Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

PROGRAMMING YOUR MIND

$
0
0

PROGRAMMING

Success is no accident. In short, kailangan may gawin talaga tayo para maging successful sa pipiliin nating larangan.

Yung mga kilala nating sikat na singers, hindi naman aksidente ang kanilang success, talagang nag-eensayo sila at inaalagaan nila ang kanilang pangangatawan at ang kanilang boses.

Kaya kung gusto natin maging katulad ng ating mga hinahangaan, kailangan, we know exactly

WHAT WE WANT TO ACHIEVE

Ano ba talaga ang gusto mong ma-achieve? Hindi naman pwede na try tayo nito tapos try uli tayo nun hanggang sa lahat na nasubukan natin.

Kailangan makabuo na tayo ng desisyon na “ito na talaga” para may focus tayo. Wala namang masama sa pag-try ng iba’t ibang mga bagay. Mahalagang makadesisyon tayo pagkatapos.

Kaya dapat alamin din natin kung saan tayo magaling at kung ano hilig nating gawin para mas mahal natin ang ating ginagawa. At syempre mahalaga rin that we know exactly

WHY WE NEED TO ACHIEVE IT

Dapat may purpose yung ginagawa natin. Hindi pwede yung “wala lang” para lang masabi na may ginagawa. Mahalaga na may goal din tayo sa bawat hakbang na gagawin natin.

Bakit nga ba natin ito kailangan ma-achieve? Syempre nandyan yung para sa pamilya, para sa mga anak natin, para sa sarili nating pangarap, para makatulong sa iba at marami pang iba.

Mas masarap sa pakiramdam na may kasalo tayo sa success natin. Mas masaya maging masaya na kasama ang mga taong mahal natin at nagmamahal sa atin.

Higit sa lahat mas masaya ang makatulong sa iba at maging instrumento ng Panginoon para maging mas maayos ang buhay natin at ng ibang mga taong nakapaligid sa atin.

Kaya sa simula pa lamang ay dapat we know exactly

WHAT KIND OF PERSON WE WANT TO BECOME TO ACHIEVE IT

Gusto ba natin maging pabigat sa iba o mag-iwan ng legacy sa ibang tao?

Gusto ba natin magpasikat sa iba o maging kilala at magkaroon ng mga followers?

Hindi ba mas gugustuhin natin na magkaroon ng legacy at may mga totoong followers na makatutulong din sa iba? Kaya naman we need to prepare ourselves and invest more on our knowledge and skills.

Mahalagang handa ang ating isipan sa pagharap sa buhay
dahil ito ang susi para sa pag-abot ng ating tagumpay.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang gusto mong mapagtagumpayan?
  • Bakit gusto mong magtagumpay?
  • Sinu-sino ang mga inspirasyon mo?

How To Make Your First Million in Direct Selling
ENROLL NOW IN MY ONLINE COURSE AND START YOUR JOURNEY TOWARDS A SUCCESSFUL CAREER IN DIRECT SELLING for only 799! click here: https://lddy.no/afvj

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PROGRAMMING YOUR MIND appeared first on Chinkee Tan.


Sino ang happy pill mo?

$
0
0

Sino ang happy pill mo?

“No man is an island”

Gaano man kagasgas ay ‘di maitatanggi ang ipinaparating ng kasabihang ito.. na sa pag laban ng mga problema, stress at anxiety, hindi daw natin kailangang labanan ito mag-isa. 

DEFINE HAPPY PILL happy

Psychologically speaking, ang ‘happy pill’ ay tumutukoy sa uri ng gamot o pills na nagsisilbing ‘mood booster’ ng mga taong umiinom nito.

Pero para sa iba, ang ‘happy pill’ ay tumutukoy sa isang tao, o mga tao, na makita mo lang kahit saglit ay kumpleto na agad ang araw mo. Sila ‘yong tipo ng mga tao na nakakapag-boost ng mood mo (kahit may mood swings ka!) nang hindi mo namamalayan dahil sa sobrang sayang nadarama mo dahil sa kanila. 

YOUR HAPPY PILL

Actually, kahit sino. Basta kumportable at magaan ang pakiramdam mo sa kanya. 

Kung may kasintahan ka, malamang siya ang happy pill mo. Kahit gaano pa kahaba ang araw mo sa trabaho o school, makita’t makausap mo lang siya ay masaya ka na. Lalong tanggal ang pagod, sa isang akap o halik mula sa kanya. 

Ganun din kung ikaw ay may asawa’t anak. Kahit gaano pa kahirap gumising tuwing umaga, kakayanin mong bumangon para sa kanila. Kahit gaano pa kahirap kumayod at kumita ng pera, kakayanin mong magsumikap pa lalo masuportahan lang sila. Kahit gaano pa kasama ang araw mo sa trabaho, basta asawa at mga anak mong nakangiti ang sasalubong sa iyong pag-uwi, ay talaga namang worth all the pagod ang araw mo!

Pero syempre… #sanaall may lovelife, #sanaall may sarili nang pamilya.

Kung ikaw ay single, pwede mo ring maging happy pill ang bestfriend mo, ang pet mong aso o pusa, o maski na ang mga iniidolo mong boyband.

EFFECTS OF HAPPY PILL

Priceless happiness. Ang iyong happy pill ang magpapadama sa ‘yo ng happiness na hindi matutumbasan ng kung anu-anong materyal na bagay. Dahil basta nandyan sila, alam nating hindi tayo nag-iisa. Kahit gano’n pa man kalupit ang mundo sa ‘yo, at the end of the day, alam mong mayroong taong nariyan para sa ‘yo, para damayan ka, at pasiyahin ka. 

Syempre, hindi lang naman sa mga happy pill nakukuha ang tunay na happiness. 

Happiness starts within you, and your happy pill is there to help you appreciate yourself and your life more. The result? Inspired ka palagi dahil alam mong mas maraming dahilan para mag-fight kaysa mag-give up! 

“Hindi mo kailangang pasanin ang mundo dahil
may mga taong handang tumulong at sumalo sa iyo.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

 

THINK. REFLECT. APPLY

  • Sino ang happy pill mo?
  • Paano nagdudulot ng happiness sa ‘yo ang happy pill mo?
  • Paano ka nagiging happy pill sa ibang tao?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post Sino ang happy pill mo? appeared first on Chinkee Tan.

Bakit mahalaga ang ME TIME?

$
0
0

ME
BAKIT MAHALAGA ANG ME TIME?

Walong oras na subsob sa trabaho, limang araw kada linggo…
Tatlong oras (o kung mamalasin ay limang oras pa!) na stuck sa traffic sa kahabaan ng EDSA bawat araw…
Pag-uwi ay gawaing bahay naman ang kailangang pagtuunan ng oras…
Kulang-kulang na tulog at pahinga…

Kung ganito ka-hectic at nakaha-haggard ang bawat araw ng buhay natin, ano na lang ang mangyayari sa atin?

Work is life.
Kailangang kumayod para sa kinabukasan.

Oo, kailangan talagang magsumikap at pag-igihan ang trabaho para sa mga mahal natin sa buhay pero hindi natin pwede kalimutan ang ating sarili.
You deserve your own ‘me time,’ kahit paminsan-minsan kasi…

TAO TAYO

Hindi makina na kayang magtrabaho nang tuloy-tuloy 24/7. Maski nga rin mga makina, nagma-malfunction din kapag nao-overuse, tayo pa kaya?

