ay talagang
magkakilala nang husto ang dalawang tao.

Mahalaga ito upang hindi na lang magkagulatan kapag
kasal na at magsisihan sa huli. Kaya habang nasa puder
pa natin ang ating mga anak ay turuan natin sila to
make right and good decisions.

“Hindi man tayo ang pipili ng kanilang mapapakasalan,
panatag ang loob nating alam nila ang tamang daan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pinagdaanan n’yo na ayaw n’yong mapagdaanan ng inyong anak?
  • Paano ninyo tinuturuan ang inyong anak tungkol sa buhay?
  • Sinu-sino ang mga taong tumutulong sa inyo para magabayan nang maayos ang inyong anak?

———————————————————

You and your spouse can have a stress-free marriage where it concerns money. Learn ways you can build your marriage that will allow you to trust each other enough with your combined income. Buy this book for P190+100 SF and I will give you another one of my newest book “My Utang Diary” for FREE!

Grab your copies now! Click here: http://bit.ly/2lAEjLs

Bulk/ Reseller package also available here: http://bit.ly/2k29PBx

20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

Promo is until October 19, 2019

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post NAK, ITO ANG TOTOO appeared first on Chinkee Tan.

PRITONG ISDA

$
0
0

Kahit napakasarap na ulam nito, sa blog na ito ay
hindi naman talaga tungkol sa pagkain.

Oo alam ko na kakaiba ang title ng blog ko ngayon.
Ipipilit ko lang talaga ang dalawang main points ko
ngayon: Pride at Selfishness

Sa kahit na anong relasyon, kapag present itong
dalawang ito, panigurado katapusan na ng
relationship. Ito kasi ay talagang nakasisira.

Kailan ba natin masasabi na nagiging selfish na tayo
at kinakain na tayo ng pride?

YOU THINK THAT YOU’RE ALWAYS RIGHT

Not left… haha!

“Sabi ko naman sa ‘yo eh. Tama ako.”
“Alam ko ito. I don’t need your suggestions.”
“Bakit mo kasi ginawa? Hindi mo man lang sinabi sa ‘kin.”

Kapag nakaririnig tayo ng mga ganitong salita, alam
na natin na tapos na ang usapan. Mahirap nang
makipag-usap dahil sarado na ang isip.

Subukan man natin ay para bang wala ng point ang
sasabihin natin. Kaya nagkakaroon ng gap.
Kasi yung isa galit, yung isa ayaw nang mag-raise up.

Kahit alam nating tama tayo at mas alam natin ang
isang bagay, kailangan ay piliin pa rin natin ang ating
mga sasabihin sa ibang tao upang ‘di tayo makasakit.

Ayaw din nating tayo ay layuan ng mga tao o kaya
naman ay pagsabihan din nila ng hindi maganda kapag
tayo ay nagkakamali.

Another sign ay

YOU’RE TOO COMPETITIVE

Napipikon ka kapag narealize mo na tama ang asawa mo.
Naiinis ka kapag alam mong mas magaling ka sa
kasamahan mo sa work pero sa kanya binigay ang project.
Hindi ka makatulog kaiisip para maungusan mo ang
kapitbahay n’yo.

These are just a few examples. Kung titingnan natin,
napaka-childish nga rin. Hindi naman dapat ikainis pero
kinaiinisan, to the point na nasisira na ang relasyon
natin sa mga taong nakapaligid sa atin.

Masyadong nagiging ma-pride na at ang gusto na lang
halos natin ay makahanap tayo ng ikababagsak nila
para makitang mas magaling tayo.

Pero kung ganito tayo mag-isip at kung ito lagi ang
paiiralin natin na damdamin, siguradong bawat araw
ay napakabigat ng ating pakiramdam.

Halos ayaw nating makitang masaya o nagtatagumpay
ang ibang mga tao sa paligid natin kasi pag ganito,
iniisip agad natin na failure tayo o less important.

So at the end, we feel sad. And another sign is

YOU DON’T APOLOGIZE

Sa tingin mo ikaw naman talaga ang tama pero
ikaw pa rin ang hihingi ng tawad kasi alam mong mas
magiging maganda ang paningin sa ’yo kung gagawin
mo ito.

So at the end, hindi ka naman talaga nag-sorry kahit alam
mong may mali ka rin, pero nag-sorry ka for the sake of
saying sorry.

“Oh nag-sorry na ako ah.”

Naniniwala ako na sa mga tampuhan at ‘di pagkakaunawaan,
laging dalawang party ang may pagkukulang. Maaaring
ang isa ay mas mabigat sa isa, pero sa dulo, parehong
may pagkakamali rin o pagkukulang.

Kailangan kasi ay makita natin na mayroon tayong dapat
i-improve sa sarili natin. Kung hindi natin ito iisipin, lagi
tayong magmamataas at sa huli baka sa sobrang taas na
natin ay tayo na lang ang nasa tuktok at iniiwan na tayo
ng mga tao sa paligid natin.

“Kaya huwag nating hayaan makain tayo ng pagiging makasarili.
Kailangan mahalin din natin ang iba at hindi lamang ang ating sarili.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano natin tinatanggap ang ating mga pagkakamali?
  • Ano ang pinakamahalagang sangkap ng isang matibay na relasyon?
  • Sino ang taong hiningian mo ng tawad at bakit?

——————————————————————————-

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PRITONG ISDA appeared first on Chinkee Tan.

“I CAN NOW BE UTANG-FREE!”

$
0
0

Gusto n’yo na bang maging utang-free sa puntong ito?
Napapagod na ba kayo sa paulit-ulit na cycle ng utang?
O baka naman ang tagal n’yo nang naghahanap
kung ano nga ba ang mainam na gawin
para mawalan na ng utang now na!

Pero sabi nga nila, nothing comes easy.
Lahat ng bagay o pangarap na gustong makuha ay pinaghihirapan.
Katulad rin kung paano maging utang-free ngayon.
Here are the three effective ways para maipagsigawan nating,
“I CAN NOW BE UTANG-FREE!!!”

LET’S IMPROVE OUR WAY OF SPENDING

There’s nothing wrong in rewarding ourselves
with things we crave (food), we desire (material things),
we take pleasure in (travels and goals), and other things we enjoy.
We all have the freedom to buy what we want.
Ang mali lang ay ang paggastos nang ating inutang para dito.

Isipin natin, mangungutang tayo para lang sa luho.
Hindi ba nakadaragdag lang ito ng sakit sa ulo?
Kinabukasan, mag-iisip na tayo kung paano na babayaran
kasi ang sweldo natin ay kulang na kulang.
Let’s make it a point na ang napag-gagastusan natin
ay may tamang purpose at ang panggagastos ay hindi galing sa utang.

LET’S KEEP TRACK OF OUR EXPENSES

That’s why we need to keep track of our expenses.
Hindi tumitigil sa pag-ba-budget ang pagmo-monitor natin.
We also need to know ang actual nating nagagastos –
sa grocery, sa pag-sho-shopping, sa bills sa bahay at miscellaneous.
Kung maaari ay magkaroon tayo ng notebook para dito.

