Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

WHAT TO DO WITH YOUR MONEY?

$
0
0

do
Marami na siguro sa inyo ngayon ang nakatanggap na ng 13th month pay n’yo o kaya naman yung Christmas bonus n’yo.

Ano naman ang ginawa n’yo dito? Syempre hindi naman masama na ipangbili natin ng mga panregalo at para sa Noche Buena.

Lagi rin nating isipin ang halaga ng pera na nakukuha natin.

MAKE IT

Marami ang nagtatanong sa akin kung alin ba ang mas mahalaga, ang makapag-ipon o palaguin ang pera.

Well, para sa akin pareho itong mahalaga. Kailangan ay alam natin kung paano palakihin ang ating kinikita at malaman din kung anu-ano pa ang mga sources of income na maaari nating kuhanan ng dagdag na kita.

SAVE IT

Syempre maliit man o malaki ang ating kinikita kailangan ay alam din natin kung paano magtabi o mag-ipon ng ating pera.

May ilang mga tao kasi na sinasabing maliit ang kinikita kaya walang naiipon. Ang masasabi ko naman ay, maghanap ng ibang pagkakakitaan at huwag sayangin ang mga opportunities na dumating sa inyong buhay.

Kung lumaki na ang kita o kung may mga dagdag kita na, kailangan ay makapag-tabi na para sa ipon. Kasi kahit malaki na ang kinikita kung lumalaki rin ang mga luho natin, wala talagang maiipon kapag ganito.

SHARE IT

Syempre mahalaga rin na makapagbahagi rin tayo sa ibang mga tao, lalo na sa mga nangangailangan. Alam ko naman na alam n’yo na kung sinu-sino dapat ang mga kailangan tulungan.

Lalo na kung matagal na rin kayong nakababasa ng mga blogs ko. At huwag din nating kalimutan na ibalik ang lahat ng kapurihan sa ating Panginoon.

Siya ang source ng mga biyaya natin sa buhay. Maging mapagbigay at mabuti sa ating kapwa at sa Panginoon dahil doble ang blessings na matatanggap natin.

“God blesses us all. So always share your blessings
and never let your faith be ruined by all the sufferings.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano mga sources of income mo?
  • Paano mo bina-badyet ang iyong kinikita kada buwan?
  • Sinu-sino ang taong nangangailangan ng iyong tulong?

————————————————————————-

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post WHAT TO DO WITH YOUR MONEY? appeared first on Chinkee Tan.


BAGYO NG BUHAY

$
0
0

Katatapos lang ng bagyo na dumaan sa ating bansa. Naalala ko rin nung bagyong Ondoy. Iba talaga ang nangyari noon. Ngayon, mas naghahanda na tayo sa mga bagyo.

Parang ganyan din sa buhay natin. Kapag may malakas na bagyo na dumating sa buhay natin, talagang matindi ang naiiwan nitong aral sa atin.

MAS NAGHAHANDA

Natututo tayong maghanda nang mas maaga dahil alam na natin ang pinsalang maaaring maidulot nito sa atin. Mas nagiging mahinahon tayo kapag alam nating napaghandaan na natin.

Pero alam din naman natin na ang bagyo, malakas talaga ito, kaya kailangan na siguraduhin nating ligtas ang mga mahahalagang tao at mga bagay sa ating buhay.

Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang lahat ng mga paalala na ating naririnig sa balita at maging sa mga aral mula sa ibang mga tao sa ating paligid.

MAS ALERTO

Mahalaga rin na nagiging mas alerto na tayo sa mga pinagdadaanan natin sa buhay. Hindi na natin dapat balewalain ang mga alam nating magdudulot ng kapahamakan sa atin.

Mas nagiging maparaan na rin tayo sa pagtulong sa ibang mga tao at sa paghahanap ng solusyon sa sarili nating problema.

Mas nadadagdagan na rin ang ating kaalaman para maka-survive sa kahit anong bagyo na dumating sa ating buhay. Kaya dapat ay naibabahagi rin natin sa iba ang ating mga kaalaman.

MAS NAG-IIPON

Syempre hindi lamang pera ang ating iniipon. Mahalaga rin na makapag-ipon tayo ng mahahalagang kaalaman. Kung sa totoong bagyo man, dapat nakapag-ipon na tayo ng mga pagkain o inumin kung sakali mang ma-stuck na tayo sa loob ng ating bahay.

Ganyan din sa ating buhay. Mahalagang makapag-ipon tayo ng emergency fund natin upang sa gayun, sa mga hindi inaasahang pangyayari ay may makukuhanan tayo.

Nandyan din ang pag-iipon para sa ating retirement fund, o kaya naman sa educational fund ng ating mga anak. Lahat ng mga mahahalagang bagay sa buhay natin ay kailangan pinaghahandaan at pinag-iipunan.

“Ang bawat bagyong dumarating ay nag-iiwan ng alaala
na kailangang kunan ng aral at huwag ipagwalang-bahala.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-anong bagyo ang iyong nalampasan sa buhay?
  • Paano mo ito nalampasan at napagtagumpayan?
  • Sinu-sino ang mga taong tumulong sa ‘yo upang ikaw ay maka-survive?

———————————————————-
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post BAGYO NG BUHAY appeared first on Chinkee Tan.

BALIK-TANAW

$
0
0

Marami na ang mga reunions ngayon. Kaya naman marami ang nagkikita at nagkakakwentuhan sa mga nakaraan.

Alam n’yo mga friendship, last week, nagkita kami ng ilan sa mga kaibigan ko sa industriya. Syempre nandyan na rin ang kwentuhan tungkol sa mga anak.

Ito ang ilan sa mga gusto ko ring ibahagi sa inyo:

CHALLENGES MADE US STRONGER AND WISER

Sa dami na rin ng mga pinagdaanan natin sa buhay. Kapag nagkakakwentuhan na, hindi na mga maliliit na bagay ang pinag-uusapan eh.

Nandyan na ang parenthood, relationships, business. Mas lumalaki ang mga responsibilidad natin. Minsan nga napapaisip din ako na ang sarap din talagang bumalik sa pagkabata. Haha..

Hindi pa gaanong mabigat ang mga desisyon na kailangan nating gawin at simple lang ang buhay. Kaya nga bilang isang magulang sa tingin ko,

PARENTHOOD IS REALLY A CHOICE

May choice man tayo o wala, kailangan piliin talaga nating maging magulang sa mga anak natin. We have to be a good role model to them.

Hindi man tayo maging perfect parents nila, pero at least magabayan natin sila at mapalaki natin nang maayos ang ating pamilya at ang ating mga anak.

Kaya naman saludo rin ako sa mga magulang na pinalaking may pagmamahal sa isa’t isa ang kanilang mga anak. It’s a challenge but we have to work on it because

PRESENT IS THE MOST IMPORTANT PART IN LIFE

Mahirap na dumating ang araw na wala na tayo sa mundong ito at hindi man lang natin nagawa ang main purpose natin bilang magulang sa ating mga anak.