Kung may career time, family time, barkada time, babe time tayo, dapat may me time din. Bigyan mo rin ng oras ang sarili mo para makapag-recharge at magawa ang mga bagay na gusto mo para sa sarili mo lang – nang walang kasamang iba.

INVEST ON YOURSELF

Pagod at masakit ang katawan? Magpa-full body massage and spa ka.

Dry hair? Bad hair day every week? Nakasisira ang bad hair days. ‘Wag ka manghinayang baguhin ang hair style mo paminsan-minsan.

Nabu-burn out sa trabaho? Baka kailangan mong balikan ang mga hobbies na hindi mo na nagagawa sa sobrang busy mo. Baka nami-miss mo na mag-hiking, mag-swimming, o mag-out of town mag-isa para makalanghap ng sariwang hangin at makapag self-meditate.

Pwede ka ring mag-enroll sa gym, yoga classes, language classes, o kung anumang kinahihiligan mo pa.

At syempre, kung may nararamdaman kang anumang sakit, bigyang oras ang pagbisita sa doktor para maagapan kaagad. Pinakaimportante pa rin ang bantayan ang sarili mong kalusugan.

In short, treat yourself right. ‘Wag kang manghinayang. Dahil kung meron mang isang tao na hindi mo pwedeng kalimutang alagaan, iyon ang sarili mo. Pero syempre…

TREAT YOURSELF RESPONSIBLY

Syempre, kalmahan mo lang ang paggastos ng pera at oras mo. Baka masobrahan ka sa paggastos sa sarili mong kasiyahan, makalimutan mo na ang iba mo pang gastusin at responsibilidad. I-practice ang work-life balance principle nang sa gayon ay hindi mo mapabayaan ang responsibilidad mo sa iyong career, pamilya, mga mahal sa buhay, at sa sarili mo.

“Walang masama maging workaholic,
pero siguraduhing unahin ang sarili palagi.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ilang oras sa bawat linggo ang nailalaan mo para sa sarili mo?
  • Anu-ano ang mga ginagawa mo sa iyong me time?
  • Anu-ano pa ang pwede mong gawin para magkaroon nang mas maayos na work-life balance?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post Bakit mahalaga ang ME TIME? appeared first on Chinkee Tan.

NO MONEY? MAKE MONEY

$
0
0

Mahirap maging mahirap. ‘Yan ang lagi kong sinasabi kaya naman hindi ako nagpatinag sa kahirapan para pigilan ang sarili ko sa pag-abot ng aking mga pangarap.

Dahil naranasan ko rin ang maging mahirap, sa murang edad pa lamang ay nagpursige na ako na makaahon sa kahirapan para na rin sa aking mga magulang.

Kaya alam ko na kung walang pera, ang tanging solusyon ay maghanap ng mapagkakakitaan. At hindi kailangan ng pera para maging successful, dapat ay mayroon tayong

DRIVE

“Ang ganda ng bahay nila. Balang araw magkakaroon din tayo nun.”

Kailangan uhaw tayo para makamit ang ating gusto. Hindi ito inggit o ganid, kundi motivation para hindi tayo huminto. Kasi kung wala tayong drive, kapag may dumating na pagsubok, tiyak aayaw na tayo.

Kasi wala tayong inspirasyon at pinaglalaanan ng gagawin natin. Kaya dapat panghawakan natin ang ating mga inspirasyon. Kailangan din na mayroon tayong

DETERMINATION

Ito naman yung kabuohan ng loob natin na gawin ang mga bagay kahit alam nating may chance na magkamali tayo. Ang determinasyon ay hindi basta-bastang nabubuo.

Kailangan ng mga karanasan sa buhay upang mabuo ang ating pagkatao at kalooban. Hindi ito nakukuha sa ibang tao kundi binubuo ito sa ating isipan.

Mahalaga ang mental toughness. Hindi pwede na hayaan na lang natin na magkamali tayo palagi, dapat ay may matutunan tayo sa bawat pagkakamali na nagawa natin.

At sa bawat pagsubok, mas nakikilala natin ang ating sarili at kakayanan at mas nalalaman natin ang ating

PASSION

Ito yung bumubuhay sa atin. Kumbaga sa sasakyan, ito ang gas. Ito yung nagpapaalab sa ating puso upang gawin ang gusto natin at mahal na mahal natin.

Kaya ko nasabi na hindi kailangan ng pera para maging successful dahil ang drive, determination and passion ay hindi naman nabibili.

Nasa atin ito mismo kung gugustihin ba nating maging matagumpay sa buhay o magse-settle na lamang tayo sa kung nasaan tayo.

Kaya mahalaga na protektahan natin ang ating damdamin at ang ating isipan. Huwag nating sayangin ang bawat panahon na magpapahina ng ating damdamin at makasisira ng ating isipan.

“Hindi mo kailangan magmula sa mayamang pamilya para lamang magtagumpay,
dahil ikaw mismo ang gagawa at bubuo ng kwento ng sariling mong buhay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Paano mo ginagamit ang iyong mga kaalaman?
  • Ano ang nagpapalakas ng iyong determinasyon?
  • Sinu-sino ang mga inspirasyon mo sa buhay upang magtagumpay?

——————————————————–

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post NO MONEY? MAKE MONEY appeared first on Chinkee Tan.

PARENTING AND MONEY

$
0
0

I am inspired to write this blog kasi may isang Iponaryo na nag-share ng photo ng kanyang anak. At the young age natututo na s’yang mag-ipon! At nakatutuwa talaga ito.

This is really one of my missions, yung lahat ng mga Pilipino ay matutong makapag-ipon. Matutong pahalagahan ang pera at mag-handle nito.

I realized that we, as parents, should have these goals:

TO MAKE THEM UNDERSTAND THE PURPOSE OF MONEY

Money should serve us so we can also serve others.

Tayo ang nagpapaikot at nagpapatakbo ng ating pera at hindi tayo ang pinapaikot at pinapatakbo ng pera.

Kaya mahalagang malaman ng ating mga anak na ang pera ay hindi lamang para mabili ang gusto natin, maaari rin tayong makatulong sa mga mahal natin at sa ibang tao gamit ang pera na mayroon tayo.

Kaya dapat isa rin sa goals natin is

TO MAKE THEM KNOW HOW TO MAKE MONEY

Mahirap naman na tumulong sa iba kung tayo mismo ay kapos at mas nangangailangan pa ng tulong.

So paano nga ba gumawa ng pera?

Kung nababasa n’yo ang ibang mga blogs ko, mayroon din akong isang blogs about it. So dito, paiksiin ko na lang.
Syempre nandyan ang trabaho natin kung saan may makukuha tayong sweldo. Then nandyan din ang business and investments kung saan may profit din tayo. Then we can also earn from commissions sa affiliate marketing. Mayroon ding honorarium or fee kapag sariling skills or talents na ang io-offer natin and etc.

Kung titingnan ang daming ways to make money ‘di ba?

So what’s next? Our goal now is

TO MAKE THEM REALIZE WHAT THEY SHOULD DO WITH MONEY

Dito na papasok ang gastos. Madali lang ‘di ba? Haha!