Mas madali kung na-ta-track natin ang ating pinaggagastusan.
So we can also compare in actual
ang ating budget at expenses kung kasya pa nga ba.
Sa umpisa ma’y mahirap, pero later on makikita natin
ang bunga nang ating pagiging diligent sa ating finances.

BAYARAN ANG UTANG, HUWAG TAKBUHAN!

At higit sa lahat, kung tayo ay umutang.
‘Wag naman sana nating takbuhan
dahil lang sa wala o kulang ang ating pambayad.
The more we run from our debts, the more it will haunt us.
Hindi tayo patutulugin ng ating konsensya, ng ating pinagkakautangan,
at ang worse pa ay mapanaginipan. Naku! Malabo tayong magka-peace
of mind kung ganito.

Kahit paunti-unti man sa maliit na halaga,
pagsumikapan nating bayaran ang ating mga utang.
Sa pagiging dedikado nating magbayad,
wala na pala tayong utang at pati ang interes ay bayad na!
This will only happen if we will face our debts
and pay it with commitment and courage.
Looking ahead na magiging utang-free na tayo!

“Ang isa sa mga sikreto ng pag-unlad ng ating buhay ay ang pagbabayad ng utang upang wala tayong maagrabyadong kapwa.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Imposible na ba para sa ‘yo na mabayaran ang mga utang mo?
  • How can you apply these tips today para wala rin tayong naaagrabyadong tao?
  • Can you share this to someone you know na pareho rin ang struggle when it come to utang?

—————————————————————————————————————

Introducing my latest book: “MY UTANG-FREE DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee.
Click here now: http://bit.ly/2kifovQ

And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!

**Bulk/ Reseller package also available. Promo is only until October 6, 2019**

20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

The post “I CAN NOW BE UTANG-FREE!” appeared first on Chinkee Tan.

SETTING UP YOUR PRIORITIES

$
0
0

Kung marami na kayong nabasang blogs ko, I’m sure
madalas n’yo na ring nababasa ang salitang priorities.
Gaano nga ba kahalaga na malaman natin ang ating
sariling priorities?

Naranasan n’yo na ba yung pumunta sa palengke o
kaya naman sa grocery at wala kayong dalang listahan?
Kapag uwi n’yo, dun n’yo lang maaalala na hindi n’yo
pala nabili ang item na ito?

O kaya naman yung taon-taon na ginagawa natin, yung
mamimili tayo ng pangregalo sa mga kaibigan natin o
kaya naman sa inaanak o kamag-anak, tapos hindi
natin nailista.

Naku stress! Kasi kailangan pa nating mag-rush ng
pangregalo sa mga ito.

Kaya kailangan alam natin ang ating mga priorities.
Unang-una, we have to

MAKE A LIST OF PRIORITIES

Ang lahat ng mahahalagang bahagi ng buhay natin ay
kailangan pinaghahandaan. Tulad na lamang ng
kasal, panganganak, pag-aaral, negosyo…

Lahat ng mga ito ay dapat may tamang paghahanda.
Hindi lamang tamang panahon ang ating kailangan
na antayin. Kundi kailangan natin alamin ang mga
kakailanganin natin.

Kaya mahalagang gumawa ng listahan ng mga gagawin
o paghahanda bago tayo tumalon sa panibagong bahagi
ng ating buhay.

O kaya naman gumawa ng listahan ng mga dapat bilhin
upang hindi sayang ang ating panahon, oras at pati na
rin ang pera na ilalabas natin.

Ganun din kapag may mga events o meetings o deadlines.
Mas maganda na mailista natin o maplano natin ang mga
gagawin natin upang wala tayong makaligtaan.

After that, we have to

KNOW WHAT IS URGENT VS. IMPORTANT

“Ano naman yun, Chinkee?”

So kung urgent, ito yung mga kailangan nang gawin agad
o kaya naman kailangan nang matapos o mahanapan
ng solusyon. Hindi kasi lahat ng importante ay urgent.

Tulad ng birthday ng asawa mo. May isang taon para
paghandaan ito uli. Importante ito pero hindi naman
urgent kasi may time para magplano pa.

Ang urgent ay halimbawa, may importante kang client
na nasa telephone, so yun ang urgent. Kailangan na
kausapin agad. O kaya naman may technical problem
sa company, yun din kailangan ng urgency.

So kailangan alam natin sa ating listahan kung ano ang
urgent dahil ito dapat ang kailangan nating unahin o
magawan ng paraan at solusyon.
Maliban sa alam natin na urgent ito, kailangan din alam
natin kung tayo lang ba ang makagagawa nito o may
mapapasahan tayo nito para ma-address ito agad. Kung
wala, kailangan tayo na mismo ang tumingin dito.

Kaya dapat we

SET OUR SCHEDULE

Baka nakapangako ka sa anak mo na ilalabas mo s’ya
then biglang may emergency sa work. So ano ang
urgent dito?

Minsan, hindi naman maiiwasan na maipit tayo sa mga
ganitong sitwasyon. Kaya dapat respetuhin natin ang
oras ng ibang tao.

Kailangan din na planuhin natin nang maayos ang
ating schedule dahil maaapektuhan din natin ang
sarili nilang schedule. And bad impression ito kung
lagi na lang cancelled or late tayo.

Asawa, anak, kaibigan, trabaho o negosyo man ito, lahat
ng mga ito ay mahalaga ang it’s just a matter of setting up
our priorities para hindi magkaroon ng conflict.

Masakit din kasi na maramdaman ng iba na less important
sila para sa atin. At tayo rin naman ayaw din nating
masayang ang ating oras.

Practice to always set and know your priorities in life,
Because it’s a good way to have a better life.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga priorities mo sa buhay?
  • Paano mo ginagamit nang maayos ang oras mo?
  • Gaano kahalaga na matugunan at magampanan mo nang tama ang mga kailangan mong gawin sa isang araw?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post SETTING UP YOUR PRIORITIES appeared first on Chinkee Tan.


ANG PITAKANG WALANG LAMAN…BOW!

$
0
0

Bakit nga ba mabilis maubos ang laman ng pitaka natin?

HUGOT NANG HUGOT TAPOS GASTOS NANG GASTOS

Yung feeling natin ang yaman ng ating pitaka.
Yung hindi nauubusan ng funds
kaya kahit na anong bilhin ay pwede.
Basta may mahuhugot, gastos lang nang gastos ang motto.
Naku! Lalo pa kung mabaryahan ang limang daan o isang libo.

Madalas ito ang isa sa mga habit na dapat ay palitan na natin.
Sabihin man ng iba na “we work hard, so why not reward ourselves?”
kung sapat lang naman ang ating natatanggap na sweldo.
Minsan, mas napadadalas pa ang pag-reward sa sarili
kaysa sa pagtitiyaga, kumita lang ng pera.
We can reward ourselves, but make sure na may ipon na tayo.

WALANG BUDGETING NA NAGAGANAP

Ang pitakang palaging walang laman ay sign rin na hindi tayo nagba-budget.
Dahil sa madalas tayong humugot at gumastos,
nawawalang bahala na natin ang pagdidisiplina patungkol sa pera.
Masakit man isipin, pero ang hindi pagba-budget
ay nangangahulugan din ng isang pagiging pabaya.