Hindi lamang yaman ang maaari nating maipamana sa ating mga anak. Higit pa dito ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ang pagmamahal natin sa kanila.

Hindi pare-pareho ang ating mga anak pero deserve nila ang wagas na pagmamahal mula sa atin dahil ito ang kanilang panghahawakan sa panahon na sila na lang ang maiiwan sa mundo.

  • “Challenging maging isang magulang,
    pero hindi natin ito dapat sukuan.
    Huwag nating hayaan na tayo ay magkulang
    kaya dapat lagi natin silang gabayan at turuan.”
    – Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pagsubok na dumating sa inyo bilang mga magulang?
  • Paano ninyo ito nalampasan at nasolusyunan?
  • Sinu-sino ang mga taong gumabay at naging inspirasyon ninyo upang maging isang mabuting magulang?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post BALIK-TANAW appeared first on Chinkee Tan.

FINANCIAL STRESS

$
0
0

Naku talaga namang nakaka-stress kapag lagi n’yo na lang pinagtatalunan ng asawa mo ang pera ‘di ba?

Paano naman kasi may mga money traps na hindi natin inaakalang mapapagastos pala tayo. Kaya ang ending ay away at sisihan ng mag-asawa.

So here are some of the common money traps to couples:

0% INTEREST IN 12 MONTHS

Nakita n’yo sa mall sale at may 0% interest pa. Naku, mga friendship. Yung interest n’yan eh nandun na mismo, kasama sa kada buwan na babayaran n’yo.

Kaya naman ang tips ko ay simple lang. Kung hindi n’yo naman talaga kailangan ay huwag n’yo na lang ito bilhin. Kung kailangan n’yo naman ay pag-ipunan n’yo ito.

Halimbawa, 30,000 yung price ng bibilhin n’yo, magkano kada buwan ang maaari n’yong itabi para dito? Let’s say 5,000, so kada buwan, ilagay n’yo muna sa bangko ung 5,000 para sa bibilhin n’yo.

Hanggang makaipon kayo para dun. Ang mahalaga ay maiwasan ninyo yung monthly charge. Lalo na kung balak n’yong gumamit ng credit card!

FREE TRIAL

Ito naman yung mga monthly subscriptions na sa una ay free trial o kaya may one month money back kapag hindi daw natin nagustuhan. Eh ang kaso nagustahan natin…hahaha!

Eh di wow! Dagdag monthly fee na naman!

Alam n’yo mga ka-Chink, wala namang problema sa mga monthly subscriptions lalo na kung mahalaga at kailangan sa work or sa study ng anak natin.

Ang mahirap lang ay yung may monthly fee tayo na makadadagdag lang sa bayarin natin at masasayang pa ang oras natin o kung wala namang naidulot na pag-unlad sa kinikita natin.

PAY-DAY LOANS

Isa rin ito sa nakaka-stress mga ka-Chink!

Yung wala pa ang sweldo pero nakasangla ang atm sa ibang tao o kaya naman may inutang na tayo kahit wala pa ang sweldo natin.

Kaya pagdating ng sweldo, Boom!
Magic!
Wala na!

Oh ‘di ba? Stress?

Kaya naman, iwasan natin at itigil na natin ang pangungutang ahead of time. O kahit yung mismong pangungutang lalo na kung hindi naman natin napagkakakitaan ang inuutang natin.

Mahirap kasi na umutang para lang pambayad ng ibang utang natin. Kaya, isa-isahin ang pagbabayad ng mga utang para maging utang-free!

“Pag-usapan ang mga money issues ninyong mag-asawa.
Solusyunan ito at pagtulungan ninyong dalawa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang pinakamatinding money issue sa inyong pagsasama?
  • Paano ninyo ito nasolusyunan?
  • Gaano kahirap ang pinagdaanan ninyo?

—————————————————————-

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Check it here: https://lddy.no/8vdb

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page:
https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel:
https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post FINANCIAL STRESS appeared first on Chinkee Tan.

KEEP IT

$
0
0

Minsan ba nasabi n’yo na sa sarili n’yo na kaya wala kayong naiipon kasi maliit ang kinikita n’yo?

Pero bakit noong lumaki na ang kita eh wala pa ring ipon?
Bakit nga ba?

Mga ka-Chink, let me share with you some practices that I do to monitor and maintain my finances.

KEEP TRACK OF YOUR INCOME

Mahalaga na alam natin kung magkano ang ating kinikita buwan-buwan para alam din natin kung magkano lang ang expenses na maaari nating gawin.

Hindi pwede na isipin lang natin na may paparating naman na sweldo kaya ok lang… gastos lang!

Pero paano kung magkaroon ng emergency? Kaya kailangan din ay mayroon tayong different sources of income. Para mayroon tayong mga options kung saan din natin maaaring mailagay ito.

KEEP TRACK OF YOUR DUE DATE AND EXPENSES

Mga ka-Chink, I am encouraging all of you to always take note of your due dates. Mas maganda kung may reminder kayo kung kailan ang bayarin ng mga ito.

Para hindi magkaroon ng overdue or interest lalo na kung gumamit kayo ng credit card. Naku sobra-sobra ang patong kapag nag-overdue or kung minimum lang ang babayaran natin.

Kaya naman make sure to make good debt and if you have one, bayaran na ito in full cash para walang interest.

HAVE A STRONG FINANCIAL DISCIPLINE

This is very important. Kahit sabihin natin na ang laki ng sweldo natin, ang dami nating sources of income, may ipon tayo… pero kung wala naman tayong financial discipline, naku! Wala rin.

Kung madali tayong matukso sa sale, sa mga promo, sa mga offer ng mga tao sa paligid sa atin, mababalewala rin ang mga ipon natin.

Learn to say no lalo na kung hindi naman talaga natin kailangan. We should be very mindful in making decisions especially if we have our goal.

“Dapat malinaw sa ating isipan kung ano ang gusto natin
para nakaayon dito ang ating mga desisyon at gagawin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pinagkukuhanan ninyo ng income?
  • Paano mo napapaalalahanan ang iyong sarili sa mga due dates and expenses mo?
  • Gaano katibay ang iyong financial discipline?

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post KEEP IT appeared first on Chinkee Tan.

HANGGANG SANA NALANG BA TAYO?

$
0
0

Our time is very limited. Kailangan nating i-maximize ang ating kakayahan para maabot ang mga pangarap at hindi mauwi sa puro sana na lang.

Kung ang istorya ng buhay mo ay magwawakas bukas, ano ang mga bagay na pinagsisisihan mong hindi mo nagawa?

Siguro, konti man o maraming bagay ang masasagot mo sa tanong na ito, siguradong meron kang sagot. Imposibleng wala.