Iniisip natin na ang pwede nating gawin sa pera ay pambili lang. Dapat maituro rin natin na kailangan matutunan nila kung paano mag-budget, mag-save at mag-invest.

Hindi lang puro palabas ang pera, dapat alam din natin kung saan ito napupunta, bakit kailangan ito ingatan at kung paano pa ito palaguin.

Lahat ng ito ay magsisimula sa disiplina.

“Bilang magulang, dapat tayo mismo ang may disiplina
Dahil mahirap maghangad nang ‘di ginagawa sa pamilya.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

Paano ninyo pinag-uusapan ang pera sa pamilya?
Paano ninyo binibigay ang mga gusto ng inyong mga anak?
Paano ninyo binabadyet ang inyong mga sweldo para sa pangangailangan ng inyong pamilya?

Learn, invest, and earn! Get to know The WHAT, The WHY, the HOW of STOCK MARKET. Through this Online Course, you will learn all of that from one of the country’s top Stock Market experts, Marvin Germo.

Stock Market for Every Juan Online Course for P799
Check it here: https://lddy.no/awbn

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PARENTING AND MONEY appeared first on Chinkee Tan.

HINDI SILA ROBOT

$
0
0

I just want to share this experience of mine. One day, I had a meeting with a friend. Then may nakita akong isang pamilya.

Kasama ni mommy yung dalawang bata. Then pag-upo, naglabas na ng mga gadgets si mommy at binigay sa mga bata. Then dumating na si daddy dala yung order nila.

While I was watching them, I realized these things:

WE TEACH OUR KIDS TO TAKE RESPONSIBILITY

Pag dating nung daddy, hinanda na ni mommy yung mga pagkain at inaayos na n’ya yung utensils.

I think around 6 and 4 years old ang mga bata. By that age, pwede na rin silang tumulong kahit sa simpleng pag-aayos ng mga plates and utensils.

Naisip ko rin walang masama sa pagiging maasikasong magulang, pero mas mabuti rin kung turuan din natin ang ating mga anak kahit sa simpleng gawain instead na maglaro.

If we really want them to be busy, let’s help make it more proactive and productive for them.

WE TEACH OUR KIDS TO MAKE CONVERSATION

I have nothing against the gadgets nowadays. Maraming advantages naman din talaga ang mga ito.

However, we should also learn when to use these especially if we are having a meal. Mahirap din kasing masanay ang ating mga anak na gumagamit ng phone habang kumakain. Imbes na hawak nila ang utensils ay hawak nila ang mga gadgets kaya ang ending, susubuan pa natin.

We should encourage everyone to make a good conversation during our meal.

WE TEACH OUR KIDS TO THINK ACCORDINGLY

Hindi kasi robot ang ating mga anak na kailangan pa nating utusan o sabihan ng dapat gawin sa bawat sitwasyon. They have to learn through constant practice at home.

Kung laging tayo ang nagliligpit ng laruan ng ating anak at laging gumagawa ng pwede naman nilang gawin, kapag lumabas tayo ng bahay, dala-dala rin nila ito.

I know that they will learn many things in school, but I think, and you will also agree with me, that some things need to be taught inside the house. Tayo ang unang teachers ng anak natin.

“Mayroon silang isip at damdamin na kailangan gamitin.
Kailangan lamang ay matutunan nila mula sa atin.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga rules ninyo sa paggamit ng gadgets sa bahay?
  • Paano ninyo tinuturuan ang inyong mga anak?
  • Sinu-sino ang kanilang sinusunod at pinapakinggan?

—————————————————–
I want to help you as parents raise RISK TAKERS, PROBLEM SOLVERS and CHANGE MAKERS.

CHINKTV PRESENTS: How To Raise Entrepreneurial Kids In 10 Easy Steps Online Course for only 799.
Check it here: https://lddy.no/9see

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post HINDI SILA ROBOT appeared first on Chinkee Tan.

PERSONAL GROWTH

$
0
0

Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Kung oo, masaya rin ako para sa ‘yo. Kung hindi pa naman, may panahon pa para maging masaya at mahanap pa natin ang magpapasaya sa atin.

In this blog, let me share these simple ways that could change our situation right now.

GIVE YOUR BEST IN YOUR CHOSEN CAREER

Nung interview ganito ang linya:
“I will give my best 100%.”
Nung nagtatrabaho na:
“Kasama ba ‘yan sa job description ko?”

Nung naghahanap ng trabaho:
“Hay. Ang hirap naman makahanap ng trabaho.”
Nung nakahanap na:
“Hay. Ang hirap naman ng work.”

Naku mga friendship, kung ganito ang ating ugali at laging reklamo ang nasa isip natin, hindi talaga natin mahahanap ang contentment sa ating ginagawa.

Kaya mahalaga rin that we

SEEK COUNSEL AND LISTEN TO GOOD ADVICE

Kayo ba yung tipo ng tao o may kilala ba kayo na mahilig humingi ng payo pero sa dulo, kinokontra naman ang pinapayo ninyo? O kaya naman never humingi talaga ng payo kahit kanino.

Alam n’yo friends, kailangan alam natin ang difference ng confidence at pride. Walang masama sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili pero iba ito sa pagiging sarado ang isipan na alam natin ang lahat at tayo ang magaling sa lahat ng bagay.

Kung gusto natin ng growth at mas maging masaya, we also need to admit kung ano pa ang weaknesses natin at kailangan itama o i-improve sa ating sarili.

We should not be afraid to

TAKE RISKS AND MISS OUT GREAT OPPORTUNITIES

Natatakot tayong malugi, magkamali, masisi, pero sa bawat pag-atras natin at paghindi natin, nasasayang din yung pagkakataon na binigay sa atin.

Sa huli, we regret those things and we think the “what ifs”. Kaya ko naisulat itong blog na ito ay para maiwasan din natin ang mga pagkakamali na nagawa ng ibang tao. It is also for our own personal growth.

Huwag na natin gawing kumplekado, kung hindi natin alam kaya tayo natatakot, eh di alamin natin. Pag-aralan at pagbutihan pa natin para hindi na tayo matatakot na gawin at simulan ang mga bagay na dapat ginagawa na natin.

“Kung gusto mong umunlad ang iyong sarili,
Hayaan mong ikaw mismo ang gumawa at pumili.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang pangarap mo after 5-10 years?
  • Sinu-sino ang mga taong alam mong mabuti ang ipapayo sa ‘yo?
  • Gaano ka kahandang gawin ang isang bagay?

——————————————————

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.

Register Now for only 799!
Click here https://lddy.no/8vaq

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PERSONAL GROWTH appeared first on Chinkee Tan.

MAKIUSO RESPONSIBLY

$
0
0

Sa sobrang modern ng pamumuhay sa panahon ngayon at halos lahat ay pwede nang gawing digital, nauso na ang katagang “the bigger, the better.”

Ibig sabihin ay kailangan nating i-upgrade ang mga bagay-bagay para magkaroon nang mas magandang buhay, at para makamit ito ay kailangan natin nang mas malaking pera. Ika nga, ‘pag mas malaki ang sahod, mas marami ang kailangan nating pagkagastusan.