Napababayaan na ang mga bayarin, kautangan, at sarili.
The more na ipagsawawalang bahala natin ang pagba-budget
ay the more chances na palaging abandonado ang ating pitaka.
Huwag nating alisin sa ating sistema ang budgeting.
Poor or no budgeting only leads to poverty.

HUWAG PADALOS-DALOS

Tested and proven na maraming nagsisisi pagkatapos gumastos
nang wala sa plano, wala sa budget, wala sa lugar.
One of the worst decisions to make is to buy impulsively.
Kaya para maiwasan ang magsisi sa huli,
mag-isip ng ilang beses kung kinakailangan.
Tanungin ang sarili bago bumili, tulad ng…

“Kailangan ko ba ito ngayon?”
“Anong purpose at bibilhin ko ito?”
“Napaglaanan ko ba ng budget?”
“Hindi na ba talaga pwedeng ipagpaliban?”

Sa madalas na paggastos natin nang padalos-dalos,
hindi rin nakapagtataka na almost everyday
ay wala ng laman ang ating mga pitaka.
Kaya bago pa maubos ang pera this week,
magplano, mag-budget at disiplinahin ang sarili
nang sa gayon ay hindi natin magagawang mag-excuse kay Boss…

Kung minsan, yung wallet natin parang ganito,
Me: “Boss hindi po ako makakapasok.”
Also me: “Masama po kasi ang pakiramdam ng pitaka ko, wala na pong laman.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Magkano ang nagagastos mo sa isang araw?
  • Madalas ka bang nauubusan ng budget?
  • Ano ang pwede mong gawin upang hindi maubusan ang laman ng pitaka mo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post ANG PITAKANG WALANG LAMAN…BOW! appeared first on Chinkee Tan.

DO YOU FEEL LIKE QUITTING?

$
0
0

Minsan parang mas madali na umayaw na lang. Para
kasing ang hirap-hirap abutin ang mga pangarap natin.
Sa iba, bakit ang dali-dali nilang nakukuha ang lahat?

Minsan bang naramdaman ninyo ito? O kaya tinatanong
kung bakit ganito, bakit ganyan? Tapos ang pakiramdam
na lang natin ay malungkot o kaya tulala na lang?

Let me give you some practical ways to overcome these
negative feelings and help you become more productive
in these kind of situations and uncertainty.

Ready ka na ba? Haha!

TAKE ONE PROBLEM AT A TIME

“Naku bayaran na naman ng kuryente.”
“Kailangan nang operahan si nanay.”
“Maghihiwalay na kami. ‘Di ko na kaya.”

Imagine kung lahat sabay-sabay at lahat talaga ay hahanapan
natin ng solusyon, chances are magpa-panic tayo. At pag
nag-panic na tayo, mas stressed kaya hindi na maka-decide
nang maayos.

“So anong gagawin Chinkee? Pabayaan na lang namin
ang problema?
“Di ba talaga namang kailangan hanapan ng solusyon
ang mga ito?”

Yes! Tama! Kailangan hanapan ng solusyon at pag-isipan
nang husto. Pero kailangan ay kumalma tayo para mas
makapagdesisyon tayo na naaayon sa problema.

Alam kong nakaka-panic talaga ang sunod-sunod na
problema. Kaya unahin dapat natin ang mas malaking
problema hanggang sa pinakamaliit na problema.

Alin ba sa mga ito ang kailangan ngayon na masolusyunan?
Alin ba sa mga ito na dapat ikaw ang magdesisyon at
walang iba na pwedeng mapasahan nito?

Kapag na-assess na natin, then saka natin isa-isahin ang
paghahanap ng solusyon at paggawa ng mga desisyon.
We need to focus on the solution.

Then we also need to

CHECK OUR STANDARDS

Ok alam kong walang masama sa standards. Hindi rin
mali na maglagay tayo ng mataas na standards. Pero
minsan, we also have to reevaluate the circumstances.

Makikipaghiwalay ka kasi hindi magkatugma yung
oras ninyo sa isa’t isa.

Ayaw mong magpacheck-up kasi gusto mo sa private
hospital ka pumunta.

Wala ka na namang pambayad sa kuryente kasi yung
pambayad mo ay pinangbayad mo sa ticket ng isang
concert.

Let’s face it, lahat ng problema ay may solusyon. Lahat
din ng problema ay may pinagmulan, kaya kailangan
ay alamin natin ang ugat ng problema. Maliban sa
mahanapan natin ito ng solusyon, kailangan din ay
maalis natin ang pinaka ugat ng problema.

Mula doon, we need to

LEARN FROM OUR MISTAKES AND EVEN FROM OTHER’S MISTAKES

Lagi kong sinasabi, kaya ako gumagawa ng mga blogs,
libro, online courses ay hindi para lang sa ikinabubuhay
ng pamilya ko, kundi para maibahagi ko rin ang aking
mga sariling karanasan sa iba.

Tulad ng mga karanasan at pagkakamali ko upang maging gabay
at aral sa iba, sa inyo. At gayun din kayo, umaasa rin ako
na makapagbahagi rin kayo ng mga battles na napagtagumpayan
ninyo para makatulong rin sa iba.

Paano ninyo hinarap ang sarili ninyong battles at ano ang
nangyari? Natalo ba o nanalo? Ganun kasi talaga sa
buhay. Hindi tayo laging nananalo, kadalasan ay kailangan pa
rin nating mag-grow at matuto.

I remember a friend of mine, nag-comment sa dami ng thesis
na ginagawa ng mga students taon-taon, bakit marami pa
rin ang problema sa mundo?

You see. Parte kasi ng buhay ng tao iyon. Mayroon at
mayroong problema na susulpot sa buhay natin. Kailangan
lamang ay hindi tayo panghinaan ng loob. Huwag tayong
sumuko at mas lalong huwag nating sukuan ang buhay
natin.

“Quitting is an option. Doing nothing is never a solution.
But doing something better is the solution.
So don’t just quit without having a better solution.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga hinaharap mong pagsubok ngayon?
  • Paano mo pinapalakas ang iyong sarili na harapin ang mga ito?
  • Sinu-sino ang mga taong maaari mong hingan ng payo?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post DO YOU FEEL LIKE QUITTING? appeared first on Chinkee Tan.

KAYA PALA!

$
0
0

Alam mo ba na may mga kailangan tayong iwasan
upang tayo ay hindi matulad sa kanila? Ito ang ilan sa
mga pag-uugali na alam nating hindi maganda ang
maidudulot sa ating buhay.

Maaaring alam natin ngunit minsan ay kailangan
tayo paalalahanan para magising at magkaroon ng
bagong pananaw sa buhay.

Dahil kung hindi natin ito mababago at mapagpatuloy
natin ang pakikisama sa mga ganitong tao, naku
siguradong mahahawa tayo o makukuha natin ang
negativity. Kaya simulan natin ito.

Iwasan ang mga taong may

NEGATIVE HABITS

Ito yung mga taong mahilig mag procrastinate o magsabi
na mamaya na lang. “Matagal pa naman ang deadline
n’yan”. O kaya naman ay: “Bukas na lang, may lakad
lang ako.”