Imposibleng wala tayong pinagsisihan sa buhay. Dahil maraming bagay na hinihiling nating sana nagawa, nasabi, at nakuha natin.

PURO TAYO SANA

Sana makuha natin ang mga gusto natin na mahirap makuha. Wish lang natin magkaroon ng magic na mapasaatin na instantly lahat ng hinihiling natin.

Puro tayo hiling pero hindi pa rin natin makuha-kuha. Maraming sana pero kulang sa gawa. We keep on wishing things instead of working on things to turn into reality.

HINDI PURO #SANAALL ANG LIFE

Ang istorya ng buhay natin ay hindi base sa kung gaano karami ang gusto nating mangyari. Ito ay nakabase sa dami ng opportunities na kinuha at pinaranas natin sa ating mga sarili.

Kung magwawakas na ang istorya ng buhay mo bukas, ang mga bagay na pagsisisihan mo ay ang mga bagay na pinagkait mo sa sarili mo, ang mga taong binalewala mo, ang mga salitang ikinulong mo sa sarili mo, at ang mga lugar na hindi natapakan ng mga paa mo.

SANA MAWALA NA ANG MGA SANA SA BUHAY MO

Sana hindi natin pagsisihan ang hindi natin pagpayag sa ating  mga sarili na mabuhay nang naaayon sa ating ipinangarap.

Sana hindi natin pagsisihan ang mga oportunidad na pinalalagpas natin.

Sana mamuhay na tayo nang hindi puro #SanaAll.

Kaya nawa’y sa paggising natin bukas ay magsimula muli tayong mangarap at gumawa ng hakbang para maabot ang pangarap. Do it now instead of doing it later.

We are our own life motivator and influencer. Nasa sa ating mga kamay kung tayo ay magtatagumpay o mabibigo. Nasa ating mga kamay din kung tayo ay babangon at magpapatuloy sa laban ng buhay o susuko na lamang.

Sana ma-realize natin ito.

“Our time is very limited. Kailangan nating i-maximize ang ating kakayahan para maabot ang mga pangarap at hindi mauwi sa puro sana na lang.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Anong mga bagay ang pinagsisisihan mo sa buhay?
  2. Anong paraan ang magagawa mo para mabawasan ang mga bagay na pinagsisisihan mo?
  3. Paano mo mapalalago ang buhay at finances mo nang walang pagsisisi?

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan

The post HANGGANG SANA NALANG BA TAYO? appeared first on Chinkee Tan.

IWAS-IWAS DIN PAG MAY TIME

$
0
0

Ngayong kapaskuhan, piliin nating maging masaya  dahil sabi nga: Habang may buhay, may pag-asa.

Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, ramdam na rin ang saya sa paligid. Pero may mga tao rin na kahit anong saya ng mundo, sila yung minsan nakakapanghina ng lakas. Naku, matinding iwas ang kailangan nating gawin sa kanila.

Ilan lamang ito sa mga dapat nating tandaan na hindi naman lahat ng tao ay kailangan nating i-please. Dahil ang mahalaga ay ang kabutihan pa rin para sa Panginoon.

Kaya naman para sa mga taong

LAGING GALIT

Alamin ang mga nagpapagalit sa inyo. Huwag n’yong hayaan na mapuno ng galit ang inyong mga puso. Kahit gaano pa kalupit ng mundo, may mga magagandang nangyayari pa rin sa buhay natin.

Iwas-iwasan nating magalit agad sa mga maliliit na bagay. Huminga nang malalim bago gumawa ng mga desisyon upang hindi maging padalos-dalos ang ating gagawin.

Piliin nating maging masaya at umiwas din sa mga taong

PUNO NG INGGIT

Para sa mga taong nalulungkot kapag may magandang nangyayari sa buhay ng ibang mga tao, isipin n’yo rin ang mga bagay na mayroon kayo.

Huwag natin tingnan ang mga kulang sa atin; ang mga wala sa atin. Tingnan natin at ating ingatan ang mga biyayang natatanggap natin.

Huwag din tayong magpapadala sa mga tukso sa paligid natin para lamang makuha natin ang ating gusto. May tamang panahon na nakalaan para dito.

Hindi dapat ito pinupwersa kundi, kailangan pagpaguran at paghirapan. Huwag tayo maging

GRABE SA GANID

Isa sa nagpapalungkot ng isang tao ay ang pagiging ganid dahil hindi niya nakikita kung ano ang mayroon siya. Laging kulang at hindi sapat ang lahat ng bagay.

Hindi makabubuti kung lagi nating iisipin na hindi sapat ang ginagawa ng ibang mga tao sa paligid natin dahil hindi rin natin alam ang mga sakripisyong ginagawa nila.

Kaya kailangan ay bigyan natin ang ating sarili ng pagkakataon upang piliin na maging masaya kahit sa simpleng bagay lamang. Dahil minsan, ang mga simpleng bagay pala ang tunay na bubuo ng kahulugan ng kaligayahan sa ating buhay.

“Ngayong kapaskuhan, piliin nating maging masaya
dahil sabi nga: Habang may buhay, may pag-asa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga negatibong pag-uugali ang gusto mong baguhin?
  2. Paano ka nagiging blessing sa ibang mga tao?
  3. Sinu-sino ang mga taong nagpapasaya sa ‘yo at may magandang impluwensya sa iyo?

 

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan

The post IWAS-IWAS DIN PAG MAY TIME appeared first on Chinkee Tan.

MAY NAMIMISS KA BA THIS HOLIDAY SEASON?

$
0
0

Celebrate the holiday season with the people that are still with us. Our lost loved ones will be happier by seeing us happy.

Mahirap mawalan ng mahal sa buhay—kapamilya man natin ito, kaibigan, o taong malapit sa puso natin. Many things will surely remind us of our lost loved ones.

Matinding adjustments ang kailangan nating gawin sa buhay bago maka move-on sa pagkawala nila. A lot of hard firsts will come. Lalo na sa unang holiday season na hindi natin sila makakasama.

Mahirap, lalo na’t kailangan nating tanggapin na hindi na natin sila makakasama sa anumang holiday o special occasions na nakasanayan nating i-celebrate kasama sila.

MAHIRAP PERO MASASANAY KA NA LANG

Pagkalipas siguro ng ilang celebrations na wala sila, eventually masasanay din tayo. Masasanay din tayo na wala sila, na hindi natin sila mayayakap, na hindi natin sila makakausap at makakakulitan.

It may not be as happy as it used to be but at least you are still happy. Kailangan mo pa ring maging masaya.

APPRECIATE YOUR SUPPORT SYSTEM

Kailangan i-appreciate natin ang mga taong nand’yan pa rin para damayan tayo, at pasiyahin tayo anumang araw, gaya ng pamilya at mga kaibigan natin.