LIFESTYLE INFLATION

Ito ang resulta ng pagsunod nang karamihan sa atin sa sistema nang pakikiuso. Kaya marami sa atin ang malaki ang sahod, pero walang ipon.

Hindi naman masamang mag-upgrade ng mga bagay, at sumunod sa uso pero kailangan may limitasyon. Kung pipilitin nating mabili ang isang bagay dahil uso ito kahit hindi natin talaga afford, hindi rin natin ito mae-enjoy dahil sa financial stress na kapalit nito.

HINDI LAHAT NG BAGO AT MAMAHALIN, KAYA TAYONG PASAYAHIN

Kapag bumili tayo ng bagong cellphone ngayon para lang makiuso, sa susunod na buwan at taon ay bibili tayo ulit ng bagong unit just to keep up with the trends, hanggang sa ma-realize natin na wala na talaga tayong pera.

Pwede pa rin namang hindi tayo sumabay sa agos ng mga uso. We can still be happy even with less expenses.

Kapag konti lang ang gastos, mas marami tayong maiipon para sa mga bagay na kailangan nating pagkagastusan in the future.

Kapag konti lang ang gastos, mas environmental-friendly dahil konti lang ang mga kailangan nating itapon.

Kapag konti lang ang gastos, clutter- at stress-free tayong makapagpa-pahinga sa bahay.

Kapag konti lang ang gastos, hindi na natin kailangan intindihin kung anong bago at uso ngayon. Mas makaka-focus tayo sa sari-sarili nating mga pangangailangan.

MONEY CAN’T BUY REAL HAPPINESS

Kapag bumili tayo nang magarang kotse kahit hirap tayong bayaran ito nang mahabang panahon, iiyak lang tayo sa stress tuwing sasakyan iyon.

Pero bakit naman natin kailangang umiyak pa sa loob ng kotseng hirap tayong bayaran nang buo? Pwede namang sumakay na lang tayo ng jeep o bus nang nakangiti at nakatipid.

“Walang masamang bumili ng mga bagong gamit. Pero dapat maging wais sa pagbili para may savings pa ring maitabi.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

Mahilig ka bang gumastos sa mga bago at nauusong bagay?
May naitatabi ka pa ba sa iyong savings account?
Ano ang mga maaari mong gawin upang mabawasan ang sobrang paggastos at mas maparami pa ang iyong ipon?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post MAKIUSO RESPONSIBLY appeared first on Chinkee Tan.


WHAT IF’S

$
0
0

Madalas talaga nasa huli ang pagsisisi ‘di ba? Akala natin alam na natin ang tama yun pala may mas mabuti pang gawin kaysa sa ating ginawa.

Minsan, hindi ibig sabihin na wala tayong ginawa ay wala na tayong pagkukulang. Kaya nga may sin of commission and sin of omission.

May mga pagkakamali tayo na nagawa natin at may mga pagkakamali rin tayo dahil wala tayong ginawa.

WHAT IF I DID FIGHT FOR IT?

Yung panahon na pinanghinaan tayo ng loob at ngayon maiisip natin na sana lumaban pa tayo.

“Sana pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.”
“Sana pinaglaban ko ang gusto kong gawin.”
“Sana pinaglaban ko kung sino talaga ako.”

Ito yung pagkakataon na babalik tanaw tayo sa nakaraan at masasabi nating “sayang.”

Kaya kung hindi mo nararanasan ito, huwag n’yo nang hayaan na mangyari ito sa future ninyo.

WHAT IF I BECOME MORE HONEST?

Sabi nga honesty is the best policy. Kapag nawala na kasi ito, nawala na rin ang ating integrity at tiwala ng ibang tao sa atin.

Kahit ano pang sabihin natin, kahit ano pang gawin natin, ang maaalala ng iba ay ang hindi natin pagiging tapat sa kanila. Mahirap pa rito, nakasisira din ito sa mga relasyon.

At kapag nasira na ang relasyon, napakahirap na nitong ayusin at buoin muli. Mahirap kasi na kahit may mga nasaktan na, ayaw pa rin pag-isipan ang mga gagawing hakbang.

WHAT IF I PLAN AHEAD?

“Sana pala nag-invest ako nang maaga.”
“Sana tinapos ko yung kurso na yun.”
“Sana pinag-ipunan namin yun.”

Naku talagang napakasakit sa puso kapag na-realize natin na huli na ang lahat. Kaya naman, it’s time to share your own story sa iba para hindi nila maranasan ang pinagdaanan natin.

Ito rin yung dahilan kaya ko naisip isulat ang blog na ito. Mahirap maka-move on pero kailangan nating simulang mag-focus sa kung ano ang present.

Kaya para sa mga taong napakaraming regrets, please, forgive yourself. Huwag n’yo nang pahirapan pa lalo ang sarili n’yo. Kahit hindi tayo proud sa part na ‘yan ng ating buhay, huwag pa rin nating hayaang masayang ang kasalukuyan.

“Bahagi ng buhay ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Huwag nating sayangin ang panahon sa puro paghahanap.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

Anu-ano ang mga natutunan mong aral sa iyong karanasan?
Paano mo pinaninindigan ang iyong mga salita?
Sinu-sino ang mga taong nagbigay aral sa ‘yo sa buhay?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post WHAT IF’S appeared first on Chinkee Tan.

LOOK UP!

$
0
0

Naranasan mo na sigurong mahulog… hindi sa bangin o sa anumang mataas na lugar kundi sa maling tao, sitwasyon o desisyon. Yung tipong bibigay na ang mga tuhod mo sa hirap at bigat nang nararamdaman mo. Gusto mo na lang pumikit at umasang paggising mo, magiging okay na ang lahat.

Pero sigurado, kung naranasan mo nang mahulog noon, natutunan mo ring bumangon at tumayo muli.

Alam mo kung bakit?

PAIN CAN MAKE YOU STRONGER

Kapag naharap ka sa sitwasyong parang matatapos na ang lahat, magkakaroon ka ng pagkakataong magsimula ulit. At kapag tingin mong walang wala ka na talaga, magkakaroon ka ng opportunity na baguhin at makamit muli ang lahat.

Sa mga ganitong panahon ka magkakaron ng chance to grow stronger and better.

YOU ARE WORTH FOR SOMETHING BETTER AND HIGHER

Kapag dumating ka sa pinakamababa na pwede mong marating, saka mo lang makikita kung gaano kataas at katayog ang pwede mong pangarapin at pagsikapang abutin.

Kapag nasa baba ka at binato ka ng bola at kung anu-ano pa, may pagkakataon kang ibato ang mga iyon pabalik sa itaas.

Minsan clueless ka sa mga pwedeng mangyari at sa mga bagay na kaya mong gawin, kaya nilalagay ka sa mahihirap na sitwasyon para matutunan mo muling magtiwala sa sarili mong kakayahan.

LOOK UP AND SEE THINGS IN A POSITIVE PERSPECTIVE

Courage. Be courageous enough to rise again. ‘Wag mong hayaang lamunin ka ng pain. Hindi porke mahirap at masakit ang sitwasyon mo ngayon ay hindi na ito magiging maayos at masaya pa sa susunod na panahon.