Kung lagi nating nakakasama ang mga ganitong tao,
hindi maiiwasan na maging katulad natin sila dahil
nawawalan na rin tayo ng drive na gawin ang mga
kailangan nating gawin.

Kaya kung mapapansin natin na nagiging katulad na natin
sila, simulan nating bumalik sa goal natin. Tulungan din
natin sila na magkaroon ng goal sa buhay.

Hindi lamang tayo makakaiwas sa cramming, mababawasan
din natin ang stress na maaaring maidulot nito sa trabaho
o kaya naman sa group work.

Pumili ng mga taong may magandang habits sa buhay at
hindi puro masarap ang alam na gawin, dahil sa huli
mare-realize na lang natin na wala na rin tayong narating
katulad nila.

Isa rin sa kailangan nating iwasan ay ang mga taong may

NEGATIVE ENERGY

Ito yung mga taong puro reklamo na lang ang bukambibig.
Yung tipong pagkatapos natin silang kausap ay ang bigat-
bigat ng pakiramdam dahil yung energy natin ay parang
nahigop na rin nila.

Ito yung mga taong maaaring nalugi, nagkamali o nasaktan
kaya naman para sa kanila hindi rin magagawa ng ibang
tao ang kanilang sinubukan.

Pakiramdam nila ay alam na alam na nila ang mga nangyari
at hindi na ito mababago. Kaya puro discouragement
ang ating maririnig na salita sa kanila.

Sa umaga pa lang pag nakita na natin, parang puno na
ng problema ang buhay nila at hindi rin marunong ngumiti.
Kaya subukan na lamang natin silang batiin.

Baka kailangan lang din ng konting positive vibes sa
kanila. Pero kung nababaliktad na at tayo na ang nagiging
katulad nila, kailangan lagi nating protektahan ang ating
isipan para maging maayos din ang ating araw.
Higit sa lahat, iwasan ang mga taong may

NEGATIVE CHARACTER

Ito yung mga taong nag-cheat, walang integrity, no loyalty
in short, hindi natin maasahan ang ganitong tao dahil
alam nating hindi rin sila makatutulong sa atin.

Maaga pa lang iwasan na natin ang mga ito dahil sila
ang mga taong mahilig mangako ngunit hindi rin nila
natutupad dahil nasanay na silang gumawa na lang ng
excuses sa ibang mga tao.

Huwag na tayong magpabiktima sa ibang mga tao dahil
hindi lamang sarili natin ang maaapektuhan kapag
makatulad natin sila kundi pati na rin ang iyong pamilya.

Maliban dito, iba ang pananaw nila sa pera. Hindi nag-iipon,
hindi nagba-badyet, maraming utang, hindi alam kung
paano hawakan ang pera, kaya sa huli, walang pera.

Kung may kilala kang ganito o kung ikaw ito, ito na ang
unang hakbang para masimulan mo ang pagbabago sa
iyong sarili at makaalis sa kahirapan.

“Hindi ibig sabihin na pinanganak kang mahirap
ay habang buhay ka na lang magiging mahirap;
Kailangan lamang ay simulan mong kumilos
at iwasan ang mga ‘di nararapat na ugali at kilos.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

Anu-ano ang mga gawain na alam mong dapat mong baguhin?
Paano mo nababago ang negative energy na nakukuha mo?
Sinu-sino ang mga taong mabuti ang impluwensya sa iyo?

——————————————————————

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

For Online Course only at 799 click here: Click here: https://lddy.no/8wsq

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post KAYA PALA! appeared first on Chinkee Tan.

HEALTHY HABITS

$
0
0

Sa nakaraang blog ko, I discussed different
negative characteristics or behavior that we need
to avoid or change.

This time, I will be sharing good and healthy habits
that we need to know and practice. Ito yung dapat
ginagawa natin palagi para tayo ay maging successful.

We need to practice these every day and teach these
to our kids para sa future, hindi lang pera ang
maipamamana natin sa kanila kundi pati ang good habits.

So here they are:

SETS GOALS AND FOLLOWS PLANS

“Kakain na ako lagi ng prutas at gulay.”
“I will review before the exam or quiz.”
“At the end of the year, may pang Christmas tour kami.”

Dapat alam kung saan tayo patungo. Imagine kung
babyahe tayo at wala tayong direction o pupuntahan,
‘di ba parang bahala na lang ang byahe natin?

Mahirap pag ganun. So kailangan may target tayo.
Then after that, we should set the plan kung paano
natin mahi-hit ang ating goal sa buhay.

Kailangan din na sinusunod natin ang ating plans.
Kasi kaliwa’t kanan ang mga tukso. Kaya minsan
nawawala tayo sa tamang path natin.

So let’s check kung nasa track pa rin tayo para
hindi nawawala yung purpose kung bakit tayo gumawa
ng goal para sa atin in the first place.

We have to

FOCUS ON SAVINGS AND AVOID BAD DEBT

“I will save 50% of my savings every month.”
“I won’t go beyond the budget.”
“Hindi ako uutang nang wala lang.”

Then dumating na ang sweldo tapos may big big sale
online! O eh ‘di paano na? Kung gusto natin ng good
habit, kailangan focus tayo sa 50% na savings plan.

Hindi tayo dapat gagawa ng excuse para sa sarili natin
o kaya naman ay parang makikipag-deal pa tayo sa
sarili natin na sige next month na lang ung start
ko ng 50% savings.

O kaya naman ay iuutang na lang natin para lang
mabili, then kalalabasan ganu’n din. Babayaran din
naman natin ito sa susunod na buwan. Is it good
debt or bad debt?

Bad debt ay kung uutangin natin na hindi naman
tayo kikita in return. Good debt ay yung utang para
naman magbenta na maaaring mag-generate ng income.

Kailangan marunong din tayo maghanap ng ibang
paraan para kumita at para magkaroon ng

EMERGENCY AND RETIREMENT FUNDS

Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa
mga susunod na buwan kaya mahalaga na may emergency
fund para may mahugot tayo kapag kinailangan.

Ang emergency fund ay at least katumbas ng 3-6 months
ng iyong sweldo. Kung may ganito tayong halaga na ipon,
hindi tayo mangangamba at maaari tayo makapagsimula
muli kung anuman ang mangyari.

Ang retirement fund naman ay kailangan din nating
paghandaan para kapag magretiro na tayo ay may
panggastos tayo sa ating mga pangangailangan.

Maliban pa dito hindi tayo magiging pabigat sa ating mga
anak o kaya sa ibang kamag-anak natin. May mga sarili
rin silang buhay at problema na kailangan harapin.

Kaya hindi naman tayo dapat palaging umasa sa ibang
mga tao dahil habang malakas pa tayo ay kailangan na
nating ayusin at planuhin ang ating future.

“Simulan na natin ang healthy habits
para maging successful at zero ang debt.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga goals mo ngayon?
  • Paano mo nasusunod ang iyong plans?
  • Kailan mo gusto magretiro?

—————————————————————————–

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing.
Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. 

Register Now for only 799!
Click here https://lddy.no/8vaq

-Watch it ANYTIME, ANYWHERE.
-Watch it over and over again.