Iwasan nating maging malungkot sa panahong ito. Maraming bagay pa ang pwedeng maging source of happiness natin, hindi lang ang mga alaala ng mga taong nami-miss natin.

LIFE MUST GO ON, IKA NGA

Tandaan natin na hindi rin gusto ng mga yumao nating mga mahal sa buhay na malungkot tayo dahil sa kanila.

I-celebrate natin hindi lamang ang holiday season, kundi ang bawat araw. May mga nawala man sa buhay natin, mananatili pa ring nand’yan ang mga alaala nila hindi para maging malungkot tayo kung hindi para magsilbing lakas natin para mabuhay nang masaya.

“Celebrate the holiday season with the people
that are still with us. Our lost loved ones
will be happier by seeing us happy.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Naranasan mo na ba mawalan ng mahal sa buhay?
  2. Paano mo nalagpasan ang mga special occasions na hindi na sila kasama?
  3. Paano mo ice-celebrate ang holiday season nang masaya?

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan

The post MAY NAMIMISS KA BA THIS HOLIDAY SEASON? appeared first on Chinkee Tan.


PRESENCE OVER PRESENTS

$
0
0

Presence over presents. Mas mahalaga ang masayang alaala ng kapaskuhan kasama ang mga mahal natin sa buhay kaysa anumang materyal na bagay.

Pasko na naman! Kabi-kabila na naman ang mga Christmas decors sa bawat kanto, at mga holiday sales sa bawat shops, online man o sa mga malls.

Pasko na naman! At ‘di natin maikakaila na ang gift-giving tradition ay talagang highlight sa panahong ito.

IT’S THE SEASON OF GIVING

For sure meron ka nang listahan ng mga pagbibigyan mo ng regalo at kung saan ka makabibili ng mga iyon.

Tayong mga Pinoy, we like giving presents sa ganitong panahon. Galante tayo. Dito tayo nakababawi sa pamimili ng mga branded na bagay pang-regalo.

Wala namang masama magbigay ng Christmas presents lalo kung afford naman natin at kung buong puso ang pagbibigay. Pero sana ‘wag natin kalimutan kung ano talagang mas importante sa buhay.

PRESENCE OVER PRESENTS

Sana alam natin na higit sa mga materyal na bagay, mas makapagbibigay saya pa rin pag kasama tayo ng mga mahal natin sa buhay. Kapag sabay sabay tayong magbubukasan ng mga regalo, kapag sabay sabay tayong magngingitian, magtatawanan, at magpapasalamat sa mga natanggap natin. Kapag mayayakap natin ang pamilya at mga mahal natin sa buhay.

OKAY LANG KAHIT HINDI BONGGA!

Kahit hindi branded at bongga ang regalo nating materyal na bagay, walang mas papantay sa mga alaalang mabubuo kapag magkakasama tayong nag-celebrate ng pasko.

This season should be a great time to be with each other’s presence.

Kaya sana habang nakapila tayo sa pagbili ng mga regalo o habang hinihintay nating ma-deliver sa atin ng online shop ang orders natin, maalala sana natin na ang mga bagay na ito ay isa lamang paraan para mapakita natin na naalala natin sila ngayong pasko. At sana maalala pa rin natin na maging present sa buhay nila ngayong panahon na ito.

Madaling makalimutan ang mga regalong natatanggap tuwing pasko, pero maaalala’t maaalala natin kung sino ang kasama natin sa pag-celebrate nito.

“Presence over presents. Mas mahalaga ang masayang alaala ng kapaskuhan
kasama ang mga mahal natin sa buhay kaysa anumang materyal na bagay.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  1. Excited ka na ba sa pasko?
  2. Sino ang mga kasama mong mag-celebrate?
  3. Paano ninyo ice-celebrate ang kapaskuhan?

 

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan

 

The post PRESENCE OVER PRESENTS appeared first on Chinkee Tan.

MGA KABABAYAN KO

$
0
0

Ang pangingibang bansa ay hindi lamang dahil sa kita kundi para sa pangarap natin para sa ating pamilya.

Magpapasko na. Maraming OFW ang nakaplano na umuwi muli para makasama ang kanilang pamilya kaya naman naisipan kong gumawa ng blog na ito.

Naalala ko kasi may isang Iponaryo ang nag-share ng kanilang struggles bilang mag-asawa. Sabi nga n’ya ayaw na n’yang pauwiin ang asawa n’ya tuwing pasko.

Bakit kamo? Kasi kapag uwi, laging laman ng inuman. Naku, mga KaChink. Kailangan, we must…

SET UP OUR GOALS

Dapat alam natin kung bakit tayo pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho. Dapat sa simula pa lang ay may goal kung hanggang kailan tayo sa ibang bansa.

Halimbawa ang goal natin ay makapagpatayo ng bahay, dapat sa kada pagpapadala ng ating asawa o anak eh nakalaan talaga dito yung pera.

Hindi natin dapat sayangin o gamitin ang pera sa mga bagay na hindi naman kailangan ng ating pamilya. We need to

BE DISCIPLINED

Kahit gaano pa kalaki ang kinikita ng ating asawa o anak sa ibang bansa, dapat naka-budget kung hanggang saan lamang ang maaari nating gastusin for leisure.

Hindi naman masama ang maging mapagbigay sa ibang mga tao at makisama kapag uuwi rin mula sa ibang bansa. Pero kailangan alam natin kung paano hawakan nang maayos ang ating pera na pinaghihirapan.

Spend more time with your family rin dahil ngayon lang din kayo magkakasama. At syempre, huwag kalimutang magtabi ng ipon para sa retirement. You have to…

LEARN HOW TO INVEST

Hindi naman pwede na habang buhay kayong OFW at kumakayod sa ibang bansa. Habang buhay na hiwalay sa pamilya ninyo. Kailangan it’s either umuwi kayo o isasama ninyo sila sa inyo.

Kaya laging maging wais sa pag-handle ng pera. Matutong mag-invest sa mutual fund, o kaya sa VUL o kaya naman sa stock market o kaya naman ay maaari ding magsimula ng negosyo.

Lahat ng mga ito ay kailangan inaaral natin upang hindi masayang ang bawat panahon na ginugugol natin na malayo sa pamilya.

“Ang pangingibang bansa ay hindi lamang dahil sa kita
kundi para sa pangarap natin para sa ating pamilya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Anu-ano ang mga goals mo sa pagiging OFW?
  2. Paano mo nadidisiplina ang sarili mo sa paghawak ng pera?
  3. Sinu-sino ang mga inspirasyon mo sa pag-abot  ng iyong mga pangarap?

Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. Check it here https://lddy.no/8vaq

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @chinkeetan

The post MGA KABABAYAN KO appeared first on Chinkee Tan.

STARTING OVER AGAIN

$
0
0

Hindi natin deserve ang buhay na toxic at puro negativity lang ang dulot sa atin. We need to do something to be truly happy.