Whenever you feel low and down, just look up. Tumingin ka sa itaas at alalahanin mong isa kang tao na may potential na tumaas din. Alalahanin mong may halaga ka. Alalahanin mong kakayanin mo lahat.

Tumingin ka lang sa itaas. Hinihintay lang naman kasi ng mundo na mapansin mo kung ano ka talaga.

“Whenever you feel down, do not let negative emotions ruin you. Instead, take it as a challenge to humbly reach the top.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ano ang pinakamasakit na pangyayari ang dumaan sa iyong buhay?
  • Paano mo nalagpasan ang pangyayaring iyon?
  • Anu-ano ang mga natutunan mo mula sa masakit na karanasan na iyon?

———————————————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post LOOK UP! appeared first on Chinkee Tan.

FAILURE BA ITO?

$
0
0

Bilang magulang we all want what’s best for our kids. Kaya nga tayo nagpapakahirap magtrabaho para mabigay ang kailangan nila.

Pero bilang magulang, responsibilidad din natin na panatilihin ang pagmamahalan sa loob ng ating pamilya. Hindi lamang relasyon natin sa asawa at sa anak natin ang kailangan nating ingatan.

Mahalaga rin na sila mismong magkakapatid ay mayroong pagmamahalan at pagtutulungan. Dahil darating ang araw na sila-sila na lang ang magdadamayan. Kaya naman, kailan nga ba nagiging failure tayong mga magulang?

NOT PRIORITIZING THE FAMILY

Ito talaga ang isa sa pinakamaling pananaw para sa akin: “Nagtatrabaho ako para sa pamilya ko. Kahit malayo titiisin ko.”

My friends, lalo na sa mga OFW at sa mga mahilig mag OT. Please make quality time with your wife and children. Nagmamakaawa na ako. Haha!

Ang hirap kasi na lumalaki na ang mga anak natin tapos ‘di natin na halos kilala. O kaya naman, yung asawa natin, syempre iba pa rin kapag kasama natin sila. Kumbaga may sandigan tayo sa isa’t isa.

Another failure could be

NOT LEARNING HOW TO FORGIVE OTHERS

“Kaaway ko, kaaway din ng mga anak ko.”
Kapag ganito ang pananaw natin, bata pa lang ang mga anak natin, binigyan na natin sila ng kaaway. Tinuturuan natin ang ating mga anak na magtanim ng galit at isipin na dapat may kampihan. Kahit mali pa ito, dapat kampi-kampi tayo.

Hindi rin ito tama at hindi rin makabubuti sa ating mga anak.

And last failure is by

NOT UNDERSTANDING OTHERS

Kailangan lagi tayong tama. Hindi na maaaring marinig ang opinyon ng iba, kahit asawa natin o ng anak natin.

Kapag ganito rin tayo, sinasara na natin ang pinto natin sa kanila at parang may wall pa ito.

Malliban pa rito, maaaring makasanayan din ng ating mga anak ang pagiging sarado sa pag-iisip. Kailangan tayo ang masunod at final na yun. Kung pamilya natin, hindi natin kayang pakinggan ang pananaw o opinyon, paano pa kaya ang ibang tao?

“Hindi lamang medalya at pera ng ating anak
ang dapat nating ipagmalaki,
kundi ang mapagmahal na puso at malawak na isipan
na kanilang isinusukli.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.
Anu-ano ang bonding ng inyong pamilya?
Paano mo pinapaliwanag ang mga pagkakamali ng iba sa inyong anak?
Gaano ka kahandang makinig sa pananaw ng iyong pamilya?

I want to help you as parents raise RISK TAKERS, PROBLEM SOLVERS and CHANGE MAKERS.

CHINKTV PRESENTS: How To Raise Entrepreneurial Kids In 10 Easy Steps Online Course for only 799.

Click Here: https://lddy.no/9see

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post FAILURE BA ITO? appeared first on Chinkee Tan.

BONDING TIME

$
0
0

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na nararamdaman natin yung lungkot. Pero bakit nga ba tayo nakararamdam ng lungkot, depression at anxiety?

Usually the reason we feel this way is because our needs are not meant and another reason is because we feel like we don’t have any connection with other people, like we don’t belong.

Kaya naman ginawa ko itong blog para masimulan natin na makabuo ng bonding.

BOND WITH OTHER GOOD PEOPLE

Hindi lang basta-basta bonding ito, ito yung kwentuhan o usapan kasama ang mga taong pinagkakatiwalaan natin at maganda ang impluwensya sa atin.

Kasi kahit parati tayong may kasamang grupo pero kung hindi naman maganda palagi ang pinag-uusapan, hindi rin ito healthy dahil mabigat din sa pakiramdam ito.

Puro tsismis o kaya puro gulo ang nakukuha lang natin kapag hindi magandang impluwensya ang grupong nakakasama natin. Kaya pumili rin ng tamang lugar para makakita ng mga taong may magandang maidudulot sa ating buhay.

Minsan, ‘di rin masamang umalis mag-isa at maki-bond sa ating sarili. Pwede natin itong gawin and we

BOND WITH THE BEAUTIFUL NATURE

Syempre we can always make a bonding with nature. Subukan natin magtanim, kasi masarap din sa pakiramdam yung harvest period. Other than that, mas napapalapit tayo sa ating mundo.

Dahil napaka-busy natin sa work, napakaingay sa labas, mausok sa highway, nakatutulong itong pagtatanim para mapakalma ang ating isipan.

Hindi lamang tayo nakapagpapalaki ng panibagong halaman, nakatutulong din ito para mas makapag-isip tayo at makabuo ng magandang desisyon.

Higit sa lahat, we

BOND WITH OUR LOVING GOD

Kailangan din natin nang tahimik na pakikipag-usap sa ating Panginoon. Maaaring sa inyong tahanan, pero mas mahalaga na may tahimik na lugar tulad ng simbahan para makausap natin ang Panginoon at makapagdasal nang mataimtim.

Ang pagdarasal ang pinaka-malalim na pakikipag-usap natin sa Panginoon, kaya huwag hayaang dumaan ang araw na hindi natin Siya nakakausap.

Hindi lamang kailangan ng pag-iisip natin ang Panginoon. Kailangan Siya mismo ng ating puso at kaluluwa.

Huwag nating hayaan ang lungkot at problema ang pumugil sa atin para gawin ang mga ito.

“Mahalagang mahalin at ingatan natin ang ating sarili,
dahil hindi mabuti na kalungkutan ang ating pinipili.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sinu-sino ang mga taong mabubuti ang tinuturo sa iyo?
  • Paano ka mas napapalapit sa ating kalikasan?
  • Gaano kadalas ang iyong pakikipag-usap sa Panginoon?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post BONDING TIME appeared first on Chinkee Tan.

CREDIT CARD

$
0
0

Ayan malapit na ang pasko! Nandyan na ang kaliwa’t kanan na sales at promo. Syempre nandyan din ang mga pakulo ng mga banks for the credit card.

“Naku Chinkee. Mabuti na may credit card kasi at least next month pa namin babayaran ito.”

Wala namang kaso doon eh…
Pero mababayaran n’yo ba talaga ito next month?
Anu-ano ba dapat ang kailangan isaalang-alang?