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post HEALTHY HABITS appeared first on Chinkee Tan.

THE ENGAGEMENT

$
0
0

Many couples have asked me kung kailan ba ang
tamang panahon na pag-usapan ang tungkol sa
pera? Kailangan nga ba talaga ito pag-usapan talaga?

I keep on saying that prevention is better than cure.
Kaya mabuti na habang wala pa ang problema ay
mapag-usapan na o masama na rin ito sa plano.

Best time to discuss money matters sa relationship ay
during the engagement. Actually the moment na gumagawa
na kayo ng plans, isama na rin ang tungkol sa pera.

Bakit? Kasi you have to know if you

SHARE COMMON VISION

“Gusto ko mag-travel all around the world.”
“Gusto ko magkaroon tayo ng sarili nating bahay.”
“Gusto ko every month may date tayo.”

Kung titingnan naman hindi literal na tungkol sa pera
ang bawat gusto natin, pero malaking factor na may
pera sa bawat isa dito.

Hindi naman kayo pwedeng mag-travel around the
world kung puro utang ang gagawin ‘di ba? So kailangan
may nakalaang badyet para dito.

Kailangan may goal kayo para gawing posible ang
bawat pangarap ninyo. Mahirap naman na ikaw gusto
mo ng sariling bahay, tapos yung fiance mo, ayaw
iwan ang mga magulang. Package deal pala.

Ganun din yung mga labas at dates ninyo. Syempre
hindi na ito tulad ng dati na nakadepende sa allowance
ninyo ang pang date. This time sariling pera n’yo na
ang kailangan ninyong gamitin.

Kaya dapat you also have to know and

SHARE MONEY VALUES

“Share tayo sa pera natin at sa lahat ng gastusin.”
“Dapat may nakahiwalay na funds para sa magiging baby natin.”
“Ihanda rin natin ang ating retirement funds.”

Mahalaga na pareho kayo ng plano o aware kayo sa
magiging set-up ninyo. Ngayon pa lang pag-usapan
na ninyo. Huwag na kayong mahiya na tanungin ito
sa isa’t isa.

Kung ngayon pa lang ay pag-aawayan ninyo na ito,
baka dapat mas lalong upuan ninyo ito at pag-usapan.
Mahirap kapag kasal na kayo tapos magkakagulatan
na lang sa usaping pinansyal.

Hindi lamang kasal ninyo ang dapat ninyong pag-usapan
kundi ang buong marriage ninyo. Hindi lang motif, design
at pagkain ang pag-iisipan ninyo pareho kundi yung
paraan ninyo kung paano magplano together.

Magandang practice din ito dahil magiging first major
project ninyo together ang inyong kasal. At the same time
mas makikilala rin ninyo ang inyong magiging asawa.

Mahalaga rin that you

SHARE OPEN SOLUTIONS

“Yung hiniram mo na pera dapat by next year, bayad na natin.”
“Dito muna tayo tumira pansamantala, then after three years, lipat na tayo sa sarili nating bahay.”
“May hiniram na pera yung kamag-anak ko. Next month daw babayaran na n’ya.”

You see, you have to be very honest with your partner.
Kasi kung maglilihim lang tayo, then kapag nabuking,
ayun na! Away na ang sunod…

Uulitin ko, prevention is better than cure. Kung may mali
mang money habit ang partner natin, tulungan natin at
bigyan natin ng advise kung ano ang mas makabubuti.

Kung tayo naman ang nagkamali, kailangan ay aminin
natin ito at iwasan na ito. Huwag na nating hayaan pa
na pera ang makasira ng maayos na relasyon natin.

Mahalagang matutunan ito dahil ito rin ang ipapabaon
natin sa ating magiging pamilya. So thinking ahead,
mas paghandaan ang marriage kaysa sa wedding.

“Hindi lang naman isang araw ang pagsasama ninyo,
Dahil habang-buhay ang sumpaan sa taong mahal mo.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang plano ninyo pagkatapos ng inyong kasal?
  • Sino ang mas magaling humawak ng pera sa inyong dalawa?
  • Anu-ano at sinu-sino ang pinagkakautangan ninyo?

————————————————————————-

You and your spouse can have a stress-free marriage where it concerns money. Learn ways you can build your marriage that will allow you to trust each other enough with your combined income. Buy this book for P190+100 SF and I will give you another one of my newest book “My Utang Diary” for FREE!

Grab your copies now! Click here: https://lddy.no/bjpr

**Bulk/ Reseller package also available here: https://lddy.no/bjps **

20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600

Promo is until October 19, 2019

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE ENGAGEMENT appeared first on Chinkee Tan.

EXPECTATIONS

$
0
0

Naranasan n’yo na ba na mag-travel at pag dating
ninyo, iba yung ini-expect n’yo sa totoong hitsura
ng inyong pinuntahan?

Naranasan n’yo na rin ba na ikumpara ang sweldo
ninyo sa mga sweldo rin ng ibang kasamahan n’yo
sa trabaho o kaya naman sa mga kaibigan n’yo?

At ginagawa n’yo rin ba na balikan ang inyong
nakaraan at tingnan kung saan na ang iyong narating
at kung paano ka nakarating doon?

Ilan lamang ito sa mga kailangan nating pag-isipan
dahil lahat ng ito ay nagiging dahilan ng pagbuo natin
ng ating mga expectations.

IMAGINATION

“Ang ganda naman n’ya. Grabe parang ‘di tumatanda.”
“Wow ang ganda d’yan. Parang ang sarap ng pagkain.”
“Gusto kong bumili rin n’yan. Ang laki ng pinayat n’ya.”

Most of the time, whenever we imagine things, we also
create expectations. Dito na nagkakaroon ng dilemma
lalo na kapag ang expectation is far different from reality.

Ang nagiging resulta, we become disappointed. Kapag
disappointed tayo, we feel sad. We feel unhappy.
Hindi kasi natin nakita agad ang realidad.

Ang ganda nga ng model sa before and after, pero
ang totoo, pinaganda lang talaga s’ya para sa product
na kailangan nyang i-endorso.

Lalo na rin sa technology ngayon, ang daming apps
and filters para maging maayos ang mga itsura ng
tao o ng mga lugar.

Kaya hindi rin maiwasan that we make

COMPARISON

“Mas mayaman naman kami kaysa sa kanila.”
“Mas malayo naman ang narating ko kaysa sa kanya.”
“Top 1 uli ako. Top 2 lang s’ya.”

You see, our gain is pain to others and the gain of
others is our pain. Parang ayaw natin na nauungusan
tayo. Nalulungkot tayo kapag mas mababa tayo.

Pero kapag tayo naman ang nasa taas, yung ibang
tao naman ang nalulungkot. Parang walang nanalo
at paikot-ikot lang ang mga ito.

At dahil din dito, nalulungkot tayo. We set high
expectations to ourselves instead of being
motivated to do more and to do good.

Mas inuuna pa natin ang ikumpara ang sarili natin
sa iba. So let’s change this kind of practice and
embrace the things that we really have in life.

We should learn from our

PAST EXPERIENCE

Pero huwag nating hayaan na ma-stuck na lang tayo
sa nakaraan. Kung anuman ang narating natin ay
dahil sa mga pagpupursige natin sa buhay.