Sabi nila kapag nagkamali ka, itama mo. Kapag nadapa ka, bumangon ka. Kapag napunta ka sa dead end, magsimula ka ulit. Start over again when you failed.

Pero syempre, mahirap ito. Mahirap magsimula ulit. Hindi madaling umalis sa lugar na nakasanayan mo na.

Lalong mas mahirap talikuran ang mga bagay, tao, trabaho o negosyo na naging kumportable ka na.

Starting over again is hard, but sometimes it’s worth it.

SOMETIMES STARTING OVER AGAIN IS OUR ONLY OPTION

Kahit na mahirap, kahit na masakit sa damdamin, kahit na nakakatakot, baka ito lang talaga ang paraan para maayos ulit ang buhay natin.

Baka ito lang ang paraan para maabot natin ang ating mga pangarap. Baka ito lang ang paraan para makuha natin ang buhay na ating inaasam.

We need to move on and move forward to grow for the better. Pero tandaan mo, mahirap mang talikuran ang mga bagay na naging sanhi ng pagkadapa mo, meron ka pa ring lakas para talikuran ito at bumangon muli.

‘WAG MAGPABALOT SA TAKOT

Gaano man kalaki ang takot at negative thoughts na meron ka sa pagsisimula muli. Tandaan mo na mas lamang ang potential na maging masaya kang tunay kapag ginawa mo ito.

Kaya kailangang huminga ka na nang malalim at lakasan ang loob mong subukan at simulan na ito. You will never know what lies ahead of you if you do not try.

IT’S TIME!

Subukan mo lang. Open yourself to as many opportunities as you can. Start with one step at a time until you see how beautiful life truly is.

Start treating yourself right and better. Socialize with the right people. Humanap ka ulit ng bagong trabaho. O kaya’y magtayo ng bagong negosyo, kahit maliit lang.

Unti-unti ay makababangon ka ulit at mabubuhay nang mayroong mas malakas na loob at matibay na puso para harapin ulit ang mga hamon ng buhay.

“Hindi natin deserve ang buhay na toxic at puro negativity lang ang dulot sa atin.
We need to do something to be truly happy.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  1. Have you ever failed in your life?
  2. Paano ka nakabangon muli sa failure na ito?
  3. Ano ang mga natutunan mo mula sa mga past struggles mo sa buhay?

—————————————————

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @chinkeetan

The post STARTING OVER AGAIN appeared first on Chinkee Tan.

IT’S NOT LUCK

$
0
0

It’s not luck to get the chance to find love. It’s a blessing, an answered prayer from above.”

Lagi nating dinarasal na sana s’ya na ang “the one”. Yung tipong kinukumpleto pa natin ang simbang gabi para i-grant ni Lord ang wish natin sa love life or sa anuman.

Pero pagdating naman talaga sa pag-ibig, hindi lang puro wish and prayers ang kailangan. Dapat alam din natin kung paano i-work out para matupad ang prayers natin.

DAPAT ALAM NATIN ANG GUSTO NATIN

“Lord sana po mas maging mapagmahal s’ya.”

“Sana po mas maging open-minded s’ya.”

“Baka naman po, Lord, sana magbago na po s’ya.”

Ang daming nating wish kay Lord. Tapos kapag hindi naman nangyari, isisisi natin kay Lord? Ganun ba yun?

Syempre hindi dapat. Kung gusto mo ng taong mapagmahal, open-minded or kung anuman, then yun talaga dapat ang taong hanapin mo. Huwag nating iasa na lang na kapag may nakilala tayo, mababago s’ya ni Lord ayon sa gusto natin.

Kasi..

DAPAT MARUNONG DIN TAYONG KUMILOS

Dasal ka nang dasal pero hindi mo rin naman pala nasasabi sa asawa mo or sa kasintahan mo ang saloobin mo.

Do you think si Lord ang kakausap sa kanya?

Yes, nandyan si Lord as our source of strength and love, pero kailangan tayo rin ang mismong kumilos at maghanap ng solusyon sa mga pagsubok natin sa buhay.

Gusto natin ng ganitong klase ng tao pero naghahanap din ba tayo sa tamang lugar? Hindi rin naman pwede na basta na lang ihulog ni Lord sa harap natin ang hinihiling nating love of our dreams dahil

DAPAT HANDA RIN TAYO MISMO

Handa dapat tayo once na mahanap o makilala na natin ang ating pinagdarasal.

Meaning, naka-set na yung mga gusto natin sa isang tao or kung ano ang ayaw natin sa isang tao. Then, dapat tayo rin maging worthy para sa taong ito.

Mahirap naman kung dumating s’ya at ikaw ang hindi ready. Kaya naman I think, this is also the best time to make ourselves a better version each day.

Dahil baka ikaw na ang matagal na n’yang ipinagdasal na makilala…

It’s not luck to get the chance to find love.

It’s a blessing, an answered prayer from above.” 

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga katangian ang gusto mo sa isang taong mamahalin mo?
  2. Anu-ano naman ang mga hindi mo rin gusto na katangian ng isang tao?
  3. Paano mo hinahanda ang iyong sarili para sa pag-ibig?

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here to learn more: https://lddy.no/8vdb

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @chinkeetan

The post IT’S NOT LUCK appeared first on Chinkee Tan.

THE PEOPLE AROUND US

$
0
0

It’s not luck to get the chance to find love. It’s a blessing, an answered prayer from above.”

Lahat naman tayo may mga aspirations sa buhay. Lahat din tayo nakararanas ng mga pagsubok sa buhay. Pero maliban kay Lord, may mga tao rin sa paligid natin ang tumutulong sa atin.

Kaya naman ngayong kapaskuhan, huwag natin silang kalimutang pasalamatan. “No man is an island” nga daw, kaya lagi nating isipin that we are blessed to have these people around us.

PARTNER AND FAMILY

Maaaring partner in life or partners in business, either of the two, we have to make a very strong relationship with them.

Syempre hindi rin naman mawawala ang ating pamilya, magulang at mga kapatid. Pwedeng blood related or group of people na tinuturing na nating kapamilya. Lahat din sila, deserve nila maramdaman na mahalaga sila.

So this holiday season, it’s the best time to thank them and appreciate all their efforts and share back the blessings to them.

CO-WORKERS AND WORKERS

Kung kayo ay employees, syempre may mga katrabaho rin kayo na lagi n’yong nalalapitan at tumutulong sa inyo. Kung ikaw naman ay isang entrepreneur, may mga tao rin sa paligid mo na tumutulong sa ‘yo para maging successful ang business.

Kaya sila rin ay pasalamatan natin. We can also share our success to them because success is more meaningful when we share it with others.

Parang ang lungkot kung tayo lang ang masaya sa success natin. I think, hindi na rin success ang matatawag dun kung wala tayong kasama sa tagumpay natin.