OVERSPENDING

Magpapakatotoo lang tayo mga friendship. Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nagba-badyet, naku! Please lang ‘wag ka na kumuha ng credit card. Haha!

Ito ang advice ko, learn to budget. Kasi kung tayo yung lagi na lang overspend, ang ending, malamang lalaki lang ang utang sa credit card company.

Tandaan, ang credit card ay hindi debit card. Ibig sabihin, utang ito. Kahit gaano pa kaganda ang offer nila, kung hindi nga natin mapagkasya ang pera natin kada buwan, lalo lang tayo magigipit dahil sa mga

CHARGES

Yes. May mga charges ang credit card. Imagine mo kung wala eh paano kumikita ang mga credit card companies ‘di ba?

Hindi natin goal na mabayaran lang ang minimum amount. Ang goal natin ay mabayaran ang total amount. So kung laging minimum amount lang ang mababayaran, may charges na ito.

At kada buwan na hindi ito nababayaran ay buwan-buwan ding nadadagdagan ang mga charges. Kaya kung gagamit ng credit card ay siguraduhing on or before the due date ay mabayaran natin ito.

Pero kung may cash naman, ay gumamit na ng cash para iwas

TEMPTATIONS

Yes! May psychological effect kasi kapag card lang. Hindi kasi tayo naglalabas ng pera o parang hindi nababawasan yung pera natin.

Pero tandaan na hindi katumbas ng credit card ang cash. Meaning, kahit hindi mo bayaran ngayon ang binili mong gadget, next month ay kailangan mo itong bayaran.

In short, ‘di pa rin tayo bayad sa binili nating gamit o pagkain. Mahirap pa dito kapag sobrang laki na ng utang, maaari nang kasuhan at pag nagkataon, magre-reflect ito sa records natin.

“Kung gusto mong maging certified debt-free,
siguraduhing may pambayad sa pang shopping spree.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Naranasan mo na bang mag-overspend sa mga pinamili mo?
  • Anu-ano ang mga natutunan mo sa paggamit ng credit card?
  • Paano mo paghuhusayan ang iyong pagbabadyet?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post CREDIT CARD appeared first on Chinkee Tan.

More ipon, mas happy!

$
0
0

Sa panahong halos lahat ay may tagprice, mahirap na talagang paniwalaan ang cliché na katagang “money cannot buy happiness.”

Pero aminin natin, may ilang tao ang ginagawang palusot ang katagang ito para iwasan ang pag-iipon at pagiging wais.

MONEY CANNOT BUY SOME FORMS OF HAPPINESS

Mapasaya ka man ng bago mong gadget at ng bagong milktea shop sa tapat ng opisina mo, tandaan mo na walang superpowers ang pera para mabili lahat ng gusto mo.

Marami ang hindi kayang bilhin ng kahit anong halaga ng pera. Although, pwedeng makatulong ang tamang paghawak ng pera para maging mas masaya.

INVEST ON YOUR HEALTH

Health is wealth, ika nga. Healthy lifestyle leads to a happier life. Pero syempre, kapag nagkasakit ka kakailanganin mo ng pera para sa gamot. Kung wala kang sapat na ipong pera, paano na?

Hindi mo pwedeng kausapin ang puso mo at bayaran ito para mawala ang heart diseases mo. Hindi mo rin pwedeng bayaran bawat cancer cells mo para hindi sila mag-activate.

Pero kapag may sapat kang pera, makagagawa ka ng paraan to prevent and cure any health issues. Makakuha ka ng medical plan insurances, at mas maayos na medical treatments.

INVEST ON YOUR SKILLS AND ON YOUR FUTURE

Passion and dreams? Kailangan mo nang proper investment para magawa ang iyong passion at maabot ang mga pangarap mo. Kailangan mo mag-invest hindi lang ng effort at time, kundi pati ng pera para sa pag-improve ng iyong skills. Kung pangarap mong pagkakitaan someday ang passion mo, kailangan mong matutong i-budget ang iyong pera para maging successful ka.

Happiness of your loved ones? Walang bayad ang bawat tawa at ngiti sa mukha ng mga mahal mo sa buhay. Pero realistically speaking, we always want to provide more for them to be happier. Kailangan mo maging financially responsible para na rin sa kapakanan nila. Ipon para sa pang-araw-araw na gastos, pang-aral ni baby, para sa health insurance ng family, sa future business, at para makapag-travel at makapag-unwind from time to time.

“Money cannot buy happiness but proper money management helps you live better and happier.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga nakapagpapasaya sa ‘yo?
  • Anu-ano ang mga gusto mong pag-ipunan naman para sa future?
  • Pa’no mo nama-manage ang iyong pera para sa needs, wants, at savings mo?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post More ipon, mas happy! appeared first on Chinkee Tan.

INIT ULO?

$
0
0

init

Naku malamig na ang simoy ng hangin pero bakit parang napakainit na naman ng ulo mo? Anong problema?

Alam n’yo mga friendship, nagsasayang lang tayo ng energy kung papainitin natin palagi ang ating ulo. Kailangan alam natin kung paano pakalmahin ang ating sarili mismo.

Ano ba ang ugat ng pagkainit ng ulo natin?

NAISAHAN TAYO? FEELING NALOKO?

Naku alam na alam ko ‘yan. Yung feeling natin na nagbayad naman tayo tapos ganito yung service? Yung feeling na “hindi ko ito deserve”.

Friend, inhale exhale muna tayo. Walang perpekto sa mundong ito. Kung anuman ang problema, hanapan ito ng solusyon.

Halimbawa na lamang, biglang nawala ang internet, humanap ng back up plan gamit ang ibang network. Kung kinakailangan pumunta sa opisina o tumawag sa support, gawin natin ito.

May karapatan tayong magalit pero tandaan natin na hindi madadaan lahat sa galit.

EXHAUSTED. FEELING “I DID MY BEST”

Pakiramdam mo ba na parang ikaw na lang ang gumagawa at kumikilos para sa ibang tao? Parang hindi man lang ma-appreciate ng iba ang ginagawa mo?

Ok. Let me just clarify that you’re not a kid anymore. Hindi na ito yung punto na laging may star ang ginagawa nating maganda. Kailangan may sense of responsibility na tayo.

Hindi natin ginagawa ang isang bagay para magpa-impress pero para makatulong sa iba at para magawa kung ano ang tama at kung ano ang mas makabubuti sa nakararami.

Kung talagang bukal sa loob natin ang ating ginagawa, sila mismo ang makapagsasabi na na-aappreciate nila ang ginagawa mo. Hindi mo kailangan ipamukha ito sa iba.

ANO NA NAMAN! FEELING MAGALING?

Naku nakai-stress talaga kapag paulit-ulit tayo ng instructions sa iba ‘di ba? Pero isipin na rin natin na may kahinaan ang bawat isa sa atin. I’m sure ikaw din may kahinaan ka.

So tumulong din tayo sa iba sa paraan na kaya natin. Kahit parang pang-five years old ang approach natin sa kasamahan natin sa trabaho para magpaliwanag, ok lang yun.

Minsan ‘di natin namamalayan na nakatulong pala tayo nang malaki sa iba. Never give up para makatulong sa iba, kasi isipin na lang din natin kung tayo ang nasa sitwasyon nila.