Pero paalala lang din bilang isang magulang, kailangan
din na ipaalam natin ang realidad sa ating mga anak
at huwag lamang tayo mag-set ng expectations.

Kailangan ding matutunan at malaman ng ating mga
anak na may mga pagsubok sa buhay. Hindi lamang
natin basta-basta ibibigay ang mga gusto nila.

Dapat nilang maunawaan na may proseso kung paano
maging successful sa buhay. Hindi ito basta-basta na
lamang babagsak sa kanilang harapan.

We should teach our kids and even ourselves to think
of reality much more than of setting up expectations
para hindi tayo laging nadi-disappoint at nalulungkot.

“Hindi masama na mag-set ng expectations,
pero dapat makatotohanan para hindi mauwi sa frustrations.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang basehan ng mga expectations mo?
  • Paano mo hinaharap ang dilemma kapag hindi na-meet ng reality ang expectation mo sa isang sitwasyon o sa isang tao?
  • Gaano kahalaga na matutunan ng ating mga anak na mapahalagahan ang realidad ng buhay?

———————————————————————————————————-

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post EXPECTATIONS appeared first on Chinkee Tan.

WHAT IS X?

$
0
0

Oh naalala mo s’ya noh? Nakita mo lang yung “X”
s’ya na agad naisip mo, haha..

O baka naman naalala mo yung exam ninyo
kung saan palaging hinahanap ang “X”. Bata pa lang
ako hinahanap na yang x na ‘yan eh. Ewan ko ba bakit
hindi makita-kita. Lagi na lang hinahanap. Haha!

But kidding aside, ano nga ba ang X sa buhay natin?
May meaning nga ba talaga ito? So naisipan kong
magsulat tungkol dito to learn more about ourselves.

This X could be your

X FACTOR

X is just a letter pero kung titingnan natin ito, it has
intersecting lines that cross with one another and creates
four equally smaller lines.

So kung titingnan din natin, parang buhay din natin ito na
may mga interconnecting areas tulad ng physical, emotional,
spiritual and financial.

Ito yung mga areas na kailangan mabalanse natin para
lumabas ang ating uniqueness o ang ating katangian
na kakaiba kumpara sa ibang mga tao sa paligid natin.

This X factor is something that we can only define. Kasi
iba-iba tayo ng mga pananaw. Mayroon tayong standards
na iba-iba. Kaya sa sarili natin, mahalagang alam natin ito.

It’s not just beauty or talent or fitness or wealth, it’s our
wholeness. Yung kabuuhan natin bilang isang tao ay
mahalagang kilalanin natin at pahalagahan natin.

Dahil ayaw naman natin na ang X ay maging

WRONG

Sino ba naman ang masaya na maraming x sa test ‘di ba?

Ganun din sa mismong buhay natin. Ayaw natin na
magkamali na naman tayo o kaya tayo ang sisihin sa
pagkakamali na nangyari sa buhay ng iba.

Pero kahit anong iwas natin dito, darating at darating
sa punto na tayo ay nagkakamali at kailangan nating
matutunang itama ito o huwag nang maulit ito.

Minsan nga kahit hindi tayo nananalo ang mahalaga ay
tama ang ginawa pa rin natin. Dahil alam natin na
dapat iwasan ang X, dapat iwasan ang mali.

Maling tao, maling gawain, maling paniniwala, maling
akala, maling pag-iisip… at marami pang iba. Habang
tayo ay tumatanda sa mundong ito mas nalalaman
natin kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Dahil ang bawat karanasan at nakikita natin ay tumutulong
sa atin upang unawaing balansihin ang ating pisikal,
emosyonal, espiritwal at pinansyal na aspeto ng buhay.

REPRESENTATION

Sa huli ang X is isang titik na sumisimbolo sa ibang mga
bagay. Maaari rin itong maging number 10, na katumbas
nito. Ganito rin tayong mga tao.

Kung titingnan ako ay isang tao, na may sariling pangalan.
Pero hindi lamang ako si Chinkee Tan na isang writer, o
motivational speaker. Isa rin akong asawa, ama, anak,
kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso hahaha!

At kayo rin, may iba’t ibang ginagampanan din kayo sa
buhay ninyo. Lahat tayo. Pero huwag nating kalimutan
kung sino talaga ang totoong tayo.

People change pero kahit marami man sa atin ang mag-
bago, kailangan pa rin nating panghawakan ang sarili
natin at ingatan ito dahil ito ang sariling identity natin.

Ito ang dahilan kung bakit tayo minamahal at patuloy
na minamahal ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya
huwag kang mapagod alamin kung ano ang X dahil

“Hindi lahat ng X ay patungkol lamang sa ibang bagay o tao,
Minsan nasa sarili natin mismo ito na kailangan natin nang buo.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang bumubuo sa iyong pagkatao?
  • Paano mo binuo ang iyong sarili mula sa pagkawasak?
  • Gaano mo pinapahalagahan ang iyong sarili?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post WHAT IS X? appeared first on Chinkee Tan.


THE SEARCH FOR CONTENTMENT

$
0
0

Masaya ka ba? Masaya ka ba talaga?
Haha kulit noh?
Pero ano nga ba ang nagpapasaya sa atin?

Syempre masaya kung may maganda tayong bahay,
nabibili natin ang mga gusto natin, nakakain natin at
napupuntahan ang mga trip natin.

Pero bakit minsan, parang may kulang pa rin?
Hindi nga ba talaga tayo kuntento o hindi natin alam
kung paano makuntento sa kung ano ang mayroon tayo?

So in this blog, let’s search the ways to make us feel
more contented in life.

CHANGE WITHIN OURSELVES

Madalas gusto natin na ibang tao ang mag-adjust sa
atin. Kailangan magkapalagayan muna ng loob bago
natin matanggap na kailangan natin mag-cope sa
mga pagbabago sa paligid natin.

“Ito ako eh. Nagpapakatotoo lang.”
“Ganito ako. Ito ang totoong ako.”

Okay, I get it. Tama naman talaga na magpakatotoo
tayo sa sarili natin at sa ibang mga tao. Pero paano
kung sa pagpapakatotoo natin ay may mas kailangan
pa pala tayong i-improve?

Paano kung sa pagpipilit natin ng ating totoong ugali ay
magkakaroon lang ng gulo at mas lalala ang mga problema
at ‘di pagkakaintindihan?

Kaya kailangan, marunong tayong lumugar sa totoong
pag-uugali natin. Kung kailangan magbago ay dapat
handa tayong tanggapin ito because people around
us are

GOD’S GIFTS

Sila ang pamilya natin, ang mga kaibigan natin, ang ating
mga kasamahan, mga taong tumulong sa atin kung
paano bumangon at maniwala sa ating mga sarili.

Sila ang mga taong biyaya ng Panginoon sa atin. Kaya
huwag nating hayaang ilayo ang ating mga loob sa
kanila kahit sa kabila ng mga ‘di pagkakaunawaan.

Kailangan matutunan nating pahalagahan ang mga
tao na karapat-dapat pahalagahan. Huwag nating
hayaan mawala sila sa buhay natin bago natin
ma-realize kung gaano sila kaimportante.