SUPPORTERS AND FRIENDS

Syempre hindi rin mawawala dito ang ating mga kaibigan at ang supporters natin.

On my part, lagi ko ring ipinapagpasalamat ang lahat ng mga supporters ko and followers ko. Kayo ang isa sa mga inspirasyon ko kung bakit nakakapagsulat ako ng mga libro, blogs at nakakagawa ng vlogs.

Nandyan din ang mga kaibigan natin na walang sawang nagtitiwala sa ating kakayahan at nagbibigay ng mga magagandang payo upang ang ating mga desisyon sa buhay ay mas maging malinaw at makatarungan.

Kaya this new year…

“Let’s not forget to say “Thank you” to these people because they always help us make things simple.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Sinu-sino ang mga taong gusto mong pasalamatan?

  2. Anu-ano ang mga naitulong nila sa iyo?

  3. Paano mo sila mapasasalamatan?

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!

Check it here to learn more: https://lddy.no/8varF

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and pro tomos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @ChinkeeTan

The post THE PEOPLE AROUND US appeared first on Chinkee Tan.

Happy New Year: Reflect, Refresh, Recommit

$
0
0

Happy New Year, mga Ka-Chink! Kumusta ang media noche ninyo? May natira pa ba? Baka naman!

New year na! Sigurado naiisip mo na rin magpaka-‘new you’. Pero syempre, hindi mo naman pwedeng baguhin lahat ngayong new year. Instead of a ‘new you’ mas applicable na gawin itong ‘fresh start’. So, paano nga ba?

REFLECT

Think about all the achievements and milestones you’ve had in the past year. Hindi naman kailangang award-winning ang mga ito. Kasama na pati mga makahulugang bagay na nangyari. Gaya ng pagtigil mo sa mga bisyo, pagdami ng orders sa business mo, at mga masasayang moments mo with your family.

Magpasalamat sa Diyos at i-congratulate mo ang iyong sarili sa lahat ng magandang nangyari sa nakaraang taon.

Itatak natin sa ating isip na ang susunod na taon ay magiging mas masaya at makahulugan.

Part din ng reflection ay ang pagtukoy sa mga mistakes and failures natin. Mahalagang i-acknowledge natin sa ating mga sarili ang ating mga kamalian, magpatawad sa mga taong nasaktan, patawarin ang mga taong nanakit sa atin, at dalhin ang mga lessons na natutunan sa susunod na taon.

REFRESH

Kung may mga hindi magandang habit ka, ito na ulit ang pagkakataon para baguhin ang mga iyon. Slowly let go of those habits and vices.

Refresh yourself beautifully. Magpa-salon ka, bumili ka ng bagong damit at mga gamit. Mag-enroll sa mga workshops, umattend ng seminars. Mag-travel. Ngayon taon, gawin nating goal ang hindi paggastos sa mga bagay na hindi nakatutulong sa pag-unlad natin. Nang sa gayon, magkaroon tayo ng ipon para sa mga bagay na makakapagpa-relax sa atin, at makakapag-improve ng mga sarili nating kaisipan at katawan.

RECOMMIT

Once we are done reflecting our achievements, mistakes, failures, we should then commit ourselves into improving or changing them.

Mag-set ng mga goals ngayon taon. Hindi kailangang goals para sa ibang tao, kundi goals para sa sarili natin mismo.

Also, let us commit ourselves into developing relationships with positive people. Yung mga tao na kapareho natin ng mindset o yung mga tao na may mas mabuting mindset na makatutulong sa atin na maging mas mabuti. Iwasan ang mga toxic at negative na tao ngayong taon!

Maging realistic lang din tayo sa mga goals na gusto nating i-set ngayong taon. Again, hindi kailangang award-winning ang mga ito. Basta makahulugan, magpapasaya, magpapabuti sa atin.

“Let’s have a fresh start this new year. Step-by-step ay gawin nating mas meaningful at worthwhile ang panibagong taon na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang mga lessons sa buhay na natutunan sa nagdaang taon?
  2. Ano ang mga resolutions at goals mo ngayong bagong taon?
  3. Paano mo maa-achieve ang resolutions at goals mo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: Chinkee Tan

YouTube channel: Chink Positive

Instagram: @ChinkeeTan

The post Happy New Year: Reflect, Refresh, Recommit appeared first on Chinkee Tan.

ANG ATING PAMILYA

$
0
0

Kumusta ang inyong pasko at bagong taon, mga KaChink? Sana naging masaya ang inyong celebration. Ngayong bagong taon, ano naman ang mga goals ninyo?

Siguro hindi rin naman mawawala ang road to success na gusto nating ma-achieve sa buhay natin. Pero huwag din nating kalimutan ang mga taong mahal natin.

MAGULANG AT KAPATID

Nakakapag-usap pa ba kayo o nakukumusta n’yo rin ba ang kanilang sitwasyon? Mahalaga rin na alam din natin kung ano ang kaganapan sa kanila.

Make time with our parents. Lalo na kung medyo may edad na rin ang ating mga magulang. Mas magiging masaya rin sila kung naaalala natin sila from time to time.

At syempre kumustahin din natin ang ating mga kapatid kung maayos din ba ang kanilang kalagayan sa buhay at makipagkwentuhan tungkol sa iba’t ibang mga bagay.

ASAWA AT ANAK

Syempre mahalaga rin na may oras tayo sa ating asawa at anak. Lalo na sa anak natin kung lumalaki na sila at nagkakaroon na ng mas malaking group of friends.

Ngayong holiday season, bigyan din natin ng oras ang pakikipagkwentuhan sa kanila dahil sa pasukan, parehong hati na rin ang mga oras natin.

Give extra time to your spouse. Deserve n’yo rin na magkaroon ng oras sa isa’t isa at pagplanuhan ang mga gusto ninyo sa darating na taon.

LOLO AT LOLA

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng extended family kaya naman maraming lolo at lola ang close din sa kanilang mga apo.

Bigyan din natin ng panahon ang ating mga lolo at lola. Marami rin tayong wisdom na mapupulot mula sa kanilang karanasan at mga kakaibang kwento na malalaman natin.

Kaya ngayong bagong taon, bigyan natin ng panahon at oras ang ating pamilya dahil sila ay biyaya ng Panginoon sa atin.

Hindi lamang pera ang dapat nating ipunin. Mahalagarin ang mga taong nagmamahal sa atin.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Sinu-sino ang mga taong mahalaga sa iyo?
  2. Paano mo binabahagi ang iyong panahon sa kanila?
  3. Anu-ano ang mga bonding activities ninyo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here to learn more :https://lddy.no/8vdb

The post ANG ATING PAMILYA appeared first on Chinkee Tan.


KEEP IT

$
0
0

Minsan ba nasabi n’yo na sa sarili n’yo na kaya wala kayong naiipon kasi maliit ang kinikita n’yo?