“Kailangan alam natin kung paano kumalma
dahil mahalaga na laging positibo ang ating nadarama.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang nagpapasagad ng iyong pasensya?
  • Paano mo hinaharap ang mga taong mahirap pakisamahan?
  • Sinu-sino ang mga taong nagpapasaya sa iyo?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post INIT ULO? appeared first on Chinkee Tan.


LET’S GO!

$
0
0

Naranasan mo na rin ba yung G na G ka sa naiisip mong plano? Game na game o kaya go na go?

Ito na yun eh? Pero naiisip mo rin na “BAKA” hindi mag-work. O kaya naman malugi lang at masayang lang ang ipinundar mo…

PERO!!! Paano naman kung mag-work ito? Paano naman kung maging successful ang business na ito? Hindi ba mas sayang ito?

Mga friendship, let me encourage you to try new things and start building your own mark! Bakit?

WE NEED TO EXPLORE AND GROW

Hindi puro travel goals ang dapat isipin natin. Kundi ang growth natin as a person dapat. Sa bawat paglalakbay natin, we have to make sure na may magandang maidudulot ito sa atin.

Ganyan tayo mag-isip. Dapat may purpose at hindi lang pahappy-happy. Well, walang masama to unwind sometimes. Pero tandaan na hindi tayo pabata, kaya kailangan mayroon tayong ma-establish na sarili nating business or investment.

WE NEED TO USE OUR TALENTS AND SKILLS

Yes na yes naman talaga dyan! Naku, I’m telling you, hindi ka binigyan ng Panginoon ng talento para sayangin lang. Use it! Share, show, sell your own talent!

Imposibleng wala kang talent kahit isa! My goodness! Haha!

Sa point natin ngayon, tayo dapat ang mas nakakikilala sa ating sarili. Kung sa tingin natin ay kulang pa ang ating kaalaman o karanasan, eh di simulan natin na palawakin ang ating kaalaman.

Hindi tayo pwedeng maghintay na may kakatok sa pinto natin para lang magsabi na kailangan nila ang tulad natin. Dapat tayo na mismo ang magpakita ng totoong kakayahan natin.

WE NEED TO HAVE MULTIPLE SOURCES OF INCOME

Syempre masarap din na yung talento natin ay bukod sa maibahagi at mapagkakitaan natin ay maaaring makatulong din sa ibang mga tao.

Hindi naman tayo makatutulong sa iba kung walang-wala rin tayo hindi ba? Kailangan din natin ng mga sources of income at hindi lamang habang buhay tayong empleyado.

Wala namang masama sa pagiging empleyado lalo na kung maganda rin ang kumpanya at maayos ang mga benepisyo. Ang sa akin lang ay kung may sarili tayong business ay mayroon din tayong maipapasa sa ating mga anak.

“Hindi natin kailangan magpakain sa takot na sumubok
upang hindi masayang ang talento na parang alikabok.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga talento at kakahayan mo?
  • Paano mo palalaguin ang iyong kaalaman?
  • Anu-ano ang mga naiisip mong business na maaari mong simulan?

 ————————————————————-

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var

**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk

The post LET’S GO! appeared first on Chinkee Tan.

FINDING PASSION OUTSIDE YOUR WORK

$
0
0

Marami sa atin ang mas nag-i-stay sa office nang mas matagal kaysa sa bahay. Yung iba nga ay kulang na lang, sa office na sila tumira. #Workislife kumbaga.

Wala namang masama sa pagiging workaholic, pero syempre kailangan mo pa rin ng oras sa ibang bagay…para sa sarili mo, at para sa passion mo.

‘WAG MAGPABALOT SA FRUSTRATIONS

Sabi ni Confucius, “Choose a job that you love, and you will never have to work a day in your life.”

We are considered fortunate if we land on a job na involve ang passion natin. Pero hindi lahat ay napupunta sa trabahong hilig talaga natin. It will feel frustrating most of the time.

Marami ang mga frustrated writers, cook, musician, dancer, painter, o athlete. Kung isa ka sa kanila na hindi nagagawa ang iyong passion at talent sa kasalukuyan, ‘wag kang mag-aalala. Maaari mong hanapan muli ang sarili mo ng oras para balikan ang passion mo.

HELP YOURSELF REDISCOVER YOUR PASSION

Look back on your younger years. Ano ba ang mga nakapagpapasaya sa ’yo noon? What are the things that excite you before you reach the #adulting phase? Ano ang mga pangarap mo noon bago ka nagkaroon ng bills and responsibilities?

Kung hindi mo na nagagawa presently ang mga iyon, then look back, reflect, and figure out why you stopped making that passion a part of your life. I-assess mo rin kung kakayanin ba at kung paano mo ime-maintain ang pagbalik mo sa passion na iyon nang hindi napapabayaan ang mga responsibilities mo.

Doing the things you are truly passionate about improves your work-life balance. Kahit hindi mo man passion ang regular work mo, panigurado may makukuha ka pa ring relevant skills sa mga hilig mo na pwede mong magamit sa susunod mong trabaho, pangraket, o sa iba pang aspects ng buhay mo.

YOUR PASSION CAN LEAD YOU TO SELF-FULFILLMENT

Importanteng magawa mo pa rin ang mga bagay na kinahihiligan at nagpapasaya sa ‘yo. Sa ganitong paraan, makakakuha ka nang mas maraming worthy skills at experience sa buhay habang nag-e-enjoy ka. Nakababawas din ito sa stress level na nakukuha mo sa daily life mo, at makararamdam ka ng inner self-fulfillment.

“Your passion serves as a source of energy to help you wake up, dress up, work hard and enjoy life every day.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang passion mo?
Nagagawa mo pa rin ba ang passion mo?
Paano mo maia-apply sa ibang aspect ng buhay mo ang mga skills na related sa passion mo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post FINDING PASSION OUTSIDE YOUR WORK appeared first on Chinkee Tan.

THE BRIDGE

$
0
0

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano nga ba makipag-usap sa isang client o prospect?

Syempre, mahalaga kung paano natin ipe-present ang sarili natin sa ating client. Kasama na rin dito yung suot natin at ang tindig natin. Higit sa lahat ay ang ating pakikipag-usap.

In this blog I want to share with you the three P’s na kailangan inaalam natin at pinag-iisipan natin. Ito rin ang kailangan isaalang-alang upang maging successful ang ating business.

Una ay ang

PROBLEM

“Chinkee naman, paano naman magiging successful kung problema ang pag-uusapan?”

Mga friendship, yan talaga ang malupit na sekreto dun! Anong point ng product or ng service natin kung wala namang problem ang kausap natin.

Imagine, magtitinda tayo ng gamot eh yung kausap natin wala namang sakit. Sa tingin n’yo ba bibili s’ya ng gamot?

Ok may possibility na bibili sila ng stock for emergency pero mas malaki ang chance na hindi sila bibili. So nasayang lang ang oras natin dito. Kaya mahalagang kilala natin ang ating client.

Ang susunod naman ay ang

PLAN

Ngayong alam na natin ang pain point ng customer natin, sasabihin na natin ang plan natin.

Okay sa point na ito, hindi tayo magbibigay ng false hopes sa prospect natin. Ang ipapakita natin ay ang detailed proposal sa customer.