Hindi lamang pisikal na bagay ang magpapasaya
sa atin dahil may mga sitwasyon sa buhay natin
na maaaring mawala ang lahat ng mga bagay na
mayroon tayo, at sa huli, sila na lamang ang nanatili
na mayroon tayo sa buhay natin.

Lagi nating ipagpasalamat sa Panginoon na binigay
Niya sa atin ang ating asawa, ang ating anak, ang
ating mga kaibigan, ang ating mga katiwala, o kahit
sinupamang mga tao na laging tumutulong at
sumusuporta sa atin. So never forget to be at

SERVICE TO OTHERS

Huwag din nating ipagkait ang mga pagkakataon na
makasama natin sila at maibigay ang saya na maaari
nating maibalik sa kanila.

Sa kahit na anong paraan, kahit ito ay tulong o trip
lang hahaha basta mahalaga ay genuine ang ating
pagpapahalaga sa mga taong ito.

Hindi natin kailangan ipagdamot ang ating oras o mga
resources sa kanila. Spend quality time with these
great people. Sila ang bahagi ng buhay natin.

Bawat isa sa kanila ay bumuo sa kung sino talaga
tayo at makita ang totoong purpose natin sa mundo.
Maliit man o malaki ang kanilang kontribusyon sa
buhay natin, sila pa rin ang mga taong hindi tayo
tatalikuran at iiwan kahit anong mangyari.

Kaya huwag nating ubusin ang ating panahon
kabibili ng mga bagay na pansamantala ang
saya na mabibigay sa atin, kundi

“Spend time with people we love and always thank God
for He has given us great gifts that will never make us sad.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sinu-sino ang mga taong biyaya ng Panginoon sa iyo?
  • Lagi mo bang ipinapagpasalamat ang mga ito sa Panginoon?
  • Paano ka nagiging biyaya para sa ibang mga tao?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE SEARCH FOR CONTENTMENT appeared first on Chinkee Tan.

MAGBAYAD MUNA, BAGO UMUTANG ULIT

$
0
0

Naranasan n’yo na bang mangutang ulit
pero hindi pa nakababayad ng naunang utang?
Sa kakilala n’yo ba, kapamilya o matalik na kaibigan?
Eh ang magbayad ng utang na lampas na sa due date?
Pagkatapos ay kailangan pala ulit umutang dahil emergency?

Madalas kaya tayo nababaon sa utang
dahil sa patong-patong na pangungutang.
Siguro’y ang iba sa atin ay hindi ito pansin dahil nasanay na.
But come to think of it, baka forever tayong mabaon
sa utang dahil lamang sa maling stratehiya natin.
Why not try to change our ways at subukan ang mga ito?

KEEP IT CALENDARED

It is good to keep track of our budget and expenses.
It is also better kung pati ang mga utang natin ay ganoon din.
Bakit? If we also put on a calendar ang date
kung kailan tayo umutang at kailan magbabayad,
we can be reminded every time na makikita natin ito.

Having our debts calendared are also a good practice
na madisiplina tayo pagdating sa bayaran.
We can check out the number of days or months
na pwede nating preparahan.
Or we can come to realize at tanungin ang sarili,
“Uutang pa ba kaya ako ulit?”
“Kaya ko pa bang umutang?”

PREPARE AHEAD OF TIME

One of the things that we can prepare
para hindi rin maagrabyado ang ating pinag-utangan
ay ang paghandaan din ito ahead of due date.
Unfair din naman siguro sa pinagkakautangan natin
kung pinautang tayo ng buong halaga sa kailangan natin
at pagkatapos ay hindi natin sila mababayaran
sa tamang halaga at on time.

If we can prepare ahead of time,
we can also think of the many ways
(except sa uutang ulit para magbayad)
kung paano tayo makaiipon ng pambayad.

MAGBAYAD MUNA BAGO UMUTANG ULIT

At syempre, kung tayo ay may balak na umutang ulit,
ugaliin nating magbayad muna ng previous debts.
Mas mahirap ang mangutang ulit nang hindi pa
nababayaran ang previous na utang. Bakit?
Mas lumalaki ang halaga lalo pa kung may interes.
Mas mahihirapan tayong bayaran kung ganon.

At para na rin magkaroon tayo ng good record
mas mabuti nang magbayad na lang talaga.
Ang kanilang pera ay pinaghihirapan din nila.

“Hindi naman masama ang mangutang basta babayaran natin on time.
Isipin din natin ang kalagayan ng taong nagpautang.”

-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

Nabayaran mo na ba ang pinagkakautangan mo dati?
Ano ang ginawa mong paraan para makabayad on time?
What are your ways para makabayad agad ng utang?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post MAGBAYAD MUNA, BAGO UMUTANG ULIT appeared first on Chinkee Tan.

HOW DO WE TEACH THEM?

$
0
0

Bakit nga ba hindi itinuturo sa paaralan ang tungkol
sa paghawak ng pera? Ang daming itinuturo pero
isa sa mga kailangan talagang matutunan ay ang
pag-handle ng pera.

In this blog, let me share with you the negative
statements that most unsuccessful people say and
how we can change these so we can’t be like them.

Bilang magulang kailangan din na tayo na mismo
ang magturo kung paano alisin sa isipan ng ating
mga anak ang paniniwala na mahirap maging
mayaman.

First statement:

“I CAN’T DO THAT.”

Maaaring hindi tayo expert sa area na ito, pero
may ibang mga tao na maaaring makatulong sa
atin para magawa ang isang bagay.

Instead of saying I can’t… we ask: How?
How can I do that?
Kailangan eager tayong matutunan kung paano
malaman ang mga paraan para maabot natin ang
gusto natin.

Hindi pwede na nag-aantay na lang tayo na ituro
sa atin ang mga bagay, kailangan ay may kusa
rin tayo na alamin kung paano madadagdagan
ang ating kaalaman.

Huwag nating hayaan na pinapag-aral lang natin
ang ating mga anak para maging habang buhay na
empleyado. They can go up and they can even
become an entrepreneur.

Avoid saying:

“I CAN’T AFFORD THAT.”

“Eh Chinkee hindi naman talaga namin afford bumili
nun eh.”

Then, ask…
How can we afford that?
Paano nga ba?

Kung tulala na lang tayo lagi at lagi na lang magtataka
kung bakit lahat ng mga kakilala natin ay umuunlad ang
buhay at tayo na lang ang hindi, then may mali na.

We need to learn how to plan and how to budget.
Hindi pwede na laging nagtataka tayo kung saan
napunta ang pera natin buwan-buwan.

We need to be consistent din. Kung gusto natin ng
pagbabago at pag-unlad sa sarili, dapat alam natin
kung paano ang tamang hawak sa pera.

Kung dati na 10K ang sweldo natin, patong-patong
ang utang, ngayon na 20K na ang sweldo natin, puro
utang pa rin? Bakit? Anyare? Hahaha..

So never say

“I DON’T HAVE TIME.”

“Wala akong time pag-aralan ‘yan.”
“Waste of time lang kung gagawin ko ‘yan.”