Pero bakit noong lumaki na ang kita eh wala pa ring ipon?
Bakit nga ba?

Mga ka-Chink, let me share with you some practices that I do to monitor and maintain my finances.

KEEP TRACK OF YOUR INCOME

Mahalaga na alam natin kung magkano ang ating kinikita buwan-buwan para alam din natin kung magkano lang ang expenses na maaari nating gawin.

Hindi pwede na isipin lang natin na may paparating naman na sweldo kaya ok lang… gastos lang!

Pero paano kung magkaroon ng emergency? Kaya kailangan din ay mayroon tayong different sources of income. Para mayroon tayong mga options kung saan din natin maaaring mailagay ito.

KEEP TRACK OF YOUR DUE DATE AND EXPENSES

Mga ka-Chink, I am encouraging all of you to always take note of your due dates. Mas maganda kung may reminder kayo kung kailan ang bayarin ng mga ito.

Para hindi magkaroon ng overdue or interest lalo na kung gumamit kayo ng credit card. Naku sobra-sobra ang patong kapag nag-overdue or kung minimum lang ang babayaran natin.

Kaya naman make sure to make good debt and if you have one, bayaran na ito in full cash para walang interest.

HAVE A STRONG FINANCIAL DISCIPLINE

This is very important. Kahit sabihin natin na ang laki ng sweldo natin, ang dami nating sources of income, may ipon tayo… pero kung wala naman tayong financial discipline, naku! Wala rin.

Kung madali tayong matukso sa sale, sa mga promo, sa mga offer ng mga tao sa paligid sa atin, mababalewala rin ang mga ipon natin.

Learn to say no lalo na kung hindi naman talaga natin kailangan. We should be very mindful in making decisions especially if we have our goal.

“Dapat malinaw sa ating isipan kung ano ang gusto natin
para nakaayon dito ang ating mga desisyon at gagawin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pinagkukuhanan ninyo ng income?
  • Paano mo napapaalalahanan ang iyong sarili sa mga due dates and expenses mo?
  • Gaano katibay ang iyong financial discipline?

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post KEEP IT appeared first on Chinkee Tan.

ANG ATING PAMILYA

$
0
0

Kumusta ang inyong pasko at bagong taon, mga KaChink? Sana naging masaya ang inyong celebration. Ngayong bagong taon, ano naman ang mga goals ninyo?

Siguro hindi rin naman mawawala ang road to success na gusto nating ma-achieve sa buhay natin. Pero huwag din nating kalimutan ang mga taong mahal natin.

MAGULANG AT KAPATID

Nakakapag-usap pa ba kayo o nakukumusta n’yo rin ba ang kanilang sitwasyon? Mahalaga rin na alam din natin kung ano ang kaganapan sa kanila.

Make time with our parents. Lalo na kung medyo may edad na rin ang ating mga magulang. Mas magiging masaya rin sila kung naaalala natin sila from time to time.

At syempre kumustahin din natin ang ating mga kapatid kung maayos din ba ang kanilang kalagayan sa buhay at makipagkwentuhan tungkol sa iba’t ibang mga bagay.

ASAWA AT ANAK

Syempre mahalaga rin na may oras tayo sa ating asawa at anak. Lalo na sa anak natin kung lumalaki na sila at nagkakaroon na ng mas malaking group of friends.

Ngayong holiday season, bigyan din natin ng oras ang pakikipagkwentuhan sa kanila dahil sa pasukan, parehong hati na rin ang mga oras natin.

Give extra time to your spouse. Deserve n’yo rin na magkaroon ng oras sa isa’t isa at pagplanuhan ang mga gusto ninyo sa darating na taon.

LOLO AT LOLA

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng extended family kaya naman maraming lolo at lola ang close din sa kanilang mga apo.

Bigyan din natin ng panahon ang ating mga lolo at lola. Marami rin tayong wisdom na mapupulot mula sa kanilang karanasan at mga kakaibang kwento na malalaman natin.

Kaya ngayong bagong taon, bigyan natin ng panahon at oras ang ating pamilya dahil sila ay biyaya ng Panginoon sa atin.

Hindi lamang pera ang dapat nating ipunin. Mahalagarin ang mga taong nagmamahal sa atin.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Sinu-sino ang mga taong mahalaga sa iyo?
  2. Paano mo binabahagi ang iyong panahon sa kanila?
  3. Anu-ano ang mga bonding activities ninyo?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here to learn more :https://lddy.no/8vdb

The post ANG ATING PAMILYA appeared first on Chinkee Tan.

OUCH! SAKIT AH!

$
0
0

Kapag nasabi mo na, mahirap nang bawiin.Kaya hinay-hinay din sa bugso ng damdamin.

 

Sa buhay natin hindi naman talaga maiiwasan ang stress at mga bagay na talagang magpapainit ng ulo natin. Kaya naman tayo na mismo ang dapat magpakalma sa sarili natin.

Mahirap kasi kapag galit tayo at may masabi tayo sa iba. Minsan hindi na natin ito mababawi kaya sana sa panahon na ito ay makapagnilay tayo at iwasan ang mga ito.

COMPARING WITH OTHERS

“Alam mo parang kang si ____. Hindi rin kita maintindihan.”

“Buti pa nga si ____ mas magaling.”

“Bakit hindi mo gayahin si ____. Ang layo na nang narating.”

Mga KaChink, kapag nasabi na kasi natin ang mga ganitong salita, lalo lang natin nasasaktan ang kanilang damdamin. Kahit sabihin pa natin na yun ang totoo sa pananaw natin.

Hindi gantihan ang solusyon sa isang problema. Kung nasaktan nila tayo, hindi rin naman tama na ibalik natin sa kanila dahil hindi matatapos ang problema kapag ganun.

SAYING BAD WORDS

Ito talaga mga Ka-Chink, never say any bad words to someone. Naku I’m telling you, iba ang effect nito sa atin. Sa image natin at sa buong pagkatao natin.

Saying bad words to someone is like cursing them. Para sa akin kung talagang hindi maayos na tao ang kausap natin, iwasan na lang natin at ipagdasal din natin na protektahan tayo ng Panginoon.

Kasi may mga pagkakataon talaga na mahirap magpigil. Kaya dapat, may paninindigan din tayo para sa sarili natin.

TELLING YOUR CONSTRUCTIVE CRITICISM 

Marami na ang gumagamit ng salitang ito. Mga opinyon natin na patungkol sa ibang tao.

Siguro gawin na lang nating simple. Ano ba ang goal o ang purpose mo kung bakit mo ito sasabihin? Alam kong may karapatan at malaya tayo na magbigay ng opinyon sa iba. Ngunit dapat din nating isipin kung ano ang maidudulot nito.