Mahalaga na alam ng customer natin kung anu-ano ang mangyayari at kung posible ba ang mga sinasabi natin. Dito natin sasabihin kung paano natin bibigyan ng solusyon ang kanilang problema.

Kaya mahalagang nakikinig tayo habang nagsasalita ang ating client.

Ang panghuli ay ang

PROCESS

Ito ang pinakamahalagang bahagi. Kasi sa puntong ito, nandito na ang series of actions na gagawin natin para maging tulay sa pagitan ng problema at solusyon.

Tayo ang magiging tulay para marating ng prospects natin ang gusto nilang outcome.
So this is how we win our customers. We don’t need to share our history and our achievements, kasi lahat naman ito ay makikita na sa internet or social media.

So ang kailangan na lang natin ipakita ay ang totoong solusyon at kung paano talaga tayo mag-handle ng ating mga customers.

“Hindi lang drawing ang ibibigay natin sa ating prospect,
kundi tamang solusyon na kanilang ini-expect.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Gaano na katagal ang problemang nararanasan ng client mo?
  • Paano mo s’ya matutulungan sa kanyang problema?
  • Anu-ano ang mga kailangan gawin para makamit ninyo ang inyong goals?

MAKE MILLIONS BY PROSPECTING! Join and BECOME A MASTER PROSPECTOR: How to Earn Your Millions by Prospecting.

Click here to register for only P799.00! https://lddy.no/987g

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE BRIDGE appeared first on Chinkee Tan.

TODAY IS A GIFT

$
0
0

Hindi naman talaga madaling kalimutan ang nakaraan, lalo kung malaki ang naging epekto sa kasalukuyan.

Sa kabila naman, may punto sa buhay natin na natatakot tayo sa maaaring mangyari kaya hindi natin sinisimulan ang mga gusto nating gawin.

But here is what I have learned in life:

IWAN NA NATIN SA NAKARAAN ANG NANGYARI NA

Hindi na natin mababago at mababalikan pa ang mga naganap na. Ang maaari na lamang natin gawin ay gawing aral ang mga karanasan natin.

Kahit alam nating gawin ito, minsan nadadala tayo ng ating emosyon at alaala kaya nagiging malungkot ang ating kasalukuyan.

Kaya hayaan ninyong sabihin ko sa inyo na “Move on na.”
May present na, kaya huwag na nating sayangin ang magandang pwede pang mangyari.

Isipin din natin na

HUWAG MATAKOT SA KUNG ANO ANG MANGYAYARI

Kahit mahirap hindi matakot, subukan nating gumawa ng isang bagay na mas magpapalawak ng ating karanasan.

Mahalin natin ang mga pagkakataon na mayroon tayo ngayon imbes na laging problemahin ang future.

Hindi ko naman sinasabi na huwag nating pagplanuhan o isipin ang future, dahil mahalaga na mapaganda natin ang ating buhay para may magandang legacy tayo.

Pero huwag kalimutang

MAG-FOCUS SA MAHALAGANG NANGYAYARI

Pahalagahan natin ang bawat milestone ng buhay ng ating pamilya at kaibigan. Maganda man o hindi; masaya man o hindi; dapat ay napapaalala nating kapiling natin sila.

Ito ang mga pagkakataon na mas nagbibigay kahulugan sa bawat araw na gumigising tayo.

Huwag nating hayaan na dumaan lamang ang pagkakataon na hindi natin maparamdam ang ating pagmamahal.

“Today is Present and it is a Gift that we open each day.
So every day we have reasons to be happy all the way.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong aral ang natutunan mo sa iyong karanasan?
  • Paano mo pinaplano ang iyong buhay?
  • Sinu-sino ang mga taong nagpapasaya ng araw mo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post TODAY IS A GIFT appeared first on Chinkee Tan.

MAGBAYAD, HUWAG MAG-INARTE

$
0
0

Noong nangungutang, ang bilis mag-reply at madaling mahanap.
Pero noong time na para bayaran, bakit hindi na mahagilap?
May kilala ba kayo o naaalala?
Naranasan n’yo na bang malagay sa sitwasyon
na ilang beses tinanong, kinulit at pinuntahan,
pero ni anino ay hindi makita?

Siguro’y ang iba sa atin ay nakaranas na nito
o kaya naman ay naging ganito noon
at nagbagong buhay na ngayon nang ma-realize
na hindi pala tama at nakapeperwisyo ng kapwa.
Ano nga ba ang mainam na gawin
para ito’y ma-overcome at makabayad nang tama?

SABIHIN ANG TUNAY NA PAKAY

Mas maganda siguro kung wala nang paliguy-ligoy pa.
Mas marami ang nakaa-appreciate nang ganito.
Pero hindi rin natin masisisi ang iba kung nahihiya sa simula.
Baka kasi ay first time nilang hihiram ng pera
dahil sa naipit na sa pang-financial na pangangailangan.

Ngunit para maiwasan din ang pagbibigay perwisyo natin
sa pinagkakautangan o uutangan pa lang,
mas mabuti nang sabihin ang tunay na pakay ng pangungutang.
Para ba sa pambayad sa ospital? Renta ng bahay? Tuition fee?
Kung anuman iyon, siguraduhing malinis sa kalooban at transparent tayo.

MAG-COMMIT SA BINIGAY NA PETSA NG PAGBABAYAD

Mapalad tayo kung ang inutangan natin ay magsasabing,
“Kung kailan mo na kayang magbayad,
tsaka mo na lang ako bayaran…”

Sa totoo lang, konti na lang ang may ganitong puso
pagdating sa pagpapahiram ng pera.
Hindi rin naman siguro natin masisisi ang iba
kung bakit halos hindi na sila magtiwalang magpautang.

Pero kung nais makaulit mangutang kung kinakailangan,
mahalagang may integrity sa petsa na sinabi natin
o kaya ng pinagkakautangan natin.
This means that we are responsible for the money we borrowed.
Hindi natin sila tatakbuhan, kundi ay tumutupad tayo sa ating salita.

HUWAG MAGTAGO SA LIKOD NG PAG-AARTE

We all have our reasons when we are tasked on a responsibility we don’t like.
Parang sa pangungutang din, kung hindi natin gusto
na ma-follow up o bisitahin ng pinagkakautangan natin,
dapat ay nagbabayad tayo nang tama at sa tamang oras.
Ang magtago sa likod ng pag-aarte kung singilan
ay sumasalamin lang ng hindi pagrespeto.

Dapat tayo ay tumupad sa usapan.
Kung dumating ang araw ng deadline ng pagbabayad
at tayo ay alanganing makabayad, pwede naman siguro tayong makiusap.
Provided that the next time we set a deadline, magbabayad na tayo on time.
Hindi tayo mag-iinarte o kaya naman ay gagawa ng ‘di nararapat.

“Pag sinisingil ang mga nangungutang, parang action star kung tumakas. Pero noong lumapit at nangutang, nag-dramang parang pang-famas.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Nakababayad ka ba ng utang on time?
  • Nakararamdam ka ba ng hiya kung sa tingin mo ay baka ma-delay ang bayad mo?
  • Ano ang ginagawa mo kung singilan na?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post MAGBAYAD, HUWAG MAG-INARTE appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live