Usually, we make excuses din kasi kapag naiisip
natin na mahabang proseso. Gusto natin easy
money agad. Gusto natin sure na agad.

But we know the truth!
Walang nagiging successful ng biglaan or overnight
lang. Kailangan ng persistence and dedication.

May mga pagkakataon na maaaring magkamali
tayo kaya kailangan, buo ang loob natin sa ating
papasukin. We should invest sa mga bagay na alam
natin.

Kung magaling ka sa drawing, then invest more kung
paano mo mas mapauunlad ang skills mo para mas
magamit mo ito sa mas magagandang opportunities.

“Never doubt yourself and think poor
because you can be a good entrepreneur.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sa anong larangan ka magaling at mas hilig mong gawin?
  • Anu-ano ang mga seminars o trainings ang napuntahan mo?
  • Paano mo pa mas mapauunlad ang iyong sarili?

——————————————————————————

Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/8vd7 .

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post HOW DO WE TEACH THEM? appeared first on Chinkee Tan.

CONNECTED?

$
0
0

Napakahalaga ang teknolohiya sa panahon ngayon,
pakiramdam natin hindi tayo connected kapag
wala tayong internet o kapag hindi tayo nakapagpost.

Pero alam din natin na kahit mahalaga ito, mas
mahalaga pa rin na connected tayo sa mga mas
importanteng bagay o mga tao sa buhay natin.

In this blog, let me just share some of my personal
observations in this generation as well as my
insights and reminders to all of us.

Through this technology, we think that

WE CAN DO MANY THINGS

Imagine, nasa meeting ka pero nagsha-shopping
ka rin online. O kaya nasa dinner ka pero may
ka-meeting ka rin sa online.

Pakiramdam natin ang dami-dami nating ginagawa
palagi. Parang sayang kung nakaupo lang tayo at
nakikinig lang o kaya kumakain lang.

Dapat laging multi-tasking ang ginagawa natin.
Pero hindi natin alam na mas marami ang
nasasayang na oras at pagkakataon dito.

Imbes na naka-focus tayo sa meeting natin, hati
na ang attention natin sa online shopping. Imbis
na kakwentuhan natin ang kasama natin sa dinner,
ayun, hati na rin ang attention natin.

At the end, akala natin natin napaka-productive
natin pero ang totoo ay may nawawala ang
focus natin at may nasasakripisyo na tayo.

Pakiramdam natin through social media,

WE ARE HEARD

Kasi wala naman talagang nakikinig sa atin sa
personal. Bakit?
Kasi wala naman tayong kinakausap na personal.

Post lang tayo ng post then mag-aantay na lang
tayo na may mag-comment na mga tao. Instead na
makipag-usap sa totoong tao.

Ano ba ang pinagkaiba ng pag-uusap online at
pag-uusap nang personal? Bakit kailangan pa
personal? Pwede naman online o kaya sa text.

Actually, MALAKI.

Malaki ang pinagkaiba dahil sa online, we can edit,
we can delete, we can do photoshop. In short, wala
talagang impromptu na pag-uusap.

Laging iniisip na lang natin kung ano ang maganda
sa tingin ng iba o kaya kung ano lang ang masasabi
natin. Kulang na sa tamang pananaw.

Iniisip natin na through this technology,

WE FEEL NOT ALONE

Syempre maganda naman talaga ng ang social
media dahil nagkakaroon ng chance ang mga
magkakamag-anak na magkakalayo na makapag-
usap through video calls.

Good point yun. Pero ang hindi maganda ay
yung magkakasama kayong magkakaibigan pero
iba’t iba naman ang mga kausap ninyo.

We don’t even know how to make a conversation.
Gusto natin connected tayo kaya magkakasama tayo
pero iba naman ang mga kausap o ginagawa
dahil gusto rin natin na connected tayo sa lahat.

Pakiramdam natin lahat kasama natin. Pakiramdam
natin we are not alone. Pero ano nga ba? Are
we really not alone?

Katawan lang natin ang nasa lugar pero ang
presence natin at attention natin ay wala naman
sa kung nasaan tayo.

“Kung pakiramdam mo walang nakikinig sa ‘yo at mag-isa ka,
subukan mong bumuo ng conversation kasama ang iba.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kaya mo bang ibigay ang buong attention mo kasama ang iyong pamilya o kaibigan?
  • Paano ka mas makakapag-focus sa ginagawa mo?
  • Sinu-sino ang mga taong gusto mong kakwentuhan?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post CONNECTED? appeared first on Chinkee Tan.

WHERE DO MONEY GOES?

$
0
0

 

Naranasan n’yo na rin ba na pagkatapos ng sweldo nagtataka tayo na parang saan na napunta ang sweldo natin?

Kung ganito rin ang hinaharap ninyo, let me share in this blog the ways on how to manage our money. Mahirap kasi na hindi natin nababadyet nang maayos ang ating sweldo.

So una sa lahat, alam natin kung paano mag-

SPEND

“Oo naman Chinkee. Spend ba kamo? Alam na alam ko ‘yan.”

Ok pero dapat alam natin kung saan napupunta ang pera. Dapat ay nababayaran natin ang mga dapat na bayaran at ating inuuna ang mga mahahalagang bilihin.

So hindi lang tayo gastos nang gastos. Mahalagang nakabantay tayo kung hanggang saan lang ang maaari nating gastusin. Kailangan ay may disiplina tayo sa sarili.

Tandaan na kahit lumalaki ang ating kinikita kung puro gastos lang din ang alam natin, wala rin. At the end, magtataka na naman tayo kung saan napunta ang pera natin.

Kaya dapat alam din natin kung paano mag-

SAVE

Wala sa laki ng kita ang pagyaman ng isang tao. Kundi sa laki ng kanyang naiipon at iniipon.

Kaya huwag hayaang dumaan ang isang buwan na walang nailalagay sa savings. Dapat may kontrol tayo sa pera natin at hindi tayo ang kinokontrol ng pera.

Gamitin natin ang equation na Income – Savings = Expenses. Malaki man o maliit ang kinikita natin buwan-buwan dapat ay may nakalaang bahagi para sa savings natin.

Savings para sa emergency fund at savings para sa fun and enjoyment. Kailangan alam natin ang limitations ng ating paggastos.

Higit pa dito, kailangan din nating matutunan ang mag-

INVEST

Invest nang tama para sa ating retirement at invest din para sa ating self-development.

Hindi lamang tayo magtitipid dahil kulang ang kinikita natin, dapat ay alam natin kung paano madagdagan ang ating kinikita at mangyayari lamang ito kung marunong tayo mag-invest sa business at sa sarili natin mismo.

Alamin ang ating strengths upang makahanap tayo ng iba pa nating mapagkakakitaan. Pero bago mangyari ito, kailangan ay tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ating kaalaman.

“Huwag nating sayangin ang ating kinikita.
Dapat ay matutunan natin ang wastong paghawak ng pera.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano ka mag-badyet ng iyong sweldo?
  • Anu-ano ang mga pinaglalaanan ng iyong savings?
  • Saan ka maaaring mag-invest para mas umunlad pa ang iyong kaalaman?

——————————————-

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post WHERE DO MONEY GOES? appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live