Maganda ba ang intensyon mo o gusto mo lang makisali? Huwag magpadala sa sinasabi ng iba, dahil ang bawat lumalabas na salita mula sa ‘yo ay sumasalamin sa iyong pagkatao.

“Kapag nasabi mo na, mahirap nang bawiin.

Kaya hinay-hinay din sa bugso ng damdamin.”

– Chinkee Tan

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga masasakit na salita ang natanggap mo mula sa ibang tao?
  2. Paano mo pinipigilan ang iyong damdamin upang makasakit sa iba?
  3. Sinu-sino ang mga taong makabubuti at maganda ang impluwensya sa iyo?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

 

The post OUCH! SAKIT AH! appeared first on Chinkee Tan.

BAGONG TAON, BAGONG BUHAY

$
0
0

Taon-taon ginagawa natin ang New Year's Resolution, Pero ang tanong, nagagawa ba ito o lagi lang nasa imahinasyon?

Kumusta na mga Ka-Iponaryo!

Maraming nangyari ng 2019 at marami rin tayong gustong magawa ngayong 2020.

Kaya naman simulan na nating isulat ang mga dapat nating baguhin at kailangan nating i-develop sa sarili natin para mas maging makabuluhan ang ating 2020.

Kailangan simulan natin sa ating

ISIPAN

Ano ba ang mindset mo sa bagong taon na ito?

Minsan sa dami ng mga pinagdaanan natin sa buhay, nakalilimutan nating we are still blessed.

Kaya naman isang hamon para sa ating lahat na panatilihing healthy ang ating isipan. Let us surround ourselves with positive people.

Iwasan na rin natin ang kapapanood ng mga hindi namang makabuluhang bagay at maaaring makasayang lang ng oras natin. Gamitin natin ang ating oras sa mas produktibong gawain.

Mahalaga rin na pinapahalagahan natin ang ating

SALITA

Puro reklamo na ba tayo sa buhay? Pakiramdam mo rin ba na parang wala namang nangyayari sa buhay?

Pakinggan din natin ang ating mga sinasabi. Meaning, magnilay din tayo sa mga sinasabi natin sa ibang mga tao. Baka naman puro paninira ang nasasabi mo.

Malamang marami tao na rin ang hindi na natutuwa sa naririnig  nila. Kaya naman, gawin nating habit ang pagbabasa ng mga libro na may magagandang aral.

Higit sa lahat, mahalaga rin ang ating

GAWA

Kahit anong isip natin, plano natin, sabi natin, kung hindi naman tayo gagalaw o kikilos, balewala na rin ang ating mga new year’s resolution.

Hindi lamang tuwing January dapat natin ito gawin. Kailangan na maging consistent tayo para matupad ang pangarap natin. Tuloy-tuloy tayo hanggang makamit ang ating goal.

Kaya ikaw nasimulan mo na ba ang new year’s resolution mo?

“Taon-taon ginagawa natin ang New Year’s Resolution, Pero ang tanong, nagagawa ba ito o lagi lang nasa imahinasyon?”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga new year’s resolutions mo?
  2. Paano mo ito magagawa ngayong 2020?
  3. Sinu-sino ang mga inspirasyon mo parang matupad ang mga goals mo ngayong taon?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Piso Planner Promo is EXTENDED until Jan 15, 2020!

This is the best time to Grab your copies. Click here: http://bit.ly/34x6Lzh

For every purchase of CHINK+ PISO PLANNER, we will be giving a FREE copy of the following books:

DIARY OF A PULUBI

MY IPON DIARY

MY BADYET DIARY

MY UTANG-FREE DIARY

Instead of putting out P1,099 for the value of the Planner and 4 books, you only need to put out P499 + 100 Shipping Fee! Get your copies now!

The post BAGONG TAON, BAGONG BUHAY appeared first on Chinkee Tan.

FIT IN

$
0
0

January 13, 2020 | Kung talagang gusto mo ng pagbabago, huwag mong antayin na sila ang mag-adjust sa 'yo

Naranasan mo na ba na parang hindi ka na masaya sa ginagawa mo? O pakiramdam mo nawawala na yung worth or yung purpose mo?

Marami na rin akong nakausap at humingi ng advice sa ‘kin dahil nawawalan na ng gana sa ginagawa nila or in other words, demotivated na.

Here are some ways that can help you focus on your goal and be more determined to make it happen.

DETERMINE THE PROBLEM

Alam n’yo mga KaChink, kahit maraming solusyon sa mundo, kung hindi naman pala yun ang problema, wala ring mangyayari.

Parang nagbigay tayo ng gamot sa ubo sa isang tao pero ang sakit pala n’ya is muscle pain. Oh ‘di ba? Ano sa tingin n’yo ang mangyayari? Hindi ba nagsayang lang tayo ng oras at pera?

That is why it is very important to know the root cause of the problem. Bakit ba hindi ka na masaya? Bakit ba demotivated ka na? Ano ang pinagsimulan nito?

Then after we determine the problem, we

MAKE AN ACTION PLAN

Hindi lang basta plan, kundi action plan. Meaning doable ang plan natin hindi yung pang-drawing lang. Haha!

Tingnan natin kung may ibang route pa ba? O kaya may mas mabilis na paraan. Hindi lang dapat may solusyon, dapat updated na rin. Kumbaga sa cellphone, upgraded.

Baka kaya ka super stressed out na kasi lumang sistema pa rin ang ginagalawan mo samantala ang ibang mga tao, nag-improve na, so learn to adjust in your surroundings.

And lastly,

DO IT ONE A TIME

Kahit sobrang dami mong problema, kung sabay-sabay mong iisipin, baka at the end of the day wala ka pa ring nagagawa o natatapos kasi lahat hawak mo.

Parang kamay lang natin yan, kung lahat dadalhin natin, mayroon tayong mahuhulog na bagay, kaya mas mabuting dalhin yung kaya natin, at balikan na lang ang iba.

That is why it is important that we also know how to prioritize our tasks and plans. Huwag nating isisi sa iba kung anuman ang nangyayari sa buhay natin dahil

“Kung talagang gusto mo ng pagbabago, huwag mong antayin na sila ang mag-adjust sa ‘yo.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga problema na dapat mong solusyunan?
  2. Paano mo mas mapagagaan ang mga plano mo?
  3. Saan mo nakikita ang sarili mo 5-10 years from now?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Promo is EXTENDED until Jan 15, 2020!

This is the best time to Grab your copies. Click here: http://bit.ly/34x6Lzh

For every purchase of CHINK+ PISO PLANNER, we will be giving a FREE copy of the following books:

DIARY OF A PULUBI

MY IPON DIARY

MY BADYET DIARY

MY UTANG-FREE DIARY

Instead of putting out P1,099 for the value of the Planner and 4 books, you only need to put out P499 + 100 Shipping Fee! Get your copies now!

The post FIT IN appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live